Friday, November 23, 2012

FOUR CORNERS OF LOVE [Part 36-44]



Chapter 36

“Doc, magpapa-confine na po ako.“ 
Nandito na ko sa ospital ngayon. Tama kayo ng nabasa, magpapa-confine na nga ako.

Sinamahan ako ni Tita at sinabi niyang susuportahan niya din ako sa desisyon ko dahil iyong ang sa tingin ko ay tama.

“Good decisión, hija.” –Doc

--
Isang linggo na rin ako dito sa ospital.

Ang daming gamot na pinapainom sa’kin. Ang dami ding test na ginagawa.

Alam na rin ni Tito ni Evo ang tungkol sakin at naiintindihan niya ko sa desisyon ko.

Close na nga kami dahil din kay Tita, eh.

Ang dami din niyang kinukwento about kay Mama kaya nababawasan din ang pagkabored ko dito sa ospital.

Sina Eunice, Hya, Sahchi at Bridge, alam na din ang tungkol dito.

Dinadalaw rin nila ko dito madalas.

Ang kukulit nila, pinipilit nila kong sabihin na kay Evo pero lagi ko silang tinatanggihan.

Sabi pa ni Hya, kapag di ko pa sinabi kay Evo aagawin daw niya sakin iyon. HAHAHA! Adik eh, may Manesca na nga. Tss!

Pinapatawa ko lang kayo, baka naaawa na kayo sakin, eh.

Si Evo? Ayun. Sabi ni Bridge, wala daw ginawa kundi mag-aral.

Sabi niya pa, sabi din daw ni Evo sa kanya, naniniwala pa rin siyang may dahilan ako kung bakit ginagawa ko itong mga ito. Sabi pa daw, maghihintay daw siya kahit gaano pa katagal.

Hay, bakit ba kasi mahal na mahal ako ni Evo? Kung alam ko lang na mangyayari sakin ito, sana noon pa man, pinigilan ko na ang sarili ko na siya na mahalin niya ko. E di sana, hindi siya nasasaktan ngayon.

Selfish man sabihin pero parang gusto kong bawiin ang sinabi ko. Nagpapasalamat pa rin ako na minahal ako ng isang tulad niya at nagkaroon ako ng pagkakataon na mahalin siya.

Kaya lang, sana pa rin hindi na lang niya ko minahal. Sana nakuntento na lang ako na mahal ko siya.

Psh. Ang gulo ko no? Di kaya, may sayad na din ako? XDDD JOKE! Tawa kayo dali! Masyado na kasi tayong seryoso eh. :DD

Di pa nga din pala ko nakakapagdesisyon kung magpapa-opera ba ko o hindi.

Pero habang tumatagal, mas lalo na kong nanghihina kaya pinipilit na ko ng doctor na magpa-opera.

Si Ian, yung pinsan kong guapo? Tanda niyo pa ba? Yung jowa ni Sahchi. Oo, siya nga.

Alam din niya ang tungkol dito at nagvolunteer siya na siya na lang ang magdonate ng liver niya para sakin.

Kaya lang, nag-aalala ko. Paano kapag hindi naging successful?

Suggestión din ni Doc, na sa Taiwán ako magpa-opera.

Naku, gusto nga sumama nina Eunice at Hya. Manghuhunting daw sila ng gwapooo. Adik talaga. Hahahah!

Pero, hindi pa rin talaga ko makapagdesisyon, eh.

Naglilibot-libot ako ngayon dito sa hospital sakay sa aking wheelchair. Wala pang dumadalaw sakin eh T^T Haha, hindi joke lang. Kasi ano, busy pa sila ngayon. May pasok kaya. Y’know! XD

“Miss, Excuse me…” sabi ng nurse. Hehehe. Sorry naman, di ko napansing nakaharang na ko sa daan.

Tulak-tulak naman ni Ms. Nurse yung wheelchair ni Lolo.

“Sorry po.” Sabi ko sabay bow. Haha. Feeling Korean, eh? :D tapos tinabi ko na din sarili ko.

“Okay lang, apo.” Sabi ni Lolo tapos tinignan ako.

Nginitian ko lang siya.

“Wala ka bang ginagawa ngayon, apo? Puede bang samahan mo muna ko sa kwarto ko? Wala pa kasi yung mga apo ko, eh.”

“Ah sige sige po! Sureness ^___^”

Ayun, dito na kami sa kwarto ni Lolo ^___^ Ang ganda nga ng view dito eh, nakatanaw lang ako ngayon sa glass window habang inaayos ni Ms. Nurse yung bed ni Lolo para makahiga na din ito.

Pagkatapos, nahiga na si Lolo. YEY! ^___^

“Apo, halika dito.” Lumapit na din ako kay Lolo.

“Ano’ng ginagawa mo dito sa hospital , hija? I mean, ano’ng sakit mo? Gusto kong tanungin kung di mo mamasamain?”

“Ah, okay lang po. Wilson’s disease po sakit ko.”

“Oh, eh bakit andito ka pa? Hindi ka pa ba na-o-operahan?”


“Hindi pa po ako nakakapagdesiyon, eh.”

“Bakit naman?” Dami namang tanong ni Lolo. Hehehe. Pero sige, ikukuwento ko kay Lolo. Di ko alam pero, feeling ko makakatulong si Lolo sakin.

“Kasi po, natatakot ako. Paano na lang po kung hindi naging successful ang operation? Isa pa po, natatakot akong iwan ng tuluyan yung taong mahal ko.”

Bigla na lang ngumiti si Lolo. Hala?? xD

“Halika dito, hija. Lumapit ka pa.” Kaya ayun, luampit pa ko kay Lolo tapos bigla niyang hinawakan ang kamay ko.

“Apo, mahal mo ba talaga siya?”

“Opo, mahal na mahal po.”

“Kung gano’n, kaya mo ginagawa iyan dahil ayaw mo siyang masaktan di ba?”

“Opo.” Bakit parang naiintindihan ako ni Lolo ng sobra?

Biglang tumingin si Lolo sa direksyon ng glass window kung saan naroon ang magandang view. Makikita ang kulay asul na kalangitan. Mga ibong nagsisiliparan sa himpapawid. Mga punong tila sumasayaw dahil sa pagsunod ng mga ito sa direksyon ng hangin. Matatanaw rin ang ilang kabundukan.

“Apo, ang ganda ng mundo hindi ba? Magagawa mo bang iwan ang mundong ito? Ang mundo kung saan narito rin ang taong mahal mo?” sabi ni Lolo habang nakatingin pa rin sa labas. Maya-maya pa ay, napansin kong may mga luha nang tumutulo mula sa mga mata niya.

Tama si Lolo. Ang ganda nga ng mundo. Bakit ngayon ko lang napansin? Tama, hindi ko magagawang iwan si Evo sa mundong ito.

“Lina, mahal na mahal pa rin kita.” Eh? Sino naman kaya si Lina?

“S-sino po si Lina? Tsaka bakit po kayo umiiyak? Naku, may nasabi po ba kong mali?” pagtatanong ko na may halong pag-aalala.

