Sunday, June 13, 2010

Tago by Kim Escaran



Matagal ko nang itinatago-tago
Ang pag-ibig na nadarama ko sayo
Hindi ko akalaing tatagal ito
Ngunit nadarama ko na ang layo mo

Pinili ko na lang na kalimutan ka
Para ‘di na ako muling masaktan pa
Upang itigil ko na ang kakaasa
Tuluyan ko na hayaang magparaya

Akala ko nakalimutan na kita
Ngunit ang sakit pa rin ng nadarama
Noong nakita kong kasama mo siya
Hanggang ngayon pala mahal pa rin kita.

Tuesday, June 8, 2010

Maling Akala by Audeza Tiosen

Trish
Earl


Lahat ng tao ay nagkakamali. Hindi natin sinasadyang makagawa ng maling bagay. Ngunit naranasan mo na bang magkamali at hindi mo pinagsisihan ang nagawa mo? At imbis na pagsisihan, ay ito pa ang nakapagpabago ng buhay mo at nakapagpasaya sayo, at higit sa lahat ay nakatagpo ka pa ng bagay na pwede mo ng ariin sayo habang-buhay at ang lahat ng ito ay dahil lang sa mali mong akala.

"Bestie! dito lan ako mlapet sa skul, sa tpat ng lage ateng pnagkkainan? mkkipagkita lan ako kay Josh! excited na nga ko e. osige text na lan kita maya uh? mua! :*" natanggap na mensahe ni Trish galing sa kaniyang matalik na kaibigan na si Eunice. Napabuntong hininga na lamang siya dahil makikipagkita na naman ito sa kasintahan niyang alam niyang playboy ngunit hindi naman yun pinapaniwalaan ni Eunice. Hindi naman niya masisi ito dahil yun lang ang nagpapasaya sa kaniyang matalik na kaibigan.

Ilang sandali pa at biglang tumawag si Eunice, sinagot niya ito ngunit wala namang nagsasalita sa kabilang linya. Maliban na lamang sa naririnig niyang ilang hikbi mula rito. Nagalala siya sa kaniyang kaibigan kaya minabuti niyang puntahan na lamang ito, isa lang ang nasa isip niya. Panigurado, naloko na naman ang bestfriend ko! nagmadali siyang umalis at pinuntahan ang kaibigan. Nang makarating na siya ay hinanap niya ito ngunit hindi niya ito makita. "Nasan ka na ba Eunice?! Baka napano na yun, kase naman e! Di pa ren nadadala hanggang ngayon" bulong ni Trish sa sarili, habang palinga-linga upang hanapin ang kaibigan. Maya maya ay may narinig siyang humihikbi, nang napagtanto niya kung nasan ito ay napalingon siya rito, at laking gulat niya ng makita niya si eunice na umiiyak at nakaupo sa bench. Dagli niyang pinuntahan ang kaibigan at pinatahan. "Hala! Anong nangyari Best?! Sino may gawa nito sayo?! Sabihin mo sakin sino? humanda sakin yun!" itinuro naman ito ni Eunice ngunit nakabaon pa rin ang mukha nito sa kaniyang kamay dahil sa di matigil niyang pag-iyak. nilingon naman ito ni Trish at ang kumuha ng atensyon niya ay isang kotse na papaalis at pagawi na sa kalsada. "So, eto nga siguro yung nagpaiyak sa Bestie ko! humanda ka saken ngayon! porket me kotse ka at mukang mayaman? sus! di ko to papalampasin!" wika ni Eunice sa kaniyang sarili at gumawi na sa kalsada upang harangin ang kotseng paparating. Napatigil naman si Eunice sa pag-iyak dahil nabahala siya kung ano ang gagawin ni Trish. Hinarang ni Trish ang kotseng pagawi na sa kalsada. Kaya naman huminto ang kotse sa tapat niya at lakas loob na pinuntahan ang nagmamaneho nito. "Hoy! ang kapal naman ng mukha mong paiyaken tong kaibigan ko?! Baket?! Ano bang ginawa niya sayong masama?! Ha?!" lumingon naman ang binatang nasa loob ng kotse. "What are you talking about? Are you crazy?" wika ng binata kay Trish. "Crazy?! wag mo nga kong maenglish english dian at baka pasabugin ko yang nguso mo!" gigil na gigil na wika ni Trish sa lalake. "Trish, Tama na! Hin-" di na naituloy ni Eunice ang sinasabe niya dahil biglang nagsalita ang kaibigan. "Anong tama na?! matapos ka niyang paiyaken?! managot siya sa ginawa niya!"
"what?! pinaiyak? miss pakipaliwanag nga kung ano ang sinasabe ng baliw na to?" Nakatingin ito kay Eunice at ang tinutukoy nito ay si Trish. "A, e. sorry po-" hiyang hiya na humingi ng paumanhin si Eunice sa lalake. "Sorry?! Best! baket ka nagsosorry sa kaniya?! ikaw na nga yung naagrab-" biglang natahimiek si Trish dahil halos pasigaw ang mga sumunod na sinabe ni Eunice. "Pwede ba Trish! manahimek ka muna sandali? ahm, kuya sorry po talaga. Sensya po sa istorbo. " biglang hinila ni Eunice ang kaibigan sa gilid ng kalsada at mahinahong kinausap ito. Napangisi naman ang binata at pinaharurot na ang kotse. "Teka! Sandali! Adik yun uh?! tinakasan ako! kaw naman kse e. Ang tanga tanga mo!" panenermon ni Trish sa kaibigan. "Okey lang maging tanga. Wag lang gumawa ng iskandalo, nababaliw ka na?! Bakit ayaw mong makinig sakin kanina?! Hindi siya yung lalakeng nagpaiyak saken! Di ko siya kilala. Okey? Kaya nga hiyang hiya na ko sa kaniya nung huminge ako ng sorry e. Kase mali ka ng sinabihan mo!" wika ni Eunice sa kaibigan, napalunok na lamang si Trish sa narinig. "m-mali? ibig sabihin h-hndi siya yung lalakeng nagpaiyak sayo? Ano ka ba naman Eunice! Baket ngayon mo lang sinabe?! Nakakahiya dun sa tao e." batok ang sinagot ni Eunice dito. Kaya naman napakamot na lamang siya. "Baket ngayon ko lang sinabe? e kase naman di na matigil yang bunganga mo kakasalita kanina. alam mo? Nakakatawa ka kanina, ang galing mo uh? napatawa mo ko. Hahaha!" pang-aasar ni Eunice sa kaibigan. "Amp! So, natuwa ka pa uh? Nakakahiya! urgh! halika na nga! late na tayo neto sa kagagawan mo e!" asar na asar si Trish dahil nagawa pa ni Eunice na pagtawanan siya sa kabila ng pagtatanggol niya dito ngunit siya ay nagkamali ng akala.

Nakailang beses ng hikab si Trish. Wala pa rin ang kanilang professor. nawala na lang ang kaniyang antok na biglang pumasok na ang kaniyang prof. at nakita niyang may isang lalakeng nakasunod dito. "Class! gusto kong ipalam sa inyo na magkakaron kayo ng panibagong kaklase, Siya ay si Earl Angeles. Sana'y maging maayos ang pakikitungo niyo sa kaniya. Okey? Mr. Angeles maaari ka ng umupo dun sa bakanteng silya sa likuran." Laking gulat na lamang ni Trish ng mapagtanto niya kung sino ang binatang tinutukoy ng kaniyang guro. Bigla niyang naalala ang nagawang kahihiyan kanina. siya yun! di ako nagkakamali! ayt! nakakahiya. Dito pa siya sa tabi ko uupo. tsk!Hindi alam ni Trish ang gagawin. Wala siyang mukang maihaharap dito, matapos siyang maghesterikal sa harap nito. Nang papalapit na ito ay itinakip na lamang niya ng kaniyang mga palad ang kaniyang mukha. Naramdaman niyang umupo na ito sa tabi niya. Kinakabahan siya. Di niya alam kung bakit siguro ay dahil sa ginawa niya kanina. Pero naisip niya tao lang siya at nagkakamali din. Lakas loob siyang ngumiti dito at halata namang nabigla ang binata ng makita siya. "Dapat di ako pinaupo dito. tsk, baka mahawa ako sa kabaliwan ng isang to" pabulong lang iyon pero narinig pa rin ni Trish ang sinabi nito. "teka? anong sabi mo? baliw?!" maypagkainis na sambit ito ni Trish sa katabi. "Di ka lang pala baliw. bingi pa. kelangan ko pang ulitin?" urgh! nangaasar pa! humanda ka saken. bwiset.Halos gusto na niyang sumpain ang katabi, dahil isa ito sa mga taong malakas ang loob na sabihan siya ng mga ganung bagay. Pero mas pinili na lang niyang kumalma at wag ng pansinin ang mga sinabi nito.

"Grabe no? ang pogi talaga ni Earl. Naku!" wika ni Lala. Isa sa kanilang mga kaklase. "Pogi nga. Nakakabwiset naman!" sagot ni Trish sa kasama. "Baket naman? Muka namang mabaet e." Napabuntong-hininga siya bago niya sinagot ang tanong nito. "Basta! Nakakairita siya. Nakakaasar. Nakakasuklam! Bwiset sa buhay. Kala mo kung sino. Hmp!" kitang-kita sa mga mata ni Trish ang pagkainis sa lalaki. Ngunit, napangiti lang ang kaniyang kasama sa kaniyang mga sinabi. "O? Baket ngingiti-ngiti ka dian? Me nakakatawa ba sa sinabe ko? Hay. Kung alam mo lang. Nakakainis talaga siya!" Mas lalong napangiti si Lala sa mga sinabi ni Trish. "Alam mo kase. The more you hate, The more you love. Hahaha," Napakunot naman ang noo ni Trish sa sinabi ng kaibigan. "Yay! Hindi yun totoo no! Pano naman ako maiinlove dun e nakakaasar kaya pag-uugali niya. Hay naku! Halika na nga at baka hinihintay na tayo ni Eunice dun." Pag-aaya niya sa kasama at binalewala na lang niya ang sinabi nito sa kaniya.

Ilang araw ng lumipas at mas lalo niyang kinasusuklaman ang katabi. Minsan nga nagkalaban sila sa isang debate at hindi niya hinayaang matalo siya nito. Lagi silang nagkakalaban sa lahat ng bagay. Minsan pa nga ay inaasar na sila ng kanilang mga kaklase pero binabalewala lang niya ang mga ito. Hanggang sa maipatner siya dito para sa isang project na kailangan nilang gawin ng ilang araw. Noong mga unang araw ay hindi pa rin palagay ang loob niya dito. Ngunit ng magkasama na sila ng sumunod pang mga araw at napagtanto niyang mabait din pala ito at nakakatuwang kasama. At di niya inaasahang mahulog ang loob niya dito. Mabilis ang mga pangyayari, nang nakaraan lang ay inis na inis siya dito ngunit habang tumatagal na magkasama sila ay mas nakikilala niya pa ito ng lubusan at mas lalong nahuhulog ang loob niya dito.

"O, nandito na yun reque-" Hindi na naituloy ni Earl ang pagsasalita dahil pagkabukas niya ng pinto ay nakita niyang nakatulog na si Trish sa lamesa. Siguro ay sa pagod dahil sa tinatapos nilang project. Dahan-dahan na lamang niyang inilapag ang kaniyang dalang pagkain sa mesa. At umupo sa tabi nito. Nakangiti siya habang tinititigan ang natutulog na dalaga. "Kung alam mo lang kung ano nagpapasaya sakin ngayon.." malumanay na ibinulong ni Earl sa kaniyang sarili habang hinahawi ang buhok nitong nagtatakip sa kaniyang mata. Inilapit niya ang kaniyang sarili at tinangka niyang hagkan ito sa noo nang hindi niya sinasadyang masagi ang basong nasa kaniyang tabi, nabasag ito at yun ang dahilan ng pagkagising ni Trish. Nabigla naman si Earl at hindi na alam ang gagawin. Napansin kaya ni Trish ang sobrang pagkakalapit niya dito? Naalarma na lang siya nang nagsalita ang dalaga. "Nakatulog pala ko. Ay anong nangyari?" Ang tinutukoy nito ay ang nabasag na baso sa lapag. "A, e. Nasagi ko lang. Am. Sige, gusto mo magpahinga ka na muna sa kama tapos aayusin ko na to." Ngiti lamang ang isinagot ni Trish dito at humarap na sa laptop upang ipagpatuloy ang ginagawa. Agad namang nilinis ni Earl ang lapag at napabuntung hininga na lamang pagkalabas ng pinto. Napalingon dito si Trish at ipinagpatuloy nang muli ang ginagawa.

Hindi pa bumabalik si Earl matapos nitong lumabas. Inakala na lang ni Trish na bussy ito at may ibang ginagawa. Natapos na niya ang mga dapat tapusin para sa kanilang proyekto. Naiclose na niya ang IE at nakita ang nakadisplay na desktop sa laptop nito. Isang picture, Si Earl at may kasama siyang babae. Pamilyar ang magandang muka nito ngunit hindi niya alam kung san niya ito nakita. Bigla na lamang siya nalungkot. Naisip niyang ito ay ang girlfriend ni Earl. Nawalan siya ng pag-asa para dito. Napabuntong-hininga na lamang siya at naisipang umuwi na dahil tapos na rin naman siya sa mga gawain at ang iba ay si Earl na ang gagawa. Tinungo niya ang pinto at bumaba ng hagdan hinanap ng kaniyang mga mata si Earl at nakita naman niya ito sa kusina may kausap sa cellphone. Napahinto siya bigla ng di sadyang marinig ang usapan nito. "Hm, pag pumunta ko dyan magdadala ako ng chocolates para sayo. I cant wait to see you.. Miss you so much. Love you baby." Nakangiting pinindot ang cellphone. Hudyat na ito ng pagtatapos na usapan. Nung una ay di nakapagsalita si Trish. Nang napansin na lamang ni Earl na nandito na pala ito, Ay agad na nagpaalam si Trish at nagmamadaling umalis. Nagalala bigla si Earl kung bakit ganun ang ikinilos ni Trish, nagbalak siyang habulin ito ngunit inisip niyang gabi na rin at kailangan ng umuwi ng dalaga.

Nagmamadaling umalis si Trish. Siguro ay dahil sa ayaw niyang ipakita dito na nasaktan siya sa kaniyang mga narinig. Tama nga ang hinila niya na may girlfriend ito. At ang kausap nito kanina ay ang babaeng nasa kaniyang wallpaper sa laptop nito. Nasaktan siya ng malaman at makompirmado ito. Di na niya kailangang magtanong sa binata dahil sapat na ang nakita niya at ang mga narinig. Naisip niyang iwasan na lang si Earl para naman mabawasan ang sakit na nadarama niya at para makalimutan na din ang nararamdaman niya para dito. Yun lang ang tanging solusyon na maaari niyang gawin. Tutal tapos na rin naman ang ginawa nilang proyekto at wala ng dahilan para lumapit pa siya dito. Tuluyan ng nawala ang pag-asa niya at nalulungkot din sa binabalak niyang gawin. Ngunit kung ipagpapatuloy pa niya ang paglapit dito ay mas lalo siyang masasaktan. Kaya kinumbinsi niya ang sarili na ito ang nakakabuti para sa kaniya, at para na rin kay Earl. Biglang umihip ang malakas na hangin. Napatingin siya sa mga ulap at nakitang walang mga bituin, nababalutan ng makakapal na ulap. Nagbabadyang umulan. Mukang dadamayan pa siya sa nadarama niyang sakit.

Ilang araw ang lumipas at pinanindigan na nga ni Trish ang kaniyang naisipang desisyon. Ang umiwas kay Earl. At dahil nga close sila ng binata ay di nakaligtas ito kay Earl napansin niya ito nung matapos ang insidente sa kaniyang bahay. Inisip niya na may problema lang si Trish at kailangang makapagisip-isip, ngunit ng mapansin niyang sa kaniya lamang ito umiiwas ay minabuti niyang kausapin ito. Ngunit lagi naman siyang bussy ng mga nakaraang araw. Kaya naman ipinangako niya sa sarili na hindi lilipas ang araw na ito na hindi sila nagkakaayos ng dalaga.

Nang magbell na ay hudyat na ito ng kanilang uwian. Nagmamadaling inayos ni Trish ang mga gamit ng sa gayon ay hindi siya maabutan ni Earl. Ngunit bigla siyang napahinto sa ginagawa ng biglang may humawak sa kaniyang mga braso. Si Earl. Seryosong nakatitig sa kaniya, may pagtatanong sa mga mata nito. "Sorry, pero kailangan ko ng umalis." Mas lalong hinigpitan ni Earl ang pagkakahawak niya dito. "Gusto kitang makausap kahit sandali lang." Desperadong malaman ang mga kasagutan. Alam na ni Trish kung ano ang paguusapan nilang dalawa. Ang pag-iwas niya dito. At hindi niya alam kung anong sagot ang hahagilapin niya, dahil kung sasabihin man niya ang totoo ay malalaman na rin nito ang tunay niyang nararamdam para sa binata. "Bakit ka ba umiiwas sakin? Ano bang problema?" Silang dalawa na lang ang nasa room. At ngayon nakatitig sa kaniya si Earl naghihintay ng kaniyang kasagutan. "Di mo magugustuhan ang isasagot ko. Kaya mas mabuti nang wag mo ng alamin. " Nagtangka siyang umalis ngunit pinigilan siyang muli ni Earl. "Gusto kong malaman ngayon." Napalunok na lamang si Trish dahil muka talagang seryoso ito at wala naman na siyang magagawa kundi sabihin ang totoo. Bahala na. Yun na lang tumatakbo sa isip niya ngayon. Tatanggapin niya kung ano man ang maging consenquence sa gagawin niya dahil siya rin naman ang may gawa nun. "B-bat di mo sinabing may girlfriend ka na pala?" Kulang na lang ay manginig siya sa sinabi. Kinakabahan kung ano ang maaaring isagot ng binata. Bigla namang napakunot ang noo ni Earl sa narinig. "Girlfriend?" sagot na may tonong pagtatanong. "Oo. Girlfriend! dba?! Yung nasa wallpaper mo sa laptop. Tapos yung kausap mo pa sa cp mo. Girlfriend mo yun dba?!" Napahinto si Earl at napaisip. Bigla na lamang natawa. Napakunot naman ang noo ni Trish sa naging reaksyon ng binata. May nakakatawa ba sa sinabi niya? At nakuha pa ni Earl na tumawa na kanina lamang ay seryosong-seryoso. "Girlfriend?" Nakangisi pa rin. "Girlfriend ko yung babaeng kasama ko sa may wallpaper? o c'mon Trish! Kung iniisip mo na girlfriend ko yun nagkakamali ka. Sister ko yun, di mo ba napansin yung mga pictures namen sa sala? Kaya yun ang napili ko kase sobrang miss ko na si ate. Nasa ibang bansa siya. At yung sinasabi mong kausap ko sa phone?" Huminto ngunit nakangiti pa rin habang nagpapaliwanag. Ngayon, unti-unti ng naliliwanagan si Trish. Kaya pala pamilyar ang muka nito ay dahil nakita na rin niya ito sa ibang pictures. Nanatili siyang nakatitig kay Earl habang nakikinig dito. "Anak niya yun. Si Princess. Baby ang tawag namin sa kaniya. Hm. Naipaliwanag ko na ba ng maayos ang lahat?" Nakatulala lang si Trish. Nagsisimulang mamula ang mga pisngi. Nagkamali na naman siya. Hindi niya alam ang isasagot. Napangiti si Earl. "Baket?! ngingiti-ngiti ka dyan?! Akala mo nakakatuwa? Hmp! Matapos mo kong pahirapan." bulong na lamang ang mga huling sinabi ni Trish. Mas lalong lumuwag ang mga ngiti ni Earl. "Hm. Bakit ka nagkakaganyan? Inlove ka sakin no! Haay. I knew it from the start. Nung sinigawan mo ko at sinisi mo ko sa lahat.. Hanggang ngayon." Hindi alam ni Trish kung ano ang dapat na gagawin sa harap ng binata ngayong alam na nito ang nararamdaman niya para rito. "Inlove?! Hmp! Akala mo madali yung ginawa kong pag-iwas sayo! Hm.. Pero siguro dapat na kong masanay dahil alam ko pagtapos ng usapan na to iiwasan mo na rin ako dahil sa nalaman mo. Kaya, sorry kung naabala kita. Hayaan mo di na kita uli pagiisipan ng kung ano-ano. Di na ko magkakama-" Hindi na naituloy ang sinasabi niya dahil naramdaman na lamang niya ang mainit na katawan nito dahil sa biglaan nitong pagkayakap sa kaniya. Napahinto naman siya. At naramdaman na lamang niya ang hininga nito mlapit sa kaniyang tainga. "Sshh. Dont worry. I feel the same way too." Malumanay at kalmadong isinambit ni Earl ito sa dalaga. Di naman makapaniwala si Trish sa narinig. Nakatulala lang siya. Di alam ang sasabihin. At kung may sasabihin man siya ay siguradong hindi niya kayang bigkasin ito dahil kahit buka lamang ng bibig ay di niya magawa. Lumuwag ang pagkakayakap sa kaniya ni Earl at hinaplos ang kaniyang namumulang mga pisngi. Hanggang sa unti-unting palapit ang mga labi nito sa kaniyang labi. Napapikit siya, handa ng salubungin ang mga labi nito. Hinagkan siya nito. At may ibinulong sa kaniya. "i love you.. Nung una pa lang tayo nagkita. Alam ko ng may kakaiba akong naramdaman sayo. Kahit ilang beses mo kong sigawan. Ang cute mo kapag asar-talo ka sakin. Mas lalo akong naiinlove sayo.." Nakatitig sa kaniya si Earl. Sincere ang pagkakasabi niya dito. Napangiti siya. Gusto niya ang ganung pakiramdam at kung pwede lang ay ayaw niya itong matapos. "I love you then." Yun na lamang ang tanging nasabi niya. "Then?" Naghihintay pa na may idudugtong pa si Trish sa sinabi niya. "Then.. Pakidala na ang gamit ko. At umuwi na tayo! Halika na. Tayo na lang ata nandito." kumalas si Trish sa pagkakayakap sa kaniya ni Earl at kinuha na ang mga gamit at binigay kay Earl. Sinadya niyang ibinigay ang lahat dito at patakbong tumakbo ng room. "Hoy! Teka. Boyfriend mo ako at hindi alalay!" wika ni Earl sa kaniya, dala dala pa rin ang mga gamit. "Boyfriend? Di pa kita sinasagot no! Habulin mo muna ko. Haha!" Isang pilyong ngiti ang pinakita ni Trish dito. Sa pagkakataong ito masaya siya. May mga natutuhan siyang ilang bagay dito. Wag muna magpapaniwala hanggat hindi pa nakukumpirmado kung totoo nga ba ito. Siguraduhing tama ang napiling estranghero na sisigawan dahil lamang inakala na ito ang nagpaiyak sa kaibigan. At higit sa lahat hindi siya nagsisi na nangyari ang lahat ng ito dahil hindi nila malalaman ang tunay nilang nararamdaman kung hindi dahil sa MALING AKALA.


