Sunday, May 23, 2010

My Ugly Boyfriend by Danica

MY UGLY BOYFRIEND

By : Daneeka



Andrei Valdez - dubbing artist sa sikat na TV Network.

Cielo Angeles - bulag na iibig kay Andrei.

Jomari Mercado - matipunong police na iibig kay Cielo.

♥PROLOGUE♥



"Andrei, anong painting ung asa harapan ko?"


"Isa sa mga sikat na paintings ever! si MONALISA, kung nakikita mo lang sana."


Bata pa nang mabulag si Cielo, madaming bagay ang hindi nya nagagawa, ang magsulat, magbasa at mamasyal kung saan saan. Pero may angking talento naman sya ang tumugtog ng piano sa isang sikat na restaurant. Mula nang makilala nya si Andrei nagbago ang lahat, matagal tagal na rin sila magkasintahan nito.


( Sa isang sikat na restaurant )


"Ang tagal nman ni Andrei."


"Cielo andito na ako, namiss kita! Grabe ang ulan ngyon no?

sandali natanggal sintas ng sapatos mo.


Habang inaayos ang sintas biglang may tumawag

sa cellphone ni Cielo.


"Hello? talaga hoh?!!! salamat sa Diyos."


"Anong meron?"


"A..ndrei, nakahanap na sila ng EYE DONOR. Alam mo ba ibig sabihin nun? makikita na kita sa wakas.


Tuwang tuwa si Cielo sa magandang balita ng kanyang mommy. Pero si Andrei natulala sa narinig, hindi nya akalain na darating ang panahon na makikita na sya ni Cielo sa ganun kalagayan.



♥CHAPTER 1♥



"Hoy.. Andrei!!!! nakasira ka na naman ng show. Shit!!!!"


"Sorry po.. "


Sabay lapit sa microphone.


"woAhhh.. Kakainin ko na kayo! hahaha.."




"Grabe pare, idol talaga kita! Ikaw talaga pinaka magaling na dubbing artist dito. Biruin mo para ka talagang halimaw. Kakatakot! haha.. Bakit tulala ka dyan?"


"Kasi pare, si Girlfriend may Eye Donor na."


"Meron ka pala nun! Pano kayo nagkakilala?".




( FLASHBACK )


"Manong sa Quezon City hoh."


"hah?."


"Sa Quezon city hoh! ayaw hoh ba umandar sa Taxi nyo?."


"a..hHh.. pwede, sige tara na!"




( 3 WEEKS )


Habang hinahaplos ni Cielo ang mukha ni Andrei, sabay halik naman sa mga kamay nito na kinabigla ni Cielo.


"Sorry Cielo, hindi ko sinasadya.. ahmm.. Idedescribe ko nalang itsura ko hah?. Maputi, matangos ang ilong, ung kilay ko medyo makapal tapos ung mga labi ko medyo maninipis. Un okey na ba?".


"Hindi ayos lang. Gwapo ka pala. Mukhang hindi tayo bagay. "


"Hindi hah! bagay na bagay tayo. Sobra!"






"Hanep ka pare, Tindi mo! Sobrang laki nga ng problema mo! Akalain mo naman si Jomari ang dinescribe mo hindi ung totoong Andrei. Ang layo kaya ng mukha m o sas mukha nya. Ewan ko sayo! adik ka bords. "



Highschool students pa lang sila sikat na si Jomari sa taglay nitong itsura. Hindi naman ganon kagwapo pero may taglay na karisma. Na kahit sinong babae ay maiinlove. Matalino, talented at sikat sa buong campus si Jomari samantalang si Andrei.. hay!!




♥CHAPTER 2♥



( AUF Medical Center )


"Makakakita kana hija".


Dahan dahan tinatanggal and benda sa mukha ni Cielo.



"Salamat sa Diyos. Anak! nakikita mo ba ako? Si mommy ito."


"Ate, si Robbie 'to."


