Tuesday, November 6, 2012

I Regret. by Eunice


Brian
Lina

I Regret.


“I’ve just realized that the most painful thing on earth is to feel regret. Lalo na kung wala ka na talagang magagawa para mabawi yung pagsisising iyon.” - Brian

Last 10 regular days ng klase namin and the week after next, practice na lang for graduation. Hay, ang bilis. Ngayon, parang ayoko pa matapos ang high school.

Ako nga pala si Brian, isang fourth year high school student. I’m just an ordinary student. Walang kakaiba sakin. Hm, well siguro bukod sa pagiging isang nerd?

Papunta nga pala ko sa locker room ngayon. Mag-uuwi na kasi ako ng mga libro dahil hell week na ang last two ordinary weeks ng high school namin. Panay quizzes na kasi ang mga teachers.

“Hi, best! Mag-uuwi ka na din ba ng mga libro?”

“Eh, ano pa nga ba?”

Siya ang best friend ko, Si Lina. Nagtataka nga ako paano ko nagawang magkabest friend ng isang magandang tulad niya. Well, best friends na din kasi kami since elementary pa. Marami ngang nanliligaw diyan,eh pero siempre dadaan muna sila sakin at sa kasamaang palad, eh walang nagtagal manligaw sa kanya.

Pagbukas ko ng locker ko, aba may nahulog na letter.

“Woah! Iba ka na best,ah. May secret admirer ka na din. Pabasa nga!”

“May nahulog lang na letter, may secret admirer agad? Malay mo may nagkamali lang ng lagay.”

“Oh. Kung ako sayo,i-treasure mo dahil iyan ang kauna-unahang love letter na natanggap mo.” Sabi niya sabay bigay sakin nung letter pero di niya din binasa.

“Bye, best. May date pa ko,eh ;) Ingat sa pag-uwi!” at bigla na lang siyang nawala sa paningin ko. Oo, nakikipag-date iyan kahit wala siyang boy friend.

1st:
Dear Brian, From now on, you’ll be receiving 10 letters from me, isa kada araw ;). Basahin mo ah

Hm. Ano kaya yun? Hayaan ko na nga lang ito. Bahala siya, wala naman akong pakialam sa kanya. Hindi ko naman siya kilala,eh. Masundo na nga lang si Liza, yung girl friend ko. Aba, siempre kahit isa kong nerd, may girl friend din ako no? At siyempre di ko magiging girl friend si Liza kundi din dahil kay best. Kaya love na love ko si best eh ^__^

2 years na din kami ni Liza nu. And I’m very thankful na tumagal kami ng ganito. Masaya ko tuwing kasama ko siya pero hindi tulad ng nararamdaman kong saya tuwing kasama ko si best.

Share ko lang secret ko, na naishare ko na din sa best ko. Maaaring magaling ako pagdating sa academics, pero pagdating sa mga ganitong bagay, hirap akong mag-analyze.

Binatukan lang ako ni best at sinabihang baliw nung shinare ko sa kanya iyan. Hay.


2nd:
Dear Brian, Mahal mo ba talaga girl friend mo? Kasi, kung hindi pakiusap ko lang. Would you glance at me at least just once?

Masyado namang paki-alamera itong letter sender na ito. Teka, sino ba kasi siya? At bakit ko naman siya lilingunin >< Alam naman pala niyang may girl friend ako. Kapal din naman ng mukha para tanungin kung mahal ko ba talaga ang sarili kong girl friend.

And this was just an ordinary day. Pansin ko, nagiging busy na din talaga kami. May kanya kanya kaming ginagawa. Wala na tuloy kaming time ni Best magkuwentuhan. Buti na lang andiyan yun girl friend ko na kahit busy, andiyan pa rin

Nag-date lang kami then hinatid ko na din siya sa kanila. And for the very first time, I kissed her on her lips. Yeah, first time sa loob ng 2 years.

Kinabukasan, paglabas ko ng gate, nakita ko si Best. Aba, sinundo ako?

“Yo. Best! Bakit mo naman naisipang sunduin ako?” 

“Wala lang! Feel ko lang :P”

At naglakad na kami papunta ng school, actually kasi walking distance lang talaga siya mula sa amin.

“Best, you kissed her na balita ko. Sa wakas, naging totoong lalaki ka na din. Congrats!” Ang bilis naman niya malaman. Eh, sabagay pinsan niya kasi si Liza and close din sila talaga.