THE END.
(:

Friday, June 4, 2010

Baby I'll give you another chance by: Liyam Julian

Rhys Aleje
Bambi Montez
Brye Montezor




















Chapter 1


Setting: Sa loob ng classroom, katatapos ng klase at iilan na lamang ang mga estudyante.

"Aalis ka?" tanong ni Bambi habang nakayakap sa bewang ng kanyang kasintahan na si Rhys.
"3 days lang naman ako dun para sa contest. Babalik pa naman ako eh, basta ba pagbalik ko eh-- akin ka parin." Sagot ni Rhys kay Bambi habang pilyo ang pagkakangiti.
Habang nag-uusap ang dalawa at magkayakap, napadaan ang isang teacher. Pabalik ito sa kanilang faculty room nang makita ang dalawa. Napatigil ito sa harap ng classroom nina Bambi at Rhys.
Sinenyasan niya si Bambi para lumapit.
"Nahuli tayo!" natatawang sabi ni Bambi.
Hinagod ni Rhys ang pisngi ng kasintahan; "Para namang hindi nila alam na tayo...nagkaroon ba naman kasi ako ng isa sa mga popular girls dito sa school bilang girlfriend, talagang malaking issue!"
"Sus nagsalita ang lalaking palaging out dahil sa contests! haha."
"Sige na, mauna ka na, baka naiinip na siya, aayusin ko pa yung mga gamit ko. Bye!"
Bago pa man makalabas ng classroom si Bambi, nakita niya ang pagsambit ni Rhys sa hangin ng "I LOVE YOU." At ganun di ang ginawa niya.
Pagkalabas ng classroom......
"Anong ginagawa niyo ni Rhys kanina sa room Miss Montez?" medyo paasik na tanong ng teacher.
"Ano po bang nakita niyo ma'am?" Pabalik na tanong ni Bambi.
"I saw you embracing Rhys, Miss Montez."
"So that's it ma'am, you don't have to ask what you saw."
"I just want to remind you that this is a catholic. if you are to do those kinds of things, you should atleast look for the right place and the right time." pasermong sagot nito.
Nabigla si Bambi ngunit hindi niya ito ipinahalata at sinabing...
"Ma'am, love is unpredictable. So for me, there is no right time and right place. At yung advice niyo sakin ma'am? maybe, you should advice that to yourself. Very well ma'am? mauna na po ako."
Pagkasabi nun ay umalis na si Bambi.
Gulat na gulat ang kanyang teacher kaya atubili itong pumunta sa faculty room at napaisip...
"Bakit kaya ganun ang nasabi ng batang yun? nakita niya kaya ang..."
Pinagpawisan ito ng bigla at mas binilisan ang paglalakad.


Chapter 2


Kinagabihan, sa kuwarto ni Bambi, busy siya sa pagtetext kay Rhys.
“ingat k s byahe nyo bukas ha?”
“yes babe, kw din..make sure n iiwas k s gulo hbang wla ako..xD”
“kw tlga!..inaasar mo nnman ako eh!”
“gnun nman plagi db babe? Kpg wla ako..qng anu-anong knssngkutan mong gulo..:)”
Naalala ni Rhys kung paano siya isumbong ng kaibigan niyang si Sophia tungkol sa mga pinag-gagagawa ng kaibigan niya habang nasa malayo si Rhys. Ikinwento niya kung paanong ilang beses na napatawag si Bambi sa guidance dahil: (1) muntik niyang masunog ang laboratory dahil hindi siya nakikinig sa klase. (2) sinagot-sagot niya ang isang teacher nila dahil hindi nito alam ang lesson plan nito, at (3) nasira niya ang multimedia ng classroom dahil pinaglaruan nilang magka-kaklase at marami pang iba! Pero in the end, lagi paring malinis ang record niya dahil magaling siyang magsalita.
“eh kc nman po.. i go crazy when ur not around! 2lad ngaun...hays..:(”
Nahiga si Bambi habang tinitignan niya ang picture ni Rhys nang mag-beep nanaman ang kanyang cellphone.
“gusto mo bng mgkita tau ngaun?” tanong ni Rhys.
“huh?” gulat na sagot ni Bambi. “saan nman? Ska gabi na.”
“dba my bakanteng lote nman mlapit sa bhay nyo? Dun nlng tayo mgkita, sige na..mtgal2 din aqng mwwla, ska my ibibigay ako sau pra d mo ko msyadong ma-miss pag-alis ko..xD” mahabang litanya ni Rhys sa phone.
“ha? Eh ano nmang ira2son ko?..mgtataka cla!”
“ikaw?! Hndi mrunong mgrason? Babe, prng d nman n kita kila2 niyan...kylan k b hndi nklgtas sa mga gulong pinasok mo?..:D”
Napaisip-isip si Bambi at napagtanto niyang may point nga naman si Rhys.
“wala! Kaya nga blak qng mag-abogada diba?..xD”
“nman pla eh!..cge n babe..pls?” pagmamakaawa ni Rhys.
“oo na! Cge na.. bsta blisan mo lng ha? Akla q p nman mtino kng tao..un pla ms mashol k p skin!..haha..joke!..:D”
Alam kasi ni Rhys na pwede siyang habulin ng daddy ni Bambi ng shotgun kapag bumibisita pa ito pag gabi.
“iba na kc ang impluwensya ng pgmmhal mo..:) ska babe...blisan mo n dhil mlpit n ako..”
“prng alam n alam mo n tlgang pupunta ako ah?..:)”
At dali-daling bumaba si Bambi ng kanyang kuwarto at hinanap ang kanyang mommy.
“Mommy, nag-text si Lara, ibabalik na daw niya yung damit na hiniram niya sa akin, now na. Magkita daw kami diyan sa kanto, kukunin ko na ha?” nabuo niyang palusot sa mommy niya.
“Hindi ba pwedeng ipagpa-bukas na yan anak? Gabi na.”
“ah..eh..aalis daw sila bukas eh, kaya nga siya nagpa-excuse kanina sa school kasi may pupuntahan daw sila ng family niya.”
“oh sige, bilisan mo lang at kakain na tayo mamaya.”
“opo!” sa loob-loob ni Bambi ay sobrang saya niya, akala niya ay hindi niya malalagpasan ang mommy niya..YES!..nasabi na lamang niya sa kanyang sarili.
Pasimpleng lumabas si Bambi sa kanilang bahay, at nang mawala na sa paningin niya ang kanyang mommy ay dali-dali siyang tumakbo patungo sa bakanteng lote. Habang papalapit siya ay napansin na niya ang isang pamilyar na bulto na nakatalikod sa kanya mula sa kanyang kinatatayuan.
Napaisip-isip siya habang nakatingin sa langit na puno ng bituin: “Siguro talagang itinadhana ito ni Bro para sa ‘min!.. ang perfect ng scene! Tnx Bro!”
Mabilis niya itong sinugod ng isang mahigpit na yakap.
Gulat na humarap si Rhys.
“Akala ko may kikidnap na sa ‘kin eh!” bahagya itong tumawa at nakitang sumimangot si Bambi nang muli itong nagsalita sabay hagod sa mukha ng kasintahan.
“Akala ko di ka na makakarating.”
Nagkatitgan si Bambi at Rhys at naisip nang nauna: “hmmm..wala na talagang mas pe-perfect sa gabing ito!”
“Palalampasin ko ba naman itong pagkakataong ito?” mabilis na ginawaran ni Bambi si Rhys ng isang halik.
Napatawa si Rhys, pagkatapos ay may binulong kay Bambi.
“Alisin mo jacket mo...”
Napatanga na lamang bigla si Bambi at biglang namula nang dahan-dahang inaalis na ni Rhys ang jacket niya. Hindi niya alam kung anong isasagot niya kay Rhys at sa sobrang kaba nito ay nabulol pa ito nang muling magsalita.
“R-Rhys...w-wag dito please.”
Gulat na tinignan ni Rhys ang kasintahan sa narinig nito. Tapos ay bigla itong napabulahaw ng tawa. Napatanga nanamang muli si Bambi.
“hoy! Ano bang tinatawa-tawa mo diyan!” Napasimangot na tanong ni Bambi.
Sa gitna ng pagtawa ni Rhys ay sinagot niya ito.
“Kung nakita mo lang ang itsura mo kanina! Hahahaha!” tumigil lamang ito sa pagtawa ng makitang namumula na sa pagkapahiya si Bambi at may mga namumuo ng luha sa mga mata nito . Hindi alam ni Rhys ang gagawin kaya hinalikan na lamang niya ito sa pisngi.
“Gusto ko lang naman ibigay ‘to.” Sabay suot kay Bambi ang isang personalized t-shirt.
Natahimik si Bambi sa nakita at sa nakasulat. ‘You’re my number 1 and i’m sure the only 1.’ At may isang malaking puso sa gitna nito.
Tuluyan ng napaluha si Bambi dahil sa sobrang tuwa at sa di mapigilang saya ay nahagkan na lamang niya si Rhys ng napakatamis sa labi nito. Ganun din ang ginawa ni Rhys at niyakap ng napakahigpit si Bambi.


Chapter 3


“Oh? Ba’t malungkot ka?” tanong ng kaibigan ni Bambi na si Sophia.
“. . .”
“Kasi wala si Rhys ganun?” hula nito.
“Oo, ganun! Buti naman at napansin mo para ‘di ka na nagtatanong ng obvious.” Sagot naman ni Bambi.
“Hay naku!..iba na talaga ang ‘epek’ ‘pag wala si Papa Rhys, kulang nalang maging green at maging si Incredible Hulk sa igsi ng temper mo.”
Napabuntong hininga si Bambi, “Eh paano naman kasi ‘fren’ nawala ang life supply ko...sandali nalang siguro at malalagutan na ako ng hininga!!!” at umakto naman itong tila nauubusan ng hangin.
“Huwag ka ngang OA ‘jan! Mabuti pang kalimutan mo muna siya...kahit sandaling-sandali lang! Kasi mukha ka ng crazy sa mga pinag-ga-gawa mo eh!”
“Eh ano namang gagawin ko?!” tanong ni Bambi. “Eh lahat ng drawers sa utak ko, siya ang laman!”
Umakto si Sophie na nag-iisip ng mga bagay-bagay na pwede nilang gawin, nang bigla itong may maalala na importanteng bagay na kailangan nilang paghandaan para sa week na iyon.
“Alam ko na!!! Excuse tayo ngayon sa klase at sa sususnod na mga araw!”
Napamaang si Bambi. “Huh? Eh anon namang kinalaman ‘non? Mas crazy ka pala eh! Ang layo ng connect!!!”
“Ayan. . . ‘yan na kasi ang napapala ng mga taong inlove eh! Nawawala sa sarili! Hindi na alam ang nangyayari sa paligid.”
Napkunot ang noo ni Bambi. “Ha? Eh ano na bang mangyayari? Magugunaw nab a ang mundo?!”
Hindi napigilan ni Sophie na batukan ang kaibagan.
“Topak! 1 week nalang po at journalism week na natin. Malapit na po tayong mai-contest kaya dpat nagre-ready na tayo, kaya tayo mae-excuse!”
Lalong napakunot ang noo ni Bambi na pasipmpleng ikinatuwa ng kaibigan nito.
“Oh? Eh ano namang kinalaman ‘non sa pansamantalang paglimot k okay Rhys? Eto talaga! Layo parin ng connect! Mas topak ka! Haha!”
Seryosong tinignan ni Sophie si Bambi at nagpamaywang.
“We need to get ready, meaning we have to undergo training...and training means preparing yourself by doing a lot of things, and by doing a lot of things...it helps your mind to divert to something else para hindi puro si Rhys ang nandiyan sa ulo mo! Gets mo?!” mahabang sermon ni Sophie sa kaibigan na ngayo ay mukha paring walang kamuwang-muwang.
“Shocks naman Sophie! Nakakakulili ka! Nakakabingi!! Ang lakas ng boses mo! ‘di lang ata tenga ko ang dumugo, pati ilong narin oh!”
“Ha?! Ikaw na queen of all media ng department? Ikaw na member ng broadcasting station, ikaw na orator, ikaw na declamer, ikaw na---”
“Heh!” putol ni Bambi sa kaibigan. “Tama na! Oo na! Tumahimik ka lang please? Susunod na ako, sasama na ako! Ikaw palang nakakasira na ng nervous system...kaya umasa kang makakalimutan ko si Rhys ‘pag kasama ka.” Pagrereklamo ni Bambi samantalang napangiti naman ang kaibigan nito.
“Good, mabuti naman kung ganoon. Tara na den at baka hinahanap na tayo ni Ma’am.”


Chapter 4


Dumiretso ang magkaibigan sa library kung saan gaganapin ang kanilang hands-on training. Pumunta agad si Bambi sa newspaper section samantalang si Sophie naman ay sa may internet section ng library. Busy silang pareho sa paghahanap ng kanya-kanyang clippings at examples para sa kani-kanilang sariling category nang may mahagip ng tingin si Bambi.
“OMG!” sabay sunod-tingin sa kadarating lamang. “Nahihilo na ata ako.” Napaisip-isip siya. “Kumain naman ako ah! Nasaan ba si Sophie?” at ipinalibot ni Bambi ang kanyang mata sa lugar. Nagmamadaling hinanap ni Bambi ang kaibigan at nakita ito sa pagitan ng mga shelves. Mabilis niyang nilapitan ito para sabihin kung ano ang nakita niya kani-kanina lamang.
“Oh, bakit? Pinagpapawisan ka ah? Masakit ba ang tiyan mo? Sasamahan kita sa---”
“Hindi!” mariing pagtanggi ni Bambi.
“Eh ano ‘den?” tanong naman ni Sophie na nagtataka na sa ikinikilos ng kaibigan.
“Siya oh! Siya! Tignan mo!” sabay turo sa direksyon kung saan dumiretso ang lalakeng nakita niya kanina. “Ayun! Nakita mo?”
“Oo, anong meron sakanya? Crush mo? Hala! Crush mo! Isusumbong kita kay Papa Rhys niyan!” pang-aasar naman ng kaibigan nito.
“Oo, er—hindi! Hindi ko siya crush!!! Pero tignan mo siya, tignan mo siyang mabuti ha? Titigan mo! Bilis!” pamimilit ni Bambi para lumingon si Sophie patungo sa direksyon ng lalake.
“Anong meron?” maang na tanong ni Sophie.
“Ano sa tingin mo?” balik tanong ni Bambi.
“Uuyyyy! Gwapo siya, matangkad, maganda ang pangangatawan at ----”
“Sige, sige ituloy mo pa ang pagdedescribe.”
“Ano pa bang gusto mong malaman? Yun nala---”
“Kamukha siya ni Rhys!” impit na sigaw ni Bambi sa kaibigan para hindi sila marinig ng ibang estudyante at mga teachers na nakapaligid lamang sa kanila.
“Ha? Eh paano namang nangyari yun?” takang tanong ni Sophie.
“Tignan mo kasi siya! Ang kulit naman oh!”
“Alam mo? Promise ko sayo? Tatawagan natin si Rhys mamaya. Kahit ubusin mo pa yung load ko para matigil na yang kahibangan---”
Hinawakan ni Bambi ng mahigpit ang magkabilang braso ni Sophie at pinhit ito paharap sa direksyon ng lalake.
“Kanina mo pa ako binabara ah!” pagrereklamo ng kaibigan.
“Ang hirap kasi sayo, ang likot ng mata mo. Sabi ko, titigan mo siyang mabuti at itigil mo muna ‘yang ginagawa mo!” puno ng pasensya na sambit ni Sophie.
Napatitig nga si Sophie sa lalake ng biglang humarap ito sa direksyon nila.
“Hi!” mabilis na sabi nito sabay ngiti at lumabas ng library.
Hindi nakaimik ang magkaibigan at pareho pa silang inakyatan ng dugo sa mga pisngi. Ngunit unang natauhan si Bambi.
“Huy!” sabay yugyog sa kaibigan. Dahan-dahan namang lumingo sakanya si Sophie na parang may binubulong na kung ano sa sarili.
“OMG...OMG...OMG...”
“Uy! Ano bang sinasabi mo ‘jan?”
“Oh my gosh!!!!!!!!! Kamukha nga---”
“Ssshhhh!!!” saway na ibang teacher na nakarinig sa tili ni Sophie. Mabilis namang hinila ni Bambi ang kaibigan sa isang sulok.
“Ano ba?! Nakakahiya ka!” saway nito sa kaibigan.
“Kanina pa may bumabara sa’kin ha? Nakakaasar na...eh malay ko ba namang magkamukha nga sila? Well, hindi naman masyado... pero siguro, kapag sinuklay mo ng konti yung buhok nung lalaki...magiging magkamukha na sila ni Rhys!”
Natawa ng bahagya si Bambi. “Kanina, halos ‘di ka nakikinig sa mga sinasabi ko, nagyon, kulang nalang i-scotch tape ko yang bibig mo kasi ang daldal mo na.” At nakita niyang tila nag-iisip nanaman ang kaibigan.
“Oh, ano nanamang tumatakbo ‘jan sa utak mo?”
“Hmmmmm...wala naman, naisip ko lang, paano kaya kung...paimbestigahan natin siya?”
“Imbestigahan?!! Bahala ka nga! Nahihibang ka na ata eh!”
“Marami akong kaibigan at kakilala sa ibang section at sure ako na tutulungan nila tayo.”
Kilalang-kilala ni Bambi ang itinatakbo ng utak ni Sophie sa kasalukuyan, dahil nakita na niya kung paano kulitin ni Sophie ng sobra-sobra ang mga taong hinihingan niya ng pabor.”
“Oo nalang Sophie.”
At sabay nang lumabas ang mga ito sa library nang tumunog ang bell, hudyat ne break na ng mga estudyante. Samantalang kitang-kita sa reaksyon ni Sophie na may handa na itong balak para sa gagawing “imbestigasyon”.