"Uy Cielo si Uncle Ed mo 'to."


"Hay.. Oo alam ko kilala ko kayong lahat! Bulag ako dati hindi Amnesia sakit ko. Namiss ko kayong lahat. Asan si Andrei?"



"Sino daw?" sagot ni Uncle Ed


Ahhh.. si Boyfriend!! Uyyy.. ate hah?!!


"Ay oO anak, wala pa nga sya e. Gusto ko na nga din un makita e. matagal tagal na kayo pero ni minsan hindi ko pa nakita un. "


"Sigurado ako Cielo gwapo un." sabi ni Uncle Ed na halatang Excited.




Hindi alam ng pamilya na andon na sa pinto si Andrei, hindi nila napansin dahil sa walang ilaw at tanging araw lang sa bintana ang nabibigay liwanag sa kanila.



"Ay. Maryosep!" sigaw ng ina ni Cielo.



Habang papalapit sa kanila si Andrei at unti unti na nakikita ang itsura nya, sabay layo nila na para bang nakakita ng kung anong laman lupa"



"Sino ka?" takang taka sabi ni Cielo.



"A..hhh ako si Amante kaibigan ni Andrei, pinapaabot nya pala 'to tska pinapasabi na hindi daw sya makakarating kasi hoh may Seminar ung mga Dubbing Artist ngyon. Sige hoh! una na ko". Madaling lumapas ng kwarto si Andrei.





Hay.. Shit! Shit!!! Bakit hindi ko nasabi... Ako si Andrei yung boyfriend mo, musta ka na? Buset! bakit Amante naman nasabi ko! Shit......



Sabay tunog ng kanyang cellphone.



"Hello.. Oh Cielo! "


"Andrei, asan ka?"


"Asa Seminar ako. Hindi ba nasabi sayo ni A..mante, Magaganda ba ung mga bulaklak na pinadala ko?"



"Oo magaganda. Kaibigan mo ba yun? Grabe, kakatakot naman ung itsura nun. Ang pangit!! natakot nga sa kanya sina mommy.



Labis na nasaktan si Andrei sa narinig! It hurts talaga.



"Ahh... Cielo sige wala na signal dito medyo hindi na kita marinig. Sige bye!!!!!!".




( KTV BAR )


"Ano pare kaya pa?" sabi ni Amante.


"Kaya pa! tagay.."


"Nakapagdesisyon ka na ba talaga?".


"oO.. "


"Sige pare, GOODLUCK!!".




Dahil sa mga narinig ni Andrei mula mismo kay Cielo. Mga salita na ayaw nyang marinig mula mismo kay Cielo. Nakapagdesisyon na syang magpa... PLASTIC SURGERY.




♥CHAPTER 3♥



"Doc.. ayusin nyo itsura ko".

"Kakayanin Mr. Valdez pero kung hindi umepekto, I'm sORRY. Madami kasing dapat baguhin sa pagmumukha mo".



Dlawang buwan na rin hindi tumatawag si Andrei kay Cielo. Kaya nman nangungulila na sa kanya si Cielo. Laging wala sa sarili. Madami syang gustong gawin na kasama si Andrei, pero si Andrei sumusulat na lang sa kanya.


( restaurant )

"Cielo, ayos ka lang?"

"ha? Oo naman."

"E. kung ano ano na yang tinutugtog mo. Nagtataka na sayo mga customers naten".

"Ganun ba? pasensya na hoh may iniisip kasi ako".



Nang matapos ang gabing iyon lalong namimiss ni Cielo si Andrei, walng ng sumusundo sa kanya gabi gabi tulad ng dati. Wala na ring nagpapasan sa kanya sa likod wala na ring nagbibigay ng bulaklak sa kanya. Maya maya may napansin si Cielo na kumakaway na lalaki sa kanya sa itim na sasakyan kaya naman sa sobrang excited dali dali syang lumapit sa pag aakalang si Andrei ang lalaki.