“Ah. E-eh. Bilis ng balita ah. Nakarating agad sayo?“

“Of course naman yes! Ako pa! Mabilis talaga ko makasagap, lakas ng signal ko, eh ^______^”  Hay. Iyan na naman iyang ngiting iyan. >< Lagi na lang akong may weird na nararamdaman tuwing ngumingiti siya.

3rd:
Dear Brian, Sayang di na ako ang first kiss mo pero asahan mong ikaw pa rin ang magiging first kiss ko

Creepy, huh? Nababaliw na yata itong kung sinuman ito. At ang bilis ng balita, ah? Pati sa kanya nakarating na din. Hm, di na ko magtataka. Marami kasi talagang chismosa sa school.

Naka-perfect ako sa MATH! Haha. Well, ano pa nga bang aasahan sa isang nerd na tulad ko :P Mahangin ba ? Oops. Sorry !

Siyempre, kanino ko pa ba unang ibabalita ito kundi kay best ^^ . Babalik na ko sa class room. Well, nasa CR kasi ako, gusto ko kasing ilabas itong sayang nararamdaman ko na ayaw kong ipakita sa klase dahil baka sabihan pa nila kong mayabang.

Nasa pinto pa lang ako ng class room namin ng marinig ko ang hiyawan ng mga kaklase ko.

Isa sa mga kaklase naming lalaki, may hawak na isang bouquet ng rosas at sinasabing … Mahal niya si Best. Iyong lalaking iyon, matagal na ding crush yun ni Best. Siguro nagdidiwang na iyan sa loob-loob niya.

Pumasok na rin ako sa room, di naman nila ko mapapansin dahil di din naman talaga ko kapansin-pansin sa klase.

Nagulat na lang ako ng hatakin ako sa wrist ko ni Lina at dalhin sa garden ng school namin.

“Best.. nagtapat na siya sakin… dapat ko na ba siyang sagutin? Ang totoo niyan, matagal na din siyang nanliligaw sakin. Sorry, di ko nasabi sayo dahil alam ko namang di mo ko papayagan magpaligaw. Pero di na siya nagpapigil, ayaw na daw niya itago yung nararamdaman niya sakin. Kaya ayun, kaya nangyari yung kanina..”

“Best. Sa totoo lang, ikaw naman ang dapat magdesisyon niyan para sa sarili mo,eh. Sorry kung naging over-protective ako bilang best friend mo. Simula ngayon, suportahan na lang kita kung saan ka masaya ^___^” What a fake smile -_____-
“Thank you, Best!” sabi niya sabay yakap sakin.

4th:
Dear Brian, di talaga kita mabasa. Ang hirap hirap mong basahin. >< I’m so confused na tuloy pero asahan mo, ikaw pa rin naman ang mahal ko kahit na hindi mo ko mahal.

Grabe na talaga itong nagsesend ng letter sakin. Kinikilabutan na tuloy ako >__< feeling ko may stalker na ko.

Sabado na ngayon. Sa wakas, ngayon at bukas.. wala kong mababasang creepy letters mula sa locker ko. Whew. Mag-aaral na lang ako dahil di na ako makakapag-aral bukas dahil may date kami ni Liza

Simula nung halikan ko siya, naging mas sweet siya sakin. Hay, ganyan ba talaga ang mga babae? Kinikilig na over such a thing? Pero I know, I must be feeling that way too pero bakit hindi?


5th:
Dear Brian, how’s your weekend? For sure, nakipagdate ka sa girl friend mo. Anyways, ngayon may sasabihin akong secret sayo… gusto kong malaman mo na I may be living for less than 3 weeks na lang.

What the? Ano ba talagang gustong mangyari nitong letter sender na ito. Habang tumatagal, mas lalo kong kinikilabutan,eh. Psh, never mind na lang.

Pupunta ko kina Best ngayon and niyaya ko din si Liza. Mag-rereview kami kailangan daw ni Best ang tulong ko,eh. Taka, sinagot na kaya niya yung manliligaw niya? Di na nagkukuwento sakin si Best ah :/ Maitanong na nga lang mamaya.

Habang nagrereview kami, tinanong ko na. “Best, sinagot mo na ba siya? Si Leo?”

Nagulat siya then she suddenly smiled. “Yep.”

Ang weird na naman, may parang bigla kasing sumakit sa puso ko. Pero di ko pinahalata.

“Congrats, Best.” Sabi ko na lang at ipinagpatuloy na namin ang pagrereview.

