Sunday, January 2, 2011

Your Gift from heaven by Maria Imeelyn M. Zamora

Your Gift From Heaven

by Maria Imeelyn M. Zamora





Divina



Jerome Diaz

PAALALA: ANG MGA SALITANG NAKA-ITALIC AY MGA BAGAY NA INIISIP LAMANG NILA, KAHIT NA PARANG NAGSASAGUTAN SILA SA MGA ITO AY HINDI NILA NALALAMAN ANG INIISIP NG ISA'T ISA. LALO NANG HINDI SILA NAKAKAPAG-TELEPATH. :)

Chapter 1 – the meeting

“Tanghali na pala..” ani Jerome nang makabangon ito sa kama. Tinahak niya ang maduming daan ng kwarto niya papunta sa kusina at pumunta sa cabinet para kumuha ng cup noodles.

Ganito na ang naging buhay niya ever since tumuntong siya ng highschool at hindi na siya kailangang pabantayan sa kapitbahay o sa mga tiyahin nito. Pa’no ba nama’y laging wala sa bahay nila ang ina nito. Kumakayod kasi ito ng todo sa ibang bansa para makapag-aral ang anak nito. Ang ama naman niya ay namatay noong bata pa siya dahil sa sakit sa puso.

“Lagi na lang bang ganito.” Nasabi ni Jerome sa sarili nang makaupo sa sofa at mabuksan ang tv, “Wala na bang magbabago..?” nasabi niya habang tinititigan ang litrato ng mga magulang niya sa lamesa katabi ng kinauupuan niya.

“Mamayang alas dies ng gabi ay magkakaroon ng meteor shower na makikita sa ating bansa..” Lumingon si Jerome sa tv para tingnan ang reporter.

“Meteor shower? Maganda yan ah.. Makita nga.”

Pagpatak ng quince minutos para alas dies ng gabi ay umakyat na siya sa bubungan ng bahay nila.

“Ma, makikita mo rin kaya ang meteor shower?” sambit ni Jerome habang nakatitig sa langit. Pumikit ito at nagsabi, “Kelan kaya dadating ang inaasam ko?” Maya-maya ay may bumagsak na malaking bagay sa likod-bahay nila.

“Aba, mukhang spaceship to ah!” wika ni Jerome ng makita sa malapitan ang bagay na bumagsak.

Maya-maya ay may lumabas na babae na may kakaibang kasuotan at bumati, “Hello! Ako si Divina. Ang Goddess of Love.”

Tumawa lamang si Jerome ng napakalakas.

“Bakit? May nakakatawa ba?”

Binigay ni Jerome ang pinakaseryosong mukhang kaya niya, “Dyosa? Anong tingin mo sakin bata? Teka, meron ba ditong camera?” Nagsaliksik ito sa bawat sulok ng likod-bahay nito. Maya-maya ay biglang napansin na lamang ni Divina na nakaangat na ito sa lupa, “WAAAAAAHHHH! Ano to!”

“Ano naniniwala ka na?” pinaikot ni Divina ang kanang kamay nito na nakataas, waring kinokontrol si Jerome kasabay ng pagpapaikot nito ng kamay ay umikot din si Jerome.

“Oo na!! Baba mo na ko! ‘Di ko na kaya.. masusuka na ata ako..”

“Huh? Wala akong marinig e, pakilakas.” Nakangiting sambit ni Divina.

“PLEASE!!!” sigaw ni Jerome..

Ibinaba na siya ni Divina at nagsabi, “Ayan mabait ka naman pala eh. Next time wag mo maliitin kaming mga Dyosa.”

"Bakit ka nga pala biglang bumagsak galing sa langit?" tanong ni Jerome habang pinagiinit ng tubig si Divina.

"Andito ako para maging guardian mo at bigyan ka ng hiling!"

"Di ko kailangan non."

"Ha? bakit naman? Ayaw mo makuha ang bagay na gusto mo?"

"Basta."

"Ehhh...! kailangan kong isakatuparan ang iyong hiling kahit isa lang!"

"Next time na lang pag meron na kong naisip." sabi ni Jerome habang binibigay ang cup noodles kay Divina.

"Okay.." kinain nito ang noodles pagdaka'y nagsalita, "Wow, sarap nito ha."

"Sa'an ka titira ngayon?"

"Dito kasama mo."

"Ha? naloloka ka na ba?"

"Guardian mo ko, natural lang na kasama mo ko kahit san ka magpunta."

"Kahit sa C.R.?"

"Pwera lang dun! Ano ka ba!" Namumulang sigaw ni Divina.

"Tao."

"Sheeesh! pilosopo eh!"

"Tsaka may hinahanap ako. hangga't di ko yun nahahanap, hindi ako aalis sa mundo ninyo."

"Ano ba yon?"

"Basta. Isa yong makapangyarihang bagay." pumikit si Divina at nagsalita.. "Isang bagay na.. mahalaga..."

Chapter 2 - the clash of present and past..

"Waaaahhh!!!" sigaw ni Jerome pagkagising niya. Nangingintab ang sahig ng buong bahay sa sobrang linis!!! -- isang bagay na ayaw na ayaw niya. "Divina!" Paglabas niya ng kwarto ay may naamoy siyang niluluto. Pagpasok niya sa kusina ay nakita niya si Divina.

"Good Morning! Sya nga pala, nilinis ko na yung bahay habang tulog ka." pangiti pang pagbati nito.

"Bakit mo nilinis?"

"Ha?"

"Bingi ba ang mga dyosa? Sabi ko bakit mo nilinis?"

"Syempre! Ang dumi kaya ng bahay mo."

Nakita ni Jerome na umaapaw na sa kakakulo ang niluluto ni Divina kaya lumapit ito, "Malapit nang matuyo ang sabaw oh!"

Ngumiti lang si Divina.

"Bakit?"

"Maalalahanin ka pala. Masungit lang."

"Oo naman." sambit nito. Nang maintindihan nito ang nais iparating ay nagsisigaw, "Anong masungit!?"

"Pa'no ka nakapagluto?" tanong ni Jerome nang makaupo na sa lamesa.

"May nakita akong cookbook doon sa cabinet katabi ng sofa." masayang sagot ni Divina.

"Ipaliwanag mo nga sakin, san ka ba galing?"

"Sa langit."

"Okay, ipagpalagay na nating sa "langit" ka talaga nanggaling pero, bakit ka pumunta dito?"

"Dahil sa isang misyon.. Isang paghahanap.."

"Ano?" naguguluhang tanong ni Jerome.

Biglang naputol ang usapan nila ng may dagasdas na pumasok sa loob ng bahay.

"Jerome! Oy! Pare! Asan ka?!" tawag ni Richard, kaibigan ni Jerome.

Gulat na gulat si Jerome. Naku! Pano to? Pag nakita ni Richard si Divina, ano na lang ang iisipin niya???

Tatayo na sana sya para itago si Divina ng biglang pumasok si Richard sa hapagkainan. Napatingin siya kay Divina na kalmadong tumayo sa kinauupuan at lumayo ng kaunti.

"Oh! Pare! Tama bang nakikita ko?" Nakangising sabi ni Richard.

"Hayaan mo kong magpaliwanag!" samo ni Jerome.

"Hindi pare!" tanggi ni Richard, maya-maya'y niyakap niya ito at sinabi, "Mahal mo talaga ako! Biruin mong pinagluto mo pa ko! Thank you talaga!"

Napatitig na lamang si Jerome kay Divina na ngumingiti sa kanya.

"Pare," sambit ni Richard habang nakain, "Himala at malinis ang bahay mo! Bakit mo naman naisippan maglinis? Ang alam ko allergic ka sa kanlinisan?"

"Mahabang istorya pare." sagot ni Jerome.

"Basta, pare.. Okay lang sakin kung hindi mo masabi pero proud ako sayo!" nakangiting sabi ni Richard matapos bigyan si Jerome ng malakas na hataw sa likod.

Kahit hindi talaga si Jerome ang gumawa ng lahat ng iyon, natuwa nga siya dahil masaya ang nag-iisang taong matatawag niyang tunay na kaibigan. Paano kasi'y hindi likas dito ang mag-express ng feelings kaya iniisip ng lahat na masama ang ugali nito. Pero si Richard ang pinakaiba sa lahat.

Naalala pa niya noong una silang magkakilala, nasa duluhan ng klase noon si Jerome, nag-iisa. Bigla na lamang nakita niyang pinuntahan siya ni Richard para makipagkilala. Sariwa pa sa alaala niya ang nakangiting mukha nito habang sinasabing, "Pwede ba kitang maging kaibigan?"

"Pare, saan nga ba tayo may assignment?" tanong ni Richard.

Nagising ang isipan ni Jerome na kani-kanina lamang ay lumilipad na sa mga alaala nito, "Sa English at M.A.P.E.H."

"Ahhhh!!! English?!"

"Oo, page 112 numbers 1-20."

"Naku! Hindi ko nakuha libro ko sa locker!"

"Meron akong libro dya, hiramin mo muna."

"Thanks pare!"

Maya-maya pagkatapos kumain ni Richard ay tumayo ito, "Uwi na ko pare, dumaan lang ako para mangamusta."

"Osige."

"Salamat ulit sa pagkain at libro! Kita tayo bukas sa iskul." pamamaalam ni Richard.

Nang makaalis na si Richard ay tinawag ni Jerome si Divina, "Divina!"

"Bakit?" nakangiting sagot ni Divina nang makababa sa kabinet.

"Bakit di ka nakita ni Ricahrd?"

"Ikaw lang kasi ang nakakakita sa'kin, nakainvisible mode kasi ako."

"Wow, meron ka pala nun.."

"Jerome ano ba ang skul?"

"Wait, di mo alam ang skul?"

"Kasalanan ko bang Dyosa ako?"

"Well, hindi naman. Hmm, skul.. Dun ka mag-aaral para sa kinabukasan mo."

"Ahh, yun pala yon. Meron noon samin."

"Eh bakit tinanong mo pa sakin?"

"Sa bahay lang kasi ako nag-aaral, may tutor ako eh." Naalala pa ni Divina ang sarili noong bata pa ito. Napakalungkot dahil hindi siya katulad ng ibang bata na naranasan ang makipaglaro.

Pero nagbago ang lahat nang minsang may isang batang lalaki na napadpad sa bakuran nila.

"Bata, asan ba ko? Namimitas alng ako ng bulaklak at biglang nalibang. Nang mamalayan ko ay naliligaw na pala ako." sabi ng batang lalaki.

Umiiyak noon ang batang Divina dahil muli na naman itong nabigo na magkaroon ng kaibigan, paano kasi'y sa lugar nila, itinuturing siyang "higit sa lahat". Dahil sa sobrang pag-iyak hindi niya makayang sagutin ang bata.

"Naiyak ka ba? Tahan na. Eto sayo na lang." Tumunghay si Divina at nakita ang yellow roses na bagong pitas. "Ang ganda."

"Sayo na lang to. Basta wag ka na umiyak." Hinawakan ng bata ang kamay ni Divina at ibinigay ang bulaklak. "Pede ba kita maging kaibigan?"

Natulala si Divina sa kanya. Siya ang kauna-unahang bata na nagkainteres makipagkaibigan dito.

"Anong pangalan mo? Ako nga pala si.."

"Dylan.." nabigkas ni Divina ng malakas ang pangalang iyon kaya narinig ito ni Jerome.

"Ano yon?" tanong ni Jerome.

"Wala!" sabay ngiti ni Divina. Hindi dapat malaman ni Jerome ang tungkol doon.

"WAAAAHHH!!!!" sigaw ng nag-pa-panic na si Jerome.

"Ano yon?"

"Malapit na magtanghalian! Mamamalengke nga pala ako! Sige mauna na ko ha. Punta na kong palengke."

Chapter 3 - I'm schooling with you!♥

"Ano kayang mailuto? Cup noodles or instant barbeque?" tanong ni Jerome sa sarili habang naglalakas sa palengke.

"Sushi na lang kaya? Pwede ding tempura." mungkahi ni Divina habang nakatingin sa cookbook.

"Ba't ka andito!? At bakit mo hawak-hawak ang Japanese cookbook ni mama?" gulat na sambit ni Jerome.

"Masama ba?"

"Bakit kasi di ka man lang nagpalit ng damit? Sa itsura ng damit mo para ka lang um-attend ng costume party."

"Ganon ba? Okay." Wala pang isang minuta ay napaltan agad niya ang damit na suot ng isang damit na ordinaryo.. gamit ang kapangyarihan niya.

"Ano ka ba?! Bakit ka basta-basta na lang ginagawa yang mga tricks mo sa ganitong klaseng lugar?! Baka may makakita sayo.." napa-isip si Jerome. "Ayy, invisible ka nga pala."

"Unfortunately, nalimutan ko mag- invisible.. hehe. pasensya na." ngumiti lamang ito.

"Huh? Nakalimutan mo? Ano ka ba? Pa'no kung may nakakita sayo? Parang di ka naman Dyosa eh."

"Pasensya naman! Kala mo perfect ako? Tsaka busy naman sila ah! Tyak walang nakakita sakin."

Maya-maya may lumapit na batang lalaki kay Divina, kinulbit ito at sinabi, "Fairy ka po ba?"

"Hindi! Mangkukulam yan. Alis ka na bata habang may panahon ka pa." Taboy ni Jerome.

Nang makaalis na ang bata ay sinigawan ni Divina si Jerome, "Anong mangkukulam ka dyan! Loko ka a!"

"Buti nga napaalis ko pa ung bata e. Di pa to nagpasalamat. Halika na nga bumili na tayo ng mga ingredients.. Teka ano bang pede lutuin.."

"Tempura nga!" giit ni Divina.

Sinahod ni Jerome ang kamay at malamlam na sinabi, "Pera?"

"Ehh!!!!"

"Barbeque na lang tayo."

Nang makauwi na sila sa bahay ay nagsimula nang mag-ihaw si Jerome. Si Divina naman ay pumasok sa kwarto nito at kinuha mula sa kanyang bag ang isang square na bagay na mistulang cellular phone nito.

Anak umuwi ka na dito satin. Asan ka na ba? Nag-aalala na kami ng daddy mo sayo alam mo ba un? Sagutin mo agad tong mensaheng ito pag natanggap mo ha. Mommy

"Mom.. Di na ko uuwi.. hanggat di ko siya nahahanap. Pasensya na kung di ko ako magpaparamdam sa inyo. Kayo din naman ang may kasalanan kung bakit ko kailangang umalis sa'tin.." sambit ni Divina habang tinabi ang cellular phone nito sa cabinet.