Chapter 5


Kinagabihan ay tumawag si Rhys ng ‘di inaasahan. Kasi sa pagkakaalam ni Bambi ay bihira na magkaroon ng break time ang mga seminars na pinupuntahan ni Rhys kung kaya’t excited na sinagot ni Bambi ang tawag ng kasintahan.
“Hi babe!” bati ni Rhys sa kabilang linya.
“Hi hon! I missed you! Ba’t ka napatawag? May problema ba? Buti nagka-free time kayo?’
“Whoah! Dahan-dahan lang. I missed you too babe! Oo nga eh, sobrang busy dito, puro lectures. Gusto ko na ngang umuwi kaso...”
“Kaso? Bakit? May problema ba? Diba dapat uuwi na kayo sa susunod na araw?”
“Oo sana, kaso matatagalan pa kami dito. Nag-extend kasi yung mga mentors namin. Andami kasing pumunta ngayon. Eh sayang naman daw kung mabilis matatapos saka sobrang engaged ng mga advisers dito! Kulang nalang isa-isahin nila bawat estudyante. Kaya baka next week pa kami makakauwi.”
“Ganun ba? Sana hindi ka masyadong nagpapagod ‘jan. I can imagine the schedule hon. I’ve been in the same situation. I hope you’re taking care of yourself! Pero kung next week ka makakauwi, hindi rin tayo masyadong makakapagkita.” Halata ang disappointment sa boses ni Bambi at hindi na niyang binigyang effort para itago pa ito kay Rhys.
“Oo pala! Journalism week na nga pala pagdating namin. Hmmm, don’t be sad okay? Alam ko nakakapagod din yang mga routines na ginagwa niyo. Kaya pag nahagilap kita pag-uwi na pag-uwi ko...i promise to have a bonding time with you!”
Natawa si Bambi at nakapagdala naman ito ng kapanatagan sa nararamdamang pag-aalala ni Rhys na baka masyado ng naiistress ang kasintahan.
“Kung yan ang binabalak mo, baka mahirapan ka lang. Kasi hindi na kami pinapayagang umalis sa contest area kasi short kami ng participator. Baka nga isaksak nalang kami sa mga categories na blanko ang school kahit hindi naming forte eh.”
Napabuntong hininga na lamang pareho sina Rhys at Bambi.
“Gusto ko na talagang umuwi...kaladkarin mo na ako pauwi ‘jan!”
Natawa ng bahagya si Bambi. “Kung pwede lang sana, matagal ko ng ginawa yang plano mo at hindi ka nagtatagal ng ganyan sa mga pinupuntahan mo! Basta dapat pag-uwi mo mag-ba-bonding tayo ha?”
“Sure babe! Ikaw pa!”
“Hihintayin ko nalang pag-uwi mo. At kung kinakailangang tumakas ako ng bahay naming kahit gabi na para lang makapagkita tayo gagawin ko talaga!” puno ng excitement at kapilyahang sambit ni Bambi na ikinayuwa naman ni Rhys sa kabilang linya.
“Pasaway ka talaga...oh pano? Tintatawag na ako. Good luck sa contest babe. I love you!”
“Sayo rin! Mwwuuaahh!!!”
Kabababa pa lamang ni Bambi ng kanyang phone nang biglang mag-ring ulit ito.
“O, Sophie! Napatawag ka bigla?” at narinig niyang sumisigaw ito sa kabilang linya.
“Sshhhh! Ano ba! Wala ka bang nabubulabog jan sa inyo sa lakas ng sigaw mo?” Saway nito sa kaibigan na tantiya niyang nagising nito ang kaptid nitong baby dahil sa kasisigaw nito.
“Super dami kong nakalap na impormasyon kay Rhys # 2!!!” bulalas ng kaibigan sa kabilang linya.
“Rhys # 2?” agad na pumasok sa isip nito ang lalakeng nakita nila sa library kinaumagahan lamang pero nagpanggap si Bambi na parang walang nalalaman. “Sino naman? Hoy Sophie! Nag-iisa lang si Rhys!”
“Oo! Alam ko! Yung kamukha nga niya ang tinutukoy ko! Yung... the guy from the library!”
“Ahhhh...” Paano ba naman niya makaklimutan ang lalakeng yun?
“Hear this, I compiled every information I got from him at ‘eto! My improvised bio data na ako sakanya!”
“Freak! Tumigil ka nga sa katitili ‘jan! Ang sakit na ng tenga ko eh! Siguro kapag nalaman niya na pinaimbestigahan mo siya at may bio data mo siya? Baka akusahan pa tayo nun na ultimate stalker! Ayoko nga ng ganun!”
“Ano ka ba? ‘wag kang mag-alala! Binantaan ko na ang mga buhay nung taong hiningan ko ng information! Kaya walang silang lusot! Promise!”
“I can imagine kung gaano mo sila nasindak at natakot kaya nakalap mo yang impormasyon nay an.” Narinig niya ang malutong na tawa ng kaibigan sa kabilang linya kaya positibo siyang pinahirapan nga nya ang mga ito. Naiimagine na lamang niya ang mga kaawa-awang nilalang na baka sa ngayon ay natuyuan na ng utak dahil sa ginawang pang-i-interogate ng kaibigan.
“Yeah! Whatever!...hahahahahaha! i-e-mail ko nalang sayo later, sa ngayon i have to go na nagugutom na ako eh!”
“Ok... bye!” sabi na lamang ni Bambi na hindi malaman ang gagawin ng narinig niyang ii-e-mail ng kaibigan ang improvised bio data ng lalake.
“Magugulat ka talaga! Promise! Ja!”
Magugulat? Lalong nadagdagan ang kaba at curiosity na nararamdaman ni Bambi. Ano kaya ang nilalaman ng mga nun? Halos hindi na mapakali sa Bambi sa kinauupuan nito.

Chapter 6

Pagkapasok na pagkapasok pa lamang ni Bambi sa school, ay hindi niya inaasahan nakaabang na pala sakanya si Sophie.

“Oh ano? Nakita mo na ba?! Shocking diba?! Uy!”

‘Lagot ako!!’ sa isip-isip ni Bambi. “Ha?...ah...eh... ‘di ko pa nabasa eh, ‘di ko kasi nabuksan ung mail ko kagabi. Sorry!” pagpapaliwanag ni Bambi.

“Ano?! Which means pumasok ako ng maaga tapos nag-abang ako saw ala?! Andami ko pa namang gusting ikwento...kaso, sure ako... ‘di ka makakarelate hangga’t ‘di mo nababasa yung improvised bio data na ginawa ko!” pagmamaktol naman ni Sophie.

“Ano ba?! Ang daldal mo nanaman! Ang aga-aga eh!”

“Eh nakakainis ka kase! Alam mo namang bihira ako pumasok ng ganito kaaga...sure ako magugulat yung iba.”

Sa buong klase kasi nina Bambi at Sophie, si Sophie ang may pinakamaraming record ng tardiness. Though hindi naman siya pala-absent, palagi lang nale-late ang kaibigan niya.

“Nasa library naman tayo mamaya diba? Oh ‘di dun ko nalang bubuksan!”

“Ok, pero paano kung andun nanaman siya? Kasama siya sa journalism week noh!”

“Ha?! ‘di ko alam yun ah! Anong category?”

“Magkalayo kayo...photojourn yung tao eh!”

“Ahhhhhhhhh...may passion pala siya sa pagkuha ng pictures.”

“Oo! Kaya nga dapat binasa mo yung ginawa ko eh!”

At nagpatuloy sa kadadaldal si Sophie hanggang sa makarating sila sa may Teacher’s lounge para kunin ang iba pang practice materials na gagamitin nila nang makasalubong nila ang kaklase nilang si Mickey.

“Uy! Long time no see! Ang hirap niyong hagilapin sa campus ah?”

“Nasa library lang naman kami eh.” Sagot ni Bambi.

“Uy, Mickey! Baka pwede naman kaming pakitulungan dito. Dadalhin kasi lahat ‘to sa library! Ang dami-dami na nga! Ang bigat-bigat pa! Hay! Magka-ka-muscle ako nito eh!”

Natawa sina Bambi at Mickey habang patuloy si Sophie sa paglalakad sa kanilang unahan.

“Umariba nanaman ang kaartehan ni Sophie.” Natatawang sabi ni Mickey.

“Hayaan mo nalang, maaga kasing pumasok eh!”

“Pansin ko nga! May himala rin pala noh?”

Natawa sa Bambi at sumang-ayon. “Oo nga.”

“Speaking of himala, akala ko kanina meron.”

Humarap ng bahagya si Bambi kay Mickey. “Bakit? Muntik niyo ng nakuha ang jackpot sa lotto pero hindi tumugma yung last number?!”

“Hahahahahaha! Hindi yun! Akala ko, naka-uwi na sina Rhys kanina samantalang ka-a-announce lang sa klase natin na mag-e-extend pa sila dun.”

“Ows?! Akala mo nakauwi---paanong? Sino? Ha?!”

Napalingon sa kanila si Sophie at binagalan nito ang paglalakad para makasabay sa dalawa.

“Ano yung “ows-ows” na narinig ko ‘jan ha?!”

“Wala! Bumalik ka na dun!” pagtataboy ni Bambi.

“Kung makapagtaboy naman ‘to, akala mo wala ng bukas!”

“Hahaha!” tawa ni Mickey, “Hindi, kinukwento ko kasi kay Bambi kung paanong nakita ko si Rhys kanina.”

“Ows? Nakabalik na sila?” tanong ni Sophie.

“Yun na nga eh, hindi pa!” sagot naman ni Mickey.

Pasimpleng kinabig ni Sophie si Bambi at bumulong. “Baka si Rhys # 2.” At bumaling ulit kay Mickey. “Oh, tapos?”

Nagpatuloy naman si Mickey sa pagkukuwento. “Muntik kong kalabitin yung tao habang nagsha-sharpen sya, kasi akala ko talaga si Rhys! Eh, nagkataon namang magtatapon ako ng basura, buti nalang humarap siya agad!”

“Yun pala side view lang kamukha si Rhys, pagharap...pangit!” tatawa-tawang sabi ni Bambi.

“Uy, hindi ah!... magsing-gwapo sila! Yun pala, si Brye yung muntik kong kalabitin!”

Napasinghap si Sophie...samantalang nagkatitigan naman sina Bambi at Mickey sabay baling kay Sophie.

“Oh, Sophie, bakit?” nag-aalalang tanong ni Bambi.

“Andito na tayo sa library, pano ba ‘yan? Ibababa ko nalang ‘tong mga ‘to dito ha?” singit ni Mickey.

“Sige, salamat sa tulong mo, kitakits nalang!” si Bambi na bahalang nagpaalam habang tulala parin ang kanyang kaibigan. Hindi naman napigilan ni Bambi na sikuhin si Sophie para matauhan na ito.

“Uy! Ano bang problema mo?’

“Brye...” sabay turo sa may internet section at doon nakita ni Bambi ang lalaking kamukha ni Rhys.











Chapter 7

Hindi mapakali si Bambi pagkauwi nito sa kanilang bahay. Nagdadalawang isip siya kung babasahin ba niya ang e-mail sakanya ni Sophie.

“Ba’t ba ako kinakabahan? Magbabasa lang naman ako, hindi naman ako aatakehin sa puso pag binasa ko yun kung saka-sakali!” paikot-ikot na nag-isip si Bambi sa kung anong gagawin niya sa kwarto at napagpasyahang basahin na lamang ang improvised bio data nung “Brye” na sinasabi nina Sophie at Mickey.

Umupo si Bambi sa harap ng kanyang laptop at binuksan ang kanyang e-mail. Naisipan niyang magpatugtog ng kaunting music dahil pati atmosphere ay umaayon sa nararamdaman niyang kaba.

Pagkatapos mag-read ng kanyang laptop ay nagliwanag nga ang screen at inilabas nito ang litrato ng isang gwapong binata. Naisipan na lamang ni Bambi na i-print ito dahil napagtanto niyang sasakit lang ang kanyang mga mata sa pagbabasa sa haba ng mga impormasyong nakasulat. Ngunit, hindi nakalagpas sa paningin niya ang pangalang “Bryant Kaiser U. Montezor.”

Pagkatapos ma-print ang ang mga kinakailangang basahin, ay hinayaan ni Bambi na patuloy na magpatugtug ang kanyang laptop.

“Hmmmmm, ang ganda naman ng pangalan niya, tunog foreigner!” sambit ni Bambi habang nagbabasa. Pagdating sa pagkalap ng impormasyon ay sobrang maasahan si Sophie. Kaya nga isa siya sa mga News writers ng school paper nila.

“Ang grabe naman nito! Pati parents may kalakip na info!” tatawa-tawa siya habang nagbabasa. Sa bio data ay nalaman niyang noong nakaraang January 20 pala ang birthday niya. May dalawa pa siyang kapatid at siya ang panganay sa kanilang tatlo, hanggang sa bumaba ang kanyang paningin sa mga Hobbies and interests ni Brye.

“So, tama nga ako. Mahilig siyang mag-take ng pics, mag-joyride at maglaro ng soccer.”

“Oo nga pala!” naalala niya. Nakita na nga pala niya ito minsan. “Oo! Siya nga yung star player ng soccer team na sumipa ng bola!” na tumama su ulo ni Bambi kaya siya nahilo at nagkabukol, na siya ring dahilan kung bakit hindi umatend si Rhys ng kanyang badminton practice dahil binantayan niya ito sa clinic.

“Oh my gosh! That stupid guy from the field na never kong narinig na nag-sorry! For all those times na lumipas na?! Hindi man lang lumapit ang mokong!” gigil na sambit ni Bambi sa sarili. Ngunit nagpatuloy parin sa pagbabasa. “KASA-KASAMA NIYA PALAGI ANG KANYANG MOTOR...Plate No. BI 9829”

“Motor...9829...motor...” napaisip-isip siya.

“Motor! BI 9829! Grrrr! Siya nanaman!” naalala niya ang insidente noong nakaraang buwan kung saan naglalakad silang magkakaibigan sa gilid ng kalsada nang may nagpaharurot ng motor sa tabi niya, dahilan para matapon sa damit niya ang iniinom niyang fruit shake.

Hinding-hindi niya makakalimutan ang pangayayring iyon dahil minemorize niya mismo ang plate number na iyon para isumbong sa kanyang daddy. Hindi nga lang niya namukhaan ang nakasakay sa motor dahil sobrang bilis nitong magpatakbo. Ngunit nauwi rin saw ala ang pagsususmbong niya. Naaalala pa niya ng malinaw ang paliwanag ng kanyang daddy na sobrang busy noong mga oras na iyon.

“Anak, natapunan ka lang naman ng shake diba? Hindi ka naman nagalusan or ano, kaya iapalaba mo nalang yang damit mo kay manang.”

Galit nag alit siya noong mga panahong iyon, at ngayong naalala nanaman niya ang lahat, at nagsimula nanamang kumulo ang kanyang dugo. Hindi sa daddy niya, kundi kay BRYE.

“Tignan mo nga naman, hindi pa kami magkakilala andami na niyang atraso sa akin...” hindi n asana niya itutuloy ang pagbabasa ngunit nahagilap ng kanyang paningin ang mga “NEGATIVE TRAITS” nito.

“Hmmmmmm...mayabang, arogante, mahangin.”

“Parang pare-pareho naman ang ibig sabihin nito!” sa isip-isip niya.

“At...may girlfriend sa bawat school na mapuntahan nito.” Sa nabasa ay tuluyan ng ibinaba ni Bambi ang mga papel at itinapon sa basura.

“Playboy freak!” sambit niya sa kanyang sarili at umalis sa kanyang kuwarto.


Chapter 8

Magmula nang mabasa ni Bambi ang bio data na ginawa ni Sophie ay ‘di na siya nag-aksaya ng panahon para kay Brye kahit na madalas silang magkita sa library tuwing practice. Kinakausap narin siya ng binata, ngunit isinusubsob na lamang ni Bambi ang sarili sa isang malalim na concentration at sa sobrang practice hanggang sa sumapit ang journalism week.

*Contest Area*

Tinipon muna lahat ang mga kalahok sa loob ng hall sa contest area kung saan may magaganap na maikling lecture at kung saan makikita ang mga category na magaganap sa mismong unang araw na iyon. At kabilang sa mga nakapaskil ay ang category ni Bambi na Editorial Cartooning. Oo, may talent siya sa pag-guhit magmula pa noong siya’y bata, at mas pinaghusay pa niya ito sa nakaraan nilang training. Napansin din niya na magaganap din sa araw na iyon ang photojournalism at sports writing na may ilang minute lamang ang pagitan. Ibig sabihin, maaari siyang magkaroon ng “close-contact” kay Brye. Ngunit isinantabi niya muna kanyang mga palaisipan at nagconcentrate sa maikling lecture na isinasagawa.

“Ilang oras na lang...malapit na.” Napabuntong hininga si Bambi.

Dahil babae siya at bihira magkaroon ng babae sa category na iyon, ay hindi na lamang niya binigyang pansin ang ibang mga lalakeng “ume-epal” sa tabi nya sa mga oras na iyon.

“...”

Nag-vibrate ang kanyang cellphone. “Si Rhys!” binasa niya ang text ng kasintahan.

“Good luck babe! Nkita kta knina sa school kaso d na ako nklapit dhil pasakay na kayo...i’m sorry...:(..”

“Ok lng hon!... nkita rin kta knina, kso d rin ako nkalapit kc andun ung knotrabdng teacher...”

“Haha...okay2x...do ur best ha? Alam qng kaya mo..i love you!”

“Tnx hon! I’ll do my best for u!..i love u too..:))”

At sa maikling pagpapalitan ng mensahe ay natapos din ang maikling lecture. Dahil marami-rami sila sa category na iyon, ay hinati sila sa limang grupo at kabilang siya sa Group 2. Pagkatapos ng maikling kaguluhan ay iginiya na sila sa mga rooms na kanilang gagamitin.

Pagkarating sa contest room, binigyan sila ng kung hindi isang oras ay isang oras at kalahati, at sa kaso ni Bambi ay nagagamit niya ang lahat ng oras hanggang huling Segundo dahil hindi pa siya gagalaw hanggat hindi niya nararamdaman ang pressure na hatid ng pagkaubos ng oras.

Pero iba ngayon. Nagdidistribute palang ang mga proctors ng mga materials ay ramdam na niya ang kaba. Hindi dahil sa guguhit na siya anumang oras; hindi dahil sa kokonti lang ang babae sa kwartong iyon; kundi dahil, pilit na bumabalandra sa isipan niya ang pagmumukha ni Brye.

“Gosh! Anong gagawin ko? Baka siya ang maidrawing ko...hmpf! bahala na!” at sinimulan na niyang gumuhit.



Chapter 9

Pagkatapos ng allotted time para sa kanila ay gumiv-up na si Bambi. Satisfied naman na siya sa kanyang output kaya lang hindi siya satisfied sa behaviour na ipinapakita ng sarili niya. Pababa na siya ng hagdan ng biglang may bumati sa kanyang likuran.

“Hi Bambi!” bati ni Prince.

Unti-unting lumingon si Bambi at napamura lamang sa sarili nang makita niya si Prince at sa kanyang tabi ay si Brye. Ang taong pinaka-ayaw niyang makita sa buong buhay niya magmula ng mabasa niya ang bio data.

“Hi Kuya Prince!” bati ni Bambi at mabilis na tumalikod sa kanila, ngunit mabilis siyang nahila ni Prince pabalik.

“Uy! Ba’t ka nagmamadali? Hindi mo man lang ba babatiin si Brye? Mahirap kapag iniisnab ang mga seniors! Baka magka-bad luck ka niyan.”

Umismid si Bambi. “Now look who’s talking about bad luck!...wala ka pa sa mga bad luck na pinagdaanan ko!” sabay irap kay Brye.

“Oooohhh...I smell something fishy!” sabi ni Prince sabay tingin kay Brye.

“Ah Bambi! Ikaw ba yung nabukulan ko last time?” tanong ni Brye.

Umirap nanaman si Bambi. “Hindi lang bukol! Minantsahan mo pa yung damit ko at muntik mo pa akong sagasaan!” sigaw ni Bambi dahilan para pagtinginan sila ng mga taong dumaraan. Mabilis namang nakaalis si Bambi habang nakatulala pa rin ang dalawa.

“Andami mo na palang atraso kay Bambi!” sambit ni Prince. “Malaki challenge ito pare! Ano? Col ka?” hamon nito kay Brye.

“Col pare, matagl-tagal naring walang pang-hyp sa buhay ko!”

At sabay na nagkatawanan ang dalawa. Ang hindi nila alam ay narinig pala ni Sophie ang lahat mula sa kanilang likuran. Mabilis na lamang siyang umalis bago pa nila malaman na may nakarinig pala sa plano nila.

Pagkalipas din ng ilang oras ng pagpapaalam sa teacher na incharge ay nakaalis din si Bambi at dumiretso sa isang tahimik na parte ng school saka umupo sa isang malapit na bench. Inilabas niya ang kanyang sketch pad at saka nag-drawing nang biglang may sumulpot sa isang sulok na ikinagulat ni Bambi lalo na nang makita niya kung sino ito.