Tumingin na sakin si Lolo. “Apo, kailangan mong gawin ang tama. Huwag mo hayaan pangunahan ka ng takot. Mahal mo siya hindi ba? Kung ganoon, kailangan mong maging matapang. Alam mong masasaktan siya ng sobra sobra kapag iniwan mo ang mundong ito hindi ba? Apo, gawin mo ang tama.“





Huwag kong hayaan na pangunahan ako ng takot?







Kailangan kong maging matapang?








Gawin ko ang tama?









Maya-maya pa ay biglang nawalan ng malay si Lolo.

Agad-agad akong tumawag ng Nurse at agad itong tumawag ng doctor.

Naging okay na naman si Lolo. At ipinakiusapan ako ng nurse at doctor na hayaan muna siyang magpahinga.

Ngayon, binabantayan ko si Lolo habang natutulog siya.

Maya-maya pa ay dumating ang isang babae na mga nasa edad na 25 siguro?

May kasama itong batang lalaki. Anak yata nito.

“Naku, ikaw ba ang nagbabantay kay Papa? Salamat ha. Kung wala ka dito, malamang hindi agad maililigtas ng mga doctor at nurse si Papa kanina. Tumawag kasi sila at sinabi nga ang tungkol sa nangyari kanina.“ Sobrang sincere niya habang sinasabi niya sa akin iyon. Mukhang mahal na mahal talaga niya ang ama niya.

“Uhm, walang anuman : )”


Biglang nagmano sakin si anak niya. Ang cute nga eh ^___^

“Anak, matulog ka muna sa sofa. Behave muna, ah.” Sinunod naman siya ng anak niya.

Tapos,kumuha siya ng monoblock at tumabi sakin.

“Hm, puwede bang malaman ang pangalan mo?” tanong niya sakin habang nakangiti at sabay alok ng kamay niya sakin. Ang ganda niya. Medyo singkit ang mga mata, rosy cheeks, mapupula ang labi.

“Ako si Ces. Hm , ikaw?” sabi ko sabay tanggap ng kamay niya.

“Ako si Lina.” Sabi niya at nag-shake hands na kami.

Lina? So siya pala si Lina?

“Nabanggit sayo ni Papa ang pangalan na Lina kanina, tama ba?”

“Ah, oo eh. Hehe.”

“Inaasahan ko na iyan. Pero hindi ako ang tinutukoy ni Papa.”

Eh? Hindi siya?

“Pinangalan lang sakin ni Papa ang pangalan ng First Love niya.”

Ah, kaya pala. First love kamo? Eh, ibig sabihin hindi yun name ng Nanay niya?

“Tama ka sa iniisip mo. First love niya, pero hindi nanay ko.”

Mind reader din siya? Aww. Namimiss ko na talaga si Evo.

Nagpatuloy siya sa pagkukuwento. “Pangalan ng First Love ni Papa ay Lina. Ako ang unang anak ni Papa at ang pinangalan nila sakin ni Mama ay Lina. Pinsan ni Mama si Lina. Nagtataka nga ako nung una kung bakit ni minsan ay hindi pinagselosan ni Mama yung pinsan niya eh. Eh panay Lina kasi ang bukambibig ni Papa, eh.” Tumawa siya ng kaunti. “Pero pinaliwanag naman sakin ni Mama kung bakit. Si Lina daw kasi ang dahilan din kung paano sila nagkakilala ni Papa. Si Lina daw ang naglapit ng loob nila ni Papa. Best friend din kasi ni Papa yung Lina. ”

“Let me guess, hmm mahal ni Papa mo ng sobra si Mama mo kaya humingi siya ng tulong kay Lina para magkalapit ang loob nila? And there! Naging happy ending sila. Hmm, pero bakit sabi mo si Lina ang first love ng Papa mo? Teka, parang ang gulo yata?”

“Ganito kasi yun. Na-late kasi marealize ni Papa na si Lina talaga ang mahal niya. Magbest friends sila ni Lina mula pa elementary. Siempre, best friends laging magkasama kahit saan, kahit kailan, kasama mo din sa hirap at ginhawa. Nararamdaman na din naman ni Papa ng mga panahong iyon na may espesyal siyang nararamdaman para kay Lina pero, hindi niya pinansin iyon. Hanggang sa, dumating ang huling Linggo ng highschool days nila na ang siyang naging pinakamasakit na linggo sa buhay ni Papa. Binigyan na siya ng pagkakataon ng tadhana para marealize niya ang nararamdaman niya kay Lina pero…”

Hm, mukhang may hindi magandang nangyari.

“Pero binale wala ni Papa iyon. May nagpapadala ng love letters sa kanya nung week na iyon at iyon ang bagay sa buhay ni Papa na pinagsisisihan niya hanggang ngayon.” Tumingin siya sa natutulog niyang Papa. “Si Lina pala kasi ang nagpapadala ng love letters na iyon at sa huling letter, sinabi ni Lina na aalis siya ng bansa para magpagamot dahil may sakit siya sa puso. Doon narealize ni Papa kung gaano niya kamahal si Lina. Sa huli, wala na ding nagawa si Papa dahil wala na, namatay na din si Lina.”







Namatay si Lina. Iyon ang pinaka-pinagisisihang bagay ni Lolo sa buhay niya. 


“Lina, salamat. Pakisabi na din kay Lolo na maraming salamat.” Sabi ko kay Lina. Tapos umalis na ko sa kwarto ni Lolo.


Alam ko na ang tama.






Kailangan kong gawin ang tama.






Pinuntahan ko ang doctor ko sa office niya.





”Doc, nakapagdesisyon na po ako.”




Ayokong maranasan ni Evo ang naranasan at nararanasang sakit ni Lolo magpahanggang ngayon.





Naiinis ako kay Lina. Dapat hindi na lang niya dinaan sa letter ang lahat. Nagpaka-selfish siya masyado. Sana hinayaan na lang niya na malaman ni Lolo ang nararamdaman niya para dito. E di sana, narealize na din ni Lolo yun at nagkaroon ito ng pagkakataon na makasama siyang lumaban sa sakit niya.





Lumaban sa sakit niya? Makasamang lumaban sa sakit niya? Oo, ginawa ko din yung ginawa ni Lina. Di ko hinayaang malaman ni Evo ang tungkol sa sakit ko.




Hindi niyo kami masisisi ni Lina sa desisyon namin pero I assure you..







…. Hindi ako tulad ni Lina na basta na lang susuko sa sakit at iiwanan ang taong mahal niya.






“Doc, Magpapa-opera na po ako.”













…dahil lalabanan ko ang sakit na ito. At ipinapangako kong mabubuhay ako at babalikan ko si Evo.