"Andrei.. namiss kita!!!". Sabay yakap sa lalaki


"Miss.. sandali, bitaw muna! hindi ako ung sinsabi mo. Wag ngyon may mission pa kame".

Habang nag uusap ang dalawa nakita ni Jomari na patakbo papalapit sa kanila ang maga ksama nyang police.


" oh pare sa na?"

"Nakatakas! sumakay ng Van"

"tara na! maryosep!".

Dahil sa sobrang pagmamadali hindi na nila namalayan na asa sasakyan na rin si Cielo kaya naman wala na silang nagawa.


"Ayun pare barilin mo yung gulong".

"Masyadong malikot ung sasakyan jomari".

"Hay.. asar!". Sabay bunggo sa Van ng mga suspek


"Ay.. Manong dahan dahan lang". sigaw ni Cielo.


Nang dahil sa banggaan ng dalawang sasakyan, bumangga ang Van ng mga suspek sa poste. Sabay baba ng sasakyan sina Jomari at nakipagsuntukan sa mga sugatang suspek na lumalaban pa rin.

"Akala nyo hindi namin kayo mahuhuli? nek nek nyo! dun kayo sa kulungan".

"Manong, Ah.. pwede sumabay? kasi hindi ko alam lugar nato".

"okey sige, pasok kana sa loob".


Habang asa loob ng sasakyan panay tingin ng mga suspek kay Cielo na tila hangang hanga sa gandang meron sya.

"Anong tiniingin tingin nyo dyan? tanong ni Jomari

"Baket masama?" sagot ng isang suspek

"Ah.. loko! Baka gusto mong..." sabay sapak sa suspek




"Manong suspek may dumi ka sa mukha." sabay abot ni Cielo na panyo sa kanya


Natulala naman si Jomari sa ginawa ng dalaga. Na love at first sight ata sya.


"Dito na hoh bahay ko salamat".

"Sige miss beautiful". Sabi ng mga suspek na nakadungaw sa bintana ng sasakyan


"Hoy! pag-uuntugin ko kayo dyan. Isara nyo nga bintana, Ah.. Sige miss Una na kami".


( Opisina )

"hay.. Grabe! Ba't hindi maalis sa isip ko ung babaeng yon. Nag'abot lang naman sya ng panyo. Letche!"

"Boss... ayos ka lang?"

"Syempre.... hindi!!!!!!"



♥CHAPTER 4♥

"Excited na ako Doc."

"Relax ka lang Mr Valdez."


Pagkatanggal ng benda sa mukha, nagulat ang doctor sa resulta.

"ano doc? gwapo na ba?asan ang salamin". Sabay kuha ng salamin



"Shit!!!! anong nagyari? Ba't... ganito...."

"I'm sorry Mr. Valdez ginawa na namin ang lahat pero wala talagang magbago. Mas mabuti pa siguro e tanggapin nyo na lang meron kayo". Sabay labas ng kwarto



Kaya sa nangyari kay Andrei nakapagdesisyon na syang huwag na magpakita kay Cielo. Lagi na lamang nya ito susubaybayan pagkalabas nya mismo ng Ospital. At dahil sa pagsubaybay nya ka Cielo nakita nya na magkakilala na si Jomari at Cielo.
Pano na kaya?


"Grabe naman basura dito sa bahay ang dami.."

"Ui Cielo mamaya na yan. Tara!" Sabay hila kay Cielo papasok sa kotse.

"Hoy! sandali..."


"San ba tayo pupunta? nakapangbahay lang ako".

"Ayos lang yan. Maganda ka pa naman e. "


( Sinehan )


"Hahaha.. nakakatawa talaga si Eugene Domingo no?" Sabay tingin kay Cielo.

"Ba't nakasimangot ka dyan?


"Ano?????"


"Ba't ang sungit mo naman?"

