Sunday, October 3, 2010

The Phone Call by Eunice A. Laurito

Daniel Guevarra

Jenny Jimenez

Alessandra Marquez

Palaging magkasama sina Daniel at Jenny kahit saan magpunta. Sila'y matalik na magkaibigan sa loob ng maraming taon. Hanggang sa isang araw..

"Daniel, may mahal na ko." ani Jenny kay Daniel nang magkausap sila sa telepono.

Parang may kung anong tumusok sa puso ni Daniel. Ano itong nararamdaman niya? Pakiramdam niya'y siya na ang pinakamalas at pinakamalungkot na tao nang gabing iyon. Pinagkaitan na yata siya ng panahon na lumigaya. Ano ang dapat gawin?

"Daniel? Daniel? Nariyan ka pa ba?" ani Jenny nang wala na siyang marinig pang sagot kay Daniel hanggang sa ibinaba na rin ni Daniel ang telepono.

Sa eskwelahan kinabukasan..

"Daniel Guevarra." wika ni Mrs. Enriquez na nag-che-check ng attendance ng klase.

Walang sumagot. Hindi pumasok si Daniel. Hanggang sa umabot na ng isang linggo, isang buwan at hindi pa rin pumapasok ito. At dahil dito, hindi na rin mapakali si Jenny kung ano'ng nangyari kay Daniel kaya nagpasya siyang puntahan na ito sa bahay nito.

"Tao po..tao po!!" aniya ngunit walang sumasagot.

Pagkalipas ng ilang minuto ay may nakapansin na sa kanya. Isang babae ang lumabas mula sa kapitbahay nila Daniel.

"Neng, nako hinahanap mo ba ang mga nakatira diyan?" wika nito.

"Opo. Umalis po ba sila? Wala po kasing sumasagot.

"Oo. Umalis na sila."

"Mga Ano'ng oras po kaya makakabalik?"

"Naku, 'Neng hindi na yata babalik ang mga iyon. Ang alam ko ay nakaalis na sila ng bansa kahapon pa. Nagpunta na ng Amerika."

Amerika. Amerika. Amerika... hindi maalis iyon sa isipan ni Jenny. Amerika..Amerika.. at saka naman niya naalala ang nakaraan. Limang taong gulang sila noon ni Daniel.

"Daniel, Pangako mo sa akin di mo ako iiwan at hindi tao maghihiwalay kailanman." ani Jenny.

"Oo. Pangako." sagot ni Daniel.

Oo, tama. Tandang-tanda niya ang araw na iyon ngunit ngayon nasaan na si Daniel? Ang taong nangako sa kanyang di iya iiwan?

Pagkatapos magtapos ni Jenny sa sekondarya ay sinundan niya si Daniel sa Amerika ngunit hindi niya ito natagpuan agad. Kaya habang naroon siya ay ang pinagtuunan niya na muna ang kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Siya ay nagtapos ng kursong Medisina.

"Doctor Jimenez, I just want to inform you that there will be a new doctor here in our hospital, please help him know all the informations that he should know here." wika ng Punong Doktor sa kanya.

"Yes, Doc." aniya.

Kinabukasan...

"Hi, Doctor Jimenez. I am just informed that I should meet you for the informations that I should know." sabi ng isang tinig na pamilyar kay Jenny. Oo, tama kilala niya ang boses na iyon.

Tumalikod si Jenny upang malaman kung sino talaga iyon. Paglingon niya, di napigilan ng mga mata niyang lumuha. ang lalaking iyon, kilala niya kung sino iyon. Siya ang lalaking matagl na niyang hinahanap dahil sa pagmamahal niyang di mawala-wala rito. Ito ay walang iba kundi si Daniel Guevarra. Tama siya nga. Gusto na tuloy sumigaw ni Jenny sa sobrang kagalakan.

"Jenny, Ikaw ba 'yan?" sa wakas nagsalita na rin si Daniel.

"Daniel? Tama Ikaw nga!" wika ni Jenny sabay takbo papunta kay Daniel na balak sana niyang yakapin ngunit...

"Tumigil ka." wika ni Daniel. "By the way, where should we start?" patuloy nito.