Evo, babalik ako, hintayin mo lang ako.
--

A/N: Yo! Mga readers ng story nameeen : )) May readers pa nga ba? HAHAHA! Comment comment din kasi! XD sige kayo, baka i-hold namin ito kapag hindi kayo nagcomment :(
Ang story nga pala ni Lolo ay matagal nang naipost dito sa LOBP :D haha. Hanapin niyo na lang yung “I Regret by Eunice.” Sa Works namin :D Comment comment din dun :P
Parang end of season 1 ba ang peg ng chapter na ito? Well, parang lang! XD Pero hindi po :D haller! Hahahah! Magpapagamot lang si Ces dun :P hindi siya mag-stay. Hala? Nagbigay ng clue? Hahahha. Basta, basahin niyo na lang!! :DDD
PS. Hm, FOUR CORNERS resembles yung bahay po kung saan nag-start ang lahat sa buhay nila Evo at Ces kaya ayun ang title, FOUR CORNERS OF LOVE, hoho! Tsaka pansin niyo ba na lagi din sa bahay nagaganap (epistaxis men~) ang sweet scenes nila ?? Ajuju. ^__^ wala lang trip ko lang ishare! Baka may nagtataka diyan eh. xD
PSS. Ask ko lang, Ano’ng gagawin niyo kung kayo ang nasa sitwasyon ni Ces? Hahaha. Comment niyo sagot niyo ah :D Sana lang hindi hangin ang sumagot sakin! XDD 

--



CHAPTER 37


Ces' Corner

Bukas na ang flight namin ni Ian papuntang Taiwan para doon magpa-opera.
"Teh.. Ingat ka dun ah. Tatawag ka." -Hya

"Magdadasal ka palagi Ces." -Eunice

"Susulat ka ah." -Sahchi

"Ang da-drama nyo naman! Di naman ako magsstay ng matagal dun nuh. Promise, pag gumaling na ko uuwi ako agad-agad. :)" sabi ko sakanila.

Nandito ko sa bahay ni Tita. Sasamahan nya ko magpagamot sa Taiwan. Dinalaw ako nila Eunice, Hya at Sahchi para magpaalam. Pero babalik naman ako e. Si Evo.. Ewan ko kung alam na nya o hindi. Babalik ako Evo.


Evo's Corner

Nawala na lang na parang bula si Ces. T@ngina! So seryoso sya dun sa sinabi nyang pinaglalaruan nya lang ako? That's bullshit!

Sembreak na ngayon. Namimiss ko na si Ces! Leche. Ano ba kasing problema nya?? Ilang beses ko ng tinatanong ang sarili ko kung anong nagawa ko.
Lahat na nga ginawa ko para sa kanya. Mahal na mahal ko e. Pero ito igaganti saken? P*cha. Hindi naman ako nambababae. Hindi na nga ako nagpupunta ng bar e. Sinusundo ko pa sya sa room tas derecho uwi na kami. Siya lang yung babaeng minahal ko ng ganto! Tapos gagaguhin lang ako? Sht.

Hinanap ko sya. Nagpunta ko sa bahay ng mga kaibigan nya, pero di daw nila alam kung nasaan si Ces. Napaka-imposible naman nun! Pinuntahan ko si Karl. Siya na lang ang pag-asa ko. Ayokong pairalin yung galit ko sa kanya. Alam kong hindi yon ang dahilan kung bakit nakipaghiwalay sakin si Ces.

"Karl please naman. Ano ba talaga ang nangyayari? Nasaan si Ces?? Bakit ayaw nya kong kausapin? Alam kong may dahilan pero bakit di nya sinasabi sakin??" Ang dami kong tanong na gusto kong sagutin nya pero..

"Sorry Evo. I did know nothing. Bigyan mo muna ng space at time si Ces."

Umalis akong disappointed at galit na. San ako pupunta? Ibabalik ko ang dating Evo.
Karl's Corner

Sorry for lying, Evo.

Sabi kasi sakin ni Ces na kahit anong mangyari, wag ko daw sasabihin kay Evo. Pero sht lang, naaawa na ko kay Evo. Adik kasi to si Ces e. Hindi naman siguro sya iiwan ni Evo kung sakaling malaman nya yung dahilan.

Alam ni Bridge na hinalikan ako ni Ces. Pero hindi galit ang pinairal niya kundi puno ng pag-iintindi. Kaya mahal na mahal ko to e.

"Bridge musta na si Evo?"

Its been a week na din nung pumunta sa bahay si Evo. Nakokonsensya na ko e.

"Hay, ayun. Laging lasing. Laging nagmumukmok! Laging hinahanap si Ces. Awang-awa na ko Karl. Gusto ko na din sabihin yung totoo. Si Ces kasi e. Tsk."

"Hay, e anung magagawa natin? Hintayin si Ces?"

"Wag na lang tayong mangialam Karl."

"Pero kaibigan natin sila, Bridge. Bestfriend ko si Ces, bestfriend mo si Evo."

Alam kong mahirap pero.. Haaayy. Ewan. Kamusta na kaya si Ces? Sana naging successful yung operation at bumalik na sya dito! Haay.

Chapter 38

Bridge's Corner

"Evo umuwi ka na! Lasing na lasing ka na oh!"

Grabe tong si Evo oh. Pinapunta pa ko dito sa bar at nagyayang uminom. Ganyan na sya simula nung umalis si Ces. Talagang mahal na mahal nya si Ces e. Sya lang ung dahilan kung bakit ganto si Evo ngayon. Haayy. Ces, umuwi ka na please.

"Ayoko pa umuwi.. *hik* Susunduin ako ni Ces dito eh.. *hik*"

Walang tigil yung pag-inom nya. ~_~

"Evo, wala na si Ces. Tara na, umuwi na tayo."

Nagulat na lang ako nung bigla nyang sinuntok yung lamesa.

"SINONG WALA?! PUPUNTA DITO SI CES!! DI NYA KO INIWAN DBA??!"

"Evo please! Huminahon ka nga! Pinagtitinginan na tayo dito oh!"

Maya-maya umiiyak na sya. Oh God, this is not Evo. :(

"Bridge please.. Nasan ba si Ces? Okay naman kami ah.. Ang saya-saya pa namin.. Tapos biglang ganun?! Ginago nya ko Bridge.. Ang sakit sakit, alam mo ba yun?! Lahat na binigay ko sa kanya.. wala na nga akong tinira sa sarili ko e.."
Tuloy-tuloy yung pagbuhos ng luha nya. Naiiyak na nga din ako e. Hay. :'(

"Bridge sabihin mo nga, anu ba ginawa kong mali? Pinaramdam ko naman sa kanya na mahal na mahal na mahal ko sya e.. Pero bakit ganun?! Ang daya daya nya naman e.."

And there, parehas na kaming umiiyak. :'( I started to tap his shoulders.

"Evo.. Just trust her, okay? Malay natin may dahilan sya?"

"T@ng!na@ng dahilan yan! Bakit di nya sinabi?! Ano, manghuhula ako!?!"

"Evo, anything happens for a reason. Alam kong mahirap pero dadating din ang panahon na maiintindihan mo rin kung bakit.."

Wala na syang sinagot. Umiiyak na lang sya. :(( Tinawagan ko na lang si Karl para tulungan akong iuwi si Evo.