"Muret ka pala e. Sino naman hindi maasar sayo?! basata ka nalang nangaladkad papaunta dito. Baki hindi ka ba marunong manood mag'isa". Tumayo na sya at sabay abot kay Jomari ng mga POPCORN.


"Sandali Cielo, Sorry na!"

"Ewan sayo. Hatid mo na ako wala pala akong dalang pera". Pagsabi non, bigla na lang kumulo ang tyan nya sa gutom.


"Oh, galit na tyan mo, tara kain muna tayo bago ka umuwi."

Dinala ni Jomari si Cielo sa isang restaurant.


Pbulong na nagsalita si Cielo. "Buset ka! ba't dito mo ako dinala? pwede naman kahit sa Carinderia lang, bat dito pa.."

"Hwag kana magreklamo! kumain ka na lang dyan".

Sa inis ni Cielo, kumain na sya pero sunud sunod ang pagsubo par maturn off sa kanya si Jomari. Kabligtaran naman ang nangyari lalong naiinlove sa kanya si Jomari.


"Ah.. Cielo, Punahan kita sa restaurant kung san ka tumutugtog".

"okey sige". pumasok na sa bahay


"Aray! letche.. sino kaya nagbabato sakin? lagi nalang. Kung sino ka man humanda ka makita lang kita!!".

Habang hinahanap saka nya nakita si Andrei sa may poste.

"Hoy! animal ka, ikaw siguro bumabato sa kin?!!!

pagharap ng lalaki si Andrei pala.

"Pare? Andrei? musta?

"oh, Jomari ikaw pala yan! haha.,.. long time no see". kaplastikan sagot ni Andrei pero ang totoo sya naman talaga ang nababato lagi kay Joamari.

"ikaw ba nagbabato sakin?"

"ui pare, hindi ako hah!"

"ganun ba? never mind.. musta ka na?"

"Ays lang naman ako. ikaw?"

"eto ayos din, Ah.. sige una na ako may trabaho pa kasi e."

"okey see you around! " sabay ngiti na para bang may ibig sabihin.



Isang linggong hindi matuloy tuloy si Jomari pagpunta sa restaurant kung saan tumutugtog si Cielo dahil sa isang linggo rin sya hinaharang ni Andrei para umiinom . Kaya isang araw gumising sya ng super aga gayun din si Andrei kahit na pareho silang may hang over. Saby takbo, sa hindi magka parehong lugar dahil alam nila na pareho silang nag'uunahan pumunta ng restaurant makita si Cielo par kay Jomari at si Andrei? para hindi mahulog ang lOob ni Cielo kay Jomari.



♥CHAPTER 5♥

"Bilisan mo pa Jomari..." habang tumatakbo

"Hay.. Shit!!!". nagkikisay sa labas ng pinto ng restaurant si Andrei.


Naunang nakapasok si Jomari sa restaurant at nakita na rin nyang tumutugtog si Cielo. Kumaway kaway sya sa dalaga pero napansin nyang nakapikit ito dahil sa pagkakaakala ng singer na sya ang tinatawag lumapit sya kay Jomari.


"eto Sir, gusto nyo kumanta?".

"Hah?" palakpakan ng mga audience

"Okey sige,"

Habang kumakanta sya papalapit naman sya kay Cielo na tumitingin sa kanya. Nanggagalaiti naman si sa galit si Andrei kaya agad naman sya nakaisip ng paraan. Pagpatay ng ilaw nakita na lamang nilang lahat na kakahiga na sa sahig si Cielo na walang malay. Maling tao pala ang pinukpok ni Andrei ng bote.


"Cielo..." sabay buhat ni Jomari


( AUF MC ward )

"Sorry Cielo."


Madilim pa ang paningin ni Cilo kaya hindi nya napansin kung sino ang nagsasalita. Pag bukas ng pinto ng ward sabay tago ni Andrei sa kabilang pasyente.


"Ayos ka na ba Cielo?"