After ng review, hinatid ko na din sa bahay nila si Liza. Naglalakad na kami palayo sa bahay nang, makarinig kami ng balibag mula sa 2nd floor ng bahay ni Best. Oo, rinig pa namin kahit medyo malayo na kami. Tahimik lang kasi sa subdivision namin. Babalik sana ko sa bahay nila Best, kaya lang pinigilan ako ni Liza.

“Brian, everything’s okay so don’t worry. Tara, hatid mo na ko sa amin.”

6th:
Dear Brian, natatakot ako na baka di na ko umabot sa 10th letter >__< Kaya kung puede sana, gusto ko nang magpakilala sayo. After class, sa school garden. I’ll be waiting for you.

Finally, naisipan na rin niyang magpakilala. And siguro napagod na rin siyang magsulat ng letter para sakin.

Humingi ako ng pasensya kay Liza na hindi ko siya maihahatid sa kanila ngayon. Naikwento ko na rin pala sa kanya yung about kay letter sender and di naman nagalit or nagtampo si Liza. Napaka-open minded talaga niya and understanding girl friend.

Pumunta na ko sa garden after class. Ang tagal ko ng naghihintay mga 30 minutes na din. Hay, inuubos ng isang iyon ang oras ko. Sana, hinatid ko na lang si Liza pauwi. Eh di sana di nasayang ang oras ko. Umalis na lang ako. Mukhang pinagtitripan lang yata ko nito at sumakay naman ako sa trip niya. Psh. -____-

7th:
Dear Brian, sorry kung di ako sumipot. Natatakot kasi ako na malaman mo kung sino ako. Tsaka, hindi ko kayang masaktan ka kaya na-realize kong mabuti pang wag mo na kong makilala. Ang assuming ko din eh, umaasa kong masasaktan ka kahit alam kong malabo din iyon mangyari.  

And here it goes, ang galing ng drama niya ah. Malapit na talaga kong mahulog sa trip niya. Pasalamat siya, nagagawa ko pa ding basahin letters niya. Psh. Three letters to go! Sige, sasakyan ko na trip mo pero wag mong asahan na tunay kitang paniniwalaan.

“Liza, nawe-weirduhan na talaga ko kung sinuman iyong taong nagsesend ng letter sakin. Ni hindi ko nga alam kung babae ito o hindi.” Pauwi kami ni Liza ngayon and kuwentuhan talaga kami habang pauwi while holding each other’s hands din.

“Brian, wag ka namang ganyan. Malay mo may pinagdadaanan lang talaga iyong tao. Alam mo ang pinaka-hate kong tao? Yung basta bastang nanghuhusga ng tao ng di naman niya lubusang kilala. Ang sama mo, Brian. Di ko akalain ganyan ka.“ Umiiyak pa siya nung sinabi niya iyan tapos tumakbo na rin siya pauwi.

Psh. What’s with that? Ako ba yung mali? Ako ba talaga? Oo sige na -________- Bukas na lang ako magsosorry.

Kinagabihan, tinetext ko na din sa Liza para mag-sorry pero walang reply >< tinatawagan ko na din pero nakapatay ang cell phone. Tumawag na din nga ako sa landline nila pero wala yatang nagbabalak sagutin yung telepono nila.

Hay. Ano ba talaga itong nagawa ko?

8th:
Dear Brian, sobrang naiinis ka na ba sakin? O naiirita? O nababanas? Ano bang tamang term? Pero, mas gugustuhin ko ngang ganyan na lang ang maramdaman mo kaysa makita kang nasasaktan. Kasi, mahal kita kaya okay lang ako na lang masaktan, wag lang ikaw. Assuming na naman ako, psh -_________-

Buti naman nakakaramdam na siya, Psh. Di ko na lang siya iintindihin. Ang mahalagang gawin ngayon ay ang suyuin si Liza.

Nag-skip ako sa last class namin para paghandaan ang gagawin ko for Liza. Haharanahin ko siya. Alam kong hindi gaano maganda boses ko lalo na pag kumakanta pero, gusto ko pa din gawin ito dahil ito lang naiisip kong paraan.

10 minutes bago matapos ang klase nila, naghihintay na ko sa may labas ng class room nila. Pero siyempre, nagtatago ako baka mamaya Makita pa ko ng teacher nila at ipadala ko sa Guidance dahil nag-cutting ako.

I started strumming the guitar pagkatapos tumunog nung bell na hudyat na tapos na lahat ng klase. Ginagawa ko iyon habang napasok sa room nila. Kinakanta ko na ngayon yung Out of My League.

After ko kumanta, nagspeech na ko.