----

Time flies so fast. Pero para kay Evo, bilyong taon ang dumadaan. Ayun, gabi-gabing nasa bar at ang daming mga nakapulupot na babae sa kanya. Gabi-gabi din umuuwing lasing. Buti na lang sembreakNangungulila lang ba sya kay Ces? O talagang kinalimutan na nya ito?
Eunice's Corner

Kamusta na kaya si Ces? Sana maging mabuti na yung condition nya. Di tumatawag e. Hindi din naman tumatawag kay Karl. Aish, namimiss ka na namin Ces.. :((

Si Evo kaya? Tsk. Awang-awa na kami sa kanya.. Walang maglakas ng loob para sabihin sa kanya yung tungkol sa sakit ni Ces. Mahigpit kasing binilin ni Ces na wag na wag daw sasabihin kay Evo e. Kawawa tuloy si Evo. Tskk. Balita namin ginawa ng bahay ni Evo ang bar e. =((

Malapit na magpasukan. Buong sembreak kaming nag-aalala kay Evo at Ces. 3weeks na din simula nung umalis si Ces. Sabi nya, 1month daw sya dun. Sana naman tumawag na sya.

Lahat kami gusto na magka-ayos sina Evo at Ces. Sila lang naman tong makulit e. Si Ces, sinasaktan na nya si Evo sa ginagawa nya. Si Evo naman, walang tiwala? Pero di ko naman sya masisisi. Ganun ba talaga pag nagmamahal ka? Pati sarili mo, ipapahamak mo? Haaayy. Sana maging happy ending itong storya na iteyy. Miss ka na namin Ces!
Saktong 1month ang sembreak namin. Kaya ang saya-saya e. xD Yun nga lang, wala si Ces. Sana lang talaga umabot sya sa pasukan.


Karl's Corner

Hindi pa tumatawag si Ces. Hay, anu na kayang nangyari dun? Lahat sila ginawa na kong info desk sa kakatanong kung nasan na si Ces. -_-

*phone rings*

Sino bang tatawag sa gantong oras?


"Hello?"


"KARLING!!"


Sino lang ba ang tumatawag sakin ng ganun?


"Ano na naman Bridge? Stop calling me that. It sucks!"


"Alam mo, ilang beses ko na tinatanong sa sarili ko kung girlfriend mo ba talaga ko e."


"Kasi naman wag mo nga akong tatawagin sa ganun! Sorry naman. Oh, bat ka napatawag? Wait, are you drunk?"


"Ooh that. Eh, si Evo e. Nandito kami sa bar. Eto, nagpapakalasing na naman. Tulungan mo nga akong iuwi to!"


"Okay. Hintayin nyo ko jan."


Then I hang up.

Grabe to si Evo. Nakakaawa na e. Sana umuwi na talaga si Ces and sana naging successful yun operation which is yun taklalaga ang lagi namin pinagdadasal.



And there, lasing na lasing na talaga naming inuwi si Evo. Buti na lang at hindi kami sinukahan ng loko. Hinatid ko na din si Bridge sa kanila.


Pagkauwi ko, may nakita akong babae..



Nakaitim..



Mahaba ang buhok..



S-sa t-tapat ng b-b-bahay k-ko...


O___________O



Pucha, nakakabading!! (~_~)


Ugh! Babalik na sana ako sa loob ng kotse ko ng bigla syang humarap..




Sht. Kala ko ba romance tong storya na to?? Bakit may horror, mga authors??!!!




Lumalapit na sya.. Put@ng!n@!!!


"AAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAHHH!!!!!!!!!!!!!!!!!"

"PLEASE WAG KANG LALAPIT!! JAN KA LANG! S-SINO KA BA? B-BAKIT KA NANDITO SA TAPAT NG BAHAY KO??"


Takot na takot na talaga ko..



Ng bigla syang tumawa.



"WAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHAHA!! ANG EPIC NG MUKHA MO KARL? HAHAHAHA!"


Hala? Baliw ata to? Nakawala sa mental?! Patay kang bata ka Karl. T.T teka, kilala nya ko??

Tinanggal nya ung takip nya sa mukha.."CES???!!!"


Chapter 39

S-si Ces ngaaaa!!O.O


"Hello bestfriend!" aba, kumaway pa. Parang walang nangyari ah?


"Papatayin mo ba ko sa takot?! At kelan ka pa nakauwi?? Di ba sabi ko sayo tawagan mo ko?? Lahat ng tao dito halos patayin na ako kakatanong kung asan ka at kung kamusta ka na! Bakit--"


"Umamin ka nga, yung totoo. Ikaw ba talaga ang tunay kong ama?"


"Stop it Ces. Dont need your epic jokes here."


"Fine! Pwede mo ba muna akong papasukin?"


Pinapasok ko sya sa bahay. Ayun, tawa pa din ng tawa sa epic na reaction ko kanina. Dammit.


"Nice costume, huh?"


"Naman! Para sa epic mong mukha. Hahaha!"


"Ewan ko sayo. You're in hot seat."


"Go."


"Kailan ka pa umuwi? Bat di ka tumawag?? Worried lahat ng tao sayo dito!"


"Okay. Khapon lang ako nakauwi. Successful naman ang operation. Balak kong i-surprise kayo lahat e. Ikaw pa lang ang nasusurprise ko. At successful naman, epic talaga ng mukha mo kanina e. Hahahaha!!"
  
Hay Ces. Tawa ka pa ng tawa jan. Tignan natin kung mkakatawa ka pa pag nakita mo si Evo.

Ayun, nagkwentuhan lang kami. Kinakamusta nya si Evo. Syempre magsisinungaling pa ba ako? Sinabi ko lahat. The truth and nothing but the truth. Mukha nya? Ayun, di na mapinta sa pag-aalala. Mga 2am ko na sya hinatid sa bahay nila.


Ces' Corner

I'M BAAAAACK!! XD

Lahat sila sinurprise ko. Epicfail mga itsura nila e. Hahaha! Si Evo na lang ang hindi pa nakakaalam na nakauwi na ko. Babalik na ko Evo. Miss na miss na kita.

Sa totoo lang, nagsisi ako nung nalaman ko kung anong ginagawa nya nung wala ako. Binalik nya talaga ang pagka-Cassanova. Jusme, sana di pa huli ang lahat.


Anung nangyari sakin sa Taiwan? Ayun, thank God at naging successful ang operasyon ko. Kala ko nga hindi na e. Masyadong O.A ung doktor dun. May pa-thrill pang nalalaman e. xD

2ndsem na nga pala ngayon. Buti nakaabot pa ko. Pero, no signs of Evo. :(( san yun??

"Wui, nakita nyo ba si Evo?" tanong ko sa tropa. 2nd day of school ngayon. Buti na lang nakahabol ako sa pag-enroll. Galing nga e, amazing! xDD


(a/n: Hoy Cecilia, ang saya mo ah? Si Evo kaya atupagin mo. :P)


"Di na nga namin nakikita dito sa campus." -Eunice


"Oo nga e. No signs of Evo. At all." -Hyacinth


"Hmm. Baka walang pasok yun. Pupuntahan ko na lang sa bahay mamaya."