“Sorry kung nagulat kita.” Paumanhin ni Brye.

“Wow! Sorry ba ang narinig ko?!...eh paano naman yung ibang misfortunes na isinaboy mo sakin ha?”

“Alam mo...hindi ko naman sinasadya yung mga yun eh! At hindi ko rin naman alam na ikaw pala yung muntik kong mahagip ng motor.”

“Kung nag-sorry ka na lang sana...’di tapos n asana ‘to? Kaso nagpapaliwanag ka pa eh! Ibang klase ka rin!”

Napansin ni Bambi na may inilalabas ito sa bag nito. Nova na barbecue flavour, dalawang coke in can at camera. Iniabot ni Brye sakanya ang Nova at isang coke light at ininom naman ang isa.

“Ano ‘to? Suhol?!” tanong ni Bambi.

“Uhmmm...medyo!” sagot ni Brye.

“At hindi ka pa nag-effort na magsinungaling!” hinagip ni Bambi ang mga pagkain. “Salamat!” matabang niyang sabi.

“Sorry...sa lahat.” Hindi inaasahan ni Bambi na mag-a-apologize ito, ngunit mabilis niyang itinago ang kanyang reaksyon.

“Ok!” sagot ni Bambi.

“Friends?” alok ni Brye.

“No.” maikling sagot ni Bambi at ibinalik ang atensyon sa pag-drawing at pag-kain.

*click* kinunan siya ng picture ni Brye.

“Ano ba! Akin na yan! Burahin mo yan! Isa!!!” pagbabanta ni Bambi habang inilalayo naman ni Brye ang camera.

“Cute ka naman dito eh! Gagawin ko ‘tong screen saver ng PS2 ko.” Mabilis na itinago ni Brye ang camera at binago ang topic.

“Anong idino-drawing mo?” Naalala ni Bambi ang sketch pad.

“Ha?...ah...eh...wala!” at mabilis nitong hinawakan ang sketch pad.

“Sige na! Patingin!” pamimilit ni Brye.

Niyakap naman ni Bambi ang kanyang sketch pad na pilit na inaagaw ni Brye hanggang sa pareho silang mawalan ng balanse at nagkauntugan. Napapikit si Bambi sa sakit habang sapo ang kanyang ulo. At ang mga sumunod na pangyayari ay tuluyang ikinagulo ng kanyang sistema.

Napakalapit ng mukha ni Brye sakanya, dahilan para umakyat ang kanyang dugo sa kanyang mga pisngi. Pinilit ni Bambi na makawala ngunit hinawakan siya ng mahigpit ni Brye sa mga braso at unti-unting bumaba ang mga labi nito sa kanya.

Hindi akalain ni Bambi na ang isang mayabang at aroganteng tulad ni Brye ay magtataglay ng paris ng mga malalambot na labi. Hindi alam ni Bambi kung gaano katagal na sila sa ganoong posisyon; kung gaano na kalaki ang kasalanang idinudulot ni Bambi sa relasyon nila ni Rhys at kay Rhys mismo. Ngunit habang lumilipas ang mga sandali ay lalong palalim ng palalim at pahigpit ng pahigpit ang mga halik at yakap ni Brye habang ang kanyang mga kamay ay nanatiling walang malay sa balikat ng binata. Nang biglang mag-vibrate ang kanyang cellphone at doon lamang siya natauhan at nagkaroon ng lakas para itulak si Brye palayo.

Mabilis niyang hinakot ang kanyang mga gamit at tumakbo palayo sa lugar na iyon.

“Ano bang nagawa ko?!” nanginginig na tanong ni Bambi sa sarili hanggang sa tuluyan ng bumagal ang kanyang mga hakbang. Hindi na siya lumingon pang muli sa pinanggalingan niya, ang mahalaga lamang ay ang makalayo siya agad at sa paglayo na iyon ay mabilis niyang dinukot ang cellphone niya mula sa kanyang bulsa at lalo lamang siyang nakadama ng sobrang takot, kaba at awa sa sarili.

Nag-miss call si Rhys...

Chapter 10

“Alam ko may problema ka, pwede mong sabihin, pwede ring hindi...” pansin ni Sophie.

“Ano bang sinasabi mo? Kinakabahan lang ako sa awarding noh!” tanggi ni Bambi saka ngumiti.

“Hmmmm...bahala ka! Basta ‘pag handa ka ng sabihin sakin, text mo lng ako!” at di na siya kinulit pa ng kaibigan.

‘Yun ang dahilan kung bakit nagtatagal ang friendship nila. Sobrang maaasahan kasi si Sophie pagdating sa mga maseselang bagay tulad ng problema, at hindi siya pinipilit nito na sabihin kung ano iyon hanggat hindi siya handa.

Habang busy sa pagmumuni-muni si Bambi, ay nagdadalawang isip naman si Sophie kung sasabihin ba niya ang mga narinig nya kanina. Ngunit nagpasya syang hindi pa iyon ang tamang panahon ay ipinagaliban na muna niya ang ideya.

Totoong kinakabahan si Bambi sa awarding. ‘Mananalo kaya ako?’ tanong niya sa sarili ngunit pumapantay rin ang kanyang pagkailang dahil alam niyang nasa likod lamang niya si Brye.

“Rhys......”

Ilang categories narin ang nagdaan, at nang manalo si Brye ay lalo pang nadagdagan ang kabang kanyang nararamdaman.

“Nakakahiya kung hindi ako manalo! Baka isipin niyang masyado akong distracted.” Bulong ni Bambi sa kanyang sarili.

Category na ni Sophie, susunod na ang sakanya. Sa magakahalong sobrang kaba at pagkalito ay hindi na niya namalayan ang pag-akyat ng kaibigan sa stage at pagbalik sa kinauupuan.

*.....Category na niya.....*

“Sa wakas! Natapos din ang journalism week!” hindi maitago ang kasiyahang nadarama ni Bambi.

“Tapos na nga, pero after this weekend, magpa-practice nanaman kayo.” Inabutan siya ni Rhys ng coke at inilapit sakanya ang order nitong baked lasagne at hinalikan si Bambi sa pisngi.

“Congrats ulit babe!”

Namula si Bambi at tinitigan si Rhys. Sa ginawang paghalik nito ay lalong bumilis ang pagtibok ng puso ni Bambi hindi dahil sa paglalambing ng kasintahan, kundi sa inililihim nitong kasalanan kay Rhys.

Hinawakan ni Rhys ang pisngi ni Bambi.

“Oh bakit? May problema ba? Gusto mo ba ‘tong inorder ko? Pwede naman tayong magpalit!”

Pinilit ni Bambi na ngumiti.

“Hindi...ang tagal kasi nating hindi nagkita, kaya gusto kong titigan ka lang!” ngunit sa likod ng kanyang isip... ‘Sorry Rhys, pati sayo nagsisinungaling narin ako.’

Katulad ng ipinangako ng binata sa kanya ay nag-bonding nga sila. Pagkatapos nilang kumain ay pumunta silang nag-shopping at binili ni Rhys ang lahat ng gusto ni Bambi pagkatapos ay nagpatuloy sila sa sinehan.

“Babe? Pansin kong wala ka ngayon sa mood...may gusto ka pa bang bilhin?”

Ang totoo ay hiyang-hiya na si Bambi, hindi lamang sa kanyang sarili kundi pati na rink ay Rhys. Hindi kasi niya magawang sabihin ang kanyang nagawa.

Niyakap na lamang niya ng mahigpit ang braso ni Rhys at pinilit ang sarili na manood nang muling magsalita ang binata.

“Alam kong may dinaramdam ka...pero kung hindi ka pa handang sabihin ngayon...” bahagya itong humarap kay Bambi. “...nandito lang ako.”

Hindi na napigilan ni Bambi ang sarili na humikbi at tuluyang umiyak. Buti nalang ay walang masyadong tao nang mga sandaling iyon.

Nataranta si Rhys. “Teka! Ano ‘to?!” kinuha ni Rhys ang kanyang panyo at dahan-dahang ipinahid sa pisngi ng kasintahan. “Sshhh...bakit?”

Hindi makasagot si Bambi kaya niyakap na lamang siya ng binata. Pinilit ni Rhys na patahanin ang kasintahan ngunit patuloy parin ito sa tahimik na pag-iyak kaya’t hinarap nya itong muli at pinahid ang mga luha ni Bambi sa pamamagitan ng paghalik sa pilik-mata ng kasintahan.

“I’m sorry hon...”

“Ssshhh”

“I love you!” sambit ni Bambi.

“I love you...”

Oo, mahal parin nya si Rhys.

Chapter 11

Hindi inaasahan ni Bambi ang biglang pag-alis ni Rhys. Muli nanaman kasi itong napatawag sa isang seminar/contest na sa Cebu naman ngayon gaganapin.

“Ano ba yan! Umalis nanaman si Papa Rhys, sigurado ako totopakin ka nanaman.” Sabi ni Sophie.

At oo, tama ito...Nang mga panahong kasama niya si Rhys ay nasiguro niyang ito nga ang talagang mahal niya at sa isang iglap ay nakalimutan na ni Bambi ang lalaking kamukha nito. Ngunit sa sandaling bumitaw siya sa yakap ni Rhys at pinagmasdan ito habang palayo ang sinasakyan; ay muli nanamang bumalik ang hapdi ng kasalanang kanyang ginawa.

“Buti nalang mayaman sila noh? Kasi kahit biglaan, hala!...sige parin! Diba?” patuloy parin sa pagdadaldal ang kaibigan.

“...”

“Uy!”

“Ha?!”

“Wala ka nanaman sa sarili! Hayaan mo, sa susunod na araw aalis narin tayo.”

“Oo nga pala, regionals na.”

Sa kalagitnaan ng 2-hour drive ay napilitan silang tumigil sa pinakamalapit na gas station para magkarga ng gasolina at para mahimasmasan si Sophie. Nahilo kasi ito sa mga patigil-tigil na ginawa ng sinasakyan nilang van. Bumaba rin si Bambi dahil pati siya ay masakit din ang ulo at umupo sa pinakamalapit na fence.

“Tubig oh, inumin mo para mawala yang pagkahilo mo.” Iniabot ni Brye sakanya ang dala nitong mineral water. Nag-dalawang isip pa si Bambi kung tatanggapin ba niya ito o hindi nang umupo sa harapi niya ang binata.

“Sige na, kunin mo na. Mababawasan ng lamig yang nararamdaman mo.”

At kinuha ni Bambi ang tubig. Bigla namang iniangat ni Brye ang bangs niya at idinikit ang noo nito sakanya. Bago pa siya makaiwas ay nailapat na ng binata ang mga labi nit okay Bambi. At kung gaano kabilis na ginawa iyon ni Brye, ay ganoon din siya kabilis umalis. Naiwan nanaman si Bambi na tulala at magulo ang damdamin.

*Contest Area*

“Hindi pa magsisimula ang contest hanggang bukas. Sa ngayon, ay ibibigay naming sa inyo ang buong araw para ma-tour ang aming paaralan!” wika ng isa sa mga in-charge na ikinatuwa naman ng mga delegates.

Nagkanya-kanya ang mga kasamahan ni Bambi, at sa pagtu-tour na iyon ay pansamantalang nakalimutan ni Bambi ang kanyang mga dinaramdam at inenjoy ang paligid. Nagpakalayu-layo si Bambi hanggang sa mapadpad siya sa isang bahagi ng garden ng school na walang masyadong tao.

“Wow! Ang ganda naman nitong bulaklak. Mutated siguro ‘to” Wika ni Bambi at tumigil sa harapan ng isang malaking pulang rosas.

“Oo, kasing ganda mo...pero hindi ka mutated ha? Baka kung anong isipin mo.” Wika ni Brye habang nakangiti ito sakanya. Hindi namalayan ni Bambi ang pagsulpot nito kaya napaisip siya. Kanina pa kaya siya sinusundan nito? Nagsalitang muli si Brye.

“Namomroblema nga ako kung paano ko bubulagin ang lahat ng lalaking nakatingin sayo. Grabe! Halos hubaran ka na nila sa mga tingin nila. Tsk!”

“Hindi naman siguro, baka nagkataon lang na nakita mo sila habang tinitignan ako.” Ngunit tama si Brye, kanina pa kasi may pilit na kumukuha ng kanyang atensyon kaya siya napunta sa liblib na lugar na iyon.

“Ah basta! Nakapagpasya na ako...ako ang magiging private body guard mo!” wika ni Brye habang nakangisi kay Bambi.

“Private Body Guard?!” gulat na ulit ni Bambi.

“Oo, ibig sabihin, sa buong duration ng contest na ito ay lagi kitang sasamhan.”

Napamaang si Bambi.

“Naiilang ka bas a akin Bambi?” biglang tanong ni Brye.

“Ha? Ah...eh...”

“Hindi mo parin ba makalimutan yung dati?”

“...”

“Sabagay...kahit nga ako, hindi ko rin makalimutan...yun kasi ang pinakamagandang nangyari sa buhay ko...well, bukod sa pinanganak ako at nakilala kita...oo, yun ang isa sa mga pinakamagandang nangyari sa buhay ko.”

“Brye...” at muli nanaman siyang hinagkan nito. Walang magawa si Bambi dahil tulad ng kay Rhys...pagdating kay Brye ay bumababa rin ang lahat ng defences niya.


CHAPTER 12

Hindi maikakaila ang sweetness na ipinapakita ni Brye sa mga nagdaang oras sa araw na iyon. Kinakabahan na si Sophie. Pero hindi niya masabi ang totoo kay Bambi dahil nakikita niyang sobrang saya ng bestfriend niya. Ipinagpasya na lamang niyang manatili sa kanilang kwarto para pigilan ang sarili nang may marinig siyang cellphone na nagri-ring.

“Kay Bambi yun ah!” Nakita niyang si Rhys pala ang tumatawag. Sinagot niya ito.

“Bambi! Buti naman at sinagot mo rin!”

“Uhmmm, Rhys, sorry...si Sophie ‘to. Wala kasi si Bambi, naiwan niya yung phone niya sa akin.”

“Ganun ba? Pewde bang malaman kung nasaan siya ngayon?”

“Uhmmm...” mabilis na nag-isip si Sophie ng palusot. “Tinutulungan niya si Ma’am Dina para kunin yung mga pagkain namin.”

“Busy pala talaga siya. Akala ko kasi iniiwasan niya ako. Hindi kasi nya sinasagot ang mga tawag at mga text ko.”

“Ganun ba?” lalong nadagdagan ang guilt ni Sophie. “Busy kasi talaga siya ngayon eh. Pasensya ka na ha? Sasabihin ko nalang kay Bambi na tumawag ka at tumawag sayo pagbalik niya.”

“Ah, hindi na kailangan...mahirap ng maabala ang babes ko. Baka ako na lang ang tatawag ulit. Tnx Sophie! Bye.” Nawala na si Rhys sa kabilang linya.

“Mali na ito! Mali na!...kailangan na silang pigilan.”

Ngunit sa bawat pagkakataon na kausapin niya si Bambi ay lagi namang hinahagilap palayo ni Brye ang kaibigan kaya ipinagpaliban na muna niya ang pagsabi.

Kinagabihan ng 2nd day, ay nagdaos ang school ng isang socialization party para sa mga delegates. Ngunit hindi natapos ni Bambi ang gabi dahil nahilo siya sa dami ng tao sa paligid.

“Ma’am, ako nap o ang magbabalik kay Bambi sa hotel.”

Sandali munang nag-isip ang teacher na in-charge sa kanila.

‘Hmmm, wala naman silang relasyon. May gf si Brye, may bf si Bambi at kailangan ni Bambi ng kasama...paano kung bigla siyang matumba?’ at saka pumayag.

“Sige, ihatid mo na siya. Nandun naman si Christi sa kabilang kwarto, katukin mo nalang siya Bambi kung may kailangan ka.”

“Yes ma’am.”

Sobra-sobrang pag-alalay ang ginawa ni Brye na ikinapanatag ng kalooban ni Bambi hanggang sa makarating sila sa hotel. Inihatid siya ni Brye hanggang sa harap ng kanyang kwarto.

“Uhmmm, sige...aalis na ako” wika ni Brye.

“sige, sala---.” At bumaba ang mga labi ni Brye sakanya. Ang dapat na simpleng goodnight kiss na nasa-isip ni Brye ay naging isang mainit na halik nang maglapat ang kanilang mga labi.

“Nagugutom ako! Makalabas nga at mapuntang Mcdo.” Sambit ni Christi sa sarili ngunit naudlot ang plano niyang pumunta sa Mcdo...”Si Bambi at si Brye!” madali niyang kinuha ang kanyang cellphone at kinunan sila ng litrato saka maingat na isinara ang pintuan.

“Makukuha ko narin ang atensyon ni Rhys ngayon! Matapos niya akong basted-in dahil lang sa babaeng iyon! Taksil pala!” at di siya nagdalawang-isip na i-send ang pick ay Rhys.

Lumayo si Brye... “S-sorry”

Pero bago pa man maisara ni Bambi ang pintuan ay binara ito ni Brye saka may iniabot na i.d. “Kung sakaling...nalulungkot ka, o natatakot...tignan mo lang yang i.d. parang lagi parin tayong magkasama kahit sa pagtulog.”

“Uhmmm...okay! goodnight!” at madali itong pumasok sa kwarto. Walang kapantay na kaba at kilig ang nararamdaman ni Bambi... “Inlove ba ako?!” saka napangiti sa sarili.

---***---

“Ano ito?! Si Bambi at si...” ibinato ni Rhys ang kanyang cellphone.

---***---

Nagdaan pa ang dalawang araw at hindi maikakaila ang closeness sa pagitan ni Bambi at Brye. Hanggang sa sumapit ang January 24, 2008. Ang araw bago sila umuwi.

Nagpaiwan si Brye dahil hindi raw maganda ang pakiramdam nito. At dahil sa pansamantalang pagkawala ng binata ay ikinalugmok naman ito ni Bambi.

“Bambi, nakolekta ko na ang mga stubs ng members natin dito, pwede ka bang bumalik ng hotel at kunin yung iba?” tanong ni Ma’am Dina.

“Yes ma’am! Ako na pong bahala, kayak o ng mag-isa.”

Dahil sa sobrang excitement ay mabilis na nakabalik si Bambi sa hotel.

“Mabibisita ko na si Brye, siguro pag nakuha ko na ang lahat ng stubs, magtatagal muna ako na kaunti sa kwarto ni Brye para alagaan siya.”

Mabilis na nakuha ni Bambi ang lahat ng stubs saka dumiretso sa kwarto ni Brye. Kumatok siya ngunit walang sumasagot.

“Ganun ba kalala ang sakit niya?” tanong nya sa sarili. Nagpasya siyang pumasok na lamang para lang madatnan ang hindi inaasahang tanawin.

Si Brye ay may ibang kayakap at kahalikan sa mismong kama nito. Hindi nila narinig ang kanyang katok dahil sa ingay ng likha ng t.v. sa kwarto. Hinablot niya ang pinakamalapit na bagay na nakita niya at yun ay isang bottled water na walang laman. Ibinato niya ito kay Brye.

“Masama pala ang pakiramdam ha?!” at mabilis niyang isinara ang pintuan at nagtago sa pinakamalapit na intersection aisle. Mabilis namang lumabas si Brye at nagtungo sa may hagdan habang sigaw ang kanyang panagalan. “Bambi!...Bambi!” Nakita niyang nakasunod dito ang babae na nagtakip na lang ng tuwalya para takpan ang pang-itaas na bahagi na hubad na.

“Girlfriend mo ba yun?” tanong ng babae.

“Hindi” Simpleng sagot ni Brye.

“Naman pala! Ba’t nag-a-aksaya ka pa ng laway ‘jan na tawagin siya? Kung pwede naman nating ubusin ang oras mo sa room mo? Diba?”

Hindi na niya narinig pang sumagot si Brye. Basta’t alam niyang sumama siya sa babae para gawin ang business nila. Nang marinig ni Bambi ang pagsara ng pintuan ay mabilis siyang nagtungo sa kwarto nila Sophie.

“Oh? Ba’t ka umiiyak?” alalang tanong ng kaibigan.

“S-si B-brye.” Saka umiyak pa lalo “N-nakita kong m-may ka-se---.” Bago pa niya matapos ang sasabihin ay napahagulgol na ito.

“Gusto k-ko ng umuwi!!!”

“Eh bakit ka umiiyak?”

“K-kasi mahal ko siya Sophie.”

Napabuntong-hininga si Sophie at hinawakan si Bambi sa magkabilang braso. “Hindi mo siya mahal Bambi, nakikita mo lang si Rhys sakanya!”