Umiiyak "hindi pa Jomari."

"Bakit may masakit ba sayo? ano???"

"Hindi.. may iniisip lang ako."

Habang nag'uusap sina Cielo at Jomari, nakatinggin naman sa kanila sa malayo si Andrei. Nakapag'isip isip na si Andrei kaylangan na ni Cielo mag Move on. Ayaw man nya masaktan si Cielo pero no choice na sya.


( Private Room )


"Ate.. makakauwi na daw tayo bukas".

"talaga? buti.. " sabay tunog ng cellphone ni Cielo

Umiiyak. "Andrei.......... asan ka naba? alam mo ba may pumukpok sa ulo ko dun sa restaurant may lihim atang galit saken un..."

"I'm sorry Cielo!".

"Ayos lang, kelan ka ba uuwi? tagal na nating hindi nagkikita. Miss na miss na kita! ".


"Hindi yun Cielo.. Ahmm.. May iba na ako. Mas maganda! sexy tska matalino at mayaman. Kaya kung ako sayo maghanap ka na ng iba magmove on ka na rin, sige bye!"

Gulat na gulat si Cielo sa narinig. "Sira ulo un hah? humanda ka, tagal kita hinantay tas ganun lang. Animal ka!!!! humanda ka.. " Sabay tayo sa kama.


"oh ate relax ka ka lang, bukas na! alam mo naman kung saaan nagtratrabaho ung kaybigan nyang pangit diba?"

"oO nga, bukas na lang papaganda pa ako!"


♥CHAPTER 6♥


( KINABUKASAN )

"Miss, may nagtratrabaho bang Amante dito? may itatanong lang sana ako sa kanya".

"Meron hoh! Wait lang Ma'am tatawagin ko lang sya".



Habang naglalakad sya sa kumpanya ng TV NETWORK may nakita syang mga pictures ng mga dubbing artist sa pader.

"Ah.. eto ung kaibigan nya".


"Miss.. "

Pagkaharap ni Cielo ibang lalaki ang asa harapn nya.

"Bakit?"

"Ikaw ho ba naghahanap sakin?"

"hah? so.. ikaw si Amante?"

"yes mam, why?"

Nagulat si Cielo. Napaupo sya sa gulat. Tama kaya ang hinala nya?

"Ayos lang kayo ma'am?

"Si Andrei.. Asan dyan sa picture?".

"Sabay turo sa lalaking may hawak na papel".

"Shit! sabi ko na ba!!! ang tanga ko..."

"Ma'am ikaw ba si Cielo?".

"Oo bakit?"

"ay.. Ma'am ngyon flight nya papuntang States".

"ano?" Sabay takbo ni Cielo palabas ng Kumpanya



♥CHAPTER 7♥


( Airport )

"Manong, sige na papasukin mo na ako. please!!! kapag nakaalis na ang lalaki ng buhay ko, pano na ako?!! hindi ka ba naaawa. Mahal ko un, wala na ako makikitang katulad nya. Please. please!!"

"SIGE sige, pero punta muna tayo ng opisina para maimbestigahan ka."

"Ganun? matagal pa un, baka makaalis na nga un e. asar!"

"ayaw mo? cge wag na!"

"sige na nga! ihHhh.."




"Sir ako nga yan asa picture! nagparetoke lang ako kaya nagkaganyan!".

"haha.. Sir, Luma na yan sinasabi nyo. Madami na nagsasabi nyan para makalusot".

"Ako nga yan e. Buset!!! Shit..."



"Sir Jay, eto po Bagong dating may hahanapin daw sa loob".

"Miss alam nyo ba ginagawa nyong yan?!"

"Natural!, sige na sir papasukin nyo na ako. Sandali lang talaga ako swear! titignan ko lang."

"Sandali lang. dyan muna kayong dalawa".