Ganun pa din ang campus. Sus, 1 month lang naman akong nawala. Sembreak lang. Pero namimiss ko na talaga yung bahay e. Yung bahay namin ni Evo. Dun nagsimula lahat. Lahat-lahat. Pupuntahan ko sya mamaya. Isusurprise ko sya. Pero hindi katulad ng surprise ko sa tropa. =)


Fastforward na tayo ah. Natapos ang araw ko sa school. Agad akong umuwi at nag-impake.

"Oh Cecilia, san ka pupunta?" tanong sakin ni tita.

"Kay Evo po. Tita dun na ulit ako titira, ha?"


"Eh osige. Alam na ba ni Evo na pupunta ka?"
  
"Hindi po e. Gusto ko po syang surpresahin e."


"Ah ganun ba. Osige mag-iingat ka. Alagaan mo yang sarili mo ah. Kakagaling mo lang ng operasyon. Yung mga gamot mo nadala mo ba? Wag mong kakalimutang inumin yung mga yun ha. Bibisitahin ka naming ng Tito mo."


"Tita, yung totoo. Ikaw ba talaga ang nanay ko?"


"Nako bata ka. Sige na at baka gabihin ka pa."


And there, umalis na ko. Evo, nandito na ko. Magiging masaya na ulit tayo.


Nandito na ko. Nakabukas ng slight ung pinto. Binuksan ko na.





Pero.. Dapat sya ung susurpresahin ko dba? Bakit parang ako ata ang nasurpresa?



Chapter 40


O__________O



T-totoo ba tong nakikita ko??




Si Evo..






May kahalikang ibang babae..








Tears wag kang tutulo please.. Please..




Tumingin lang siya sa’kin at Tinignan din nya ung maletang dala ko.at…






..pinagpatuloy lang niya ang ginagawa niya sa kasama niyang babae.

He started unbuttoning his shirt while kissing the girl.




Hkydosnfkeiufdsnfkdsufisdjf! Ano’ng ginagawa niya??



Nakita naman niya ko diba??



Ano’ng akala niya? Nasa isang pelikula sila na Rated R at ako ay isa sa mga audience nila??



Pero, hindi lang yun, eh! Alam niya naman na as of this very moment, nasasaktan ako!!!



Sobra kong nasasaktan! At, alam kong alam niya yon.


So totoo pala ang mga kunukwento nila Karl. Naging Cassanova na uli siya.





[T@nga mo din Ces, eh! Di ba iyan naman ang ginusto mo??] –Konsensya ko.




Oo, sige na. T@nga na! Oo. Eto nga ang ginusto ko.



Pero, bakit parang unfair naman masyado?? Sobrang sacrifice ang ginawa ko tapos, eto lang pala mangyayari.











Mauuwi din pala sa wala ang lahat. Sana di na lang ako lumaban sa sakit ko






Kung hindi rin naman pala babalik sa dati ang lahat, samin ni Evo.
















No choice, walkout na ko.

---

Kinabukasan -______-

Alam niyo itsura ko? Mugto ang mga mata dahil sa kakaiyak yo! X(


May pasok ngayon at pupuntahan ko sila Eunice. Ayun! Tanaw ko na sila. At sino na naman tong bagong kasama nila??


"Hey." bati ko sa kanila. Syempre, dapat wag ipahalatang malungkot para di na sila mag-alala.


"Uy Ces. Musta?" -Eunice


"Eto, ganun pa din. Sino sya?" turo ko dun sa bago nilang kasama.


"Ah, Ces, meet Grace. Grace, si Ces. Friend namin." -Hya


"Hi! Ezra Grace Benitez here. Nice meeting you, Ces!" at nakipagshakehands sya.




Teka, Benitez??





Kaano-ano nya si Evo?






Chapter 41


"Benitez? Kaanu-ano mo si Evo?" tanong ko.


"Oh, I'm his sister."









BOOM.

Di nga?

May kapatid pala si Evo?


Define NGANGA.


"Nice naman! What a small world. Ces here oh, Evo's girlfriend."


Ugh! Badtrip ka Hya!! Bat mu sinabi? E di nga kami okay ni Evo! Fuuuudge. ><


"Woah. Really? Kaya pala I've been hearing 'Ces' from him. These past few days nga e, dun siya sa bahay naming umuuwi then laging lasing.  Tas lagi nyang sinasabi yung pangalan mo. Ano bang nangyari?"


Binabanggit ang pangalan ko sa panaginip niya??





[May pag-asa ka pa, Ces! Mahal ka pa rin niya! Wiwit~] –Konsensya ko ulit. Teka, napapadalas segway ng mga konsensya ko, ah?



Pero, natuwa naman ako sa sinabi ni Grace. Tama, may pag-asa pa ko.



Anyways, nagkatinginan kaming tatlo. Nagtatanungan yung mga mata namin kung sasabihin namin o hindi.






"C’mmon, spill it. I'm his sister. Concern lang naman ako sa kanya e. Awang-awa na ko kay Kuya Evo those days. So please, sabihin nyo na."


I initiate. Sinabi ko na sa kanya lahat-lahat including kung bakit ko sya iniwan, na I have to go to Taiwan for the operation.


"Alam ba ni Kuya yung tungkol sa sakit mo?"


"No. Wala akong lakas ng loob para sabihin e. Ayoko siyang masaktan."
"alam mo Ces,  hindi solusyon ang paglihim kung ano ang totoo. Pwede mo namang sabihin sa kanya yung totoo. Iintindihin ka nya, Ces."


"Ayoko lang naman syang masaktan e."


"Sa tingin mo hindi sya nasasaktan ngayon?"


"... pero bakit kagabi, naabutan kong may kahalikan syang ibang babae?"

Kahit gusto kong umasa na mahal pa rin niya talaga ko, di ko pa rin maiwasan mag=isip ng kung ano -____- Mahirap umasa, eh.



"WHAAAAAT?!" -Eunice, Hya and Sahchi



"Yup. Balak ko syang surpresahin sa pagbabalik ko. Pero ako yung nasurpresa nya e. Ang sakit lang.." and there, tumulo na ung mga luha ko.


"Aish. Ces.." -Eunice


"Sa tingin ko hinahanap ka nya sa ibang babae." -Hya


"Tama. Hayaan mo Ces, kakausapin ko si Kuya. :)https://s-static.ak.facebook.com/images/blank.gif"


"Salamat, Grace."


"GROUPHUUUUUUGG!!"


"Yaan mo Ces, everything will turn out fine."


Sana nga. Sana talaga.






The next day, ganung pa din ang routine. Gigising, kakain, maliligo, at papasok sa school. Sa bahay ni Tita nga pala ko umuuwi uli. And, November na pala ngayon. Lapit na ang Christmas!

Escited much?? Eh,  1 month pa. xD Eh 1st week pa lang kaya ng November. 1 month na din pala kami di ayos ni Evo. May times na nakakasalubong ko sya sa school. Pero nganga. Wala akong magawa e. Alam nyo naman kung bakit ayoko sabihin sa kanya ung totoo di ba? AYOKO SIYANG MASAKTAN. Pero sana pala sinabi ko na lang para hindi kami aabot sa ganto. https://s-static.ak.facebook.com/images/blank.gif


Haaaayy.. Makaupo nga muna sa bench. Mahaba pa naman vacant ko e.