“Si Rhys!” napasinghap si Bambi.

“Oo, si Rhys, mabuti pa kung tawagan mo na siya at magpaliwanag...matagal ka na niyang hinihintay.”

Ngunit ang madaling paliwanagan na nasa-isip nilang magkaibigan ay mas mahirap pa pala sa kanilang inaasahan.

Chapter 13

Mabilis na bumaba ng van si Bambi at dumiretso sa field kung saan sila magkikita ni Rhys. Pilit naman siyang kinakausap at hinahabol ni Brye ngunit hindi niya ito binigyan ng pansin. Hinarang ni Sophie si Brye.

“Ano ba?! Padaanin mo ako!!!” pagmamaktol ni Brye.

“Para ano pa? Para kausapin siya? Makipag-ayos? Tapos lokohin ulit siya?!”

Napamaang si Brye. “Alam mo?!”

“Oo. Actually pareho niyo lang na niloloko ang isa’t isa. Kaso, nahulog lang ng sobrang lalim sayo si Bambi dahil nakita niya sayo si Rhys! Patunay lang na mahal talaga niya ang boyfriend niya!”

Ngumiti ng mapait si Brye. “Boyfriend? Mahal niya? May boyfriend pala siya eh!!! Eh, ba’t pa siya lumandi sa’kin?”

Si Sophie naman ngayon ang napangiti ng mapait. “Hindi ka niya nilandi Brye! Ikaw ang lumandi sakanya! At subukan mo pang makalapit-lapit sa bestfriend ko...iisa-isahin ko ang bawat girlfriend mo sa siyudad na ‘to...tignan natin kung may mukha ka pang maihaharap.” Saka ipinakita ang lahat ng dokumentong nakalap niya sa bawat girlfriend ni Brye. School, contact number, address...lahat!

“Tutal, madali lang namang magset-up ng isang romantic date para sakanila! Or kung gusto mo...titipunin ko nalang silang lahat sa isang resto...sino kaya ang fake at original sa kanila? Hmmm...magkaka-alaman ‘jan...yun ay kung HINDI mo titigilan si Bambi.” Saka siya umalis.

Gipit na si Brye sa mga oras na iyon. Tama si Sophie, ni ang pagkalalaki niya ay hindi na niya maihaharap once na nalaman ng lahat ng hindi lang pala siya isang two-timer bastard. Kundi isang playboy devil na nasintensyahan ng pagkaputol ng sungay nang sumulpot si Sophie sa perpekto niyang buhay.

“Tsk, tsk, tsk...mukhang nakahanap ka ng katapat mo ‘tol! Pero alam mo? Bagay kayo!” biglang sabi ni Prince sa likuran ni Brye.

“Heh! Tumigil ka nga ‘jan! Wala akong balak na patulan ang isang babaeng sisira sa buhay ko.” Saka nagpatuloy narin sa paglalakad.

---***---

Nakita ni Bambi si Rhys na nakatayo paharap sa malaking puno. Lumapit sya rito.

“Rhys...”

Nilingon sya nito, subalit nakadama sya ng takot sa lamig ng tingin ng mga mata ni Rhys.

“Magpapaliwanag ako!” sigaw ni Bambi.

“Alam mo?...” panimula ni Rhys na puno ng hinanakit ang boses. “Tanggap ko naman yung unreturned calls and messages...wala sa’kin yun, pero nung nalaman kong ‘eto pala ang dahilan kung bakit ni magreply ng hi o hello eh hindi mo magawa! Hindi ko na alam kung maniniwala pa ako sa kahit anong eksplanasyon mo!” hindi na napigilan ni Rhys na mapasigaw. Pagkatapos ay itinapon nya sa may paanan ni Bambi ang cellphone nito. Yumukod ito upang pulutin... at doon nakita ni Bambi ang maliit ngunit malinaw na litrato nila ni Brye.

Tumayo agad si Bambi hawak ang cellphone ng kasintahan. “Rhys...” hinablot ni Rhys ang cellphone sa kanyang mga kamay at ibinangga ang likod ni Bambi sa malaking puno saka iniharang ang kanyang mga kamay sa giliran ni Bambi para hindi ito makaalis.

“Ah! Rhys nasasaktan ako!” at napaluha nga si Bambi sa lakas ng impact ng ginawa ni Rhys. Kasabay ng pagpatak ng luha ni Bambi ay binitiwan sya ni Rhys at sumalampak sa damo at sumandal sa puno.

“Nagkulang ba ako Bambi? Anong nagawa kong kasalanan sayo para gawin mo sakin ‘to?” puno ng hinanakit na tanong ni Rhys.

Lumapit si Bambi at pilit na niyakap si Rhys. “Wala Rhys...pero sana pakinggan mo ko Rhys...pakiusap lang.” Sambit naman ni Bambi sa pagitan ng pigil na paghikbi at nagsimulang magsalaysay.

Tinignan ni Rhys ang litratong muli. “Ang makita kang hinahalikan ng lalakeng...kamukha ko?!” napatawa ito ng mapait. “Hindi ko alam kung matutuwa ako, maaawa o magagalit sayo Bambi!”

“Rhys...hindi ko sinasadya, tama si Sophie... nakita kita sakanya lalo na sa mga panahong hindi tayo magkasam...”

Naalala ni Rhys ang mga pangyayari dalawang taon narin ang nakakalipas.

*FLASH BACK*

Nanonood si Rhys ng tv nang may dumaang isang flash report.

“Isang menor-de-edad na babae ang kinunan ng video sa loob ng sasakyan habang ni isang saplot sa katawan ay wala ito.” Sabi ng reporter sa tv. Ipinakita ang litrato ng isang babae ngunit censored ang mga mata nito. Nagimbal si Rhys sa nakita. Kilala nya ang babae. At sa kalagitnaan ng report na iyon ay pumailanlan ang ilang litrato na sinasabing mga suspect. At ang isa rito ay kamukha nya...kamukhang –kamukha nya.

Nagulat din ang mga magulang niya ngunit alam nilang hindi iyon ang anak nila kundi ibang tao. Pinilit ni Rhys na alisin sa utak niya ang napanood ngunit hindi nya magawa. Yung babae, kilala nya yung bababe sa tv.

“Tama na! Alis na!...” impit na sigaw ni Rhys sa kanyang kalooban.

Pumasok si Rhys sa eskwelahan kinaumagahan, at nagulat dahil napakaraming reporters at kung anu-ano pang uri ng media sa gate ng eskwelahan nila.Kinakabahan si Rhys, ngunit nagawa parin nyang makisiksik at makapasok bago pa man magring ang bell. Napadaan siya sa isang classroom ng biglang.

“Yun sya! Yun sya! Ikulong nyo sya!!! Bilis!!!”

Hindi alam ni Rhys ang gagawin. “Becky! Si Rhys ‘to! Ang bestfriend mo!!!” sigaw ni Rhys sa pagitan ng pag-iyak ngunit tuluyan na syang hinawakan at pinadapa sa buhangin ng mga pulis na naroroon. Wala syang magawa. Noong araw na iyon. Absent si Bryant Kaiser U. Montezor. Pinilit nyang magpaliwanag ngunit hindi sya pinakinggan at kinaladkad pa patungo sa sasakyan hanggang sa makarating sila sa prisinto. Saka lamang nakalabas si Rhys ng dumating ang kanyang mga magulang dala ang birth certificate nito.

Muntik-muntikan ng makulong ng tuluyan si Brye dahilsa kaso na iyon. Ngunit sa isang iglap ay bigla na lamang binawi ni Becky ang lahat ng mga parunggit na binitiwan nya sa pangalang Bryant Montezor at nanahimik. Binayaran nila ang pamilya ng babae. Ngunit kahit ganoon pa man, ay kasamang nasira ang buhay ni Rhys tulad ng pagkasira ng buhay ng babae kaya’t napilitan syang lumipat ng eskwelahan na nagkataong pinapasukang muli ni Brye.

*SA KASALUKUYAN*

“Muntik ka na nyang masira Bambi.” Hindi narin napigilan ni Rhys na umiyak. “Mas mabuti pa sigurong tapusin na lang natin ‘to.”

Nagimbal si Bambi sa narinig at patuloy na umiyak. “Rhys ayoko!!! Magalit ka na sakin! Saktan mo na ako! Pero please lang Rhys...wag mo ‘kong iwan!!!”

Hirap na hirap ang kalooban ni Rhys pero alam niyang katulad niya ay nahihirapan lang si Bambi.

“Ayoko ng maulit ang nakaraan Bambi...masakit!”

“Iba ang noon at ngayon Rhys! Please! Handa akong gawin ang lahat mabayaran ko lang ang kasalanang nagawa ko.” Umiiyak paring tugon ni Bambi.

Tinignan ni Rhys ang litratong muli, tapos ay si Bambi. Nakapagpasya na sya. Itinapon ni Rhys ang kanyang cellphone dahilan para mawasak itong tuluyan pagkatapos ay niyakap si Bambi ng sobrang higpit.

“Ssshhh...tama na...hindi mo kailangang pagbayaran ang lahat...ang gusto ko lang ay mangako ka...”

Patuloy parin si Bambi sa tahimik na pag-iyak. Ngunit hinawakan ni Rhys ang magkabilang pisngi nito at pinilit si Bambi na salubungin ang kanyang tingin.

“Mangako kang sa akin ka lang titingin hangga’t wala pang ibang lalakeng nakakakuha ng atensyon mo...” Tumango si Bambi. “At kung may bago ka mang napupusuan...gusto kong sabihin mo sa akin agad...” Tumangong muli sa Bambi. “Pero wag mong aasahang ganun kita kadaling pakakawalan!...” pinunasan ni Rhys ang huling luhang lumandas sa mga pisngin ni Bambi at nagsalitang muli. “Hangga’t hindi ko nasisigurong karapat-dapat ang lalaking iyon para sayo. Kalian ma’y hinding-hindi kita bibitawan, kahit dumanak pa ang dugo.”

Niyakap ni Bambi si Rhys ng napakahigpit na para bang wala na syang balak na bitawan pa ang kasintahan.

“Pangako Rhys!” masaya nitong sabi. At sa pagpatak muli ng mga bagong luhang iyon...hindi na iyon sanhi ng paghihirap ng kalooban kundi ng bagong pagkakataon para mapunan ang mga pagkakamali.

---***---

Napangiti naman si Sophie sa likod ng puno na kanyang pinagtataguan. “Hmmm...mabuti naman at masaya na ngayon ang bespren ko!” masayang sabi nito sa sarili saka biglang may naisip na bago. “Ano kayang magandang gawin sa Bryant Montezor na iyon?” sabi nya sa sarili...saka inilabas ang sarili nitong cellphone at idinial isa-isa ang mga numero sa hawak nyang papel. “Mabisita nga ang mga babae nya!...” saka pilyang ngumiti na nauwi sa tawa.

---***---





“I love you Rhys!”

“Love you too!”

At ang pangakong binitiwan nila sa harap ng malaking punong iyon, ay isang pangakong sinelyuhan ng halik ng dalawang taong tunay na nagmamahalan.



*END*

A Story by Avis Yixien

It’s early in the morning but the sun shines brightly already. The wind touches my face softly. The beautiful melodies of the birds are keep on ringing on my ears. I should be thankful again for God gave me another day to live.
Right now, my life is very simple. Like just other teenage girls, I wake up early in the morning, take a bathe, and wear my proper uniform, eat my breakfast, prepare to go to school and then live my new day to the fullest but meaningful… not like those past years I’ve spent in my high school days.
Before I became this kind of simple girl I was once became the one of the most popular high school girl in our school. The feeling is one of a kind, as if I am one of the Hollywood stars. They will greet me as if we’ve been friends for so long. Everyone wants to befriend me and they always wear their fake smiles and pretend that they are nice, friendly, and everything to me. And I just do the same; pretend that I knew them too, since it is one of the most important rules in being a popular, always bear in mind to “Be friend your enemies or else you’ll be pitiful at the end”. But I just can’t act against it since I don’t want to experience those feelings when I was new here. Everyday of my life is like hell. They keep on bullying me, make fun of, and backbite every minute that they see my shadows. They are doing any means just to make me feel miserable and ashamed myself to the whole campus, that’s why when I belonged to the IN crowd, I promised to myself that I will not go back anymore to the OUT crowd. Yes, IN and OUT crowd, the two groups that divides our school. If you are in the IN crowd your life everyday is like heaven while if you are in the OUT crowd your living like hell…But, I keep on asking myself, why everyone wants to be in my position? In fact, being popular is more or similar to hell. You bully them, make fun of them, blame them for your wrong doings, laugh at them, copy or get their assignments for they are the smart ones and their grades might decrease because of you and their parents will be disappointed while you, don’t care of their feelings, you’re just busy preparing for parties, what to do and what to wear for everyday and even though you’ll have time to pay attention to your studies, its still useless coz you don’t know the answers because you’re not paying attention during discussions and you’re just busy flirting and chatting with your so-called friends.
Being popular is not that cool or full of fun but not too difficult too but full of dangers. In fact, you can destroy someone’s life.
Yeah, I admit, when I become one of them; I love the feeling that being known to everyone. I know I was blinded by my popularity. I am thinking that I can control everyone now since everyone wants to befriend with me like Cornelia and Trixie, two of the most popular girls too and they became my so-called best friends. They treat me just like them but they have the so-called rules and regulations and one of these is that we should not keep any secrets. I just also do the same since I am expecting that they are being honest too. I am just following the things that they are saying and doing and I even accepted there DARE, which almost cost my life.
It is because in the IN crowd, if anyone DAREs you, you should do it coz if you declined you’ll become an outsider or worst and you can’t just drop out easily coz they have so many connections, they will make you suffer first before you can leave the territory of theirs, they will do any means just to let you feel the pain and since I am A fool which follows order, I just accepted there DARE without thinking twice.
“ Our dare to you is make Eric become your lover before February 14 since it is January, you’ll have enough time to achieve your goal.” said Cornelia
“ It is just a piece of cake you know, because you are popular now and it will be your big chance since you like him ever since, right? Agreed by Trixie with a grin.
Well that’s what they thought, its simple but they are wrong. They don’t know that “Popular Girls” is one of the things that Eric hates most. Even though I know the fact that I will have no chance to succeed, I still tried; Its better than doing nothing.
I tried to befriend Eric and just like what I expected it will be hard but after several weeks of chasing him, he accepted me again as his friend since we’ve been friends before when I was not popular yet. After I am done with my first move, I tried to go on, on my next move and that is to make him mine. When I became closer to him, I felt guilt inside me so, I planned to tell it to him when we meet again but he invited me unexpectedly to a dinner … so, I forgot my plan of telling him about the dare and I just accepted his invitation since I am longing for it for so long but when the day of the dinner came, several unexpected events happened; I and my so-called best friends bumped with each other…
“Oh! It seems that you succeed in our dare huh? When did this happen? Is this your first date?” asked Trixie
“ What dare? What are they talking about?” asked Eric with confusing eyes
“Oopps, you haven’t told him yet? Oh, my bad. I am so sorry, I thought you already told him…well’ we gotta go, both of you enjoy the night.” Cornelia said while bidding their goodbyes with a smile on their faces.
“Let me explain Eric, I am really planning to tall you this.” I told him with teary eyes
“ Plan? And when is that? When I fall already in your plan?” he replied
“ No, Eric, I am really planning to tell tonight but…” I haven’t finished what I am saying coz I am bursting into tears already and I can’t talk clearly anymore.
“ You know what? I really can’t believe that you can do this to me; I thought we have the same feelings with each other but I think I am wrong. I want to hate you coz I am like a fool to fall for you but my feelings for you still wins.” He said with furious eyes and leaving me without glancing back and directly crossed the street without noticing the sudden coming of a truck…thankfully I save him but I was willing to sacrifice myself even though its too late to change all my mistakes.
I was dead on arrival when I reach to the hospital but luckily a doctor tried to save me by making me as one of his experiment in a “brain transplant”, transferring the brain to another body, and thankfully the operation was successful.
So, here I am, living simply and peacefully with Dr. Hiroshi, the one who experimented me, since its her sister’s body that I am using now and we are living like brother and sister for 5 months already since I don’t have parents at all coz they were involved in a plane crush and both of them died too…and about Eric, we’ve been friends but he don’t have any idea about my transplant and its better for him not to know so that he will not remember the accident and its better to have connection with him as friends than nothing.
Remembering those past, specifically the dare, it makes my body shivers and stunned. It is my biggest regret in my whole life and I don’t have any plan anymore to go back in that kind of crowd. And I can’t imagine that my so-called best friends who help me to be in top is the one also who brought me at the bottom. I know, I should blame myself for everything because I let my popularity blinded me and I even forget the other important rule in being popular and that is to “ Do Not Trust Anyone”.

Mr. Arrogant by Danica

Sophia Angela Martinez

she's 20 years old college student major in Accounting. Madiskarte sa buhay, maraming side lines para makapg'aral tulad ng pagiging delivery girl, waitress at sa school na pinapasukan nya ginagamit nya ang talino nya para sa negosyo ang gumawa ng assignments, projects ng iba kahit anong course man yan basta BA students. Pina'aaral nya ang kanyang sarili, pangalawa sya sa 3 magkakapatid kuya nya ang katulong nya sa lahat ng gastusin habang ang bunso naman ang naiiwan sa bahay para alagaan ang kanilang inang may sakit sa puso. Nang ipanganak ang kanyang bunsong kapatid saka naman namatay ang kanyang ama dahilan para sya ay magsipag ng husto.

Kenneth Bryan De Loyola

yes, mayaman, gwapo at matalino san ka pa? pero may pagka mayabang take note gentleman naman sya. Galing sya sa may kayang pamilya, may negosyo ang pamilya nila sa ibang bansa kaya halos ng pamilya nya ay pauwi uwi na lamang dito sa pinas habang sya ganun din hilig nya ang mangolekta ng babae. Plipat lipat din sya ng condominium dahil sa dami nyang babae kaylangan nyang magtago kapag nagsawa na sya.

Mariz Andrea Torres


sexy, maganda at matalino. Ex girlfriend ni Kenneth. Sikat sya sa BENJAMIN MONTESSORI COLLEGE, campus girl, crush ng bayan ang tawag sa kanya. May pagkasamang ugali dahil anak sya ng may kayang pamilya, piling pili ang mga kaibigan, athletic din syalahat ng sports sinasalihan. Sa lahat ng naging girlfriend ni Kenneth si Mariz lang talaga ang solid na minahal ni Kenneth kaso nakipagbreak si Mariz. bakit nga ba?

-- CHAPTER 1 ---

( SCHOOL )

"Sophia ung project ko deadline next monday".

"Ahh.. okey sige". Habang nililista sa kanyang notebook

"Mga magkano bayad?"

"Dahil medyo mahirap din ung project mo, php600 lang". Sabay ngiti sa kaklase

"Okey sige sa monday narin ung bayad".

"Sino pa?".

"Ako Sophia ung Lectures ko need ko na tomorrow".

"oO tapos ko na, dalhin ko na lang bukas. Oh ano? wala na ba? aalis na ako! sige bukas na lang". Sabay tayo sa kina'uupuan



"FriendshipPPppppp.. wait!".

"Ano? ang ingay mo naman bakla".

"Sungit mo may good news pa naman sana ako sayo. Sige wag na umalis kana".

"Arte mo! oxia ano nga yun?"

"Eto friend, nabenta ko lahat ng patinda mong kung ano ano!".

Naiiyak. "Friend, thank you so much.... ihHh.. pano mo nabenta lahat 'to?"

"Aba natural, binanggit ko lang naman ung name mo sa mga boys. Libreng date with SOPHIA pag bumili sila ng paninda mo".

"Gago ka talaga, pero d bale na pwede naman tumaggi pero friend thanks talaga hayaan mo babawi ako sayo. Osya alis na ako, may work pa ako dba?"

"oO na. ano na naman work yan? magprosti ka na nga lang! lakas pa ng kita! haha.. joke".

"Murit! sige ingat. ".


Dahil pang gabi si Sophia may time pa sya magwork, after ng class nya ng 8pm straight na sya sa bago nyang side line.

( RESTAURANT )

"Sir, san mo idedeliver 'to?".

"Sa may Carmen Ville, eto ung street". Sabay abot ng maliit na papel.

"okey boss!! ".


Habang nag mamaneho si Sophia ng motor may nag'over take sa kanya na BMW.

"Sira ulo ata un. Ang yabang! humanda ka!". Sabay maneho ng bilis


Nang maaabutan na ni Sophia ang kotse saka naman ito nagpreno dahilan para mabangga si Sophia, nawalan sya ng preno kaya dumiretso sya sa kotse.


"Hay.. shit! ano gagawin ko?!!".