“Liza, alam kong di kagandahan ang boses ko para kumanta pero ito lang kasi ang tanging paraan na naiisip ko para mapatawad mo ko. Gusto kong malaman na, matagal na kitang crush mula pa nung first year kaya naman sobrang saya ko nung nagkaroon ako ng lakas ng loob para ligawan kita nung 3rd year na tayo. Thanks to my best friend na pinsan mo din, dahil sa kanya nagkalakas ako ng loob. I really thought that you’re out of my league but then.. I realized na ang isang nerd na tulad ko, puwede din pa lang mahalin ng isang tulad mo.”

As I look at her while saying those words, di niya magawang tumingin sakin. Pero alam ko, umiiyak siya. Siguro na-touch? ;) Pero akala ko lang pala dahil di ko inaasahan nung tiningnan na rin niya ko straight from her eyes and said, “Sorry. Simula’t simula pa lang di naman talaga kita minahal. I’m s-sorry. Please, try to observe naman yung ibang tao sa paligid mo. May taong nagmamahal sayo ng totoo… maaaring hindi ako iyon pero, kung lilingon ka lang sa kanya kahit sandali lang alam kong, magagawa mo din marealize yung tunay mong nararamdaman para sa kanya na akala mo ay para sakin. I’m sorry, Brian. Let’s break up.”

Pagkatapos noon, naramdaman kong parang gumuho ang mundo ko. Bukod sa sakit na nararamdaman because of betrayal, napaisip din ako sa mga sinabi niya. Parang… somehow…it really makes sense. Parang alam ko yung gusto niyang iparating pero di ko maisip. Ang hina ko talaga pagdating sa mga ganito... >____

Then, suddenly naramdaman ko na lang na may tumutulo na din palang luha mula sa mga mata ko.

Biglang napasok sa isip ko, kailangan ko ang best friend ko ngayon.

Tinawagan ko si Best pero mukhang patay ang phone niya kaya pumunta na lang ako sa bahay nila pero sabi ng maid nila, wala siya, umalis daw >___< Hay. Siguro nakikipag-date lang iyon ngayon.  Aish. Kung kalian kailangang kailangan ko siya,eh.

9th:
Dear Brian, balita ko nag-break na kayo ng girl friend mo. Masakit ba? Sorry di kita magagawang i-comfort. Pero, advice ko lang. Kung mahal mo siya, bakit di mo na lang siya uli ligawan? Alam kong magagawa mo rin na magawang mahulog ang loob niya sayo. Aja! Kaya mo yan.

What’s with aja? Psh. Mukhang nang-aasar lang naman ito. Di bale, last one letter na lang and I’m free from this crap na. ^___^  Pero somehow, I like her advice. Pero mukhang di ko magagawa iyon nang walang tutulong sakin.. si Best kasi, eh >________

Hindi pumasok si Best ngayon and I don’t even know why. Tinanong ko yung boy friend niya and ang sabi, galing daw dito sa school kanina si Best. Hay >___< Nakakapantampo. Ni hindi man lang nagpakita sakin. Best friends pa ba kami? Parang ang layo na namin sa isa’t isa eh and i hate it just thinking about it, so paano pa kaya kung totoong magkalayo na kami? Di ko kakayanin. Si Best kasi ang pinakamahalagang tao sa buhay ko.

“O, wait Brian! Pinapasabi din niya na magkita kayo sa park mamayang 6pm.” Pahabol niya.

“Hm… buti naman \(*u*)/”

Dumaan muna ko sa locker ngayon and nahulog yun letter na naman -___- pero eto din yung kanina, kaya lang di ko nabasa yung part na ito.

Gusto ko ng magpakilala sayo. Kung okay lang, 6pm kita tayo sa park.

Psh. Bahala ka diyan. Magkikita kami ni Best. Di ko puwedeng ipagpalit si Best nu :P

Narito na ko sa park and nauna si Best.  Ay early bird talaga ito.

“Yo!” bati ko.

“Yo!” sabi niya sabay ngiti. Ang pinakamagandang ngiti na nakita ko sa buong buhay ko, sana forever ko nang nakikita yung ngiti niya.

“Alam mo best, nagtatampo ako sa’yo. Hindi na tayo masyado nagkikita.” >3

“Sus. Nagtampo pa siya. Alam mo namang love na love kita kaya wag ka na magtampo, Best.” Sana kahit minsan marinig kong kasunod ng love na love ay Brian na lang. Ayoko ng Best… weird.