"Ces!"


Huh? Sino yun?



"Oh, Bridge. Kaw pala."


"Musta na Ces? Bat wala kang kasama?"


"Ayos lang. E may klase pa sila Eunice e. Hinihintay ko lang. Ikaw? Si Karl?"


"Ah, may klase pa yun e. Si Evo kasama ko. Papunta na yun dito."


"A-ahh. S-si Evo.. Sige una na ko!"


Pero bago pa ko makatayo, pinigilan na nya ko. ><"


"Joke lang! Eto talaga, bakit mu ba iniiwasan si Evo? Di pa ba kayo nag-uusap?"


"Oy di ko sya iniiwasan nuh."


"Di mo ko maloloko Ces."


"Fine. E kasi e.."


"E kasi ano??"

I told her kung anong inabutan ko nung gabing pumunta ako sa bahay.


"Di na ko magugulat diyan Ces. Simula nung nawala ka, naging Cassanova na ulit sya."

"Eh bakit?"


"Shunga ka teh? Iniwan mo na lang basta yung tao ng di mo sinasabi yung dahilan. Nagtiwala yun sayo Ces. At lahat ng tao napapagod. Napapagod magtiwala. Napapagod maghintay. Knowing Evo, okay he's inlove with you. Pero nung wala ka, lahat ng babae akala nya ikaw. Well, sa perception ko lang iyon pero, I still believe nay un nga ang dahilan. Sana nga din. At isa pa, nangungulila sya sayo. Fine, kaya di mo sinabi kasi ayaw mong masaktan sya? E sa tingin mo hindi sya nasasaktan ngayon? Ces, much better kung mag-uusap kayo. Wag mo muna pairalin ang galit mo sa kanya kung ano ang naabutan mo nun sa bahay nyo. Promise, kakausapin ko din si Evo about this, huh?"


"Thanks Bridge.."


Yun na lang ang nasabi ko. Eto na naman kasi ang mga luha ko, nag-uunahan pababa. Niyakap na lang ako ni Bridge.






Eunice's Corner


Kaloka. Daaaaaaaming assignmentsss!! Grabe, papatayin ata kami ng mga prof e.


Well anyway highway, waley pa ding matinong nangyayari kay Ces at Evo! Ayun, define NGANGA. Kasi naman e, pakipot pa!
Kaya naman naisipan kong gumawa ng OPERATION: CEVO TOGETHER AGAIN. Sige tumawa kayo!!! >< Ako na ang korni. E bat ba, yan naisip ko e. https://s-static.ak.facebook.com/images/blank.gif










Kaya naman tinawagan ko sila Hya, Bridge at Sahchi. Including Karl and Grace na din. At syempre, bawal ang humindi. x))






What's the plan? Abangaaaan! ^^

Chapter 42


A/N: Kaloka si Eunice! Gagawa gawa pa ng OPERATION CEVO TOGETHER AGAIN! Kaloka! Pero syempre, hindi ganun kadali yun. Ano ito? After ng lahat-lahat ng nangyari, magiging okay na lang basta lahat?? Agad-agad?? Ano ito? PEEEE BEEEE TEEEEENS??? xDD


By the way, hallway, I want to dedicate this chapter sa ever idol ng lahat pagdating sa youtube video love stories niya at ever idol na rin ng stories niya dito sa wattpad na nagpapasakit ng tiyan natin dahil sa katatawa! At hello po Marcelo Santos ^__^ sana po makapag-update na kayo ng story ni . haha! Dami po naghihintay :DDD Pero, di naman po agad-agad xD basta we will wait po ^__^ And, sana mabasa niyo po itong story na ito kahit itong chapter lang?? :D

At dahil sa dedicated itong chappie na ito sa kanya, gusto ko hiramin sana yung style of writing niyo po kahit dito sa chapter lang na ito ^___^ Sana po okay lang sa inyo ^^

At dahil do’n, CORNER KO THIS WHOLE CHAPTER :P

AUTHOR’s CORNER

Alam niyo yung feeling na gulong-gulo ka na sa mga nangyayari sa characters ng sinusulat mong story?? Haha. Joke lang! Syempre, all are in good conditions nemen ^__^

So yon nga, nag-sacrifice nga ba si Ces para lang sa wala?

Kasi naman deba, dahil lang din naman sa sobrang pagmamahal ni Ces kay Evo kaya ginawa niya iyon.

Unli kami dre. HAHAHA! Ilang beses niyo na ba nabasa yung litanyang iyan?

Haruuuu. Kruu kruu~

Eniweys, back to the story, Ano naman kayang plano nila (yunis,haya,bridz,karlots,greys) para magkabalikan na nga ang CEVO??

Duh! Tara nga hanapin na natin sila!

*lakad*

*lakad*

*hanap*

*hanap*

Teka nga, eh san ba tayo pupunta? Alam niyo ba kung nasaan sila? (yunis,haya,bridz,karlots,greys)


*tingin sa camera*

Sino ang puwede natin hingan ng tulong ngayon?

[The map! The map!]-Audience speaks.

Right! The Map!

*lumabas si map sa gilid ng bag na dala ko at nagkakakanta at nagsasasayaw*

Dahil tinatamad na ko itype kung ano yung mga kinanta at sinayaw at sinabi niya, hindi ko na siya ittype. Bahala kayo sa life nyo, alam niyo na naman kung ano yun tinutukoy ko.

Hephep! Hindi po ako si Dora ah! At lalong lalo na na hindi si Dora ang author ng story na ito! :P

“Hoy, Map. Tapos ka na ba diyan?”

“Yes!”

Ang taray ni Map! English speakening! xDD Tanungin daw ba ng tagalog tapos English ang isagot? Whew!

“Kujoiusnfdlsucvxcmkjfsuslfdsmfslfuhoisuydjskd” hanudaw? Sensya na, nag-spanish na si Map -_____-

Okay, ang sabi niya nasa bahay ni Karl ang tropapips.

Tara, puntahan na natin!!

*lakad*

*lakad*

*lakad*

Hirap maglakad ah? Seryoso tayo mga dre? Lalakarin lang natin papunta kina Karlots??

*sakay ng jeep*

“Para ho!”

Okay dito na us! Nakababa na me!

*tok*tok*tok*

O________O


Si Hya iyan. Makareact??

“A-author? Ano’ng ginagawa mo dito??” –Hya

“Huwaaat! Andiyan si ever so galling galing na author ng story naten? Sino sa kanilang dalawa??”-si Eunice na biglang pumunta sa aming kinaroroonan. Gesh.

“Ikaw pala author *toooooot*!”-Bridge

“Papasukin niyo na nga si Author *tooooot*” – boses ni Karl mula sa loob ng bahay.

“Baka, gusto niyo na kong papasukin mga atii??”