"Divina! ok na ung Barbeque!" sigaw ni Jerome na kasalukuyang nasa kusina.

"Ok! Coming!" sagot ni Divina.

"Bukas nga pala, aalis ako. Bantayan mo yung bahay ha. Baka bigla ko na lang nalaman nagpa party ka na dito." babala ni Jerome kay Divina habang kasalukayan na nitong nilalamon ang kanyang pagkain.

"Pa'no mo nalaman? hehe. Peace.. San ka ba pupunta?" tanong ni Divina.

"Sa eskwelahan. Every weekdays ako dun."

"Ha! Pa'no un? Di ba dapat lagi akong nasa tabi mo?"

"Eh, pano un? Bawal ang outsiders sa skul namen. Di naman pedeng gamitin mo ang kapangyarihan mo para bigla nalang makapasok sa eskwelahan namin at lalo na ang maging kaklase ko."

At biglang may pumasok sa isip ni Divina.

Kinabukasan ng maagang-maaga ay nagpaalam si Jerome. "Divina, kaw na bahala a!"

"Ok."

"Oi! Pare! Sabay na tayo pumasok!" Bati ni Richard na nakasalubong ni Jerome makaliko sa kanto ng bahay nila.

"Sige, kamusta ung assignment mo sa english?" pag-uusisa ni Jerome.

"Hmm. Madali lang!"

"Aba, nakakatuwa naman."

"Madlai lang mangopya mamaya!" pangising sagot ni Richard.

"Loko ka talaga!"

"JEROME!!!!!!!" tili ng isang babaeng mabilis na tumatakbo mula sa likuran nila.

"Patay! Si Mian!!! Tago na Jerome!!!" tinulak ni Richard sa basurahan na sakto namang katapat nila.

"Ahh! Tol!" naputol ang sasabihin ni Jerome pano ba nama'y sinara ni Richard ang basurahan at nauntog si Jerome sa takip.

"Eh? Asan si Jerome?" tanong ng hinihingal na si Mian.

"Jerome? Nauna na ata siya sa skul. Wala naman siguro siya dito sa paligid, lalo na sa basurahan. Mabaho dun ee." sagot ni Richard(isang bagay na hindi magaling si Richard ay sa pagsisinungaling. ^.^V)

"Sa basurahan? Andyan ba si Jerome?"

"Wala! Wala." hinaharangan ni Richard ang basurahan pero sa lakas ni Mian ay napatilapon si Richard papuntang skul.

"Jerome!! Mahal ko! Ok ka lang?" tanong ni Mian na nakayakap sa braso ni Jerome.

"Magiging ok ako kung lalayuan mo muna ako."

"Ha? Pero mahal ko! Bakit ganyan ka na ngayon! Nung nililigawan mo pa ko, super sweet mo, ngayon napakalamig mo na sakin."

"Sinong may sabing niligawan kita." pabulong na sabi ni Jerome.

Si Mian ang babaeng patay na patay kay Jerome, hindi ito gusto ni Jerome pero hindi niya ito matapat kaya naman siguro ay akala nito na mutual ang feelings nila. Masyadong sineryoso ni Mian ang mga simpleng ngiti at pagbati ni Jerome sa kanya, na para naman kay Jerome ay pagbating kaibigan lang. Akala na tuloy nito ay sila na.

"Class, we have a new student here. Sana ay i-welcome nyo sya." sabi ng teacher nila ng magsimula na ang klase.

Pumasok sa kwarto ang isang napakagandang babae, napakahinhin nito at talaga namang nakakaakit tingnan ang mga mata niya. Maraming namangha sa babaeng iyon, ang iba naman ay nainis sa sobrnag inggit. Kasalukuyang nakatitig si Jerome sa bintana ng Classroom ngunit pagdaka'y napatingin din sa babaeng pumasok.

"Anak ng tokwa!" napasigaw at napatayo si Jerome sa sobrang gulat.

"Mr. Diaz, can you please sit down?" utos ng teacher nila na halatang paubos na ang pasensya. "You were there in your sit, just staring at plain nothing then now you're shouting such indicent words! Can you please be more proper?"

"Yes.. Ma'am.."

Chapter 4

Napatawa ang mga kaklase ni Jerome sa kanya.

“Class, stop laughing.” Humarap ang teacher nila kay Divina, “Please introduce yourself.”

“Hi! I’m Divina Marquez, I came from Japan but my family migrated here due to our business expansion. Please take care of me.” Nakangiting sabi nito pagkatapos ay yumuko katulad ng mga nakagawian ng mga hapones.

“Miss Marquez, sit in front of..” Inikot ng mga mata ng guro nila ang buong classroom at nakita ang nag-iisang available sit.. sa harap ni Jerome. “Mr. Diaz, the only seat available.”

Tahimik na pumunta si Divina sa upuan na binigay sa kanya ng guro. Lahat naman ng mga estudyante sa klaseng iyon ay sunod ang mga mata sa kanya. Nang makaupo na sya ay nagsimula nang maglecture ang kanilang teacher.

“Psssttt..” pabulong na tawag ni Jerome kay Divina.

Hindi niya ito nilingon.

“Pssssssssssstttttt!” tawag muli ni Jerome sa kanya, this time kinatok nito ng kaunti ang upuan ni Divina.

“Ano ba yon?” pabulong na tanong ni Divina.

“Bakit andito ka?”

“Para matulog..?” Papilosopong sagot ni Divina. “Ano pa bang nakikita mo? E di nag-aaral. Tsaka kailangan kitang bantayan.”

“Pa’no yung bahay?”

“Ni-lock kong maigi para walang makapasok. Don’t worry.”

Tumunog ang bell ng eskwelahan nila, hudyat ng pagtatapos ng unang period ng klase.

“Salamat naman!!!!” sigaw ni Richard.

“Jerome!!!” sigaw ni Mian, open arms na papunta kay Jerome.

Nang malapit na siya kay Jerome ay humarang si Divina.

“Aba, bakit ka humaharang?” tanong ni Mian matapos ay tinulak si Divina.

“ Baka kung anong gawin mo sa kanya.”

“Bakit sino ka ba?”

“Ako ang..”

In-approach ni Jerome si Mian, “Wala! Hehe. Kani-kanina lang kami nag-kakilala di ba Divina??” lumingon ito kay Divina, nakataas ang isang kilay na parang nagbabanta na wala itong magagawa kundi sumang-ayon.

“Ewan ko sayo.” Nagtataray na sambit ni Divina.

“Siguro ay nag-aalala lang siya sakin dahil ako ang una niyang nakilala.” Palusot ni Jerome.

“Okay, kung ano man yon wala na kong pakialam.” Hinawakan ni Mian ang braso ni Jerome.

“Class, go back to your seats.” Sambit ng kanilang M.A.P.E.H teacher na pumasok sa kanilang classroom, “Uhm, ung bagong estudyante asan?”

“Sir.” Tumayo si Divina.

“Please go in front.” Nang makapunta si Divina sa harapan ay tinanong muli siya nito, “May talent ka ba? Marunong ka bang sumayaw or anything?”

“Marunong po akong tumugtog ng piano.”

“At dahil M.A.P.E.H. tayo ngayon saktong may dala akong organ! Ta-da!” at pinakita ni Sir Buenvenida ang organ na dala-dala pala nito all this time. Tumingin ito kay Divina at sinabi, “Simulan mo na.”

At sa utos nga ng guro nila ay tinugtog ni Divina ang isang tugtuging ginawa niya.

~`~

“Tug-tug, tug-tug” sabi ng puso ni Jerome. Ano tong nararamdaman ko? Bakit kaya.. Ang bilis ng tibok ng puso ko! Bakit kasi sobrang ganda ni Divina pag hindi kami nag-pipilosopohan at nag-aaway? At ang tunong ng organ.. Masyadong malungkot, nararamdaman kong malungkot si Divina.. Bakit kaya? Gusto ko syang pasiyahin.. Pano?.. Hindi pede to, napangiti si Jerome sa sarili, nababaliw na ata ako!

Hindi namalayan ni Jerome na hinahampas na pala niya ang sariling ulo sa desk ng upuan niya, napansin ito ng lahat sa klase niya pati na din si Divina kaya napatigil ito sa pagtugtog.

Nang mapansin ni Jerome na tumigil na si Divina sa pagtugtog ay nagising ang kamalayan nito at napatingin sa surroundings nito, “Bakit???”

“Mr. Diaz, ganon ba talaga kabighani ang pagtugtog ni Ms. Divina kaya ipinupukpok mo na ang sarili mong ulo sa armchair mo? Or you’re just going nuts? O hindi kaya….” Tumingin ng may halong malisya ang guro nito kay Jerome.

Alam ni Jerome ang tinutukoy niya.. na may gusto ito kay Divina kaya umiling ito ng pagkalakas na para bang mahihiwalay na ang ulo nito sa katawan, “Hindi sir! You got me all wrong.. I was just thinking of something.”

Lumipat naman ang tingin ni Sir. Buenvinida mula sa kanya papunta kay Divina, “Napakagaling mo naman tumugtog, hija. Pero sa tinagal-tagal kong pakikinig ng mga tugtugin kahit kelan ay hindi ko pa naririnig iyan.. Ano ba ang title niyan at sino ang gumawa?”

“Ahh, kasi po sir.. Ako po ang gumawa nito. Ang title po ay Agonizing in the shadows.”

“Aba, magaling! May kinabukasan ka, hija. Ipagpatuloy mo ang pagtugtog.”

Nang bumalik na si Divina sa upuan ay nagbubulungan ang mga kaklase niya. Isang lalaki ang nag-approach sa kanya. “Hello, ako si Riven Azcunan, ang galing mo naman tumugtog ng organ.”

“Salamat. Nice to meet you.”

Nang maupo na si Divina ay nagsimula nang maglecture ang guro nila. Nang matapos naman ito ay nagbigay ito ng assignment.

“Mamaya pag-uwi ninyo sa bahay, praktisin ninyo ang inyong mga acting skills. Itetest ko kayo. Kailangan ay makapag-come up kayo ng isang romantic dialogue given ang isang situation na ibibigay ko.”

Walang importateng naganap sa mga sumunod nilang klase. Nang mag uwian na ay kinausap ni Jerome si Divina, “Mauna na ko sayo sa bahay. Pero wag kang masyadong magtagal. Umuwi ka na din agad. Just be sure na walang makakakita kung san ka nakatira.”

“Bakit?”

“Di nila dapat malaman na magkasama tayo sa iisang bubong no!”

Maya-maya nang makauwi si Jerome ay sumunod na si Divina. Pagpasok nito sa bahay ay parang may interrogation na mangyayari. Nakapatay ang mga ilaw at may hawak na flashlight si Jerome na tinutok kay Divina pagkapasok pa lang nito sa bahay.

“Bakit?” tinakpan ni Divina ang mata nito. “Tsaka nakakasilaw yang flashlight mo!” Pinalutang ni Divina ang flashlight ni Jerome papunta sa kanya.

Hinabol ni Jerome ang flashlight, “Oy! Akin to, minsan na nga lang mag-mala detective eh.”

“Bilisan mo na.”

“Pa’no ka nakapasok sa skul namin?”

“Simple lang. Sinunod ko lang yung plano mo ginamit ko ang kapangyarihan ko para makapasok sa sa skul.”

“Hay nakow. Sinong may sabing plano ko yon???”

“Ako, bakit may angal?”

“Wait.. Basta wag mong ipapaalam sa mga kaklase natin na magkasama tayo sa bahay.”

“Oo na nga! Nakakailan ka na ha.”

“Wag ka masyadong magtitiwala sa ibang tao dun ha.”

“Teka, tinutukoy mo ba si Riven? Mabait siyang tao.”

“Hindi pa rin natin alam.”

“Eh bakit si Richard?”

“Mabait sya, kitang-kita mo naman yon.”

“Bakit ba kasi masyadong paranoid ka naman. Teka..” Napaisip si Divina, “May gusto ka sakin noh?”

“Hi..hindi ah!”

“Talaga lang..”

“Oo! Itaga mo pa sa bato, hindi ikaw ang type ko.”

“Si Mian?”

“Lalong hindi! Bakit ba dyan tayo napunta? Ang punto ko lang naman, pag may nangyaring masama sayo, kargo de konsensya pa kita. Pa’no kung hanapin ka dito ng nanay at tatay mo? Baka tustahin pa ko nun sa sobrang galit o kaya ipadala sa ilalim ng lupa! O Diyos ko!!” papikit-pikit pang sabi ni Jerome.

“Bahala ka nga dyan.” Sabi ni Divina at hinagis ang bawang. “O eto bawang, baka sakaling gumana. Mangkukulam kasi ako e noh?” At tumuloy na ito sa kanyang kwarto.

“Oy!? Hanggang ngayon ba hindi mo pa din malimutan yon? Ano ka ba sabi ko ngang pinapaalis ko lang yung bata ee.” Samo ni Jerome habang sinusundan si Divina, nang makapasok na si Divina ay sinara nito ang pinto at nilapit ni Jerome ang mukha nito sa pinto, “Divina, magluto ka na. Gutom na ko.”

Binuksan ni Divina ang pintuan, “Magluto ka mag-isa mo!” At sinara niya ng mabilis ang pintuan kaya kamuntik nang naipit ang ilong ni Jerome sa pinto.

“Aray!! Sheeessssshhh! Bakit ba ganyan ang mga babae. Nakow. Kaya nga ba hindi ko talaga pinangarap magkaasawa!”

Chapter 5 - Jelousy Galore!

“Divina?” tawag ni Jerome habang kinakatok ang pintuan ng kwarto ni Divina, “Sorry na. Alam kong mahirap akong pakisamahan, may pagkamakasarili kasi ako pero please tiisin mo naman oh.” Wala pa ding sagot galing kay Divina, “Turuan mo kong magbago.” Binuksan niya ang pito at nakitang walang tao.

“Wala na pala siya.” Malungkot na bulong nito sa sarili. Nagpunta ito sa kusina at nakita ang pagkain na nakahanda sa lamesa.

Luto ni Divina? Masarap talaga siya magluto, kakainin ko talaga ito ng buong puso!

At kain nga ng kain si Jerome. Tuwang-tuwa itong isipin na luto ni Divina ang pagkaing iyon.

“Ehem.. Ehem..”