“Okay, alam mo din namang love kita B-best eh.” Nautal tuloy ako -_____-

“Best, Thank you ha. Sa lahat-lahat. Ang tagal na rin pala natin magbest friends no? Whew! Sana forever na tayo magkasama hanggang sa tumanda tayo at magkaron ng sari-sariling pamilya. Gusto ko best friends pa rin tayo ah?”

“Oo naman, Best!”

Pagkasabi ko nun, nagulat na lang ako nung bigla siyang humawak sa chest niya… sa may puso niya… tapos pinagpapawisan na rin siya.

“Best? Best? Okay ka lang ba, Best?” Dinala ko siya agad agad sa ospital. Tumawag na din ako sa bahay nila upang ipaalam yung nangyari. Dumating agad ang parents ni Best. Sila lang ang kausap nung doctor, ayaw nila kong Isasi. Pinapalayo nila ko sa tuwing kausap nila yung doctor. Ang, weird . Hay, nag-aalala na ko sa best friend ko.”

Kinausap naman din ako ng parents ni Best. Ang sabi nila, okay lang daw si Best, mukhang nalipasan lang daw kasi ng gutom kaya biglang nahilo at sumikip ang dibdib.

Huh? Ang tagal nilang kausap yung doctor pero yun lang ang pinag-usapan nila?

Nagpaalam na rin lang ako sa kanila at umuwi. Wala pa ring malay si Best L

Tapos na ang exams! WOOH! And I’m confident na nagawa ko naman ang best ko para sa final exams. Kaya lang, nag-aalala ko kay Best kasi di siya nakakuha ng exam L

Muntik ko ng makalimutan. Ngayon ko na pala marereceive yun last letter.

At sakto, pagbukas ko ng locker nahulog agad ito.

The Last Letter:

Dear Brian,
                   
Pansin mo bang mahaba na itong letter na ito? Pero sana basahin mo pa rin ah? Last na naman, eh.

Una sa lahat, gusto kong malaman mong mahal kita at iyon ang dahilan kung bakit nagawa ko ang mga bagay na hindi ko akalaing magagawa ko nang di mo din nalalaman.

Grade 1 tayo nung makilala kita. Binu-bully ako ng mga kaklase natin noon at di ko akalaing ipagtatanggol mo ako. Ang saya saya ko nun kasi sa murang edad ay nagkaroon ako ng hero ^___^ Napansin ko din na isa ka din sa mga binubully nila kaya siguro naiintindihan mo ang sitwasyon ko kaya nagagawa mo kong ipagtanggol. But, siguro sayo maliit na bagay lang iyon pero para sa’kin, napakalaking bagay iyon. Iyon din ang naging simula ng friendship natin. Hanggang sa maging best friends na din tayo.

Dumaan ang ilang mga taon, ganun pa rin. Best friends pa rin tayo at gusto kong malaman mo na kahit mga ordinaryong araw lang ang mga iyon, para sa akin, hindi sila ordinaryo. Kasi, ang mga araw na iyon sa totoo lang ay napakahalaga sakin.

Nung high school na tayo, for the first time nagsabi ka ng secret sakin. Sabi mo, may crush ka kay Liza na nagkataong pinsan ko. Nung nalaman mo yun, agad-agad kang humingi ng tulong sakin para mapalapit ka sa kanya. At eto naman si ako, sinunod ka. Pero sorry hindi kasi kami talaga close ni Liza kaya natagalan bago ka maging close sa kanya. Kasi ako muna yung pumilit na maging close sa kanya. Then, nung 2nd year tayo, nagawa mo nang ligawan siya at naging kayo na nung 3rd year … masaya ako para sayo nun. Kasi, nagbunga lahat ng efforts natin para mapasagot mo lang siya. Masaya ko para sayo, oo. .. para sayo.

Pero natutuwa pa naman din ako na kahit naging kayo na, di ka pa rin nawalan ng time sakin. Kahit konti na lang ang time natin para sa isa’t isa, masaya na ko dun dahil kahit papano, di mo pa rin kinakalimutan ang best friend mo. Pero minsan syempre, di ko maiiwasang magselos o magtampo. Sorry for that.

Nung nalaman kong hinalikan mo siya, sobrang sakit ng dibdib ko. Higit pa sa sakit na sanay na kong maramdaman ko. Parang yung sakit na iyon kasi, hindi magagawang alisin ng kung anong gamot. Pero para sayo, pinili ko maging masaya. Para sayo...