“hehehe.” They said in chorus -_____-

Pumasok na kami at doon naabutan ko si Sahchi at Ian, Oh? Kasama din si Ian sa plaaaan?? Andun din sina Bridge at Karl pati si Grace.

“Oh? Ian? Kamusta Condition mo?” tanong ko sa kay Ian.

“Okay naman ako Author. Hindi naman ako ang nagdonate ng liver kay Ces dahil maswerteng may ibang donor.”

“Ay, oo nga pala. Sensya, si Author *toooot* kasi nag-isip about dun ^___^”

*tingin kay Grace*

“Grace, pasensya na kung  na-late ang labas mo sa story, ah.” Sabi ko.

“Ah, okay lang iyon! Teka, bigyan niyo ko ng lovelife syempre ah!”

“Of course naman yes!”

“Hephep!” si Eunice iyan habang nakapamewang.

“Mabuti pa Author, tumulong ka na lang sa paggawa ng plano namin.” Patuloy niya.

“Hehe. Sabi ko nga.” Pagsang-ayon ko.

And there,



O______O







Biglang namatay ang ilaw! Anyareeee???



Chapter 43
#include
Using namespace std;

int main()
{
Cout <<”WELCOME TO CHAPTER 42!!”;
System(“Pause”)
Return 0;
}
--
RELATE OR NOT?

HAHAHA!

Sarry naman! Dahil may hang-over pako sa CompProg kanina. And yeah, every Saturday siya and you know what? It’s not madali cause its so mahirap. -____-++

Sa mga hindi nakarelate, wag niyo na lang pansinin :P Sa mga naka-relate naman, Congrats mga yo! xDD

Napapahaba intro ah? Hahaha. Ganyan talaga! Corner ko pa rin ito, eh :P

“Hay nako, Author. Ayos ayos din! Baka asar na ang readers.” –Hya

“Tse! Minsan lang magmoment, eh. Osya, Sige na eto na!”

LIGHTS, CAMERA, ACTION!!!!!-Direktor

Direk??Direk?? ano ito? Shooting sa Movie?? TV SHOW??

Well, anyways.. eto na. Eto na talaga!

ANG NAKARAAN:


Este huling linya sa last Chappie.



Biglang namatay ang ilaw! Anyareeee???

“Heller? San na kayo guys??”

O____O

-________-

Si Ian lang pala. Nakatapat kasi sa mukha niya eh, flashlight. Akala ko mumu! Whew!


“HAHAHAHAHAHAHAH!” –tumawa na -______-

Well, eto na. Patay pa rin ang ilaw. Tanging mga kandila ang nakasindi at nakapalibot na pala sa buong sala.

“Teka? Ano ba? Magtatawag ba tayo ng espiritu?”-tanong ko.

*WIND BLOWS~

Ano pa nga ba? Walang pumansin sakin -______-++

“Ano’ng mga suggestion niyo guys para magbalik ang CEVO LOVETEAM?”-Eunice

“I suggest, Ikulong natin sila sa isang kwarto. And there, mag-uusap yung dalawang yun for sure!” –Hya

“Masyadong common Hya. Madami na ko nabasang ganyan, eh.”-Sahchi

“Hmm.. E di… pilitin na lang natin sila. Sabihin natin kay Ces, kapag hindi siya pumayag makipagbalikan kay Evo, din a natin siya bati!” –Grace

“Eh?? Di ba parang ang pangit ng dating?”-Bridge

-______- “Sige na. Sorry naman. Suggestion lang naman, eh.” *pouts* -Grace.

“Cute mo pala Grace kapag naka-pout!” –Ian.

“Leshe ka Ian!”-Sahchi *hampas kay Ian*

“Hmm, guys kailangan ba talaga natin gawin ito??” –Karl

“Wag mo sabihing aatras ka?”-Eunice

“Hindi naman sa ganun, ang akin lang naman, dapat sila ang gumawa ng paraan. Buhay naman nila iyan, eh. At isa pa, kung sila talaga para sa isa’t isa, sila’t sila pa rin sa huli.”

“Wow. What a line!”-Hya

Tahimik ko no? Whew. Tama naman kasi si Karl and iyon talaga nasa isip ko simula pa lang kaya di na ko umiimik sa usapan nila.

Kinuha ko na lang ang phone ko sa bag ko. At nagDL DL ng wattpad stories.

^___^


Ilang sandali pa, parang naramdaman ko na may mga matang nakatingin sa’kin.

At isa pa, bigla ding tumahimik ang paligid.

And viola!

Ang mga mata nilang lahat ay nanlilisik na nakatingin sakin.

“O-okay?Sorry na kung di ako nakikinig o nakikisali sa usapan niyo. Sang-ayon kasi ako kay Karl. Dun sa sinabi niyang hayaan natin sila Ces at Evo ang gumawa ng paraan.”-paliwanag ko.

At bigla silang nag evil smile lahat. O____o

“IKAW LANG ANG TANGING PAG-ASA!” –sabay-sabay nilang sabi.








Then, narealize ko na ibig nilang sabihin.









Kami nga ang author ni *tooooot* diba? Natural kami ang gagawa ng plano para sa OPERATION: CEVO TOGETHER AGAIN.

“Okay.Okay! Gets ko na! Pero tutulungan lang naming kayo, ah??”

“Aye!Aye!”-sila.



*TING!

“Nakaisip na ko! Simulan natin sa school. Kailangan nilang magkasama kahit sa isang subject lang. There, magkakaroon sila ng time na magkasama silang dalawa.”

“Sige, Ano plano mo? Pano????” –sila.







*evil grin*


ABANGAN NA LANG SA NEXT CHAPTERS!!
--

CHAPTER 44

Ces’ Corner
Nabalitaan kong dumalaw si Author *tooot*. -___- Ni hindi man lang nagpakita sakin. Nobanamanyan! Nakakapangtampo naman oh! Tsss!

At ang nakakainis pa, ayaw ikwento nila Eunice kung anong meron bakit siya napadalaw o kahit isang katiting na detail man lang tungkol sa mga napag-usapan nila eh, ayaw din nilang i-share! Okay? Ano kayang merooon?

Hehe, pero aminin!! Na-miss niyo ko ‘no?? xDD

I miss you too, readers! Mwa mwa tsup tsup! :*

Lalo na si Evo +-+

 Nasaan nga pala ko? Ah, eh nandito na ko sa room, napa-aga nga eh. Wala pa din sila friendships.

Ilang sandali lang, dumating na din naman sila.

’’Yo. Musta? Maga na naman mata mo. Umiyak ka na naman?” –Sahchi

“Hay nako Sahchi, alam mo naman iyang si Ces.”-Hya

”Don’t worry, Ces. Magiging okay din ang lahat.”-Eunice sabay tap sa balikat ko.