Napalingon si Jerome at nagtagpo ang mga mata nila ni Divina.

“Bakit namumula ka ata? Kinikilig ka? Tsaka parang sobrang saya mo sa pagkain ah?” puna ni Divina.

“Hindi kasi ako nakakain kagabi! Gutom na gutom ako.” Naging seryoso ang mukha nito, “San ka galing?”

“Sa kwarto.”

“Wala ka doon.”

“Sa C.R. ayan masaya ka na?” tumalikod si Divina, “Una na ko.”

“Riven..?” halos pabulong na sambit ni Divina nang makitang wala ang kaklase sa upuan nito.

Riven ka dyan! Kainis! Hinanap pa yung lalaking yon! Andito naman ako!!.. kinamot ni Jerome ang ulo niya. Jerome!!! Nasa tamang pag-iisip ka pa ba?

“Good Morning Class.” Ani Sir Buenvinida.

“Good morning teacher.”

“Nag-ready ba kayo para sa acting natin ngayon?”

“Ha?” sigaw ng buong klase.

“Bakit?”

“Sir! Wala kayong sinasabing ganyan. Di tuloy kami nakapaghanda!” (Palusot ng mga students yan! Common na!!!! wahaha.)

“Ah!, basta. Acting tayo ngayon.”

“Ehhh…” nguto ng buong klase pwera kina Divina at Jerome. Pareho silang may kani-kaniyang iniisip.

“Mr. Diaz,” tawag ng kanilang guro. “Ilang araw ka nang wala sa sarili! As your punishment, be the first to pick your partner then, be ready to perform.”

Pumunta si Jerome sa harapan at pinabunot siya sa isang recycled chalk box na naglalaman ng mga papel na nakatiklop na apparently, ay mga pangalan ng girls sa classroom nila.

“Okay, ang makakapartner ni Jerome ay si..” wika ni Sir. Buenvinida.”

“Sana ako yan..” paulit-ulit na dalangin ni Mian.

“Divina!”

“Yes!!! Jerome!” sigaw ni Mian na inihagis ang sarili papunta kay Jerome.

“Ah.. Ms. Levardo, si Divina ang tinawag ko..”

“Ay, ganon po ba? Sorry po..” malungkot na sagot ni Mian.

“Sir! Pede po bang bumunot ulit?!” samo ni Jerome.

“Unfair naman yon. Wala yon sa rules. Bakit ba parang your secluding Divina from you? hindi naman sya bad breath.”

Tumayo si Divina sa upuan niya, “Okay lang po Sir.” Pumunta siya sa tabi ni Jerome at humarap sa kanilang teacher.”

“Okay, eto ang i-a-acting ninyo: magkaibigan kayo and one time, nagselos si Jerome, mag-aaway kayo and then, mag-co-confess siya na may gusto siya sayo.”

“AAAAAAAAIIIIIIYYYYYYIIIIIEEEEE!!!” kinikilig na sigaw ng klase.

Anak ng pating, kahit bakit parang alam ni Sir ang nangyayari sa’min? Mind reader ba siya.? Wait.. wala akong gusto kay Divina, yun ang difference sa situation namin at sa scene na to.. tama ako.. di ba..? isip ni Jerome.

Tumagal ng isang minuto at walang nagsasalita sa kanila. Maya-maya ay nagsalita si Jerome na ikinagulat ng lahat. “Kala mo hindi ko nakita? Bakit ba hinahanap mo pa siya kanina???” tensed na sigaw nito.

Natigilan si Divina, hindi malaman kung acting ba yon o inaaway talaga siya ni Jerome. Maya-maya’y sumagot na ito, “Bakit ba nakikialam ka? Buhay ko ‘to. Akong bahala kung kanino ko gustong sumama.”

“hindi mo ba naisip na nag-aalala ako?” mahinahon na tanong ni Jerome.

“Nag-aalala???” lalong tumaas ang dugo ni Divina, “Bakit asan ka ba noong panahon na yon? Di ba lagi mong kasama yung mga kaibigan mo? Parang hindi mo na nga ako bestfriend eh!”

“HINDI TALAGA KITA BESTFRIEND! SINO NAMANG NAGSABI SAYO NA BESTFRIEND KITA? KAHIT KAIBIGAN LANG, HINDI KITA MATATANGGAP!” sigaw ni Jerome.

Napaluha si Divina at napatungo.

Bigla siyang niyakap ni Jerome na kinagulat nito, “dahil ikaw ang mahal ko. Mahal na mahal kita. Bakit kasi kung sinu-sino pa ang hinahanap mo? Lingon ka ng lingon kung saan-saan. Andito naman ako. Handing mahalin ka higit pa sa inaakala mo. Hindi mo lang alam, pero matagal ko na tong nararamdaman. Natakot ako na baka iwasan mo ko pag pinagtapat ko sayo pero ngayon hindi na. Ikaw na bahala kung iiwasan mo ko.”

Bumitaw si Divina at lumayo kay Jerome, “Sorry, pero hanggang kaibigan lang ang turing ko sayo. Sa ngayon naguguluhan pa din ako, meron akong isang bagay na nasimulan na at sa ngayon, mas gugustuhin kong matapos..”

Umupo na si Divina sa kanyang pwesto, hudyat na tapos na ang kanilang palabas..( Ang tanong, palabas nga ba?)

Nagsipalakpakan ang lahat bukod kay Mian. Selos na selos ito.

“Aba ang galing ng first couple ah!” bati ng teacher nila, “Akala ko totoo eh! Nadala ako sa acting ninyo.”

Chapter 6 –chapter full of thoughts.. if you know what I mean..

“Divina luto ka naman. Gutom na ko eh.” Sabi ni Jerome habang pa-slouch na nakaupo sa tapat ng tv.

“Ha? Di ba meron namang cup noodles diyan?” tanong ni Divina.

“Sawa na ko sa cup noodles. Tsaka di ba ang alam ko guardian kita? Sundin mo na ung gusto ko. Sige na.” udyok ni Jerome. patikimin mo naman ako ng luto mo.

“Okay, okay.” Sambit ni Divina habang papunta ng kusina. siguro gusto mo lang matikman luto ko eh

“Galit ka pa?” tanong ni Jerome habang nakain.

“Hindi na.”

“Bakit ba kasi ang bilis mong nagalit? Meron ka ba non?”

“Ewan ko ba.”

Muntik nang mabulunan si Jerome, “Ano? Hindi mo alam kung bakit ka nagalit?”

“Ano bang sinabi ko?”

“Sabi ko nga ee, malinaw na malinaw..” hinigop ni Jerome ang sabaw ng sinigang. “Ang taray mo kanina ha,” ginaya ni Jerome ang boses ni Divina, “ ‘Sorry pero hanggang kaibigan lang ang turing ko sayo..’ Nakow, pasalamat ka lang at na-acting tayo.”

“Nagsalita ang isa diyan, mahal na mahal daw niya ako! At bakit pa daw ako naghahanap ng iba eh andyan naman siya!” nangalumbaba si Divina at taas-kilay na tinitigan si Jerome.

Inalis ni Jerome ang siko niya sa lamesa, “Hoy, umayos ka naman. Nakain tayo, bawal nakapangalumbaba sa lamesa. Mamalasin tayo niyan sige.” Ang ganda mo pa din kahit nakataas-kilay.. Mahal na nga ata kita. Sana magustuhan mo naman ako kahit crush lang ba..?

“Weeehh.. Lola ka ba? Bakit ba mapamahiin ka?” tanong ni Divina, Aminin mo na kasing nagagandahan ka sakin. Namumula ka na nga diyan eh. Pero lam mo, kaya mabilis akong nagalit sayo noong isang araw, nagselos kasi ako eh. Crush na kasi kita. Sa unang tingin kasi parang suplado ka, pero inside maalalahanin ka at mabait.

“Tapos na ko, Jerome ikaw na maghugas ng pinggan.” Utos ni Divina habang tumatayo.

“Saan ka pupunta?” nag-aalalang tanong ni Jerome. Dito ka na lang, gusto pa kita makita. Ma-mimiss kita agad niyan eh.. Sabay na tayo matulog. Please..

“Sa kwarto ko, matutulog na ko. Inaantok na ko.” Sagot ni Divina. Pasensya na, kahit ga’no ko pa kagustong makasama ka, kailangan kitang layuan. May mahal na kong iba.. At ayokong sumira sa pangako ko sa kanya. Ayoko siyang pagtaksilan. At lumabas na to ng kusina papunta sa kanyang kwarto.

Nang matapos sa paghuhugas ng pinggan si Jerome ay pinatay na nito ang t.v. at dumeretso na sa kanyang kwarto na katapat lang ng kwarto ni Divina. Nang papasok na ito sa kwarto niya ay tumigil muna ito para pakinggan ang kung ano mang tunog sa loob ng kwarto ni Divina, “Good night Divina.” Halos pabulong nitong sinabi atsaka pumasok sa loob ng kwarto nito.

“Good night, Jerome.” Sambit ni Divina pagkapasok ni Jerome sa kwarto niya. Nagkataong nakikinig din siya sa kanyang pintuan at inaabangan ang pagpasok ni Jerome sa kwarto nito. “Kung ikaw na lang siguro ang nauna kong nakilala, mas magiging masaya siguro ako kasama ka.”

~`~

“Class, magkakaroon tayo ng isang laro na magtatagal ng isang linggo.” Sabi ng kanilang advicer.

“Ano po yon ma’am? Tanong ni Bridget Mariano.

Nagsimula nang i-explain ng kanilang advicer ang laro. “Lahat ng girls, ilalagay ang isang bagay na sumisimbolo sa kanya sa isang papel na siya namang ilalagay nila sa isang bote na didisenyohan nila mismo.” Pinakita ng kanilang advicer ang mga boteng dala dala nito. “Habang ang mga lalaki naman ang pipili kung anong papel ang kanyang gusto at kung kanino man iyon ay magiging kasama niya kahit saan siya magpunta. Silang dalawa lang ang kakain ng magkasama at kung anu-ano pa.”

“Ma’am! Parang libreng date na din yon ah?” angal ni Geraldine Tolentino.

“Well, this game will boost your confidence and will develop you to become a real teenager.” Nakangising sambit ng maloko nilang advicer. “Oh, guys. Ano pang ginagawa ninyo? Dun muna kayo sa kabilang room, at magdedesign na kami ditong mga girls.”

Gagawa ako ng isang boteng sasalamin sa totoong ako.. plano ni Divina.

Hindi nagtagal ay tinawag na din sina Jerome ng kanilang advicer, “Boys pasok na kayo dito.”

Pagpasok nila ay nakadisplay ang iba’t ibang klase ng bote na may iba’t ibang disenyo na hindi maipagkakailang girly. Ultimong ang background ng pinagkakalagyan ng mga bote ay may disenyo din.

“Tatawagin ko kayo alphabetically. Azcunan, Riven John?” tawag ng kanilang teacher.

Pinili nito ang isang boteng pink na pink at merong mga batong kulay emerald sa banding gitna nito palibot ng buong bote. Ang background naman nito ay mala-paraiso.

Anak ng kamalasan naman oh! Kay Divina ata yung napili ni Riven. Pag minamalas ka nga naman! inis na inis na sambit ni Jerome sa sarili.

“Sabay-sabay na nating buksan iyan mamaya.” Paalala ng kanilang advicer. “Balleoso, Dean Wyner?”

Maya-maya ay si Jerome na ang tinawag ng kanilang teacher. Inikot ni Jerome ang buong klase. Since nakuha na ang bote ni Divina, kailangan niyang mag-ingat para hindi mapili ang bote ni Mian. Lahat ng mga bote at background ay napakagaganda. Napakaringal ng mga disenyo nito liban sa isa. Napansin ito ni Jerome at talagang nakatawag sa kanya. Pininturahan lamang ng kulay dilaw ang bote at meron naman itong background na disyerto. Pakiramdam ni Jerome, na kung sino man ang may gawa niyon ay talagang malungkot na malungkot, nangungulila at nauuhaw sa pagmamahal.

Kaya naman kinuha niya ito sa pag-asang magkakasundo sila ng kung sino mang may-ari niyon. Nang pabuksan na sa kanila ng guro nila ang mga bote ay laking gulat ni Jerome ng mabasa ang papel.. DIVINA MARQUEZ! Kasabay naman ng pagbukas niya ng papel ay pumunta na si Divina sa tabi niya. Hindi mawari kung dapat ba siyang magsaya o malungkot sa nangyari.

“Nakow! Bakit ikaw pa ang naka-partner ko!” Himutok ni Jerome. Buti na lang ikaw ang nabunot ko! Swerte ang araw ko ngayon ah! Swerte!!!

“Aba, kala mo ikaw lang may ayaw?” angal ni Divina. pero deep inside masaya yan!

“Okay, simula ngayon class, sila na ang makakasama nyo for one week. As in kayo lang lagi magkasama. Bawal maghiwalay dahil magkaka-extension ang pagsasama nyo bilang parusa.” Pamamaalam ng kanilang teacher.

Chapter 7 – I want you here with me from now until forever♥

“Pssssssttt!” tawag ni Jerome kay Divina na nakatingin sa bintana ng classroom nila.

“Bakit?”

“Dito ka.” Tinuro ni Jerome ang bakanteng upuan sa tabi niya.

Lumapit si Divina, “Para saan?”

“Di ba sabi ni Ma’am dapat magkasama tayo? Tingnan mo silang lahat, magkakasama. Tayo lang hindi!” pabulong na sabi ni Jerome.

“Vacant naman eh!” katwiran ni Divina.

“Gusto mo bang ma-extend ang bias nitong game na to?”

“Sinong may sabing gusto ko?”

“Then work with me!” utos ni Jerome.

Binuhat na ni Divina ang kanyang bag at pumunta sa tabi ni Jerome na prenteng-prente ang pagkakaupo, nakataas pa ang paa sa upuan sa harap nito, pasipol-sipol pa.

“Loko ka, hindi mo man lang ako tinulungan magbuhat ng gamit?” inis na sambit ni Divina habang nilalagay ang gamit sa upuan.

“Ang gaang-gaang ng gamit mo ipapabuhat mo pa sakin?”

“Siguro noong magpaulan ang Maykapal ng pagiging maginoo, nasa loob ka ng bahay no?”

“Alam mo, ganito lang kasi yon. Namimili ako ng pakikitaan ko ng pagiging maginoo. Kung kasing taray at kasing reklamadora mo lang naman din, wag na lang. Sayang lang pagod ko.”