Nang makaalis na ang lalaki, napansin ni Cielo ang lalaki na asa tabi nya. Hindi tumitingin sa kanya na tila nagtatago sa kanya.


"Andrei? Hoy! magsalita ka! humarap ka nga saken. Hoy!!!!!"


Pero patuloy pa rin ang hindi pagpansin sa kanya ni Andrei na tinatakpan pa rin ang mukha.


"Cielo!" sigaw ni Jomari.


"Ba't andito ka?!!!

Sabay tayo ni Andrei paalis na nananatili pa ring nakatakip ang muka.

"Hoy. Andrei!". Sabay hila kay Andrei, pinagsusuntok nya to, sampal etc.

"Alam mo bang tagal kita hinantay.. bwisit ka. Bat hindi mo man sinabi sakin na ikaw pala un!!". Umiiyak.

"Cielo, tama na!". Awat ni Jomari na nagtataka.


( After 1 years )

Pagkatapos ng insidenteng iyon. Matagal tagal na din ang nakaraan na huli sila makita ni Andrei. Samantala patuloy pa rin ang panliligaw ni Jomari kay Cielo, alam ni Jomari na hindi pa nakakapag'move on si Cielo pero handa naman syang maghintay. Sa tuwing magkasama si Jomari at Cielo laging wala sa sarili si Cielo tulala at wala sa mood. kaya nakapagdesisyon na si Jomari na kaylangan ni Cielo maging masaya.


"Ahm.. Cielo, May sasabihin sana ako sayo. Sana okey lang sayo!"

"Ano yun?"

"Kung bibigyan ka ba ng pagkakataon makikipagbalikan ka pa ba kay Andrei?".

Sandali nanahimik. "Oo! mahal ko yun kahit anong mangyari pero parang malabo na maging kame uli".

"Ganun? gusto mo tulungan kita?".

"Talaga?pano?. e asa states na si Andrei!"


"Ako bahala! basta Ayusin mo ang drama mo. "





"Hello, Andrei! Kailangan mo ng umuwi".

"Baket may nangyari ba kay Cielo?".


"oO pare, malala, basta umuwi ka na. Sige bye!".

"Hello! hello!!! ".


Kinabukasan din iyong nagpa book na si Andrei ng Ticket. Next week na ang uwi nya.


"Cielo, bukas na uwi ni Andrei. Humanda ka na."



( restaurant)

"Pare, Ano? asan si Cielo?"

"Asa Loob."

"Wla man atang nangyari e. sabi mo iingatan mo si Cielo. Sira Ulo ka".

"Gago e. ikaw ung-- basta! pumasok kana. Right time na to para makapag'usap na kayo."


Pagkapasok ni Andrei tumutugtog naman si Cielo ng piano


"AhmMm... Cielo?".

"Buti nakauwi ka!"


Sabay luhod sa harap ni Cielo. "Cielo sorry, 2 million times!. Alam ko kasalanan ko na hindi ako nagpakilala kaagad i thought ayaw mo sa akin, kasi ung ineexpect mo na gwapo at-- basta e hindi ako un kaya-- kaya sorry!!!!"


"Ewan sayo!"

"Kung hindi mo na talaga ako mapapatawad. Sana laging mong iisipin na naging bahagi ka ng buhay ko at mahal na mahal kita 100% totoo un". Sabay talikod.


Pabulong. "Hay.. Bilis naman sumuko. asar! Aray.. ang mata ko. Ouch.. ouch!.."


"Cielo.. ayos ka lang tara sa ospital dali."

"Joke lang un. Andrei, mahal na mahal kita!! kahit anong sabihin nila basta ikaw. Ikaw ang buhay ko!! Nung nawala ka nga grabe life ko, Naku! tanung mo man kay Jomari. Ano wala kang comment sa sinabi ko?"

"Sorry cielo. I love-- you!! hehe.. pero bago pa may sabihin si Andrei Bigla syang hinila ni Cielo palapit sa mga labi nya...



THE END........