Di ko na lang sila nireplyan sa mga pinagsasasabi nila. Kasi naman, bat ba yaw nila sabihin bakit napadalaw si Author *tooot? -___-

Eunice’s Corner

Ganun pa rin si Ces. Hay miss ko na ang ever energetic Cecila Victoria Reyes na kilala namin. Minsan nga naiisip ko, na ang sarap na nilang batukan ni Evo. Kasi naman diba! Ang bilis din ng naging relationship nila tapos oh so perfect na rin naman kaya lang di talaga namin inaasahan na hahantong dito ang lahat. Nakakainis din si Evo, bakit pa kailangan niyang saktan si Ces? Hm, sabagay wala naman siyang alam. Pero kahit na, kung mahal niya si Ces dapat hindi niya hinayaan ang sarili niya na pangunahan siya ng galit. -_____- Kung alam lang sana niya kung gaano kalaking sakripisyo ang ginawa ni Ces.

But then, narealize ko na I have no right to judge him. Kasi, wala namang alam kung  anong nasa isip niya or what. Kahit kayo, hindi niyo alam diba? Matagal na rin siyang walang corner dito, eh.
Nagising ako sa pag-day dreaming dahil nandiyan na si ERIKA!! ^_______^

“HAPPY BITHDAY ERIKA !!!” sabay-sabay naming sabi.

Hehe. Oo, birthday niya. And yeah, 18 na siya. Pero hindi na siya mag-de-debut party, di din daw niya feel hehe tsaka nag-trip to Singapore naman sila nung bakasyon.

“Ano ba yan, nakakahiya naman.” Tapos umupo na siya sa pwesto niya and there,

“HAPPY BIRTHDAY ERIKA! BIRTHDAY NI ERIKA! ITAPON SA POOL! HAHAHAHAHA ! “ Si Alex iyan. Haha. Swimming class na din kasi namin mamaya.

Sabay nagtawanan na naman ang lahat. Hahahahah !

  Art Application nga pala ang subject namin ngayon, para nga kaming high school dahil pinagdala pa talaga kami ng materials.

Busy ang lahat sa pagdo-drawing. Ang theme ng drawing namin ngayon ay anything na resemblance ng sarili mo.

Maya-maya pa, bigla namang may naghihiyawan sa labas. Mga babaeng malalandirs siguro. Malamang, may new student na naman na gwapo at mukhang samin na naman mapapalipat. Hihihi. I like it!

Well anyways, busy ako sa pagdo-drawing kaya hindi ko na lang sila pinansin. Maya maya ay biglang tumahimik sa paligid.

Kinilabutan na ako kaya napagdesisyunan ko Nang tignan kung anong meron. And,


O_____O

Hya’s Corner

 T-teka, kamukha ni Jang Geun Suk yun ah?? Nakakagulat! Symepre, Sino pa bang adik kay JGS?

Agad-agad kong tinignan yung ekspresyon ng mukha ni Eunice. And there, gulat na gulat nga.

“Hya, I can sense that something’s weird.”-Sahchi

“Wae? Haha, wag ka ng magulat sa expression ni Eunice alam mo naman kung sino kamukha nung new guy.”

“Pero, tignan mo. Kakaiba yung atmosphere. Parehas sila nakatingin sa isa’t isa.”

Ow. Oo nga no? Lagot samin iyang si Eunice mamaya! May hindi iyan shine-share! HAHA! Para naman akong walang hindi shine-share. X( Eh, meron nga din pala.

Pero may dahilan naman ako, and siguro parehas kami ng dahilan ni Eunice.

Ces’ Corner

Hm, may kakaiba akong nararamdaman sa atmosphere ngayon. Alam niyo yun? Mukhang magkakilala si Eunice at ang look-a-like ni JGS. ALAM NA! HAHAHAH! Paktay ka samin Eunice mamaya!

Mabilis ding natapos ang klase. Sa Art App lang  naman pala namin classmate si New Guy.

Well, nakalabas na din kami ng room ngayon and papunta sa cafeteria.

Nakabili na kaming lahat ng pagkain and ako na nag-initiate simulan ang topic.

“Hoy, Eunice. Hindi ka nagshe-share, ah.”

“Oo nga.”-Sahchi & Hya

And there, nagsimula na magkwento si Eunice.

ULALA!

Do you still remember the times nung  masipag mag-aral si Eunice and such?? Si JGS pala dahilan. Na-meet daw niya yun sa National Book Store sa SM one time. Nakita daw niya na Books section and dun na naloka ang lokaret! Syempre, kamukha nga din daw kasi ni JGS. Walang pakundanagan daw nagpakilala si Atii! Hanggang sa nag-insist siya na maging friends sila but then, ayaw daw talaga ni JGS. And the masipag mag-aral thingy, gusto lang daw niya patunayan sarili niya kay JGS dahil lagi daw siya minamaliit nun. Aba aba sarap pektusan nun, ah! Di niya deserve si Eunice kung ganun nga. Pero now, yun NgaNga kanina si Atii sa nakita dahil classmate lang naman namin tuwing Artapp si JGS, samantalang matagal na nga pala siya umiiwas dun dahil suko na din siya. Hay.

Matapos namin mag-usap about sa thingy ni Eunice, si Hya naman ang nag-share. And there! Sila na din daw pala ni Manesca. HAHAHA! Kaloka. Pero, kinongratulate naman naming siya ang ni-advice-an and such ^___^ Kaya lang, may pagkakamalabuan daw sila ngayon. Hay.

Tapos, Si Sahchi naman ang nag-share. May family problem daw sila kaya need niya mag-apply ng scholarship for next Sem. Hay. Suportanta namin siya, sabi namin.

Napaisip din tuloy ako, Marami na nga din pala kong di alam tungkol sa friends ko kaya tinanong ko sila kung bakit hindi nila shine-share man lang sakin.

Sabi nila,”eh kasi Ces, masyado ka na madaming pinagdadaanan.” –eunice
                “Ayaw na din namin kasi dagdagan pa.“-Hya
                “Yup, Ces. Alam mo namang, mahal ka kasi namin eh.“-Sahchi

“Thank you mga atee!“ sabay nag-group hug kami.
Aww. Na-touch talaga ako dun pero, napaisip ako. Parang nainis din ako sa sarili ko dahil masyado lang akong nakatuon sa sarili kong buhay. Kaibigan nila ko diba? Bakit sila lang ang laging matiyagang nag-aalala para sakin? Lagi na lang din si Evo nasa isip ko. Hindi tama ito. Hindi lang din dapat kay Evo ako nakatuon. Alam ko namang maaayos din ang lahat samin ni Evo. Kailangan ko lang hintayin ang Right Moment at the Right Time. Oo, umaasa pa rin talaga ko, eh.

Kaya simula ngayon, dapat hindi lang si Evo ang iniintindi ko. May mga kaibigan ako na laging nariyan para sa’kin kaya kailangan lagi din akong nariyan para sa kanila.

Dahil, alam ko sa sarili ko na..




Nung mga oras na wala pa si Evo sa buhay ko, sila yung mga taong laging nariyan at nagpapasaya sakin kaya hinding hindi ko dapat sila kalimutan.



Kailangan ko din sila bigyan ng oras ko.




Dahil, mga kaibigan ko sila at mahal ko sila.  



 [continuation at next parts]


No comments:

Post a Comment