Sandali natulala si Sophia ng makita nyang pababa ang lalaki mula sa magarang kotse.

"Bullshit!!! Hoy.. babae, tanga ka ba? Ba't hindi ka man nag'preno?!".

Nagising na sa pagkakatulala. "Hah?. Sorry nawalan kasi ako ng preno?!"

"Sorry? ano magagawa ng sorry mo? Letche! Alam mo ba kumg magkano 'tong kotse na 'to?!"

"Hindi e."

"Hay.. ang Bobo! Nakapg'aral ka ba?"

"Sobra ka manlait. Ikaw ha? pinagbibigyan lang kita sa panlalait mo sa sakin. Bakit magkano na yan hah?

"Ikaw pa matapang dyan? mahigit 2 million lang naman 'to. Asan na bayad mo sa nasira?". Sabay lapad ng kamay sa harap ni Sophia

Sabay luhod sa lalaki. "Boss, wala akong ganung kalaking pera baka pwedeng utang una?"

"Kapal mo hah? baka gusto mo magtawag ako ng pulis!".

"Wag naman boss! Lahat ng gusto mo sige susunod ako, Please! mahirap lang ako tas may sakit pa nanay ko. Hindi ka ba naaawa sakin?".

"Ba't naman ako maaawa sayo?Ikaw na nga nakapangga ng kotse ko tas maaawa pa ako sayo. Neknek mo!"

"Lahat ng gusto sige susunod ako. Please maaawa ka na?.

Sandali nanahimik ang paligid.

"Lahat ha?".

"oO. basta wag mo na ako sisingilin".

"Okey sige, tayo kana dyan. May Cellphone ka ba?".

"Oo, bakit? wag nman cellphone kaylangan ko to sa mga sidelines ko".

"Tanga, mas maganda pa cellphone ko sa cellphone mo. Eto type mo number mo."


Kinuha ni Sophia ng cellphone at tinayp ang number nya.

"Papamiscall ko muna para sigurado.Okey number mo nga".

Sabay lapit sa mukha ni Sophia. "Hoy.. Ikaw! subukan mo lang ako takasan yari ka sakin! Tito ko NBI kaya humanda ka kapag nagtangka kang tumukas".

"oho! alam ko".

"Basta tatawag ako! Sagutin mo agad ayoko nag'hihintay. And pag sinabi ko sumunod ka! Maliwanag ba?"

"Oho!!!!!"



Sabay sakay sa kotse at nagpaandar ng mabilis.


"Hayy.. mayayaman talaga! AROGANTE!!! ".


---CHAPTER 2 ---

"Girl? Ba't tulala ka dyan? May chixmax pa naman sana ako sayo."

"Friend, nakapagga ako kagabi".

"Hah? nag--ano?

"Kotse natural! take note BMW pa.."

"Nku girl mahal un.. ano na balita? nabayaran mo na?"

"Hindi pa, hinihinggi lang sakin ung cell number ko ng may'ari. Tatawag na lang daw sya".

"Pano-- pano mo un babayaran girl. Kulang pa nga ung kinikita mo kung tutuusin e. "

"Basta sabi ko, kahit ano gagawin ko kaya ayun hininggi number ko!".

"What? girl ba't sinabi mo un? gagi ka talaga! What if sabihin nya bayaran mo sa pamamagitan ng katawan mo! iwWwww.. ".

"Sira! Hindi siguro ganun. Napaka Arogante nga nung may ari. Sinabihan pa ako ng BOBO at TANGA, my goodness! pasalamat sya ako may kasalanan".

"Gwapo ba?. hehe.."

"Gwapo nga, sama naman ng ugali. iwWW.."


Mya-maya dumating na ang teacher nila.

"Good evening Sir." Bati ni Sophia


Habang nagklaklasi ang lahat nag ring ang cellphone ni Sophia. Hindi nakaregister ang number na yun kaya hindi na lang pinansin ni Sophia sa pagkaka akala na baka nkikipag CALL mate lang un. Nang hindi pa rin tumigil sa pag'ring.


"Sir, excuse lang. Emergency!". Sabay labas ng classroom.

"Hoy!!! tagal mo sumagot ng phone. Nananadya ka ba?".

"Sino 'to?"

"Yung may'ari ng BMW lang naman".

"Sorry. Nagklaklasi kasi kame. Pasensya na! Ba't napatawa ka?"

"Wala lang. Naninigurado lang na sayo talaga 'to! Bukas tatawagan kita, sagutin mo agad!!".

"Oo....".



Kinabukasan habang natutulog si Sophia, dahil 2am na sya nakauwi. Nagring ang cellphone nya..


"Sophia, anak! ung cellphone mo nagriring".


"Mamaya ko na dadalhin ung project mo, sige bye!".

"Hoy! Anung pinagsasabi mo? nakadrugs kaba?!".

Napabaligwas si Sophia sa gulat. "Sorry kala ko kasi---"

"Wala ako pake kung sino un. Pumunta ka dito samen now na! Itetext ko sayo ung address".

"Pero--". Hindi pa natapos ang sasabihin ni Sophia naputol na ang linya.


"Bweset!!!!!!!!!"

---CHAPTER 3---

Naglalakad na si Sophia palabas ng bahay nila nang may nareceive na syang mensahe mula sa kanyang cellphone.

"CRYSTAL MANSION CONDOMINIUM room 143".

Pagkabasa ng mensahe biglang may naalala si Sophia na sinabi ng kanyang bestfriend.

"Hala! what if.... Shit!!". Dali dali nyang nireplayan si Kenneth


"aHh.. Boss! Kng ano man binabLak nyo, Please wag lng un.. may pangarap pa ako, Lahat ga2win ko wag lang makipag-- uhMMmm syo!".


Maya maya sumagot na si Kenneth.

"Iww... May taste ako no? Ano2 asa utak mo, nagdru2gs ka ata no? Aminin mo. ipa2linis ko lang sayo 'tong Condo Unit ko dhil hndi ko na kaya ang kalat. Kaya pumnta ka na d2 now na!!!"

"Ahh.. Sorry! papunta na ako."



Nang makarating na si Sophia sa Crystal Mansion. Dali dali syang nagDoor Bell, nang mabuksan na ang pinto natulala sya nakita. Bagong ligo si Kenneth at tanging twalya lang ang nagtatakip sa kanyang pambaba.


"HoyY!! Ngyon ka lang ba nakakita ng lalaking hubad?"

"Hah?"

"Sabi ko kung ngyon ka lang ba nakakita ng lalaking hubad? Actually hindi pa nga 'to hubad e. gusto mo tanggalin ko 'tong pambabang twalya ko?". Habang nakitinggin kay Sophia na para bang nang'Aakit

"Iww.. Nakakita na po kaya ako nyan, may kapatid akong lalaki noe?

"Pero mas maganda if iba naman diba?. Akmang huhubarin na nya nag biglang pumikit si Sophia


"Hoy!!!! walang ganyanan..."


Sabay tawa ng malakas ni Kenneth. "Hahahahahaha.. As if maghuhubad talaga ako! iwWww...Pumasok ka na dito at mag'umpisa ka na maglinis, ayusin mo! Maglaba ka na rin".

"Pati pa ba 'to? Nakahawak sa isang black underwear at boxer short.

"Except ito!". Sabay agaw sa underwear.


"Mamaya tatawagan kita."


"Ha?Bakit? May pasok ako ng 4pm e. "

"Ngyon?"


"Ngyon ano! wag muna magcall kasi may pasok pa ako tas mawowork pa ako!".

"Sandali lang un. Mag'uusap lang. Basta mamaya gumawa ka ng mga kondisyones mo."

"oO na!!"



( SCHOOL )


"Girl? ayos ka lang?".

"Hindi, pagod ako girl! Dami ko nilabhan tas ang kalat pa ng condo unit. Shit!!"

"Condo Unit? ikaw?big time.. Kelan ako pupunta dun?"

"Sira! dun sa ma'ari ng BMW un".

"WoHHhh.. talaga? Mayaman hah!! Ano pala name nun girl?"

"Name? May nakita akong mga papel dun na kung ano ano nakasulat na-- KENNETH BRYAN DE LOYOLA. Un girl".

"What??? Sureness ka?"

"oO, Hindi naman siguro ako namalikmata diba? bakit ba? Close kayo?"

"OMG.. napakabusy mo kasi. Kaya out of dis world kana. Si Kenneth ung ex ni Mariz the Campus girl".

"So?"

"Anung so?!! So meaning gwapo, mayaman, talented, mabait at gentleman pa! Swerte mo girl. AyihHhh.."

"Talaga? Hindi siguro! Yabang kaya nun. Pinagtripan nga ako nun kanina e. If dito saya nag'aaral ba't hindi ko sya nakikita dito sa school? BA student ba sya?".

"Palibhasa busy ka kasi kaya hayan walang alam sa mga gwapo na naglipana dito sa campus, oO BA student sya girl".

"Fine! Masama ugali nun girl. Believe me!!!"

"WhatEver! Tignan naten kung hindi mainlove dun".

"Of course not!!!!! Choosy ako no?"

"Choosy daw? E. NBSB ka nga diba? Dami naman kasi ng nanliligaw hindi pinapansin. Ewan sayo!".

"Whatever!!!!!!!!!!!!!!


---CHAPTER 4---

"Hello?"

"Ano? Siguro naman tapos na klase mo! Hinintay pa kita. Asan kana?"

"Sandali lang noe? Nillista ko pa mga kaylangan ng mga classmates ko".


"Bakit tindera ka ba?!"

"Wala kang pake. Papunta na ako, san ka ba?"

"Sa COFFEE ACADEMY."

"Ba't dun pa? Ang layo."

"Wag ka na magreklamo. Para safe."

"Safe? for what?".

"Chismis. San pa?"

"Iww.. So feeling mo celebrity ka? Kapal."

"HoyY!! Daig ko pa ang celebrity. Pumunta kana dito now na!!!". Sabay patay ng phone.


( COFFEE ACADEMY )

"Oh, Ano na?"

"Eto basahin mo!" Sabay abot ng papel


-- RULES --

Ikaw ang PERSONAL YAYA ko!


1. Bawal ipagkalat sa Campus ang tungkol sa kasunduan.

2. Bawal ang makelam ng personal na gamit kapag asa Condo Unit, like cellphones, underwears etc.

3. Walang pakelaman lalo na sa personal na buhay.

4. Bawal tumanngi sa lahat ng ipag'uutos.

5. Bawat late may nakahandang parusa.

6. Isang tawag lang dapat sagutin agad otherwise may kapalit na parusa

7. Kapag nagkasalubong sa daan na may kasama umaktong hindi magkakilala.

8. Bawal ang ma'INLOVE sa isa't isa.

"Walo lang yan hah? Pirmahan mo na kung wala kang comments or suggestions".


"iWw.. As if maiinlove ako sayo! Sandali lang. may idadagdag ako!"

"Malay naten mafall ka sakin. haha! Sa gwapo kong 'to".


9. Kung may iba pang iutos maliban sa pagiging PERSONAL YAYA may bayad na ipapataw si lalaki sa halagang Php2000 o higit pa depende sa utos.


"Ayan! Pirma ka na rin! Lakas na apog mo para sabihin yan. IwwWW talaga!"

"ok! tama yan.. Wala nko iuutos ng higit pa sa pagiging Personal Yaya mo!".

"Siguraduhin mo lang".


---CHAPTER 5---

"Girl, Saturday na bukas. Gimik tayo noe?"

"May work ako friendship e. next time na lang".

"Ihh.. kainis ka noe? KJ nman oh.. Kanino ka magwowork? Kay Papa Kenneth pa hah?

"Hindi! Sira. Dun sa Bago kong na'Applayan last week".

"Fine! Musta na kayo ni Mr. Arrogant?".

"Wow.. Nakiki Mr. Arrogant ka na rin hah?".

"Syempre. Kaylangan naten ng code name alam naman naten na maraming tenga dito". Sabay tingin sa grupo nina Bianca na nakatinggin din sa kanila

"AhHh.. okey!! CODE NAME na nya un noe? Ayun girl gumawa pa sya ng mga rules hah? Aba syempre hindi ako nagpahuli, nagdagdag din ako ung pangsampo."

"Ows.. talaga! Makakalovelife kana girl. Lakas talaga ng pakiramdam ko, Anu ba mga rules?"

"Iww.. Lovelife?Pero hindi sa kanya. Rule 1. Bawal ipagkalat sa Campus ang tungkol sa kasunduan. 2. Bawal ang makelam ng personal na gamit kapag asa Condo Unit, like cellphones, underwears etc. 3. Walang pakelaman lalo na sa personal na buhay. 4. Bawal tumanngi sa lahat ng ipag'uutos. 5. Bawat late may nakahandang parusa. 6. Isang tawag lang dapat sagutin agad otherwise may kapalit na parusa 7. Kapag nagkasalubong sa daan na may kasama umaktong hindi magkakilala. 8. Bawal ang ma'INLOVE sa isa't isa. 9. Every Saturday and Sunday magtratrabaho ka pa rin saken walang day-off 10. Kung may iba pang iutos maliban sa pagiging PERSONAL YAYA may bayad na ipapataw si lalaki sa halagang Php2000 o higit pa depende sa utos. "

"sUSS.. ang dali lang pala pero ung pang number 8? IMPOSIBLE!!!"

"Ewan sayo! Sige makaalis na nga".

"Sige girl. See you on Monday. Mwahh.."


Habang naglalakad si Sophia papunta ng trabaho, biglang nagring ang cellphone nya.

"Hayy.. Shit!! Oo nga pala. I hate it! Bad trip!
Hello?"

"HoyYy.. Asan ka? Punta ka dito. Bili mo ko ng Pizza at saka Mcdonalds ung pizza ko ung sa Shakeys ha?"

"Ano? e. mahal dun noe? Wala akong pera".

"Babayaran ko!!!".

"Mabuti! Siguraduhin mo lang noe?"

"Oo. Dali na! tas bili mo ako ng RED HORSE ung in can hah? babayaran ko don't worry".

"Ano?iinom ka pa?"

"Rule number 3--"

"oO na!!!"


Nang makabili si Sophia lahat ng pinabibili ng amo nya dumeretso na sya sa Crystal Mansion.

Doorbell. "Ang tagal mo naman magbukas". Pagkakita kay Kenneth sa pintuan ng condo unit nagulat sya.

"Oh, Lasing ka na pala e".

"Hindi ako lasing noe? Nakainom pa lang ako! Pumasok kana tas pagluto mo ako!".

Pagkapasok ni Sophia sa loob, nagulat sya sa kalat. Lahat naka'kalat, mga can ng Red horse at mig light ung mga kinain nyang pulutan.

"My goodness.."

"Wag ka na magsalita. Iwan mo na dyan ung pizza saka mcdo ko at ung RedHorse ko! ung bayad hayan sa lamesa sobra pa yan".

"Sobra! Sakto nga lang.."

Habang asa kusina si Sophia, napansin nyang umiiyak si Kenneth. After nyang magluto nilapitan nya ito.

"Tapos na ako! uuwi na ako may work pa ako bukas". Akman kukunin na ni Sophia ang Bag nya ng bigla syang hinawakan ni Kenneth sa kamay.

"Dito ka muna sandali. Kwentuhan tayo."

Nagulat si Sophia sa inakto ni Kenneth.

Pabulong. "Bait ata! okey sige, kakain din ako nito hah?. Sabay hawak sa pizza. First time ko lang kasi kumain nito"

"Sige kahit ubusin mo pa yan!". Nakayuko habang sinisinghot ang sipon

"Napano ka?".

Natulala si Sophia ng humarap si Kenneth sa kanya. Ngayon lang sya humanga ng ganun sa lalaki, napakagwapo pala nya at maamo ang mukha. Ang bilis ng tibok ng puso ni Sophia na halos hindi nya kayanin kaya napalayo syang bigla kay Kenneth.

"Napano ka?"

"Hah? e.. May naalala kasi ako! hahaha.. "

"Ganun ba? Akala ko kung ano na!!"

"AhMmm.. napano ka ba?". Habang nakatinggin sa pizza para maiwasan nya ang maamong mukha ni Kenneth

"Siguro naman kilala mo si Mariz!"

"oO. Ex mo sya, Tapos?"

"tapos.. kanina nalaman ko may syota na sya.."

"Anung bago dun? Every month naman e."

"Kaya nga every month din ako nagkakaganito dahil mahal na mahal ko sya".

Natahimik bigla si Sophia sa narinig. May ganun pa palang lalaki sa mundo, parang nahurt ang feelings ni Sophia sa narinig sa mga oras na yun.

"AhhmMmm.. Bakit ba kayo nagbreak? e. mukha naman totoo ang feelings mo sa kanya diba?".

"Pinagsawaan ako! Boring daw ako kasama pagdating daw sa kanya".

Nagtaka si Sophia sa sinabi nya. Sa pagkakasabi kasi ni Gigi ( bestfriend nya ) na magaling ito mambola ng mga babae. Habang nag'iisip si Sophia napahiga na sa kandungan nya si Kenneth sa sobrang kalasingan.

"Hayy.. Shit! Ba't.. Ba't.. Ung heart beat ko ang bilis..."

--- CHAPTER 6 ---

Dahan dahan pinasan ni Sophia sa likod si Kenneth papunta sa kwarto nya. Pinunasan nya ito ng malamig na towel at alcohol. Habang asa loob sya ng kwarto nilibot nya ang buong paligid, nakita nya ang mga litrao ng pamilya nya at ung violin ni Kenneth.

"Wow.. marunong pala syang magviolin".

Akmang palabas na sya ng kwarto narinig nya si Kenneth na binubulong ang pangalan ni Mariz, lalabas na sana sya ng biglang nahulog si Kenneth sa kama.

"IhHH.. MY GOODNESS!". Binuhat nya ito pabalik sa kama, nang bigla syang hawakan ni Kenneth sa kamay

"Wag ka muna umalis, dito ka muna.."

Nagulat si Sophia sa narinig, napatitig sya sa maamong mukha ni Kenneth.

"Hay.. Gwapo ka pala! Totoo nga sinasabi nila". Umupo na lamang si Sophia sa kama hanggang nakatulog sya


( SABADO NG UMAGA )

Maaga nagising si Sophia para maglinis at mgluto ng almusal ni Kenneth bago umalis ng biglang..

"Sino ka?"

Nagulat si Sophia habang hawak ang walis.

"Ah.. Goodmorning hoh! ako si--". Hindi pa tapos magsalita si Sophia

"Ah.. Ikaw ba Girlfriend ng anak ko? Ba't naglilinis ka? Halika ka nga hija.. Asan ba si Kenneth na yan.

"Natutulog hoh!"

"You mean.. dito ka rin natulog?"

"Hha? aHmmm...--"

"Ayos lang un hija.. tutal gusto ko na nga maka'apo e. "

"Nagkakamali hoh kayo--"

"Naku hija sige babalik na lang ako dito sa susunod baka makaistorbo ako sa inyo". Sabay labas ng pintuan

"AYy.. ano ba yan?! Pero infairnes hindi mukhang nanay".



Paalis na ng bahay si Sophia para umuwi bgo pumasok sa trabaho.


"Ma, sorry hindi ako nakauwi may inasikaso lang kasi ako".

"Ayos lang anak, naiintindihan ko na busy ka. Kumain ka na ba?"

"Oo ma, kina-- GIGI. Maliligo lang ako tas papasok na ako sa trabaho".


After maligo pumasok na ng trabaho si Sophia.

"Boss, sorry late ako!"

"Ayos lang, linisin mo na ung kusina tas ung mga pinagkainan ng mga customer hugasan mo na".

"Okey po!"


Natapos ang Sabado iyon ng hindi man tumawag si Kenneth sa kanya para mag'utos. Nakakapagtaka.Gabi ng makauwi si Sophia sa bahay nila, habang naglalakad tinititigan nya ang kanyang cellphone.

"Bakit kaya hindi tumawag un?".


( LINGGO )

Maaga nagising si Sophia para maglinis, wala syang trabaho ngyon kaya tinulungan nya ang kanyang ina. Maya maya ay naisipan nya munang puntahan si Kenneth.

"Ma, alis lang muna ako. May pupuntahan lang ako".

"Sige anak, ingat ka".



( CRYSTAL MANSION )

Nagdoorbell si Sophia pero walang nagbubukas. Napansin nyang nakabukas naman ito kaya pumasok na sya sa loob.


"Ay.. Ba't ang kalat!! Asan ba ung lalaking iyon?". Dumeretso sya sa kwarto.


"Masyado naman 'to. 11am na tulog pa rin!".

Nilapitan nya si Kenneth, nagtaka si Sophia ba't balot na balot si Kenneth ng kumot.

"OMG may lagnat ka! Naku, ba't hindi mo man sinabi".