At saka na lang sinimulan ni Jenny ang pagtuturo kay Daniel ng mga dapat nitong malaman sa ospital. Habang ginagawa niya iyon, nasasaktan siya. Bakit gano'n? Wala na ba siyang halaga kay Daniel? Pero kunsabagay, maraming taon na nga naman ang lumipas, marahil ay nakalimutan na nga siya nito.

"Thanks, Doctor Jenny, I can now start my work tomorrow." ani Daniel sabay ngiti.

Ang ngiting iyon, matagal na niyang hindi nakikita iyon at ngayon sobrang saya niya dahil nasilayan na niya iyon ulit ait pagkatapos magpasalamat ni Daniel ay naglakad ito papunta kay Jenny ngunit lumampas pala ito at hindi pala siya ang nginitian nito kundi ang isang babae sa likod niya, si Alessandra Marquez.

"Daniel!!" wika ni Alex sabay halik sa labi ni Daniel. "How's your day?" patuloy nito.

"It's good. By the way I can now start my work tomorrow here." ani Daniel.

"Oh , that's good. And , who is she?" ang tinutukoy nito ay si Jenny.

"Oh. By the way, She's Doctor Jenny , she's the one who helped me for my work."

"Oh, nice to meet you."

"Nice to meet you too.." wika ni Jenny.

"At siya rin pala ang kinikuwento ko sa iyong matalik kong kaibigan sa Pilipinas." ani Daniel.

"Ah.. siya pala 'yon."

'Ah.. eh.. Marunong ka pa lang magtagalog?" ani Jenny.

"Oo, tinuruan ako ni Daniel.

"Ah..."

"Nga pala, Gusto sana kitang imbitahan sa kasal namin ni Daniel sa susunod na Linggo na."

KASAL? Oo, tama kasal nga.Ikakasal na pala ang KAIBIGAN niyang si Daniel.

"Jenny, puwede ba?"

"Ah, sige."

"Mabuti naman."

Pagkatapos noon ay nagpaalam na sina Daniel at Alex kay Daniel. Nagsimula na ring umiyak si Jenny. Nilingon muli ni Daniel si Jenny ngunit at saka pinunasan agad ni Jenny ang mga luha niya.

Sa ospital kinabukasan...

"Daniel, kausapin mo ako." wika ni Jenny nang nasa iisang kwarto lang sila ni Daniel sa ospital.

"Tungkol saan?"

"Bakit bigla kang umalis? Pagkatapos ng tawag na iyon?"

"Dahil ayoko nang marinig pa ang mga susunod mo pang sasabihin."

"Bakit?"

"Dahil ayokong malaman kung sino ang taong mahal mo. Dahil masasaktan ako! Alam mo ba 'yon? Di ko kakayanin kaya minabuti ko na umalis na lang."

"Duwag ka." ani Jenny.

"Ano?"

"Alam mo ba kung sino talaga ang mahal ko?"

"Ayoko na nagng malaman. Paalam." wika ni Daniel at saka naglakad paalis na sana ngunit..

"Daniel!! Nag gabing iyon, magtatapat sana ako na ikaw 'yung taong mahal ko!! IKAW!" sigaw ni Jenny.

Ngunit patuloy lang si Daniel sa paglabas ng kwartong iyon.

Pagkalipas ng 2 araw..

"Hello?" wika ni Jenny nang sagutin ang isang tawag.

"Jenny, Si Alex 'to. Magkita tayo sa isang restaurant s tapat ng ospital."

Restaurant..

"Jenny, mahal mo pa ba si Daniel?" wika ni Alex.

"Oo. Mahal ko pa rin siya." sagot ni Jenny sabay dating ni Daniel.

"Narinig mo ba Daniel?" ani Alex.

"Ano'ng gusto mong mangyari Alex? Bukas na ang kasal natin tapos ganito pa ang ginagawa mo.." ani Daniel.

"Ang gusto ko lang pakasalan ako ng taong mahal ako dahil mahal ako nito." pagpapaliwanag ni Alex at saka umalis.

Sinundan naman ni Daniel ito.

"Gusto mo pa rin bang magpakasal sa'kin?" tanong ni Alex nang silang dalawa na lang ni Daniel ang magkasama.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" ani Daniel.