“Kainis ka! Ang aga-aga pinipikon mo ko! Kala ko ba truce na tayo?” sigaw ni Divina.

“Walang thrill pag laging magkabati, kailangan nag-aaway.”

At hindi na sumagot si Divina.

“Divina..” bulong ni Jerome sa kalagitnaan ng Science class nila.

Hindi sumagot si Divina kahit na halatang naririnig naman nito.

“Uyy..” bulong muli ni Jerome.

Hindi pa din natinag ang dyosa sa hindi pagpansin dito.

“Divina!” napalakas ang pagtawag ni Jerome, sa sobrang lakas narinig ito ng teacher nila.

“Bakit ba?” saktong sagot naman ni Divina.

“Mr. Diaz! Ms. Marquez! What are you two doing in the middle of my class?” galit na galit ang pinaka-terror na teacher sa buong history ng terror na teacher! (bonggang terror!)

“Ahh, Sir.. We were just..”

“No more explanations!” sigaw ng kanilang teacher bago pa man makapag-explain si Jerome. “Go out of my class! And be sure tomorrow no more talking again or you won’t be permitted to attend one week of my class!”

“Ang kulit mo!” sambit ni Divina.

“Eh kasi ayaw mo ko pansinin.” Sagot ni Jerome.

“Pinipikon mo kasi ako everytime na kinakausap kita.” Sambit ni Divina habang naglalakad palayo kay Jerome.

“Ano? San ka pupunta?” tanong ni Jerome nang maabot ang braso ni Divina.

“Kahit saan basta malayo sayo!” nagpatuloy sa paglalakad si Divina.

Saktong nakita sila ng kanilang advicer, “Aba, ano tong nakikita ko? Di ba sabi ko walang maglalayo? Divina, bakit iniiwan mo si Jerome? Dahil dyan, I’ll add one more week sa game para sa inyong dalawa lang.” nakangiti pang sabi ng kanilang advicer.

“Ma’am! Ilipat nyo na po ako ng partner, wag kay Jerome. Please” pakikiusap ni Divina.

“Bakit naman?”

“Hindi po kami magkasundo, lagi niya kong pinipikon.”

“Hindi pede Divina.” Tumingin ang kanilang advicer sa relo nito, “Oooopppsss.. I’ll be late for my next class. See you next Monday!” Nang malayo na ito, tumingin sa kanila ito, “Sabihin nyo may dinagdag ako sa mechanics ng game, pedeng utusan ng boys ang girls. Para bang genie in the bottle.”

Nilapitan ni Jerome si Divina, “Tsk, tsk. Yan na nga ba sinasabi ko. Ayan tuloy, we’ll be stuck together for 2 weeks flat.”

“Malungkot ka ba talaga? Bakit parang masaya ka pa ata?”

“Ako? Hindi ah! Bakit naman ako masasayahan!”

“Jerome, I’m telling you. Don’t fall in love with me. You’ll just get yourself hurt.” Babala ni Divina.

“Bakit sinabi ko bang in love ako sayo ha? Taas ng ere nito. ”

“Kainan na!” sigaw ni Richard.

“Wag ka ngang sumigaw, nakakahiya!” reklamo ni Mian.

Tawa lamang ng tawa si Divina.

“Divina,” tawag ni Jerome na nakataas ang dalawang paa sa lamesa.

“O, ano yon?” malamyang sagot ni Divina.

Tinuro ni Jerome ang nakanganga nitong bibig.

Nagtakip ng ilong si Divina, “Wag mong buksan! Amoy kanal!”

Inamoy ni Jerome ang hininga nito, “Sobra ka ha. Ang bango-bango ng hininga ko!”

“Ano ba kasi yon?”

“Subuan mo ko.” Utos ni Jerome.

“Ano ka hilo?” nakataas-kilay pang sabi ni Divina.

“Ang alam ko, sabi ni Ma’am susunod ang mga girls sa boys?”

“Grrrrr!!” naiiritang sambit ni Divina. Pagkatapos ay sinubuan si Jerome.

“Ahh..” sambit ni Jerome at binuksan ang bibig nito. “Hmm.. Ang sarap.” Thank you Ma’am!!!

“Jerome, sabay na tayo umuwi.” anyaya ni Richard.

“Okay.” Nakangiting sagot ni Jerome. Wait!!! Kasabay ko ngayon umuwi si Divina! Pa’no na to?!!! Patay ako pag nalaman nila na magkasama kami sa bahay. Baka kung ano nang isipin nila!!! Anong gagawin ko?

At nagsabay nga sila sa pag-uwi. Nang malapit na sila sa kanto ng bahay nina Jerome ay nagpaalam ito. “Richard, Mian. Punta muna akong market. Bibili lang akong tubig. Naubusan na kasi ako eh.”

“Okay tol. Sige una na kami. Pa’no si Divina?”

“Sabay na lang ako sa kanya.” Pahabol ni Divina.

Nang makapunta na sila sa market ay kinausap ni Divina si Jerome, “Muntik na tayo dun ah. Buti na lang nakalusot tayo.”

“Oo nga. Sige halika, uwi na tayo.”

“Jerome, kain na.” sambit ni Divina nang makatapos na ito magluto.

Nakita niyang tahimik na natutulog si Jerome sa sofa. “Uy gising na.” niyugyog niya ito ngunit hindi pa ito nagising. Hinaplos niya ang pisngi nito. kainis, bakit kasi kung kelan kinakalimutan na kita at plano kitang iwasan.. Tsaka naman tayo lalong pinaglalapit ng tadhana.

Tumayo na si Divina para dumeretso at kumain sa kusina nang hawakan ni Jerome ang kamay nito, “Dito ka muna sa tabi ko, wag ka munang umalis.” Nagsasalita ito habang natutulog.

“Okay, hindi ako aalis. Iintayin kita kumain kaya gumising ka na.” Pabulong na sambit ni Divina.

“Dito ka lang sa tabi ko, habang..buhay..” At tumigil na sa pagsasalita si Jerome.

Chapter 8 – The game

“Da-di-dam-dam..” kanta ni Divina habang nagluluto. Maya-maya’y dumating si Jerome na kinukusot pa ang mata. “Good morning!” bati nito sa binata.

Naramdaman na lamang ni Divina ang dalawang bisig ni Jerome na pumupulupot sa katawan niya. napakalapit ng mukha nito sa kanya, sa sobrang lapit ay nararamdaman niya ang mainit na hinga ni Jerome wari’y hinahaplos ang kanyang pisngi. “Good morning Divina.” Bati ni Jerome at lalo pang humigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.

“Jerome!” sigaw ni Divina, “Ano ka ba?” humarap siya dito at tinulak ito palayo.

“Bakit?” sagot ni Jerome at hinaplos ang pisngi ni Divina at hinawakan ang buhok nito.

“Are you crazy?!” pasigaw nitong tanong pagdaka’y tinanggal ang kamay ni Jerome na naglalakbay sa kanyang braso.

“Crazy in love with you.” pagkasabi nito’y Niyakap siya muli ni Jerome ng mahigpit.

“Ano ba!!! LAyuan mo ko!” natatakot na si Divina. “Bangag ka ba!!!” Tumakbo ito ngunit nahuli pa din ito ni Jerome. “Jerome!! Maawa ka!”

~`~

“Divina! Anong nangyayari diyan sa loob?” tanong ni Jerome habang malakas na kinakatok ang pinto. Halos sirain na niya ang pinto ng kwarto ni Divina, pa’no kasi’y naka-lock ito at nagising si Jerome ng pagsisigaw ni Divina na waring may kung anong masamang nangyayari dito.

Sa wakes nabuksan niya ang pintuan at nakita niya si Divina, nagsisisigaw habang natutulog, “Divina!” niyugyog niya ito, “Gising!”

“Wag!!!” sigaw ni Divina at nagising na ito. Pagbangon nito ay parang nakakita ito ng multo at nagtaklob ng kumot abot sa ilong nito.

“Ano yon?” tanong ni Jerome.

“Anong.. yon?” naiilang na tanong ni Divina.

“Akala ko kung ano nang nangyayari sayo dito kaya dali-dali akong pinagkakatok ang pintuan mo, binangungot ka ata.”

“Ah.. Ganon ba..”

“Ano bang panaginip mo?” tanong ni Jerome at napalapit ang mukha nito kay Divina.

Bumalik kay Divina ang mga alaala ng panaginip niya kaya bigla nitong tinulak si Jerome, “Wala! Di ko na maalala!”

“Aray! Kung di mo maalala, bakit parang sa mga kinikilos mo eh gusto mo nang kalimutan?”

“Kung ayaw mo maniwala e di wag!”

“Bahala ka kung ayaw mong sabihin”

“Umali ka nga sa kwarto ko!” hinagis ni Divina ang unan nito sa mukha ni Jerome. “Bastos!!!”

“Aba ako pa ang bastos!!! Nag-alala na nga ako eh!” sambit ni Jerome

“Basta labas!!!” pinagtulakan ni Divina si Jerome.

“Bahala ka! Sa susunod kahit magmakaawa ka pang tulungan kita hindi talaga ako mag-eeffort na i-rescue ka!”

“Ok lang!” at sinara ni Divina ang pintuan.

~`~

“Divina! Jerome! Bakit magkalayo nanaman kayo? Pag nakita kayo ni Ma’am ng magkalayo ma-e-extend nanaman ang game ninyo.” Tawag ni Richard.

“Bakit mo ko dinadamay diyan..” sabi ni Jerome. “Si Divina ang pagalitan mo. Layo ng layo sakin.”

“Baka naman inaaway mo siya.” Sambit ni Richard.

“Aba, hindi. Ako pa nga ang nag-aalala sa kanya eh. Divina halika nga dito.”

At pilit na pumunta si Divina kay Jerome. Pero lumayo ito ng mga dalawang upuan ang layo kay Jerome.

“Ano?” tanong ni Jerome.

“Anong ano?” sagot ni Divina.

“Kala mo lalamunin kita kung makalayo ka ah?” sabi ko lang naman gusto kita.. hindi ko sinabing gusto kitang kainin..

“Bakit kasi kailangan kitang kasama lagi..” himutok ni Divina.

“Divina, 1 week nlng halos. Magtiis ka na.” sabi ni Jerome.

“Nga pala alis na ko guys. Una na ko sa inyo.” Sambit ni Richard.

“Okay, maglilinis na kami.” Sabi ni Jerome.

Nang makaalis na si Richard ay nakaramdam ng matinding kaba si Divina. Sila na lang kasing dalawa ni Jerome.

“Magsimula na tayong maglinis.” Yakag ni Jerome.

“O..Okay..” nanginginig na sagot ni Divina.

“Divina,” seryosong tawag ni Jerome.

“Ba..kit?”

“Paki-palitan yung tubig sa vase.”

“Okay.” Nakahinga ng malalim si Divina, akala kasi nito’y kung ano na. nang sinubukan nitong buhatin ang vase ay biglang dumulas ito sa kamay niya at nabasag. Agad-agad niyang pinulot ang mga pira-pirasong bahagi nito kaya nabubog siya. “Aray!”

“Bakit!?” dali-daling tumakbo si Jerome sa kinaroroonan niya. Hinawakan nito ang kamay niyang naliligo na sa dugo dahil sa pagkakahiwa.

“Wag!!!” sigaw ni Divina na pumunta sa pinakamalapit na sulok.

“Ha? Bakit? Akin na yung kamay mo para magamot ko na.” At sinubukan niyang lapitan si Divina.

Nagmamadaling tumakbo si Divina at lumabas ng eskwelahan, umuulan pala pero hindi niya ito alintana.

“Wag ka dyan! Naulan!” habol siya ni Jerome.

Nagtatakbo siya pero bigla syang nadulas at naputikan ang buong uniform niya. “Aray.. Tsk..”

“Ayan na nga ba sinasabi ko eh! Wag ka na kasi tumakbo.” At tinakluban ni Jerome ng panyo ang ulo ni Divina ng maitayo niya ito, “Braso mo.”

“Bakit?”

“Ilagay mo sa balikat ko para di ka mahirapan maglakad.”

At inilagay nga ni Divina ang braso niya sa balikat ni Jerome.

Nang makarating na sila sa classroom ay iniupo ni Jerome si Divina malapit sa bintana.

“Okay ka lang?” tanong ni Jerome.

“O..okay lang.” sagot ni Divina.

~`~

“Aba, mukhang magandang pagkakataon ito para maging cupid!” bulong ni Ms. Tilda, ang adviser nila Jerome na kasalukuyang nakasilip sa siwang ng pintuan ng classroom nila Jerome, ni-lock nito ang pintuan para hindi makalabas ang dalawa sa loob, “Job well done! Sa ngalan ng Pag-ibig!!!!!” nakangiting sambit nito sa sarili.

~`~

“Patilain na muna natin ang ulan.” Sambit ni Jerome.

“Okay.” Nangangatal na sagot ni Divina.

Hinubad ni Jerome ang kanyang polo shirt.

“Ano yan!!!” sigaw ni Divina.

Isinuot ni Jerome ang kanyang polo kay Divina, “Napaka-malisyosa mo talaga.”

“Ah.. Eh.. Sori naman!!!”

“Nag-sorry ka pa..?” inilahad ni Jerome ang kanyang palad.

“Wala akong pera.”

Pikon na kinamot ni Jerome ang kanyang ulo, “Tsk, hindi pera kailangan ko!”

“Ano ba! Wag ka nga sumigaw!” pasigaw na sinabi ni Divina.

“Mas malakas pa nga boses mo sa’kin!” inilahad muli ni Jerome ang kanyang kamay, “Akin na.”

“Ang alin?”

“Kamay mo.”

Binigay ni Divina ang kamay niyang walang sugat.

“Yung kabila!” Utos ni Jerome.

“Okay.. Okay.. Sungit..” bulong ni Divina habang binibigay ang kanyang kamay. “Eto na.”

Nilabas ni Jerome mula sa bag niya ang isang band-aid at inilagay sa nahiwang parte ng kamay ni Divina. “That should do it. Humupa na ang ulan.” Palinga-lingang balita ni Jerome.

Chapter 9 – Jerome + Fire exits?... Impossible!!!

Kinuha ni Jerome ang bag nila ni Divina at tumayo na, “Halika na.” yaya nito.

“Sige, sunod na ko.”

Nang marating na ni Jerome ang pintuan.. “Patay..”