"Ba't andito ka?"

"Wala lang, nagtaka lang kasi ako ba't hindi ka tumawag para magtrabaho ako. May gamot ba ikaw dito?".

"Walang gamot dito!".

"Ah... Sandali lang.."

Dumeretso si Sophia sa kusina para kumuha ng maligamgam na tubig para ilagay sa ulo ni Kenneth bago bumili ng gamot.


"Anong ginagawa mo?".

"Obvious ba? Edi pinupunasan ka".

"Ayoko! wag mo nga ako hawakan".

"Ang arte mo!!! Daig mo pa mga babae. Pasalamat ka nlang kaya, Sandali lang bibili lang ako ng gamot".



Habang naglalakad si Sophia palabas ng kwarto, tinititigan sya ni Kenneth..



--- CHAPTER 7 --

"Inumin mo na 'to! Wag kang maarte".


Sabay abot ng tubig. Hinawakan ni Sophia ang noo ni Kenneth.

"Hayan, medyo hindi kana mainit kumpara kanina. Maya maya uuwi na rin ako after ko maglinis saka magluto ng kakainin mo".


Pagkatapos ni Sophia maglinis at magluto nagpaalam na sya, maya maya tumayo na si Kenneth para kumain.

"Uh.. lugaw pala niluto".


Lunes na ng umaga maayos na ang lagay ni Kenneth kaya nakapasok na sya ng hapon.

"Girl, ayos ka lang?".

"Oo.."


Napadaan si Kenneth sa harapan nila na kasama ang mga kaklase nito, napatitig si Sophia sa kanya

Pabulong. "Eto na naman.. Love ba 'to? bilis ng herat beat ko". Sabay hawak sa dibdib nya

"Uy.. Nababasa ko ang asa utak mo girl".

"Heh! Kung ano man un mali un".

"Napaka defensive naman nito, hahaha.."

"Tara na, Late na tayo".




"Hello?"

"Hijo, birthday na ng daddy mo next week".

"I know. So?"

"So? Edi umuwi ka".

"Sa States? May pasok pa ako".

"Nope dito sa bahay naten sa Pinas".

"Kelan pa kayo umuwi?"

"Nung Saturday lang".

"Ba't hindi mo man ako dinalaw sa Condo Unit?"

"Actually pumunta ako dun kaso hindi na kita inabala kasi kasama mo ung girlfriend mo. You know naman anak, gusto ko na magka'apo".

"Girlfriend? Wala ako. Break na kami ni Mariz".

"Hindi si Mariz, Nakalimutan ko itanong ung name. Nagulat nga sya nakita ako, Naglilinis sya nung nakita ko sya. I like her hijo".

"So? hindi ko naman girlfriend un. Iww.. ".

"Iww.. you face! She's nice, nakikita ko un sa mga mata nya unlike si Mariz i dont like her masyadong maarte. And hindi sya kasundo ng ate mo".

"Ano gagawin ko nyan ligawan ko? ayoko!".

"Edi wag mong ligawan basta isama mo lang sya sa party gusto sya mameet ng ate mo, hindi naman bongga ung party e. Siple lang tayo tayo lang magpapamilya".

"Ba't ko pa sya dadalhin e. hindi nman kapamilya".

"Basta! or else.."

"What?"

"Papaputol ko ung mga credit cards mo and kukunin ko ng ATM card mo".

"Fine, oo na! you win, What time ba?"

"7pm.. See you anak! hehe.."


--- CHAPTER 8 --

"hello?"

"Hoy! babae.. Next week may lakad tayo, magsuot ka ng maayos na damit ung pinakamaayos mo 7pm puntahan mo ako sa Unit".

"Hah?"

"Bingi ka ba?"

"Hindi.. un lang ba sasabihin mo?"

"Saka.. salamat! sige bye!"


Pagkababa ng cellphone ni Sophia nakangiti sya na para bang kinikilig.



"Yan na ba ung pinakamaayos mong damit?"

"oO bakit?maayos naman haha?"

"Okey!"

"Nga pala, ano ba gagawin ko? diba personal yaya mo lang? Edi may bayad na 'to?"

"oO na!"

"Dapat lang. Nag'absent ako para lang sa lakad na 'to".

"oO na ang ingay mo. eto 2000".

"2000 lang? 4000. "

"2500".

"3000".

"Sige. o ayan! hay.. mukhang pera!"

"Whatever! mAS kaylagan ko pera kesa sayo".



Malapi na sila sa parking lot.

"wow.. sasakay tayo dito?"

"Natural san paba?"

"now lang ako makakasakay sa BMW.. yehey!!"

"Sakay na!".



"Wow.. bahay nyo 'to ang ganda.. Shit!!!"

"Suss.. Bilisan mo.."


"Hijo.. andyan na pala kayo". Sabay halik sa pisngi ni Kenneth

Nabigla si Sophia ng makita ang nanay ni Kenneth.


"Hija.. halika!. Sabay halik din sa pisngi. Pasok na tayo sa loob naghihintay na sila".


"Sinong sila?". Bulong ni Sophia na kinakabahan


Pagpasok nila sa loob ng bahay. Lalong kinabahan si Sophia sa nakita, mga kama'anak ni Kenneth lahat ng tao roon . Hindi man sya nakapaghanda at ganun lang ang suot nya na nakajeans at t-shirt lang. Bakit nya ba paghahandaan hindi naman nya kasintahan ang lalaki.


--- CHAPTER 9 ---

--- CHAPTER 9 ---

Nasa hapag'kainan sila ng mga oras na lahat ng kamag'anak ni Kenneth ay aliw na aliw kay Sophia dahil sa palakwento ito, palabiro at hindi man lang nauubusan ng kwento.


( GARDEN )


"Ma, nakita ko your so happy kanina siguro naman wala ng bawian ng mga credit cards at ATM cards haha?".

"I'm so happy talaga kanina, kasi masyadong kwela ang future GF mo! I like her so much hijo".

"so?".


Hindi alam ng mag'ina na naririnig sila ni Sophia na nagtatago sa mga halaman.

"So? Bakit hindi mo sya ligawan! She's nice, magalang at mukhang may gusto sayo si Sophia".

"Iww.. hindi sya ang gusto ko Ma you know that! Si Mariz lang..".

"Oh, really? move on anak.. Nakipagbreak na nga say osi Mariz diba and besides hindi mo kawalan madami pang iba dyan!".

"Please mama.. minsan na nga lang tayo nagkikita nanenermon ka pa!".

"Hindi hijo, I'm just telling the truth. Ba't hindi mo subukang magmahal ng iba maliban kay Mariz".

"Sino? Si Sophia? Ayoko nga ung tao e."

Pagkarinig ni Sophia ng masasakit na salita galing kay Kenneth lumayo na sya papasok sa loob ng bahay.

"Really? Hindi yan ang nakikita ko hijo, I know you! Sabihin mo na ang totoo, tayo lang naman ang andito e."

"Anong totoo?"

"Suss.. Showbiz ka pa. Na-- you like Sophia diba?"

Sandali natahimik. "Of couse not!".

"E.. ba't kanina nakaw tingin ka sa kanya?"

"Hindi ahh.."

"Ano na?Sabihin mo na".

"Fine!!!! Lagi na lang. oO I like her but i don't love her, iba pa rin ung like sa love right? Love ko si Mariz!".

"Ayos lang. atleast like! One day magkakagusto ka din sakanya".

"Whatever Ma..".




"Sige hoh? Una na kami.. ".

"Sige hija, mag'ingat kayo ni Kenneth". Pasulyap na nakatinggin kay Kenneth

"Sige Sophia.. Text text na lang". Nakangiting sabi ng ate ni Kenneth

"Sige bye!! ".




Tahimik na asa sasakyan ang dalawa. Si Sophia na mismo ang unang nagsalita.


"Ah.. magkano pa ba utang ko sayo?"

"Bakit? babayaran mo na ba ako?".

"Ha? hindi pero uunti untiin ko".

"What do you mean?"

"Hindi na ako magtratrabaho sayo. Kasi--- napapabayaan ko na mga side lines ko saka studies ko, alam mo naman kailangan ko ng datong".

Sandali natahimik si Kenneth. "Ganun ba? itetext ko na lang sayo if magkano pa".

"Sige."


Pagkatapos magsalita ni natahimik na ang lahat.


( SCHOOL )

"Girl? gusto mo chocolates.." Sabay abot ng kisses

"Salamat".

"May problema? Pansin ko lang hah? Simula ng nakilala mo si Mr. Arrogant lagi ka nag tulala!".

"Friend!".

"What?". Nagkatitigan ang magkaibigan

"Oh my god!! Don't tell me.. OMG!".

"Your right! parang love ko na sya".

"Pano-- pano mo nalaman na-- you like him?"

"Bilis ng heart beat ko kapag nakikita ko na sya tapos hindi na ako makatinggin ng deretso sa mga mata nya tapos-- basta alam mo na!!!!".

"OMG!! Friend! you in love.. This is it!!".

"Love na ba 'to? Kaso.. Sya, mahal si ano--MARIZ".

"I know that girl.. Last saturday nga daw lumuhod pa si Mr. arrogant kay ano-- para lang makipagbalikan kaso si ano-- deadma!".

"Talaga? Ouch naman!!! it hurts talaga".

"Saka friend balita pa hah? May balak na makipagbalikan si Mariz kay Kenneth. Walang nakakaalam ng reason hah? Except sa mga BESTFRIEND ni ano--".

"Ganun?". Biglang nalungkot si Sophia



1 week later tama nga ang balibalita na nagkabalikan na si Mariz at Kenneth


( CONDO UNIT )

"Babe, pinagluto kita oh.. ".


Nakatinggin pa rin si Kenneth sa washing machine, naaalala nyang maglaba si Sophia


"Babe!!! ayos ka lang?".

"I'm sorry1 Ano ba niluto mo?."

"Hot cake, you favorite, try it! Pasensya na if sunog kasi hindi ako marunong magluto".


Habang sinusubo ang hot cake naiisip pa rin ni Kenneth si Sophia 2 weeks na rin ng huli silang nag'kakausap, nagkikita naman sila sa school pero dead mahan naman.


Sa isip. "What if si Sophia ang nagluto nito siguro masarap".

"Babe? Are you alright?"

"Hah? oO.. Ahmm-- san mo gusto pumunta? Sunday naman e.".

"Sa mall".

"Tara!".


Habang nasa mall sila ni Mariz ibang babae naman ang nasa isip ni Kenneth si Sophia.


"Babe, maganda ba?". Panay ang sukat ng mga damit

"oO bagay sayo".


"Hmm-- Babe? Gusto mo bili din kita? Your t-shirt kasi parang cheap".


Natahimik lang si Kenneth





( SCHOOL )


"Girl.. Si Kenneth paparating walang kasama".

"So?". Nakayuko lang sa libro

"So? Papunta lang naman kaya dito".

Biglang natense si Sophia. "Anong gagawin ko?".

"Stay put lang friend. Relax. Ready!".



"oh.. Musta?".

"Ayos lang. Palinga linga sa paligid. Sophia, pwede ka ba bukas?".

"Hah? e-- may work ako bukas".

"Si mommy kasi-- niyayaya kang mag'mall".

"Hindi kasi ako mahilig mag'mall saka wala akong pera. Ah.. Sige noe? Una na kami may pasok pa kasi e.. Sige..". Sabay tayo sa bench


"Ah--". Hindi man lang nakapagsalita si Kenneth



--- CHAPTER 10 ---

11 pm na hindi pa rin makatulog si Kenneth, hawak hawak ang cellphone, hindi sya mapakali kaya naman nagtext na sya kay Sophia.



"Msta? May work kba bkas?". Sabi ni Kenneth


"Ayos lng, Ba't gCng kpa?. Bka may gwin ako bkas. Bkit?".


"Hndi ksi ako mkatulog. Yayayain sna ktang gumimik bukas kasi wala nman pasok diba holiday".


"ahh.. bkit anong mron bkas? birthday mo?".


"Wala nman.. anu payag ka?"


"ba't hindi mo yayain si Mariz? Diba mahilig gumimik un?"


"uuwi cla ng Cebu e. Ano payag ka na?"


"Ok. tignan ko! text na lang kita bukas if hndi ako pwede".


"okey, sige.. Ah-- Ba't gcng kpa din?".


"pauwi na ako gling work".


"Gusto mo puntahan kita?"

"Ano? ayos ka lang?!!"


Bigang natauhan si Kenneth sa tinayp nyang mensahe kaya naman nakaisip syang ng paraan


"JOKE!! sige gabi na! ingat. Gudnight".


"Same to you!".



Maagang bumangon si Kenneth para mag'exercise, sa talaan ng buhay nya ngyon lamang nya ginawa yun. Parang ganadong ganado sya sa araw na un dahil sa sobrang excited nya para sa lakad nila ni Sophia


"Kakapagod mag'jogging". Patuloy sa pagstretch ng katawan

Maya maya ngring ang kanyang cellphone.

"Hello?"

"I miss you babe!".

Sandaling natahimik. "Me too. So napatawag ka?".

"Wala lang babe, Why? Busy ka ba?".

"Nope, nag'eexercise lang ako. Actually pauwi na ako nyan sa bahay e."

"Bago yan hah? Sayang wala ako dyan babe. Babe baka nextweek na ako makauwi kasi si Daddy nagyayaya pang mamasyal dito. I will miss yo talaga".

"Ganun ba? Mabilis ang panahon, magkikita din tayo".

"Ngyon pa nga lang miss na kita e".

Napabuntong hininga. "Same here. I will miss you".

"Sige babe. Alis na kame e. I love you bye!!".

"Ingat. I love-- you".



Nang maibaba na ni kenneth ang cellphone hindi pa rin nyang maiwasan isipin si Sophia


"Hell. Why!!!". Dumeretso na sya sa banyo para maligo

Pagkatapos nyang maligo kumain naman sya halos lahat ng laman ng refrigerator na ay nakain nya, naglaro pa sya ng PSP pero hindi na sya makatiis.

"Kakainip naman. Sana gabi na!". Atat na sabi ni Kenneth, napatinggin sya sa kanyang cellphone agad nyang naisip na tawagan si Sophia

"Hello?"

"Ano? May trabaho pa ako!".

"Sungit naman nito, Wala lang bored kasi ako".

"So? Ano ako entertainer mo!"

"Hindi.. haha! Busy ka?"

"Oo, napakaBusy!! uchisero".

"Anong work?"

"Pake mo naman! Uchisero ka talaga. Sige bye! Busy ako".

"Fine. yung lakad mamaya noe?"

"Alam ko!!! bye!"

Napatinggin sa cellphone si Sophia. "Bro, eto na naman. Help me, guide me Bro!!".


Alas singko pa lang na hapon naghahanda na si Kenneth para sa lakad nila mamaya, naligo na sya ng isang oras at namili ng susuotin. Maya maya tumawag na sya ka Sophia.

"Hoy! magready ka na noe?".

"oO nga, ang kulit mo din noe? Eto nga oh, nag'out na sa trabaho!".

"Saan ka nyan? Puntahan kita".

"Wag na, uuwi muna ako sa bahay".

"Ano? Bakit pa? 7pm usapan namin ng mga barkada ko 6:00"

"Baka gusto mo maligo muna ako, saka ang aga pa. Atat ka masyado. Ba't kasi hindi si Mariz ung sinama mo".

"Asa Cebu kasi sya, saka may bayad 'to noe?". Pandadahilan ni kenneth

"Talaga? Magkano?".

"Kaw?".

"Ano bagagawin ko Boss?!". Bigla nag'iba ang mood

"Magpapanggap ka lang si Mariz".

"What?pero.. Ang hirap nun saka--". Hindi pa natapos ang sasabihin

"6000".

"Okey sige, kita na lang tayo sa Starbucks. Mabilis lang ako, swear!".

"Okey, bilisan mo".


Pagkababa ng cellphone ni Sophia. "Bro, help me. Kaylangan ko lang ng pera for graduation fee. Kaya ko 'to. Ajah!!!".


"Ba't ang tagal mo?"

"Tagal daw? Bilis ko nga e. ".


Habang nasa sasakyan ang dalawa hindi mapakali si Sophia sa pintig ng puso nya. Napakatahimik ng mga oras na yun.


"Andito na tayo".

"Hay.. mabuti naman!".

( LOOB NG BAR )

"Dude! Musta na?". Sabay akbay ng isang lalaki kay Kenneth

"Ayos lang, nga pala si Sophia".

"Girlfriend mo?".

"No. Schoolmate nya". Sagot ni Sophia

"Ganun? haha.. ".

"Saan tayo pare?".

"Ah, dun tayo! tara".


Nang nakaupo na ang lahat, lalong hindi mapakali si Sophia. Napansin kasi nyang sya lang ang babae sa grupo nina Kenneth.

"Ayos ka lang Sophia?". Tanong ni Kenneth

"Hah? Oo naman".

"Mukhang kinakabahan ka?". sagot ng isang lalaki

"Don't worry may kasam kaming babae. NagCR lang sya. Girlfriend ko".

"Ganun ba? buti.."

"Tara sayaw tayo!"

"Sige kayo na lang. Dito na lang ako".

"Okey sige, Dyan ka lang no?. Paalala ni Kenneth

"Syempre. yung bayad mo kasi e. remember?".


Maya maya may lumapit kay Sophia na babae

"Hi! I'm Bernadette".

"I'm Sophia".

"Ikaw ba yung friend ni Kenneth?".

"oO, ikaw yung gf ni Danilo?".

"oO. ewan ko ba pinatulan ko yun. Hahaha! napakachickboy naman kaso mahal ko e."

"Ako din. Mahal ko kahit iba ang mahal". Biglang nagulat si Sophia sa nasabi

"So, tama nga ako, in love ka kay Kenneth".

"Girl. Secret lang 'to hah?".

"Sure. Hindi ko pagkakalat kahit kay Danilo! Promise!".

"Thanks".

"Naku, ayus lang un no? Hindi naman ako magtataka if main love ka kay Kenneth. He's handsome, matalino, mabait, galante at gentleman".

"Oo nga pero iba--".

"Si mariz ba?".

"You know her?"

"Syempre! Sikat yun e. Sikat sa kaartehan. Hahaha!".

"Ganun? Napagtripan nga ako ni Kenneth sabi nya magpanggap ako na si Mariz un pala alam nyo. Hayy.. naku!".

"Sa tinggin ko dahilan lang nya un. Feeling ko gusto ka nun?"

"Wehh.. d nga? Hindi siguro! ".

"Promise! Lakas kaya ng instinct ko".


"Sugar!!". Sigaw ng isang lalaki sa dance floor

"Wow! sweet naman".

"Sige girl. Tawag na ako ni Danilo. Nice to meet you!".


Habang nakaupo si Sophia at umiinom ng red wine may lalaking lumapit sa kanya. Gwapo at mukhang may pinag'aralan

"Hi Miss".

"Do i know you?".

"Nope, pero pwede makipagkilala? I'm Richard, and you are--?".

"Sophia".


Habang nagkukuwentuhan ang dalawa, napansin sila ni Kenneth sa malayo

"Dude nakahanap ng kausap ung school mate mo hah?".

"yah.. right! Wait lang". Sabay lapit sa kinauupuan nina Sophia


"Hi!!". Bati ni Kenneth

Sabay tinggin nina Richard at Sophia sa kanya.

"Nakaistorbo ba ako?".

"Oo". Sagot ni Sophia

"Whatever!". Inis na sagot ni Kenneth

"Sophia, Kilala mo sya?". tanong ni Richard

"Oo nga pala, Richard si Kenneth school mate ko. Kenneth si Richard new friend ko". Nakangiting tinggin kay Richard

"Nice to meet you pare". Sabay lapad ng kamay sa harap ni Kenneth

"Not so nice to meet you!". Sagot ni Kenneth

"Haha.. Pasensya na Richard. Ganyan talaga yan! Nga pala, san na tayo sa pinag'uusapan naten?".

"Ah.. sa ano--". Hindi pa tapos magsalita si Richard bigla na lang kinaladkad ni Kenneth si Sophia

"Ouch! Ah, Sige Richard una na kami. Text text na lang, bye!".

"bye!!".


( PARKING LOT )

"Aray noe? yung braso ko".

"Sino yun?"

"Napakaulyanin mo naman, kakasabi lang kanina si Richard nga". Habang hinahaplos ang braso


Biglang lumapit si Kenneth kay Sophia at tinulak sya pasandal sa kotse habang ang dalawang kamay nya ay nakapalibot sa dalaga.

"Ano ka ba? Pinagtritripan mo na naman ako. Umuwi na tayo!!".

Dahan dahan nilalapit ni Kenneth ang mukha nya kay Sophia habang si Sophia ay nag'iiwas tinggin

"Hoy! walang ganyanan!!uwi na tayo".