"She's the love of your life and I know She's still the one until now, and now you're asking me why?"

"Pakakasalan kita."

"Mabuti. Dahil iyan talaga ang dapat." ani Alex.

"Alex?"

"O, ano? Ayaw mo na kong pakasalan diba?"

"I'm sorry, Alessandra."

"Tuloy ang kasal bukas." ani Alex at saka umalis.

Sa araw ng kasal...

"Alex, are you sure about this?" wika ni Jenny na tila inaayusan ni Alex.

"Oo naman."

Handa na ang lahat, maraming mga panauhin , mga kamag-anak nina Daniel at Alex. Naroon na rin si Daniel na hinihintay ang pagdating ng babaeng pakakasalan niya ngunit tila hindi siya masaya.

Hanggang sa bumaba na ng sasakyan ang bride. Bumukas ang pintuan ng simabahan. Nang masilayan ni Daniel mula roon ang babaeng pakakasalan niya ay gumaan na ang loob niya, masaya na siya dahil ang babaeng nakasuot ng wedding gown ay walang iba kundi si Jenny jimenez na magiging Jenny Guevarra na.

Samantalang sa isang Restaurant...

"Ma'am. You have ordered these also? But you've eaten so much already. Ma'am are you okay?" wika ng waiter sa naturang restaurant habang patuloy lang si Alex sa pagkain, ganito kasi siya 'pag depressed.

"Pinoy ka, diba?" ani Alex. Napansin din nitong di hamak na mas gwapo ang waiter na iyon kaysa kay Daniel na kasalukuyan na ngayong kinakasal.

"Ah, Opo Ma'am."

"Samahan mo ko sa pagkain dito, dali."

"Ah.. eh.. Sorry, Ma'am."

"Sige na, kundi tatawagin ko ang manager niyo dito dahil ayaw mong sumunod sa'kin at baka mawalan ka pa ng trabaho nang wala sa oras."

"Okay, Ma'am."

"May tanong nga pala ako sa'yo.." wika ni Alex sa seryosong tono ng boses.

"Single ka?"

"ah.. yes, ma'am."

"Good. Ngayon pa lang nililigawan na kita." ani Alex.

THE END! :D

MAGKAIBIGAN O MAGKA-IBIGAN? by Princes Joyce Sulit :3

Prince

Paula

Si Paula, isang simpleng babae na nag-aaral sa Maranatha Christian Academy, ay kilala sa kanyang katalinuhan at pagiging pala-kaibigan. Sa una ay mahiyain pero habang tumatagal ay lumalabas ang kakulitan. Hindi pa niya nararanasang umibig hanggang sa may nakita siyang poster ng isang organisasyon sa eskwelahan.

“Timothy Artist Guild? Mukhang masaya dito ah. Sasali ako.”

At naging miyembro na ng TAG si Paula. Sa isang pagtitipon ng mga miyembro ng TAG, may laging nang-aasar kay Paula. At siya si Prince. Sa ilang sandali, napikon si Paula.

“Ano bang problema mo ha?! Kanina ka pa ah. Bakit ba lagi mo akong inaasar, ha??”

“E bakit ba?? Gusto ko e. Pakielam mo?”

Tuluyang nagalit si Paula at nakonsensya si Prince. Ilang beses na siyang humingi ng tawad pero ayaw pa din ni Paula. Pero isang araw, tila lumambot ang puso ni Paula at pinatawad niya si Prince. Di nagtagal, sila ay naging matalik na magkaibigan.

Araw ng Pasko, nagbigay sila ng regalo sa isa’t-isa. Ang regalo ni Prince kay Paula ay isang malaki at mamahaling stuff toy. Ito ay labis na ikinatuwa ni Paula. At nahanap niya ang kanyang sariling nahuhulog na kay Prince.

“Diyos ko! Bakit ba ganito na lang ang kasiyahang nararamdaman ko? Hindi pwedeng mahulog ang loob ko kay Prince. Kailangan pigilan ko ‘to hangga’t maaga pa. PAULA hindi pwedeng mahulog ang loob mo kay Prince. Hindi pwede, hindi pwede, hindi pwede!”