“Anong.. Patay?”

Pinihit ni Jerome ang door knob, “Ayaw magbukas! Naka-lock tayo!”

“Ha!!! Pa’no na yan? Sabado na bukas. Wag mo sabihing hanggang lunes tayo dito?” nag-isip si Divina, “Alam ko na!” pumunta si Divina sa may bintana at binuksan iyon, “This way.”

“Uh-oh.. Sa fire exit????” tanong ni Jerome.

“Oo! Bakit may problema?”

“Di ba sinabi ko na sayo dati pa, na takot ako sa heights!”

“Anong gusto mo, ma-lock dito ng tatlong araw at tatlong gabi???”

“Gagawa ako ng paraan!”

“Bahal ka, basta paghindi tayo nakalabas dito after 20 minutes, then we’ll resort to escaping through the fire exit.”

“Deal.”

Lumipas na ang 15 minutes at wala pa ring nangyayari sa pagpwersa ni Jerome na buksan ang pinutan. Meron na itong improvement pero hindi pa din success.

“5 minutes left Jerome.” Paalala ni Divina.

“Oo na.”

“Halika na kasi, bakit mo pa sasayangin ang 5 minutes mo kung alam naman nating pareho na sa fire exit din ang bagsak mo..?” taas-kilay pang saad ni Divina.

“Hindi pede!” giit ni Jerome habang tinutulak ang pinto.

“Oh no, malapit nang mag-20 minutes, in 5, 4, 3, 2..” plastic na maalalahaning sambit ni Divina, “1.”

Saktong nasira ni Jerome ang pintuan at nagmamalaking nilingon si Divina, “Kita mo?”

Nag-halukipkip si Divina, “Sheesh, duwag! Pa’no kung ang tanging paraan para maligtas mo ang buong mundo eh, labanan ang takot mo sa heights?”

“Anak ng katatakutan, hindi ko isasakripisyo ang sarili ko! Aba, kung alam mo alng kung anong pakiramdam ko pag nasa matataas na lugar ako! Pakiramdam ko masusuka ako! Parang binabaligtad ang sikmura ko!” natigilan si Jerome, “Bakit mo ba yan tinatanong? Halika na, umuwi na tayo.”

“O, eto.” Inabot ni Jerome ang sumbrero niya na kinuhay nito sa bag.

“Para san?”

“Umaambon, mag-sumbrero ka.”

“Pa’no ka?”

“Lalake ako no! Balewala lang yang ambon-ambon na yan.”

Napangiti na lamang si Divina. Masyado ka namang mag-alala.. Kinikilig tuloy ako♥

Chapter 10 – Lalake pala ha!? Hehe.

“Ha!.. Ha!... Haching!!!” bahin ni Jerome pagkauwi sa bahay.

“Ayan binabahin ka na. maya-maya sisipunin ka na niyan.” Wika ni Divina at aktong hahawakan ang noo ni Jerome ng lumayo ito.

“Eh.. Hindi na ko bata. Sipon lang to, magluto ka na lang.” umupo si Jerome sa sala.

“Ok, ikaw may sabi eh.” Sagot ni Divina.

Maya-maya natapos na si Divina magluto. “Jerome, kain na.” napansin ni Divina na hindi pa din napasok ng kusina si Jerome kaya tinawag niya itong muli, “Kain na.” Hindi pa din nagalaw si Jerome kaya nilingon niya ang kinalulugaran ni Jerome, “Uy, Jerome kain na.” nakita niya si Jerome na namamaluktot sa sala, nanginginig. Pumunta ito agad kay Jerome at hinaplos ang noo nito, “Ang init mo!”

“Mama.. mama..” wika ni Jerome na sa tingin ni Divina ay nananaginip.

Kumuha si Divina ng tubig at twalya at ipinunas ito kay Jerome. “Sana naman tama itong ginagawa ko. Ito kasi ang nakikita ko na ginagawa ng mga mortal na ina sa mga anak nila pag nilalagnat..” nang matapos na itong punasan si Jerome ay tumayo ito, “Wait lang hahainan kita ng makakain.”

Hinawakan ni Jerome ang kamay niya para pigilan ito, “Ayoko kumain.”

“Bakit? Kailangan mo yon. Alam kong gutom ka na.”

“Iniiwasan mo ko.. Sa tingin mo pa’no ako makakakain ng maayos?”

“Kumain ka muna. Mamaya na yan.” Nagpumilit pumunta si Divina sa kusina pero pinigilan siya ni Jerome.

“Wag mo baguhin ang usapan. Alam kong napanaginipan mo ko nung isang araw na nagsisisigaw ka. Sabihin mo sakin, ano ba yon at ganyan ka na lang makagalaw pag malapit ako?”

Hindi nakasagot si Divina pero nahalata ni Jerome na natatakot pa din ito.

“Okay.. kung hind mo kayang sabihin okay lang. basta eto lang ang sasabihin ko sayo, hinding-hindi kita sasaktan. Mahal kita at mamahalin kita, the way you deserved to be love, rerespetuhin kita, asahan mong hindi ko dudumihan ang karangalan mo. Gagawin ko ang lahat para lang mapasaya ka at pipilitin kong hindi ka lumuha sa piling ko. Akala ko hindi to mangyayari pero eto ako..” napangiti si Jerome, “Nagtatapat sayo na mahal na mahal kita. Araw-araw halos mabaliw ako kakaisip sayo, lalo na nitong mga nakaraang araw dahil sobrang lumalayo ka sakin. Gumagawa ako ng mga palusot para lang lumapit ka sakin. Para akong tanga.” Natigilan ito, “Dumb, I’ll endure but living without you.. I just can’t.”

Tumalikod si Divina. hindi tayo pede..

“Hindi mo ba ko mahal?” nagmamakaawang tanong ni Jerome.

“Hindi sa hindi kita mahal.. Kung alam mo lang..” Natigilan si Divina at nagulat ito sa namutawi sa sariling labi.

“Pero bakit? Bakit ayaw mo pa din???” naguguluhang tanong ni Jerome.

“Kasi.. Iba ang sitwasyon ko sa kung anong nakikita mo. Masyadong komplikado.” Dahilan ni Divina.

“Sabihin mo mahal mo ba ko..?”

Natigilan si Divina.

“Mahal.. mo ba.. ako?” tanong muli ni Jerome.

“Oo!!! Masaya ka na! kahit mukhang nilalayuan kita deep inside nalulungkot ako! Mas gusto kong magkasama tayo. Nahihirapan na ko pag wala ka sa tabi ko. Ibang-iba na ang kinikilos ko keysa noong nasa langit pa ko! Mahal na mahal kita Mr. Jerome Diaz!!!” sigaw ni Divina.

Bigla siyang niyakap ni Jerome, “Kung ganon..” salita nito sa mahina at malambing na boses, “Tigilan na natin ang pagpapanggap na hindi natin gusto ang isa’t isa..” hinigpitan nito ang yakap pero hindi na natakot si Divina, “Will you.. be my Girl?” tanong ni Jerome.

“Yes..” naluluhang sagot ni Divina.

----------`-----------

“Say ah!..” sambit ni Divina.

“Ano ka ba. Medyo malakas na ko, tsaka may lagnat ako, hindi ako lumpo.” Sagot ni Jerome.

“Eh, dali na.. Please..?” nagmamakaawang pakiusap ni Divina.

“Sige na nga. Pasalamat ka sobrang cute mo pag nakikiusap..” binuksan ni Jerome ang bibig nito, “Ah.”

Sinubuan ni Divina ng pagkain si Jerome, “Wow, good boy..” nakangiting bati nito while patting Jerome’s head.

“Hindi ako aso.” Seryosong sambit nito.

“Eh… Nilalambing na nga kita eh.”

Kinurot ni Jerome ang pisngi ni Divina, “Ang cute mo talaga. Sarap ng luto mo..”

Chapter 11 – Richard the Blabbermouth

“Tol, pasensya na sa abala pero pahiram ng..” naputol na pagsasalita ni Richard ng pumasok siya ng hindi kumakatok.

Biglang napatayo si Jerome sa sofa, “Tol, ah.. eh..” lumingon ito kay Divina na namumula, sa kilig o sa hiya yun ang hindi niya alam.

“Tol!!!” sigaw ni Richard. “Anong kababalaghan ang nangyayari dito!”

“Oi!” tinakpan ni Jerome ang bibig ni Richard. “Ang lakas ng boses mo tol, hindi ito katulad ng iniisip mo.”

Pilit tinanggal ni Richard ang kamay ni Jerome, nang matanggal na ito ay bumulong siya, “Eh ano yan nakikita ko?”

“I-e-explain ko sayo..” wika ni Jerome.

Matapos ang halos 2 oras na diskusyon nina Jerome at Richard, finally naintindihan na din nito ang sitwasyon.. uhm.. more or less, naintindihan niya.

Napasigaw si Richard, “Teka pare! Ibigsabihin si Divina ay isang alien”

“Goddess,” correction ni Divina.

“Okay, goddess..” sabi ni Richard, “At meron siyang misyon dito?”

“Tama.” Nakangiting sagot ni Jerome.

“Anong misyon yon?” tanong ni Richard.

“Meron siyang..” tumingin si Jerome kay Divina. “hinahanap.”

Napatingin si Divina kay Jerome at bigla nitong naramdaman ang iniisip ni Jerome. hindi nga pa rin nga pala alam ni Jerome ang hinahanap niya.. or sino..

“Actually kahit ako din hindi ko alam kung ano ang bagay na hinahanap ko dito, basta ang sabi lang sakin ng maykapal, mahalaga itong bagay.. Makapangyarihan.” Nagsinungaling si Divina. At nagsisisi siya, dahil kinailangan nya pa itong gawin, pero kailangan. Hindi dapat silang mag-away ngayon o magkaselosan. Nararamdaman niyang magiging masaya ang araw na ito, at isa pa may sakit si Jerome.

Nang makauwi na si Richard ay biglang tinanong ni Jerome si Divina, “Pa’no pag nahanap mo na yung bagay na hinahanap mo?”

“Ha?” nagulumihanan si Divina.

“Yung.. hinahanap mo?” kinunot ni Jerome ang kilay nito at humalukipkip, “May nangyari ba? Medyo nag-iba ang kilos at pananalita mo pagkatapos banggitin ni Richard yung tungkol sa misyon a?”

“Pasensya na. Naalala ko lang ang misyon ko, na hindi ko naman talaga alam kung ano.. para bang natanong ko din ang sarili ko kung ano kaya talaga un.” Palusot ni Divina.

“Ah.. so, aalis ka ba pag natapos mo na ang misyon?”

“Hindi ko alam.” Tumitig si Divina sa mga malulungkot na matang nakatingin sa kanya nang sagutin niya ang katanungan nito. Niyakap niya ito, “Pero kung ano man ang mangyari, hindi ako papayag na magkalayo pa tayo.”

Niyakap din siya ni Jerome, “Thank you.”

“Ui! Jerome, Divina! Kamusta!” Makahulugang tanong ni Richard.

“Okay lang naman..” sagot ni Jerome nang maya-maya’y napagtanto ang kalokohang ginawa ni Richard nang makitang dinudumog na ng mga babae si Divina.

“Wow, Divina ang swerte mo naman may boyfriend ka na.. kung sa bagay maganda ka naman kasi”

“Ahh.. hindi naman.” Sagot ni Divina na medyo nahihiya.

“Balita ko magkasama daw kayo sa iisang bahay? Totoo ba yon?” tanong ng isa pang babae.

“Oo..”

Nagulat ang mga babae, “May nangyari na ba sa inyo?”

“Wala ah! Magkahiwalay kami ng tulugan.” Mahinang sagot ni Divina.

“Ano ba yan Jerome! Ang hina mo talaga pare! Kung sakin yan..” hindi na naipagpatuloy ni Arnold ang sasabihin nito dahil agad-agad nahablot ni Jerome ang damit nito at aktong susuntukin na siya.

“Wag na wag mong babastusin si Divina. Dahil hindi mo alam kung ano talaga ang problema kung bakit samin nakatira si Divina.” Galit na galit na sabi ni Jerome. “Hindi ako kasing gago mo para Ibaba ang dignidad ko at dumihan ang karangalan ng isang babae. Huwag mo kong gayahin sayo.”

“Pare, tama na yan.” Inawat sya ni Richard.

Ang iba namang mga lalaki ay hinihigit na si Arnold papalayo. Si Divina naman ay kinabahan sa kung anong pedeng mangyari. Halos hindi na ito makahinga. Maya-maya ay binitawan ni Jerome si Arnold.

“Tol, sa susunod ingatan mo ang pagsasalita mo.” Sabi ni Charles, “Hindi magandang biro yan.”

“Tol, pasensya na. nagbibiro lang ako..” mahinang sabi ni Arnold.

“Okay lang, papalagpasin kita ngayon.”

Sa mga babae namang kasama ni Divina ay parang normal lang ang away na nangyari, “Divina bakit ka nga ba na kala Jerome?”

“Ahh, kasi inihabilin ako ng papa ko sa kanila, meron pa kasi siyang aausin..”

“Ahh.”

Bago pa makapagtanong muli ang mga kaklase nilang babae ay hinigit na siya ni Jerome palabas ng classroom.. kasama si Richard.

Nang makarating sila ng canteen ay nagsalita si Jerome, “Richard, anong ginawa mo?”

“ Pasensya na tol, nadulas lang talaga ako.. Minsan talaga hindi ko mapigilan ang bibig ko..”

“Sa susunod, lalagyan ko na nang plaster yang bibig mo.” Pananakot ni Jerome.

Sumingit si Divina sa usapan, “Sa susunod, tatanggalin ko ang bibig mo.”

Napaluhod si Richard, “Sorry na talaga!!! Wag ka namang ganyan Divina friends tayo di ba? Sorry na.”

Sa malayo ay merong babaeng nakikinig, “Jerome, akin ka lang.”


Chapter 12 – the Plan

Rinig na rinig ang tunog ng mga paang papalapit ng papalapit sa opisina ng SSG president, hindi naman ito lingid sa dalagang tahimik na nakaupo sa harap ng lamesa nito. Maya-maya’y umikot ang doorknob at bumukas ang pintuan, pumasok ang pigura ng isang babaeng pamilyar na pamilyar sa presidente.

“Anong pinunta mo dito? Alam mong delikado kang lumapit sakin, dahil alam nating parehong hanggang ngayon magkaagaw pa din tayo,” sambit ni Bridget.