Humawak na sya sa pinto ng kotse, nang akmang bubuksan na nya ito bigla syang hinila ni Kenneth papalapit sa labi nya hanggang sa nagkalapit na ang kanilang mga labi. Halik na lalong lumalalim, mas bumibilis ang pintig ng puso ni Sophia sa mga oras na yun halos hindi na sya makagalaw sa sobarng manhid ng kanyang katawan na ang tanging labi nya lang ang gumagalaw. Subukan man nyang itulak si Kenneth papalayo sa kanya lalong hindi nakikisama ang katawan nya.


Sa isip. "Bro.. Ano ba 'tong ginawa ko!".


( CONDO UNIT )

Tulala si Kenneth na nakaupo sa sala habang nakahawak sa kanyang labi na para bang kinikilig.

"Sir? Ayos ka lang?".

"Ha? oo naman."

"Uy.. si Sir oh. inlove! ".

"Pano mo nalaman?".

"Nakikita ko sa inyong mga mata! Sigurado ako hindi si Mam Mariz un. Iba ang talaga ang impact sayo nun sayo Sir!"

"HAHA.. sECRET!


--- CHAPTER 11 ---

" Bakla, may problema ako".

"Ano? nose bleed ka na sa Management Accounting?".

"Sira, Hindi un!".

"E. ano? Love life?".

"Bulong ko sayo". Sabay lapit sa tenga ni Gigi

"Oh.. my-- Yummy ba?".

"Gago! Need some advice bakla".

"Haha! joke lang. Alam mo friend sa tinggin ko gusto ka talaga ni Mr. Arrogant pero meron na syang girlfriend kaya if I were you ikaw na ang umiwas. Mahirap na noe? Saka pangit maging kabit".

"Tama ka!!! Ako na lang ang iiwas".

"Konting tiis pa. Gra'graduate na tayo".

"Tama!".

"Ah.. speaking of Mr. Arrogant! Papalapit na sya saten. Ayan na!".

"Naku girl, una na ako. Text na lang kita. Bye!". Sabay takbo ni Sophia papuntang 2nd Floor

"Hi! Asan si Sophia?".

"Ha? ayun nagmamadali, alam mo naman madaming sidelines yun dito sa school".

"Ganun ba?Sige hanapin ko".



"Hay.. grabe! kakapagod, pinagpawisan din ako dun hah! makapgCR muna nga".

Pagpasok ni Sophia sa banyo, may nakita syang make up kit sa ibabaw ng Vendo machine

"Kanino kaya 'to? Mukha pa nman mamahalin".

"Akin Sophia". Sagot ni Mariz na kakalabas lang sa cubicle

"Ah.. sorry Mariz, kala ko kasi may nakaiwan".

"Ayos lang. Gusto mo mag'make up? Dry na kasi ung face mo".

"Ganun? No thanks.."

"Sure?".

"Oo".


Sabay lumabas ng banyo si Sophia at Mariz

"Oh, babe! Pano mo nalaman andito ako?".

"Actually napadaan lang ako". Sagot ni Kenneth na panay ang tingin kay Sophia

"Ganun ba? Nga pala, Babe si Sophia".

"Hi. nice to meet you! Sige una na ako ha?". Iwas tinggin na sabi ni Sophia


Habang nasa canteen ang magkasintahan hindi pa rin maiwasan ni Kenneth isipin ang ginawa ni Sophia sa kanya sa pag'iwas

"Babe? are you alright? Kanina pa ako nagsasalita dito your not listening pala ".

"Sorry babe! may iniisip lang. Ano pala yung sinasabi mo?".

"I said, malapit na yung graduation may susuotin ka na ba? ako kasi wala pa".

"Meron na ako susuotin. Edi bili ka nalang sa mall".

"So-- sasamahan mo ako?".

"Hindi ako pwede, next time na lang".

"Okey, edi next time na rin ako bibili".



10pm na hindi pa rin makatulog si Kenneth kakaisip kay Sophia, gusto nya malaman kung saan ito nagtratrabaho ito para makapag'usap sila

"Pare? alam mo ba yung number ni Giovsnni Mendoza?".

"Bakit pare? May atraso sayo un?".

"Wla, may itatanong lang sana".

"Okey sige, forward ko sayo".


Nang matanggap na nya ang number ni Gigi agad naman nya ito tinawagan

"Hello?"

"Sino sila?".

"Gi, si KEnneth 'to".

"Kenneth-- Bryan?"

"Oo".

"Baki napatawag ka?"

"Tatanong ko lang kung saan nagtratrabaho si Sophia ngyon?".

"Ken. Please! Tigilan mo na friend ko. May girlfriend ka na".

"Please gi.. May sasabihin lang ako sa kanya importante".

"E. ano ba yun? Sakin mo na sabihin bukas na bukas rin alam na nya".

"Sasabihin ko na gusto ko sya, maganda sana kung sakin mang'gagaling yun diba? kaya please!!!".

"Ih.. kung hindi ka lang malaksa sakin.. Sa 7 eleven sya ngyon 11pm out nya".

"Okey, tnx". Dali daling nagtungo si Kenneth sa 7 eleven, saktong pagdating nya roon palabas na si Sophia



"Sophia.."

"Anak ng-- ano ba? Nakakagulat ka, papatayin mo ba ako sa takot!".

"Sorry!!".

"Ba't andito ka? Umuwi ka na nga, gabi na".

"iHh.. concern sya!!".

"Iww.. mahiya ka nga".

"Ba't hindi ka makatinggin sakin? Sabi ko na ba inlove sya sakin oh".

"Kapal, of couse not! Gusto mo tuminggin ako sayo!? Ayan oh.. ayan!".

Nilapit ni Sophia ang mukha nya kay Kenneth, pero sya na mismo ang umiwas dahil naaalala nya ang kissing scene nila nung nakaraan

"Wag ka nang sumunod! Uuwi na ako".

"Hatid na kita".

"Ayoko!!".

"Bakit?".

"Ano kaba! Basta ayoko!!". Tumalikod na saka naglakad

"Can't you see Sophia, I like you!!!!". Pasigaw

"So? Kilig na ako!! Please, umuwi ka na. Hindi ko ugali ang manira ng relasyon".
Tumalikod na si Sophia at naglakad


"Sophia!!". Sigaw ni Kenneth, habang papalapit kay Sophia

"Ba-----". Hindi pa tapos ang sinabi bigla na lang sya hinalikan ni Kenneth for the 2nd time..


--- CHAPTER 12 ---

May naguudyok kay Sophia na hindi tama ang nangyayari, may taong nasasaktan kaya naman kahit manhid na ang kanyang katawan pilit pa rin nyang tinulak si Kenneth papalayo.

"I'm sorry Sophia".

Lumuluha. "Huling pag'uusap na naten 'to, umuwi kana!".

"Pero Sophia, I LIKE YOU!!!".

"Gusto mo ako?. Napakagat labi si Sophia. Madaming meaning ang gusto Kenneth, gusto mo ako kasama? gusto mo ako pinagtritripan? or gusto mo ako kahalikan? Alin dun?".


"Sophia--".

"Umuwi kana!".

"Maniwala ka naman saken, anong gusto mong gawin ko maniwala ka lang?".

"Wala!!! Pagkaiba ang Love sa Like, yung like na sinasabi mo, lilipas din yan kaya mas mabuti pa na wag na tayo mag'usap magpanggap na lang tao hindi magkakilala".



Isang buwan din hindi nagkakausap si Sophia at Kenneth, nagkakasalubong sila sa campus pero si Sophia na ang umiiwas


"Babe, punta tayo ng mall ha?". Palambing na sabi ni Mariz

"Okey sige".


( CANTEEN )

"Ui, Sophia punta tayo ng mall ha?".

"Sige ba!!".

"Sure? Nakakapagtaka naman, may lagnat ka ba?".

"Wala, sira!!".

"Buti, dati kasi lagi kang tumatanggi e."

"Ganun? Kaylangan ko kasi ng dress for graduation".

"Oo nga, dont worry friend, pamimili kita ng super ganda! Swear!".

"Salamat!!!".


( MALL )

"Babe, gusto muna kumain sa Sbarro?"

"Okey sige".

"Ah.. babe! After graduation san ka magtratrabaho nyan?".

"Baka sa Company na namen kasi si Mommy mag'eexpand ng business dito sa Manila".

"Oh really? Good idea".



"Friend, magkano budget mo?".

"1000".

"What? Ano mabibili dun?".

"Meron yan noe? maghanap pa kasi tayo".

"Ih.. Dapat maganda ka sa graduation day naten".

"Bakit pa e--".

"oO na, wag mo na ituloy! Kasi wala kang LOVELIFE!!!".

"yAH.. RIGHT!!! Bilisan mo maglakad ng makauwi ng maaga".

"Ui sina Mariz".

"Hay.. Shit!! makakasalubong pa talaga naten".

"Wag ka na umiwas masyado na obvious yun. Relax friend!!".

" I know".



"Hi guys.. So your here rin pala Sophia".

"Yah.. bibili kasi sya ng dress for graduation e". Sagot ni Gigi

"Oh really? Magkano ang budget? sa tingin ko 500, haha! ".

"Stop it Mariz". Saway ni Kenneth


Gusto na sampalin ni Sophia si Mariz pero nakahawak sa kanya si Giovanni

"Sige una na kami ni Sophia".

"Oh sure,bye!!!".




"Hay.. friend! pasalamt sya kasama kita, naku kung hindi!! namamaga ng mukha nun!!".

"Pigil din ako kanina e. Naku!! Arogante din!".

"Oo nga bagay sila--".

"ehemm.."



--- CHAPTER 13 ---

"Mariz, Ba't ginawa mo un?".

"Ang alen babe?".

"Ung kanina kay nina Sophia".

"Ah yun ba? alam naman nila na joke ko lang un e and besides totoo naman un na lahat nakabudget kay Sophia".

"And so? Natural lang yun, mahirap ang tao".

"Pinagtatanggol mo ba sya?"

Sandaling natahimik. "Look babe! ayoko lang sabihin na nila na masama ang ugali mo".

"Fine. I'm just telling the truth. Minsan nga dumaan ung kotse namen sa divisoria, I saw her namimili ng gamit nya so cheap! Nakalimutan ko nga sabihin yun sa kanya na sa --".

"Stop it Sophia!!! Your acting like a---"

"Like what?".

"Never mind, bilisan mo mamili. Umuwi na tayo".




"Ma.... nakabili na ako ng dress para sa Graduation".

"Talaga anak! patinggin nga".

"Magna or Suma cumlaude". Pang'aasar ng Kuya nya

"Ihh.. si Kuya alam mo naman na hindi ako ganun katalino!".

"Naku anak, alam mo naman palabiro talaga 'tong kuya mo".

"Oo nga palibhasa, walang Girlfriend".

"Wou, meron kaya. E ikaw walang......... Boyfriend!!".

"Kumain na tayo". Pang'iiba ni Sophia


( CONDO UNIT )

Nakahiga sa kama si Kenneth sa mga oras na un

"Damn, I miss you so much Sophia. I miss your LIPS!!!".

"Sa wakas gragraduate na tayo!!!".

"Oo nga sa wakas bakla".

"Nga pala Sophia, san ka mgtratrabaho nean after graduation?".

"Ewan ko pa, baka sa COCA-COLA ikaw?".

"Perfect!! Ako? Dun din. Kung nasan ka dun din ako".

"Haha! d nga?".

"Oo noe? may utang ka pa saken!!".

"Hahaha.. ganun?".



"Habang naglalakad sina Sophia may kung anong mga pictures ang pinagkakaguluhan ng mga estudyante sa students area

"Tignan naten girl".

"Uchisero ka talaga".

"Guys.. ano yan?". Sabay kuha ng isang picure

"Anak ng ---". Gulat na sabi ni Sophia

"Shit! girl.. pano--?"

Habang nagkakagulo ang lahat sa picture, paparating na si Kenneth kasama si Mariz


"Hi.. Anong meron?". Kinuha lahat ng pictures sa ibabaw ng lamesa

"Babe, tara na!! ".

"Wait!". Gulat na gulat si Mariz sa nakita kissing scene nina Sophia at Kenneth sa Parking lot

"Is this true Kenneth?"

Tulalang nakitingin si Kenneth sa mga pictures. "Ahh---".

Dali daling lumapit si Mariz kay Sophia na nakaupo sa tabi ng mga halaman


"Hoy!! tawag ni Sophia".

"Please Sophia.." Pigil ni Kenneth

"Don't touch me".

"Hoy babae, maghanap ka ng iba mong lalandiin hah?!!!".

"Mariz, please! wag dito kung gusto mo mag'usap sa labas na lang, baka hindi tayo makagraduate nyan!".

"And so? Madami akong pera!!".

"Let's go Mariz". Sagot ni Kenneth

"Please mariz.. Sa labas na lang tayo--". Sampal ni Mariz

"Kulang pa yan!! LOSER!". Sabay walk out!!!


Samantala nakatinggin lamang si Kenneth kay Sophia habang hawak ang pisngi

"Sophia I'm ---".

"Tara na Gi". Putol ni Sophia



"Friend, ayos ka lang?".

"Mukha ba akong ayos friend? Nasampla nga ako dba?".

"Sorry!!!



--- CHAPTER 14 ---


( 4 WEEKS BEFORE GRADUATION DAY! )


Dumating ang mga araw na nabura na lahat ng tsismis sa mga isipan ng estudyante kaya naman panatag na si Sophia sa mga dumating na araw. Lahat abala sa nalalapit nilang pagtatapos, picture taking at pagpasa ng mga requirements.

"Babe, gusto mo kumain?". Lambing ni Mariz

"Ayoko".

"Okey!!".

"Mariz, I'M SORRY!".

"Ayos lang yun, alam ko naman na miss mo lang ako kaya nagawa mo yun sa iba na--".

"Hindi yun Mariz, Hindi-- na ako masaya".

"are you breaking up with me?".


"YES mariz, Sinubukan ko pero ---".

"Stop! wag mo na ituloy. It hurts. Isang tanung lang, isang mabilis na sagot! Si Sophia ba?".

"I'm Sorry--".

Sabay walk out ni Mariz

"Mariz...".



( GRADUATION DAY )


"Girl, ang ganda mo... Shit!!!".

"Salamat!!! natural Ikaw namili e. "

"I will miss you Friend".

" Oh.. wala pa man! umiiyak ka na".


Nag'uumpisa na ang pagtatapos, lahat excited na makuha ang diploma


"Kenneth..".

"Mariz, I'm ---"

"Oops.. Ayos lang,Mahal kita pero alam ko hindi ka magiging masaya saken kaya napag'isip isip ko kung san ka masaya suportahan kia!! oh, Picture tayo remembrance lang".

"Sure".

"Look Kenneth, ang ganda ni Sophia. Lapitan mo na parang pauwi na e".

Sandali tinignan si Mariz at niyakap. "THANK YOU!".


Halos maluha luha si Mariz sa narinig, first time kasi nya na heart broken.


"Sophia wait!....". Sigaw ni Kenneth

Nakatingin lang si Sophia kay Kenneth

"Girl, pagbigyan mo na! may sasabihin ata e.". pag'uudyok ni Gigi

"Pwede ba ayo mag'usap Sophia?". tanong ni Kenneth

"Okey sige".

"Sige girl una na ako sa labas noe?".



"Sophia una sa lahat Sorry ---".

"Ayus lang yun".

"Teka hindi pa ako tapos, pwde ako muna?".

"Ah.. Okey okey. Sorry".

"Sophia, una sa lahat sorry kasi nasaktan kita. Alam ko na hindi ka naniniwala sa feelings ko pero lahat ng sinabi ko totoo, walang halong trip trip. Swear! Mahal kita Sophia hindi lang basta basta gusto mahal kita! Cross my heart. About naman samen ni Mariz, tinapos ko na lahat.

"Ngyon? Magtatalon na ako sa tuwa?".

"Hindi yun!!".

"E. ano?".

"If pwede na ba ako manligaw?".

Ngumingiti lang si Sophia sa sinabi ni Kenneth.

"May nakakatawa ba? Seryoso ako sira!!".

Sabay lapad ng kamay ni Sophia sa Harap ni Kenneth. "Shakehands tayo!".

"For what?".

"Ayaw mo, bahala ka. Hindi mo na mahahawakan mga kamay ko".


Dali dali naman nakipagkamay si Kenneth.




--- CHAPTER 15 ---


"Huwag na muna tayo magkita".

"What? Bakit? May iba na ba?".

"Kahit na text or tawag wala!!".

"hah? teka teka.."

"Priority ko sa ngyon ang pamilya ko, kaylangan ko muna siguro ng panahon para makapag'isip isip. Alam mo na, kaylangan ko ng space. Darating naman ang panahon na magkikita tayo kung saan saan dba?".

"Unfair naman!!".

"Anong unfair dun? Edi magtrabaho ka din para maranasan mo ang magkapera!!!".

"Fine. You win".

"Basta, if wala pa tayong mga kanya kanyang lovelife. Edi tayo na!".

"Ows.. d nga? Hindi na ako manliligaw?".

"Oo! ano deal?".

"DEAL!!! Maghihintay ako Sophia.. Promise!".

"Sige una na ako".

Papalakad na si Sophia ng malayo ng biglang sumigaw si Kenneth

"I will miss you Sophia Angela Martinez. Maghihintay ako, Promise!!". Kaya naman lahat ng tao tumingin sa kanya


( 3 YEARS LATER )

"Hello Ma?, Asan ka na? Late na ako sa Seminar".

"Sorry anak! Mauna ka na. Magkita na lang tayo sa Seminar".

"Hay.. naku!!".


Sobrang traffic sa Quezon City ng mga oras na yun halos hindi na gumagalaw ang mga sasakyan

"Hello Sir?. Makakarating pa po daw kayo?".

"Oo. Pakisabi malelate lang".

"Okey Sir".

Habang asa loob ng sasakyan si Kenneth, may nakita syang babaeng dumaan sa harap ng sasakyan nya nakaformal dress ito at mukhang pupunta sa turo-turo.


"Si--- Sophia ata yun!". Dali dali syang lumabas ng kotse nya sa gitna ng traffic

"Sophia.....". Sigaw ni Kenneth

Humarap si Sophia sa likod. "Kenneth?".

Hinihingal." Ako nga, sino pa ba! Ang bingi mo talaga".

"Kumakain ako e".

"Ganun?". Sabay yakap kay Sophia

"Ano ba?!!! Madaming tao dito".

"I don't care! I miss you Sophia, wala akong naging ibang babae maliban sayo. Promise!".

"Oh.. talaga lang ha? Maniwala sayo".

"Promise!! Saan ka pupunta nyan?".

"Sa trabaho. Ikaw?".

"Papasok na rin sa work, kaso late na rin ako kaya hatid na lang kita".

"Murit ka talaga! Okey sige, Sa manila Hotel ako pupunta".

"What? e dun din ako e".

"Okey, tara na!".


( MANILA HOTEL )

"Dito ka?".

"Oo". Nakangiting sumagot

"You mean--". Papalapit sa kanila si Mrs. De Loyola

"So your here na pala hija, Aba! Nagkita na pala kayo".

"Ma, alam mo na--".

"Na-- dito sa nagtratrabaho? Yes hijo!!".

"At ikaw! Sabi mo wala kang ibang babae e. ang landi mo kaya sa mga empleyado mong babae". Sigaw ni Sophia

"Hah? Ano--- wala yun fling lang yun Baby ko!".

"Iww.. Baby your face".

"Maiwan ko na nga kayo, mas maganda siguro mag'usap na muna kayo".Sagot ni Mrs. De Loyola

"Bakit hindi mo sinabi na dito ka magwowork?".

"Secret yun, para mabantayan kita! Success naman ang 3 years ang dami kong nakita! So-- huli ka ngyon. Wala palang ibang babae hah?!!".

"Sorry na baby ko". Sabay luhod

"Tumayo ka nga dyan, ang daming tao".

"Patawarin mo na ako, lagi kaya kitang namimiss tapos ikaw andyan ka lang pala sa tabi tabi. Pinagmamasdan ang gwapong si Mr. Kenneth".

"Kapal! Tumayo ka na dyan may sasabihin ako sayo".

"Talaga? Ano?".

Lumapit si Sophia sa tenga ni Kenneth. "I Love you Mr. Kenneth Bryan De Loyola".

"ha? Nabingi ako. Pakiulit".

"Ayoko! Sinabi ko na".

"Ihh... Sige na baby ko!".

"Kapal!".

Sumeryoso ang mukha ni Sophia. " I love you Mr. De Loyola". Sabay halik kay Kenneth

"I love you too!!!! Akin ka na nyan ha?".








--- THE END ---