Sinubukang layuan, iwasan at kalimutan ni Paula si Prince ngunit si Prince ang lumalapit sa kanya. Kaya dumating ang araw na tuluyan ng nahulog si Paula sa kaibigan. Lalo pa silang naging malapit sa isa’t-isa. Sa tuwing magkasama ang dalawa, halos mangamatis ang mukha ni Paula sa kilig. Laging masaya at tawa ng tawa si Paula. Kapag naman walang pasok, tinatawagan ni Prince si Paula sa cellphone at maghapon-magdamag silang magkausap. Halos ibigay na ni Paula ang lahat-lahat kay Prince. Kung titignan, daig pa nila ang mag-syota.

Ngunit isang araw sa eskwelahan, ay nakita ni Paula si Prince na may kasamang babae. Kung titignan, napaka-sweet nila. Kaya kinabukasan, tinanong ni Paula si Prince.

“Best, sino ‘yung kasama mo kahapon?

“Ah. Si Leslie. Ang pinakamamahal kong si Leslie.”

Lubusan nasaktan si Paula ng marinig niya ito. At ito ang dahilan kung bakit magang-maga ang kanyang mga mata. Plano na niya sanang umamin kay Prince, kaya lang natatakot siyang masira ang pagkakaibigan nila. Kaya pinili na lang niyang tumahimik.

“Ngayon, alam ko na… hanggang kaibigan lang talaga ang turing sa aking ni Prince… kailangan ko ng itigil ang kahibangan na ‘to…”

Pero dumating ang araw na para bang hindi na masaya si Prince kay Leslie. Lagi na niyang hinahanap-hanap si Paula.

“Bakit ba parang hindi ako panatag kay Leslie? At para bang hinahanap ko sa pagkatao niya si Paula? Miss ko na si Paula. Gusto ko lagi siyang kasama.”

At biglang nagbago ang ihip ng hangin. Sa isang iglap, nahulog na din ang loob ni Prince kay Paula. At ito’y agad niyang inamin sa dalaga.

“Best, may sasabihin ako sa’yo. Huwag ka magagalit ha.”

“Bakit naman ako magagalit? Ano ba yon?”

“M-M-Mahal kita.”

“Ha? Prince hindi magandang biro yan ha.”

“Totoo! Mahal kita Pau. Seryoso ako.”

“…e paano si Leslie?”

“Si Leslie? Hindi ako naging masaya sa kanya. Sa’yo lang ako masaya at komportable, Paula. Maniwala ka.”

Hindi makapaniwala si Paula sa narinig niya. Kaya pinasya na din niyang umamin sa kaibigan.

“Prince may tatanong ako.”

“A-ano yun?”

“Di mo ba nararamdang mahal din kita?”

“Ha?”

“Oo. Tama ang narinig mo. Mahal din kita. Simula ng bigyan mo ko ng regalo nung Pasko. Simula nung naging mag-bestfriends tayo. Lagi akong masaya dahil sa’yo. Dapat sasabihin ko na sa’yo noon, kaya lang natatakot akong nang dahil lang doon ay masira ang pagkakaibigan natin. At sa totoo lang, nagselos talaga ako kay Leslie.”

Simula noon, lagi na silang magkasama. At dumating ang tamang panahon at tamang pagkakataon kay Prince para ligawan niya si Paula. Tama nga ang sabi nila. “Lumingon ka lang sa paligid mo. Magugulat ka na lang, katabi mo na pala ang totoong nagmamahal sa’yo.” <3

Bakit kaya? by Ionna Grace Mendoza

Bakit kaya?

Bakit tila musika ang boses mo sa aking tainga?

Bakit animo'y bituin ang kislap ng iyong mata?

Bakit bawat minuto'y hiling ko'y masilayan ka?

Bakit natutuliro sa tuwing nariyan ka na?

Bakit sa dami ng tao ay espesyal ka?

Bakit sa aking paningin ikaw lamang ang maganda?

Bakit ika'y ang siyang nagbibigay kulay?

Bakit ikaw ang tinatangi ng aking buhay?

Bakit sabawat sulyap may katumbas na saya?

Bakit bawat salita mo'y tila isang musika?

Bakit kapag nakikita ka puso'y mayroong kaba?

"MAHAL KITA", kasagutan sa mga tanong na iyan.