“Ms. President, importante ito, hindi ba pedeng magtulungan muna tayo?” tanong ni Mian.

“Drop that crap Mian, I know you never like me being the Supreme Student Government president..” natigilan ito ng mapansin ang reyalidad ng mga pangyayari – ang pagpunta ni Mian, ang karibal niya kay Jerome-- “What’s the reason of your coming?”“Tungkol kay Jerome. Sila na ni Divina.”“Balita ko nga. At ipinagpalit niya ako sa isang babaeng kalahatin man lamang ay wala pang inangat sa’kin!!! Nakakabastos talaga!” biglang nagalit si Bridget pero maya-maya’y bumalik ang soft features ng mukha nito.“We need to devise a plan that will lead Divina or Jerome to refrain from falling in love with each other.” Mungkahi ni Mian.“Mian.. Mian..” sambit ni Bridget. “Masyado ka talagang mahina kahit noon pa. At ngayon sakin ka nahingi ng tulong?” Tumayo si Bridget sa upuan nito.“Anong gagawin mo?” Tanong ni Mian.“Well, I’ll just shoo that stinky cat away from my Jerome..” sambit ni Bridget habang nakangiting lumabas ng opisina niya at deretso sa kung saan..

Andoon si Divina.

“Divina, aalis lang ako saglit ha. Babalik din ako.” Pamamaalam ni Jerome.

Nang makaalis si Jerome ay dumating si Bridget kasama ang mga kaibigan nito. Umupo ito sa table katabi ni Divina.

“Waiter,” tawag ni Bridget kahit na kailangang pumila ang mga oorder sa canteen. Bukod kasi sa pagkapresidente niya ay siya ang nag-iisang mayamang anak ng may-ari Eros, ang pinakakilalang fashion brand.

“Yes, ma’am. Anong order ninyo po?” tanong ng “waiter”.“I would like some water for the meantime, kagagaling ko lang sa paglalakad ee. I need refreshments..” sagot ni Bridget.Mabilis na naikuha ng tubig si Bridget at ang mga kasamahan nito. Nang makaalis na ang waiter ay nahulog ni Bridget ang ballpen nito. “Oh my gosh.. Divina, can you please reach my ballpen for me?” “Okay.” Yumuko si Divina para abutin ang ballpen na nasa paanan lang naman ni Bridget. Maya-maya’y naramdaman ni Divina ang malamig na tubig na bumuhos sa katawan niya. Nang iangat niya ang ulo niya ay nakita niya si Bridget na may hawak na basong nakataob sa ibabaw ng ulo niya.“Oww.. sorry, my bad.” Pangiting paghingi ng tawad ni Bridget.Ang mga kasama pa nito’y kinuha din ang mga baso nila at ibinuhos ang malamig na tubig kay Divina, “Ooppss.. Sorry Divina.” Plastic na paghingi ng paumanhin ng mga ito.Naramdaman ni Divina ang mga dugo niya mula sa kalingkingan ng paa niya ay umakyat sa ulo niya pero pinigilan niya ito, “Para saan yon?”“Para sa pag-agaw mo kay Jerome! You flirt!” sinampal niya ito. “Never lay your dirty hands on my Jerome or else, you’ll never want to know what will happen to you.” pagbabanta ni Bridget.Tinangka ulit ni Bridget na buhusan si Divina ng tubig pero mabilis na nakuha ni Jerome ang baso nang makita ang nangyari sa saglit na pagkakaalis nito. Binuhos niya ang laman ng baso at kinuha ang pitcher na binigay ng waiter kay Bridget at maging iyon ay ibinuhos kay Bridget.

“Ahhhh!!!!” Napasigaw si Bridget sa sobrang lamig. “Halika na.” hinubad ni Jerome ang polo nito at isinuot kay Divina. “Uuwi na tayo.” At binuhat niya ito.Kumapit si Divina sa leeg ni Jerome, “Ah..” nahihiya itong magsalita.“Jerome!” sigaw ni Bridget, “Come back!”Hindi ito pinansin ni Jerome.Hinabol siya ni Bridget at hinigit ang manggas ng t-shirt nito, “Hindi ka ba man lang magsosori sakin?”“Ikaw ang dapat mag-sori. Wag mo na ulit sasaktan o papahiyain si Divina baka kung ano pang magawa ko sayo.” Galit na galit na sambit ni Jerome. Magkadikit na magkadikit ang upper and lower teeth nito at nanggagalaiti.Nang nagpatuloy sa paglalakad si Jerome ay nagsalita muli si Bridget, “Why HER!!!”Natigilan si Jerome at humarap kay Bridget, “You won’t understand, what’s important is I love her.” At tumalikod ulit ito at nagpatuloy sa paglalakad.-------`--------

“Jerome, mabigat ba ko?” tanong ni Divina nang ibaba na siya Jerome sa sofa.“Hindi, gusto mo buhatin ulit kita?” nakangiting sambit nito.“Ayoko nga!” pinigilan ni Divina ang malalakas na braso ni Jerome na kakargahin siyang muli, “Pagod na pagod ka na. Ano ba kasing nangyayari kay Bridget?” tanong niya.“Selos lang siya kasi ikaw pinili ko.” Nakangising sagot ni Jerome, “Kaya dapat matuwa ka.”Tinuktukan ni Divina si Jerome, “Yabang.”“Aray ang sakit!” sigaw ni Jerome.

“Aba anak andyan ka na pala..” natigilan si Mrs. Diaz ng makita ang anak nitong kaharap ang isang babae.

Chapter 13 – blessings

“Aba, salamat naman at merong babae dito sa bahay habang wala ako.” Wika ni Cynthia. “Kaya pala napansin kong malinis ang bahay. Akala ko nagbago nang anak ko.”

Tumawa si Divina, “Tita, hindi pa din po nagbabago yang si Jerome.”

“Arrrggg.. Pede ba? Andito lang ako, konting respeto naman.” Sambit ni Jerome na naglalaro ng solitaryo sa dining table.

“Hija, paki chop naman yung patatas.”

“Sige po.”

“Ahh, wala pala ako dito. Sige.” Inis na inis na sambit ni Jerome.

“Tita, bakit po kayo biglang napauwi?”

“Saglit lang ako dito, binisita ko lang si Jerome. Pinapabalik kasi agad ako ng employer ko dahil manganganak na ung asawa niya, syempre pera din yon nakakapanghinayang naman kung hindi mo pa kukunin.”

“Oo nga po. Sa panahon ngayon, mahirap nang hindi wais.”

Napansin agad ni Cynthia ang kagandahan ni Divina, mula sa light brown nitong buhok, asul na mga mata, maliit na labi, balingkinitan na pangangatawan at makinis at maputing kutis, at maganda at maliit na kamay. “Hija ang papa mo?”

“Ahh… bumalik po kasi syang California.”

“Ahh..”

Nang matapos silang magluto ay naghain na si Jerome at sabay-sabay silang kumain.

“Dahil sa pagbabalewala mo sakin kanina,” sambit ni Jerome habang inilalapag sa lamesa ang pinggan ni Divina, “Susubuan mo ko ngayon”

“Ha?” nagulat si Divina, “Andyan mama mo. Mahiya ka naman.”

Tumawa lang si Cynthia at sinabi, “Sige okay lang, masisiyahan akong panoorin kayo.”

“O, ayan na ha. Pumayag na si Mama.”

-----`------

“Ahh…” sambit ni Jerome habang ibinubuka ang bibig para lamunin(ng bonggang bongga) ang isinusubo ni Divina na pagkain. “Damihan mo naman ulam.”

“Oo na. Napakareklamador mo tlga. Ikaw na nga tong nagpapasubo eh.” Wika ni Divina.

“Syempre!”

Nangingiti si Cynthia sa sarili niya.

“Ano ang kulit naman e! Pano kita susubuan niyan!”

“Damihan mo kasi ung laman wag puro gulay!” angal ni Jerome.

-------`------

“Goodnight tita.” Paalam ni Divinia na handang-handa nang matulog.

“Okay, sleep tight hija.”

Nang makaalis na si Divina ay nagsalita si Jerome.

“Ma, buti nakauwi kayo.”

“Syempre naman. Hindi ko matitiis ang baby boy ko.” Kinurot ni Cynthia ang magkabilang pisngi ni Jerome.

“Ma, di na ko bata.”

“Oo nga..” napangiti si Cynthia, “Iniwan ko dati ang isang gradeschooler at ngayon binalikan ko ang isang binata.. na sobrang inlove.”

“Anong tingin nyo kay Divina?” tanong ni Jerome.

“Gusto ko siya. Mabait at mapagkumbaba. At higit sa lahat mahal na mahal mo. Hindi ako tututol anak. Magandang influence siya sayo. Namnamin mo ang pag-ibig na natagpuan mo, dahil lahat ng pagdadaanan mo ay magsisilbing leksyon at magandang alaala sa buhay mo.”

“Opo, ma.” Niyakap ni Jerome ang mama niya, “Mahal ko talaga siya ma. Never pa kong nakaramdam ng ganito. Alam nyo ba yung parang mababaliw ako pag hindi ko siya nakita or nakasama? Sya na talaga para sakin. Sya na habang buhay.”

“Oo anak. Naiintindihan ko. Ganyan din kami ng papa mo.”

------`-------

Nang marinig ni Divina ang pagbukas ng pintuan niya ay nagising agad ito sa kamalayan. Paglingon nito ay nakita niya si Tita Cynthia. “Tita.”

“Mama na lang, hija.”

“Mama,” naramdaman ni Divina ang kilig dahil lang sa salitang iyon na nabanggit niya. ang sarap palang maging ina ang ina ng taong mahal mo.

Chapter 14 – Sarah

“Ano ba itong kwarto ni Jerome, puro kalat!” ani Divina sa sarili niya habang tinitiklop ang kalat-kalat na damit nito na para bang dinaanan ng bagyo. “Hay nako. Hindi man lang nagtyagang maglinis ng sarili niyang kwarto.”

Nang buklatin niya ang pinaka-ilalim ng damitan ni Jerome ay may nakita siyang litrato ng isang batang babae. Maganda at maayos na nakabagsak sa likuran nito ang napakaitim nitong buhok na abot baywang at litaw na litaw ang simpleng kagandahan nito. Isang napakagandang halimbawa ng karikitan.

“Aalis lang ako ha. Sasamahan ko lang si Richard.” Naaalala pa ni Divina ang mga salitang binitawan ni Jerome bago umalis ng bahay kaninang umaga.

Nilinis mabuti ni Divina ang buong bahay, “Ma, makakaasa kayong aalagaan kong mabuti si Jerome.”

DING… DONG…

“Sino naman kaya ang magpupupnta dito?” naisip ni Divina.

DING.. DONG..

“Andyan na.” tumayo na si Divina para puntahan ang kung sino mang nasa kabilnang parte ng pinto.

“Hi Divina!” bumulagta kay Divina ang maamong mukha ni Mian.

“Ahh.. Hi! Pasok ka.” Imbita ni Divina.

“Si Jerome?”

“Wala sya eh. Pasensya na.”

“Okay lang.” umupo si Mian sa sofa na para bang pagmamay-ari niya ang buong bahay, “Ikaw naman ang sadya ko.”

Bumakas sa mukha ni Divina ang pagkagulat, “Ahh, saglit lang ikukuha kita ng maiinom.”

“Wag na,” ngumiti si Mian pero sigurado si Divina na hindi ito dahilan para maging magkaibigan sila, “Ang alam ko, kayo na ni Jerome,” itinaas nito ang isang kilay at itinagilid ang ulo, “Di ba?”

“Oo, bakit mo natanong?” pagkasabi’y umupo si Divina sa katapat na upuan ni Mian ng alukin siya nito.

“Wala naman..” nilibot ng tingin ni Mian ang buong sala na para bang nagbalik siya sa sarili niyang bahay na ‘yon. “Natutuwa naman ako, nakapag mpve-on na pala talaga si Jerome.” May tono sa pagkakasabi niya at naisip na ni Divina kung saan pupunta ang usapan at hindi maganda ang katapusan nito.

Nakita ni Divina ang mga dilaw na rosas na bigay ni Jerome kahapon at kumuha ng isa, “Meron ba kong hindi alam?”

“Wag mo sabihing..?” lumitaw ang plastik na pagkagulat sa mukha ni Mian, “Hindi mo pa ba kialla si Sarah?”

“Sino si Sarah?” humigpit ang pagkakahawak ni Divina sa tangkay ng Rosas.

“Oh God.” Umiling-iling si Mian, “Kahit kailan talaga napaka-malihim ni Jerom.. pero di ba ‘pag mahal mo ang isang tao sasabihin mo ang lahat sa kanya?” tumigil si Mian sa pagsasalita, waring pinag-iisipan ng mabuti ang mga salitang sasabihin, “Si Sarah..” tumigil siyang muli para huminga, “Sya ang kauna-unahang babaeng minahal ni Jerome.”

Muntikan nang masamid si Divina nang marinig ang mga salitang iyon kay Mian, “Hindi kita maintindihan..” at bumakas sa mukha ni Divina ang pagkalungkot at sakit.

“Ngayong nakita kita ulit, napansin kong may pagkakahawig nga kayo ni Sarah. Tama pala ang sabi ng mga kaklase natin.” Tinakpan ni Mian ang sariling bibig at nanlaki ang mga mata sa mga sinabi, “I think I said more than I should.. sorry..”

“Okay lang,” ngumiti si Divina, “Are there more things that I should know?”

“Hmm..” napakagat ng labi si Mian at inilihis ang tingin kay Divina, “I thingk si Jerome na ang dapat magsabi ng ibang detalye sayo..” tumayo si Mian, “I think I should go, I have things to do pa kasi.”

At umalis na nga si Mian. At kasabay noon ang pagkalaglag ng dilaw na rosas sa sahig at pagpatak ng luha mula sa mga mata ni Divina..,

“Andito na ko.” Ani Jerome ng makauwi na matapos samahan si Richard magpabunot ng ngipin, “pambihirang tao yon, duwag sa dentista! Kala mo naman papatayin siya!” natigilan siya ng makita ang nanlulumong rosas sa sahig, “Divina!” may nangyari kaya sa kanya???

Nang marating niya ang sala ay nakita niya si Divina na nakatanaw sa mga bituin. Nang maramdaman nito ang presensya ng ibang tao’y lumingon ito.”Jerome, andito ka na pala. Nakakain ka na ba?” nakita ni Jerome ang ngiti sa mga labi ni Divina pero hindi sa mga mata nito.