Nililigawan na ko ni Leo. Nagulat talaga ko nung ipaalam niya sa buong klase iyon. Di ko kasi expected. Pero alam mo, ramdam kong mahal niya ko kahit na alam niyang iba ang mahal ko. Kaya naman nagalit ako sa kanya nun kasi alam naman niyang puede mo marinig yung sasabihin niya pero ang dahilan niya, wala ka naman daw kasi sa room noon and di niya rin expected na maririnig mo din pala. Hiningi ko ang permiso mo kung sasagutin ko na ba siya. Sabi mo, ako ang bahalang magdesisyon. Pero… nalungkot ako. Bakit… Bakit ayaw mo kong kontrahin dito tulad ng ginagawa mo sa iba ko pang mga manliligaw? Bakit hindi ka man lang nakaramdam ng sakit kahit konti? O nung sinabi kong sinagot ko na siya bakit parang okay lang sayo? Ang sakit.

Dumating din yung araw na nakipag-break sa iyo ang pinsan kong si Liza. I’m sorry. Ako ang may kasalanan, pinilit ko kasi siyang sagutin ka at sinabi ko sa kanyang magagawa ka din naman niyang mahalin. Ang dami ko pa ngang sinabing magagandang bagay tungkol sayo sa kanya, eh. Pero… up to now pala, hindi ka pa rin niyang nagagawang mahalin. Sorry sa ginawa ko, gusto ko lang naman maging masaya ka. Handa akong masaktan… Para sayo.

Kagabi, niyaya kitang lumabas. I’m sorry balak ko na sana sabihin itong lahat ng ito kaya lang wala kong lakas ng loob at napangunahan na naman ako ng sakit ko.

Oo, may sakit ako. At totoo yung sainabi ko sayong baka less than 3 weeks na lang ako mabubuhay. Sorry, nung nasa ospital ka, sinabi ko sa doctor na wag ipaalam sayo kung ano talagang kondisyon ko. I’m sorry.

Ngayon, sasabihin ko na, may sakit ako. Ooperahan na ko sa puso, siguro sa mga oras na ito,nakalipad na ang eroplanong sinasakyan namin ng parents ko. 50/50 ang chance na mabuhay pa ko. Sabi nila mommy at daddy, kailangan magpa-opera ko agad para di lumala pero sabi ko, kahit 2 weeks lang ang ibigay nila sakin please. Gusto ko lang malaman mo ang tunay kong nararamdaman para sayo…

Mahal kita, Brian. Mahal na mahal. Masakit isipin na best friend lang ang turing mo sakin pero… I’m not asking for you to love me too naman… sapat na siguro itong malaman mo ang nararamdaman ko.

Salamat sa lahat Brian, Mahal na mahal kita. Ito na nga ang huling sulat at baka ito na rin ang huling mensaheng matatanggap mo sa akin. Sa best friend mo. Sorry dahil di ko nagawang sabihin itong harap-harapan kasi, sabin ng doctor bawal daw ako makaramdam ng sobrang emosyon. Alam ko kasing magiging emosyonal talaga ko pag sinabi ko ito sayo sa personal. Sorry.

PS. Nabigay ko na sayo ang first kiss ko kaya sana pakaingatan mo. Sikreto kitang halikan nung parehas kayong nakatulog ni Liza sa pagrereview natin.

                                                                                                Love,
                                                                                                Lina, your best friend

Matapos kong basahin ito, dumirecho ko sa airport kahit alam kong wala na siya. Naka-alis na nga ang eroplanong sinakyan niya. Wala na… wala na… ang tanga tanga ko… Di ko man lang nasabing mahal ko din siya… sabagay sa sarili ko nga di ko nalaman… ang masabi pa kaya sa kanya?

Nagpa-book ako agad ng flight para puntahan siya. Pero huli na. Huling huli na ko. Wala na nga talaga… di niya nakaya ang operation… wala na … wala na siya…  




Nagsisisi ako dahil hindi ko inalam kung sino yung nagpapadala ng letter.

Nagsisisi ako dahil binalewala ko lang ang letter na iyon.

Naiinis ako sa sarili ko.

Nagsisisi ako dahil naging isa kong walang kuwentang best friend.

Nagsisisi ako dahil di ko agad naamin sa sarili ko na mahal ko siya.

Nagsisisi ako dahil nagpakamanhid ako sa tunay kong nararamdaman.

Nagsisisi ako dahil hindi ko nasabi sa kanya na mahal ko siya.










Nagsisisi ako. Sorry, Lina. I love you and I’m sorry.

No comments:

Post a Comment