“May nangyari ba? Habang wala ako??”

“Wala naman..” nag-hesitate si Divina, “Bumisita nga pala si Mian..”

“Si Mian?!” halos isigaw na ni Jerome ang pangalan ni Mian sa sobrang gulat, “Bakit sya nagpunta? May sinabi ba siya sayo?”

“Nangamusta lang siya, ikaw talaga punta niya kaso wala ka,” kumuha ulit siya ng isang rosas, “May dapat ba syang sabihin..?” pinitas niya ang petals ng rosa, isa-isa, “May dapat ba akong malaman.?”

“Wala naman. Baka kasi sinisiraan ako sa’yo ni Mian alam mo namang gusto niya kong makuha di ba?”

“Oo..” umalis na si Divina patungo sa kwarto nito.

“San ka pupunta?”

“Sa kwarto, inaantok na ko.” Nagsinungaling siya.

“Nakakain ka na?”

“Oo,” kasinungalingan na naman.

“Matulog kang maigi ha..”

“I will,” isa pang kasinungalingan.

“I love you.”

“I love you too,” hindi alam ni Divina kung iyon ang katotohanan o kasinungalingan. At tumuloy na siya sa kwarto niya.

Dumeretso agad sa kama si Divina, “Ano bang nangyayari sa’kin? Pakiramdam ko hindi an ako yung dating Divina.. Bawal magsinungaling, pero nilabag ko pa din ang kautusan..”

~`~

“Ano bang nangyayari kay Divina? Parang noong umalis ako masaya pa siya tapos pagbalik ko tahimik na sya at para bang ang laki-laki ng kasalanan ko sa kanya..” sambit ni Jerome habang isinasara ang pintuan ng kwarto niya.

Nang makapasok na siya sa kwarto ay napansin niyang malinis na malinis na ito, “Nilinis pala ni Divina ang kwarto ko.” Anng lingunin niya ang cabinet niya ay nakita niya ang picture ni Sarah sa sahig malapit doon at agad niyang naalala si Divina. “Ito ba ang dahilan kung bakit nag-iba ang mood niya?” pinulot niya ang litrato ni Sarah at itinapon sa basurahan, “Ang babae talaga..” umiling-iling ito at natulog.

Chapter 15 – Outing

Hindi nagawang kausapin ni Jerome si Divina kinabukasan dahil nauna itong pumasok. “Naku, ganon na ba kalaking problema para sa kanya si Sarah para magalit siya sakin ng ganon?” sabi nito sa sarili habang naglalakad papunta sa classroom nila.

“Mukhang problemado ka ah?” bati ni Richard kasabay ng pagtapik sa balikat nito.

“Hindi naman.”

“Hindi pa sa lagay na yan? Eh sa tingin ko parang hindi ka na sisikatan ng araw bukas ee!” pabirong sabi nito.

“Kasi si Divina.”

“Oh.. anong tungkol sa kanya?” tanong ni Richard.

“Nakita niya kasi ang picture ni Sarah sa ilalim ng kabinet ko.. eh—“ hindi pa natatapos magsalita si Jerome ay nagsalita agad si Richard.

“Ni Sarah? May picture ka niya?”

“Oo..”

“At hanggang ngayon ay nasayo pa din?”

“Oo..”

“Kaya naman pala e. panong hindi magagalit yon sayo. Ilang taon na din ang lumipas pero hindi mo pa din tinatapon or something ung picture niya. Syempre magseselos yun.” Dahilan ni Richard.

“Pero, nakaraan ko na si Sarah eh. Sya na ang present ko. Pare, nakita mo naman kung gano ko siya kamahal di ba? Hindi pa ba sapat yon?”

“Pare, ganyan kasi talaga ang babae. Pero tol, mali talaga na itinago mo pa un.”

“Di ko nga alam na nandoon pa pala yon eh.” Natigilan sila sa pag-uusap nang makita nila si Divina.

“Oh, ayun siya. Kausapin mong maigi para magkaayos na kayo.”

“Sige wish me luck tol.”

“Okay.”

Kakausapin na sana ni Jerome si Divina ng biglang nagsalita si Mian sa harapan. “Guys meron daw tayong outing!!!” at nagsigawan ang buong klase. “Kill joy ang hindi sumama!”

“Teka san ba?” tanong ni Gladys, pinakamasayahin at happy-go-lucky na kaklase nila.

“Sa New day Beach Resort! Sagot ko! For 1 week!!!” at nagsigawan ulit sila.

“Sige sama tayong lahat diyan! Libre pala eh!” sagot naman ni Richard.

Masayang-masaya ang buong klase bukod kay Jerome at kay Divina, tahimik ang dalawa magkalayo ma’y nagpapakiramdaman. Si Jerome ay nakatayo sa may pintuan at nakatingin kay Divina na nakaupo naman sa may harapan ni Mian, nakapangalumbaba at malalim ang iniisip.

Nagpatuloy sila nang ganoon hanggang sa matapos ang klase. Sakto naman na ang cleaner ay si Divina kaya inintay ni Jerome mawala ang mga kaklase nila.

“hoi, Richard bakit andito ka pa?” sabi ni Jerome kay Richard na nakasandig sa pintuan.

“Bakit masama magpaiwan?”

“Eh kasi gusto ko sana makausap ngayon si Divina, di ba nga mag-e-explain ako.”

“Bawal ako manood?” tanong ni Richard.

“Hay nako. Pasaway.” Minsan talaga nakakainis din ang masyadong pagtulong ng kaibigan, naisip ni Jerome. Lalo na kung si Richard lang din. Hay nako..

Nagsimula nang maglinis si Divina, pinanood lamang siya ni Jerome.. naghihintay ng tamang oras para gambalain na siya. Nang makita nitong walang mangyayari sa pag-iintay, kinausap na niya ito, “Divina, we need to talk.”

“Busy ako.” Sagot ni Divina habang nagwawalis ng sahig.

“Pero Divina, this can’t wait.”

“Kung gusto mo kong kausapin, maghintay ka dyan.” Plainly replied by Divina. Nakatalikod pa din ito sa kanya.

“Pero –“

“Ano pa bang dapat nating pag-usapan!!!?” sigaw ni Divina. Napuno na ito.

“I need to explain myself.” Agaran namang isinagot ni Jerome.

“There’s no need to explain Jerome. Alam ko nang lahat, Mian told me.”

“Mian? Bakit ka maniniwala sa kanya? She’s wicked!” sigaw ni Jerome. Pero hindi siya galit kay Divina. Naiinis lang siya dahil nagawa nitong maniwala kay Mian. At kay Mian naman dahil naisipan pa nitong manggulo.

“The mere fact na hindi mo man lang sinabi sakin na once in your life may nakilala kang Sarah and that YOU loved her gives me every reason na paniwalaan si Mian.”

“Bakit ko naman sasabihin sayo? The talk’s not worth it. Sarah WAS my past. YOU are my PRESENT! Why bother? I never thought it would be important.”

“Of course its important! Kahit na nakalipas na ‘yon may koneksyon pa din sayo iyon. At sa ngayon tayo, kaya ibigsabihin noon meron akong pakialam sayo.”

“Divina, wag mo nang palakihin to! Parang batang babae lang galing sa nakaraan ko ang pinagtatalunan natin ah!” nainis na si Jerome.

Nasampal siya ni Divina and with teary eyes at may panginginig sinabi nito, “Wag na wag mong sasabihing pinapalaki ko to. Kasi napakasakit sakin na sa iba ko pa malaman. At makita kong nakatago ang litrato niya sa ilalim ng kabinet mo. Wag mong kakalimutan na ang kaibahan nating dalawa.” At umalis ito.

“tsk.. tsk..” pailing-ilingsabi ni Richard matapos makaalis ni Divina, inilagay nito ang kamay sa balikat ni Jerome, “Ayun naman pala tol. Sa iba pa niya nalaman.”

“Tigilan mo nga ko. Problema ko to at ako lang ang makakasolve.” Sinundan ni Jerome si Divina.

“Tol!” tawag ni Richard. “Hay nako.” Pagtingin nito sa paligid ay narealize nitong hindi pa nalilinis ang classroom. “Jerome!!! Sinong maglilinis nito!” nang hindi ito sumagot, naisip ni Richard na wala na ito. Nagsimula na itong maglinis-linis, “Cleaners pa man din ako kahapon.. ano ba yan.”

Nagtatakbo si Jerome, kung saan-saan at nang hindi ito nahanap, nagpasya siyang umuwi sa bahay.. nang malapit na siya sa tirahan ay nakita si Divina na papasok at mabilis itong sinundan, “Divi—“ kakausapin niya sana ito nang makapasok na sila nang biglang nakita niya ang isang babae na nakatayo sa loob ng bahay nila. “Hello Divina!!! Long time no see!” bati nito with smile kay Divina.

“Sino yan!” tanong ni Jerome.

“Sino ka?” tanong nito sa kanya.

“Ah.. Faith, sya si Jerome.. Jerome si Faith..” medyo naiilang na sagot ni Divina.

Chapter 16 - Revelation

“Ok naiintindihan ko na.. sa tingin ko..” naghihimas pa ng babang sabi ni Jerome habang naka-de-kuatro sa sofa kaharap nila Divina. “Magkaibigan kayo? At matagal na kayong nagkahiwalay and then ngayon natrack down ka na niya?” sabi nito kay Divina.

Divina nodded, “Faith is one of my closest friends. Matagal na siyang andito sa mundo dahil sa mission niya.”

“Divina, kelan ka pa nandito?” tanong ni Faith habang magkahawak sila ng kamay.

“Mag iisang taon na din ata.” Sagot naman nito.

“Sya nga pala may sasabihin akong importante sayo.” Sabi ni Faith.

“O sige doon tayo.” Divina guide her to her room.

Napakamot sa ulo si Jerome, “Kung kelang handa na kong mag-explain nabulilyaso na naman.. tsk.. “

“Divina, bakit ka ba naglayas?” tanong ni Faith, “Dahil ba kay Con?”

Nagulat si Divina, “Pano mo nalaman?”

“Halata naman.” Lumapit si Faith sa kanya, “Nag-aalalang maigi sayo ang mama at papa mo. They just wanted you back. “

“Pero nilayo nila sakin si Con.. I have no choice but to leave them.”

“Sige, sige naiintindihan kita.” Hinawakan ni Faith ang mga kamay ni Divina, “I’ll help you find him.”

“Salamat.” Napangiti si Divina, if there’s one person she can count on si Faith un.

“Si Jerome, sya ba ang aalagaan mo?”

“Actually, that was my pretense..” guilty na sagot ni Divina.

“Divina! Bawal yon! Mapaparusahan ka pag bumalik ka sa langit. They will surely know it.”

“I know. I know. Pero that doesn’t matter for now.”

“You know, Jerome loves you.” Confessed Faith.

“Wag mong sabihing binasa mo ang iniisip niya?”

“Divina, kahit hindi ko na basahin ang isipan niya sa tingin pa lang niya sayo at sa mga ginagawa niya halatang-halata na mahal na mahal ka niya.” Napapangiting sagot ni Faith, “Ang tanong.. mahal mo ba siya..?”

“Ewan ko..” matapat na sabi ni Divina, “Hindi ako sigurado..” medyo kumirot ang puso ni Divina.

“Pano si Con?” tanong ni Faith, “Pano ang sinakripisyo mo?”

“Hindi ko din alam.” Suddenly naramdaman ni Divina ang mga luha sa mata niya, “Hindi ko na alam..” she said between sobs.

“Divina..” niyakap siya ni Faith, “It’s okay.. hindi ka nag-iisa.”

Ang hindi nila alam ay nasa labas lamang ng pinto si Jerome. Umalis din ito makalipas ng ilang minuto at natulog ng parang bata sa kama niya.

“Ano bang gagawin ko… Sinong Con yon..” pakiramdam ni Jerome ay mababaliw na siya, kasinungalingan lang pala ang lahat.. “Pero mahal ko siya.. hindi ko kakayaning mawala siya kahit masakit para sakin tanggapin..”

“Head count tayo guys! Kumpleto na ba?” tanong ni Bridget.

Lumilipad naman ang isip ni Divina, hindi niya parin maalis sa isip ang tanong ni Faith.. sino nga kaya sa dalawa ang pipiliin niya sa huli? Si Con ba na pinagsarkripisyohan niya? O si Jerome na natutunan na niyang mahalin? Mahahanap pa kaya niya si Con? Kataka-taka din ang hindi paglabas ni Jerome para kumain ng hapunan nang nakaraang gabi. Nang umaga nama’y nauna na itong umalis at nag-iwan na lamang ng agahan.

“Jerome okay ka lang?” tanong ni Richard.

“Oo naman..” sa tingin ko.. buong gabi siyang hindi makatulog. Nagkapatong-patong ang problema nila ni Divina. Nagkaroon pa sila nang kaunti pang agwat dahil laging nasa tabi si Faith na nakakapagpa-asiwa kay Jerome.

“Hindi pa rin kayo nagkakaayos?” tanong ni Richard.

Umiling lamang si Jerome.

“hay nako. Ligawan mo kaya ulit?” tanong ni Richard. “Tamang-tama magkakaroon tayo ng party mamayang gabi.. e di maghanda ka na para sa pag-peace offering mo.”

“Divina, may nararamdaman akong kakaiba sa lugar na to.” Sabi ni Faith.

“Bakit ako wala akong maramdaman?” tanong ni Divina.

“Eh? Pede ba yon? Basta merong taong may kapangyarihan na nandirito lang sa tabi-tabi.”

“Guys, mamayang gabi punta kayo dun sa bungalow. Merong kaming malaking sorpresa.” Sabi naman ni Bridget.

“Faith saan mo nararamdaman ang kapangyarihan na yon? Hanapin natin.” Sabi ni Divina.

At sinundan nga nila ang instincts ni Faith, they’ve been led to a distant seaside with a man facing his back to them. Natigilan si Faith, nagulat si Divina.. its Con.

“Con!” sigaw ni Divina habang tumatakbong papalapit sa binata.

Lumingon ang lalaki at si Con nga ito, “Divina!!” nakangiting sambit nito, tumakbo din itong papalapit sa kanya.

Nang magkalapit na sila’y nagyakap sila ng mahigpit na mahigpit. At hinawakan ni Con ang buhok ni Divina at sinabi, “Buti naman sinundan mo ako. Nangungulila ako sayo araw-araw..”

“At ako din.”

“Con! Long time no see.” Casual na sabi ni Faith.

“Faith, andito ka din pala.” Mukhang kinakabahan na sagot ni Con. Pero hindi ito alintana nang dalawa.

“Dito ka ba napadpad?” tanong ni Divina.

“Oo,”

“Ilibot mo naman kami,” yaya ni Divina.

“Ang mama at papa mo?” pagdaka’y tanong ni Con habang naglalakad sila.

“Andun pa din sila.. di naman sila aalis don kahit anong mangyari.. mas kailangan sila don.” Malungkot na sabi ni Divina.

“Wag kang mag alala.” Nakangiting sabi ni Con habang hawak ang balikat ni Divina, “Andito naman ako.”

“Padilim na Divina, bumalik na tayo.” Sabi ni Faith.

“Con, sumama ka na samin.” Sabi ni Divina.

“Sige.”

Chapter 17 – the party

“Jerome, sino yon?” tanong ni Richard nang makitang may kasamang unidentified specie si Divina at Faith.

“Hindi ko alam.” Sagot ni Jerome. Kahit siya’y naiintriga din sa lalaking kasama nina Divina, may itsura ito, maganda ang pangangatawan at matangkad nang kaunti sa kanya. Ano naman kung mas matangkad siya! Ako naman ang boyfriend ni Divina.. at least hindi pa siya nakikipag-break. At lalo siyang nainis nang marealize na delikado ang kalagayan niya.

“Tol, nagseselos ka ba?” tanong ni Richard na napapangiti.

“ha? Hindi ah!” pinilit ni Jerome I-deny ang katotohanan.

“Anong hindi?! Kitang-kita ko sa tingin mo sa lalaki. kung matingnan mo parang dudurugin mo sya anytime! Malay mo naman old friend ni Divina yon na ngayon niya lang nakita ulit.”

Ung Con! Biglang sumagi sa isipan ni Jerome ang pinag-usapan ni Divina at Faith kahapon at lalo siyang nanggalaiti sa lalaki.

Padabog siyang pumunta sa lugar nina Divina kung saan nagtatawanan ang mga ito at kinuha ang kamay ni Divina at kinaladkad siya paalis.

“Pare, mali naman ata yang ginagawa mo.” Pigil ni Con matapos ang ilang pag-angal ni Divina sa pagsama kay Jerome.

“Pare, wag kang makialam dito kasi problema naming dalawa to.” He put a finger on Con’s chest to press his message on the man’s brain.

“Sige na.. sasama na ko.” Naiinis na sabi ni Divina, hinila nito ang kamay sa pagkakahawak ni Jerome at tumindig, “Babalik ako.”

“Anong sa tingin mong ginagawa mo?” tanong ni Jerome nang makalabas na sila.

“Ano pa edi nagpapakasaya?” sagot ni Divina.

“Wag ka ngang mamilosopo. Sino ung lalaking un???” tinuro ni Jerome ang bungalow kung saan andoon ang lalaking kinaiinisan niya.

“Siya si Con.”

“Alam kong siya si Con. Ang punto ko, bakit andito yung lalaking yon?” nagagalit na tanong ni Jerome.

“Teka nga wag kang masyadong mainitin ang ulo ha. Wala naman kaming ginagawang masama eh!”

“Anong wala?”

“Jerome, masyado ka nang napaparanoid, ayoko na. Mag-cool off muna tayo.”

Sa sobrang bilis nang pagkakasabi ni Divina ay muntik nang di naintindihan ni Jerome ang ibigsabihin nito. “Divina.. “ sinimulan niyang amuin ito.

“No, please.” Lumayo si Divina, “Cool off muna tayo. Hindi lang dahil sa away natin but because naguguluhan din ako sa feelings ko.” Hindi ako dapat masaktan di ba? Pero bakit ganon? Habang nakikipag-cool off ako sa kanya parang sarili ko lang din ang sinasaktan ko?

“Wait – ”

“Guys! Please go inside.” Yaya ni Mian kaya’t naputol ang sasabihin ni Jerome. Naunang pumasok si Divina at sumunod naman si Jerome.

“Guys talking about parties. We have a surprise for you! Our old friend.. Sarah!” announce ni Bridget pagkapasok na pagkapasok nina Jerome.

Agad namang napalingon si Jerome sa stage, nakita nga niya si Sarah. Maiksi na ang buhok nito pero hindi parin ito naging kabawasan sa kanya. Nakangiti ito at may kaunti pa ring hiya. Napatingin ito sa direksyon ni Jerome at napaglalo pa ang ngiti nito. Kinawayan siya ni Sarah at nakaramdam si Divina ng bagay na hindi niya alam na pede pala niyang maramdaman.

“Hello guys, na-miss ko kayong lahat.” Bati ni Sarah.

Kinantyawan naman sila Jerome at Sarah ng mga kasamahan nila, dumerederetso naman si Divina papunta sa mesa kung saan nandoroon sila Faith at Con. Sinubukan ni Jerome na pigilan ito sa paglayo ngunit ang bilis nito.

“Sarome! Sarome! Sarome!” tukso ng mga kaibigan nila.

Tinulak naman si Jerome papunta sa stage ng mga kalalakihan.

“Hi Sarah.” Bati ni Jerome.

“Hello.” Sagot naman ng dalaga.

Nang makita ni Jerome ang reaksyon ni Divina sa mga nangyari, nagkaroon sya ng ideya.

“Divina ok ka lang?” tanong ni Con.

“Oo naman.” Sabi ni Divina. Kahit ang totoo’y matutunaw na siya sa sobrang selos.

“Mahal kita.” Sabi ni Con.

Hindi nakasagot si Divina, ngumiti lamang siya. Hindi niya masabi ang mga salitang iyon kay Con. Anong nangyayari sa kanya? Parang dati’y halos ipagsigawan na niyang mahal niya ito, ngayo’y hindi na niya masambit ang mga salitang iyon kahit pabulong. Si Jerome.. kung si Jerome at si Con ay iisa, di na sana sya malulungkot pa ng ganito. Bakit ba kasi pag mahal mo ang isang tao ang daming iba diyang haharangan kayo? At bakit ba kasi nakilala pa niya si Jerome.. hindi sana siya malilito ng ganito.. Mahal niya si Jerome.. sobra. Pero si Con.. siya ang bagay sa kanya. Pareho silang anghel. Pero hindi na niya ito mahal. Si Jerome na.

Hindi, si Con ang mahal ko! Siya lang. pinilit isipin ni Divina kahit alam niyang sa puso niya’y pangalan ni Jerome ang sinisigaw.

Pero okay na din siguro ito.. sabi ni Divina sa sarili.

Chapter 18 – 2geder(heehee)

“Divina, mukhang masama ata ang timpla mo ngayon?” tanong ni Faith.

Hindi na nagsalita pa si Divina. Pano kasing hindi sasama ang mood niya eh buong araw siyang nag-ngingit-ngit sa selos. Pinagkakantyawan kasi sina Jerome at Sarah, eto namang si Sarah ay namumula sa sobrang kilig. Akala mo ikaw lang Jerome!? Tingnan mo to, “Con, punta tayo sa may dalampasigan gusto kong makalanghap ng sariwang hangin.” Nakangiting yakag ni Divina.

Sa kabilang banda naman ay halos sumakit na ang ulo ni Jerome sa sobrang ingay nang mga kaibigan nito, wala na kasing magawa ang mga ito kundi kantyawan sila ni Sarah. Gumawa pa ang mga ito ng paraan upang ang dalawa lamang ang magkasamang kumain. Wala namang magawa si Jerome kundi hayaan na lamang sila sa gusto nila dahil wala naman siyang ibang mapupuntahan, hanggang ngayon kasi’y galit pa din si Divina sa kanya.

Nang makita niyang palabas ng bungalow si Divina at Con, ay halos sumabog na ang utak nito sa sobrang kaguluhan. Iniisip siguro ni Divina na pinagseselos niya ito gamit si Sarah. Bumuntong hininga si Jerome. Ang babae talaga, mahilig magpalawak ng mga bagay-bagay.

“Sarah,” sambit ni Jerome habang papatayo.

“Ano yon?” nakangiting baling sa kanya nito.

“Lalabas lang muna ako ha. May pupuntahan lang.”

“O sige.”

“Wow, ang ganda talagang tingnan nang dagat pag papalubog na ang araw no?” sabi ni Divina kay Con.

Tumango naman ito at nagwika, “Lalo na pag kasama mo yung taong mahal mo.” Hinawakan nito ang kamay ni Divina.

“Ah..” hindi makapagsalita si Divina, hindi niya alam kung anong dapat sabihin dito. Ngumiti na lamang ito at inilayo ang titig sa binata.

Maya-maya’y tumayo si Con, “Divina, maiwan na kita. Meron pa nga pala akong kailangang asikasuhin.”

“Ha? Akala ko ba’y dito sa amin matutulog?” tanong ni Divina.

“Pasensya na. Nakalimutan ko kasing kailangang-kailangan ko nga pala itong tapusin.”

“Ano ba yon?” na-curious si Divina dahil sa mukha ni Con, mukhang kailangan niya talagang umalis.

“Sabihin ko sayo pag naayos ko na ha.” Hinawakan ni Con ang kamay ni Divina at hinalikan ito.

“Hay..” pagkaalis ni Con ay umupo si Divina sa buhanginan.

Walang epekto sa kanya ang halik ni Con sa kamay nito. Walang spark! Sambit ng dalaga sa sarili. Hindi kaya nawala na talaga ang pagtingin niya kay Con? Hindi kaya si Jerome na talaga ang mahal nito?

“Ang lalim ata nang iniisip mo.” Wika ni Jerome na hindi namalayan ni Divina na katabi na niya.

Nagulantang si Divina sa biglang pagsulpot ni Jerome, “Ano ba! Bat hindi ka nagsasabing andyan ka pala.”

“Ayoko kasing istorbohin ang pag-iisip mo.” Tiningnan siya ni Jerome sa mga mata nito, “Tigilan na nga natin to.”

“Ang ano?” tanong ni Divina.

“Ang pagsama mo kay Con para pagselosin ako at ang ‘hindi sinasadya’ na pagsasama namin ni Sarah na dahilan ng pagseselos mo.”

“Anong selos? Ako? Hindi ako nag seselos Jerome. Atsaka sabi ko naman sayo tapos na tayo.” Aktong papatayo na si Divina nang hawakan ni Jerome ang kamay niya. Animo’y na fatal shock si Divina sa paghawak na iyon ni Jerome sa kamay niya, na kung tutuusi’y hinalikan na ni Con pero wala man lang nangyaring kahit spark.

“Sabihin mo ngang hindi mo ko mahal nang nakatitig ka sa mga mata ko?” hamon ni Jerome.

Hindi nakapagsalita si Divina. Hindi niya kaya, dahil talagang mahal na mahal niya ito. Pilitin man niyang sabihin na hindi na niya ito mahal, ang mga mata niya ay patuloy lamang na ipagtatapat dito ang walang hanggang pag-ibig niya.

“Tingnan mo na,” nakangiting hinaplos ni Jerome ang pisngi niya pagkatapos ay hinalikan ang kanyang kamay.

“Oo, mahal kita. Pero andito na si Con, at kasama mo na si Sarah. Wala na tayong magagawa.”

“Si Sarah? Kaibigan ko lang siya Divina. Kung dati man ay merong namagitan samin, ngayon wala na. Nakalipas na yon. Ikaw ang ngayon ko, tayo.”

“Si Con ang dahilan kaya ako pumunta dito. Si Con ang dahilan kung bakit ako naglayas samin at naglakbay papunta dito.” Nag-aalangang pagdadahilan ni Divina.

“Pero sya ba ang dahilan kung bakit ka nagtagal dito?” tanong ni Jerome.

Natigilan si Divina. Si Jerome. . Siya ang dahilan kung bakit siya nagtagal dito. Ano bang pumasok sa isip ni Divina? Mahal niya si Jerome at ganon din ito sa kanya. Meron pa bang mas importante pa doon? Ano pang saysay nang mga pagdadahilan niya at pag-aalala sa mararamdaman nang iba? Masaktan na ang dapat masaktan. Parte talaga iyon nang pag-ibig. Kung hindi niya lalakasan ang loob at ipaglalaban ang nararamdaman niya para kay Jerome, buong buhay niya itong pagsisisihan. Hindi niya gustong pagsisihan iyon.

“Mahal na mahal kita Divina, wag na tayong maglaro pa. Tapusin na natin to. Sa’kin ka na lang.” at niyakap siya nito.

Tumango si Divina habang walang tigil na tumutulo ang mga luha niya, “Sige, bukas na bukas din ay sasabihin ko na kay Con na hindi ko na siya mahal. Para makapagsama na tayong muli. Ipapakilala kita sa mga magulang ko.” Nakangiting sambit ni Divina.

Pinunasan ni Jerome ang mga luha ni Divina gamit ang panyo niya, “Wag ka nang umiyak mahal ko. “

At magkasama silang bumalik sa bungalow.

Chapter 19 – lies

“Divina!” sigaw ni Con.

“Con!” nagtatakbong tawag ni Divina. Naririnig niyang tinatawag siya ni Con pero hindi niya ito makita. Tumakbo siya nang tumakbo patungo sa kakahuyan. Palingalinga siya, hinahanap kung asan si Con. Nang malapit na siya sa duluhan nang kakahuyan ay nakita niya si Con na nakatali sa isang poste sa kalagitnaan ng parang. “Con!” muling pagtawag ni Divina nang malapit na niya itong mapuntahan.

“Divina! Wag kang pumunta dito delikado!” sigaw ni Con.

“Con!” hindi inintindi ni Divina ang babala ni Con.

“Con!” sigaw nang hinihingal na si Divina at pagmulat nang mata niya’y nakita niyang nasa loob sya nang tent nila ni Faith. Lumingon ito upang hanapin si Faith at nakita itong mahimbing pang natutulog.

Panaginip lang pala. Isang masamang panaginip. Pero bakit hindi mapakali si Divina? Bakit parang totoong-totoo ang mga nangyari sa panaginip niya. Naisip nitong baka nagpapahiwatig si Con nang paghingi niya nang saklolo.. Baka nasa panganib ito! Nagmadali itong lumabas nang tent at iniwanan na lamang ng sulat si Faith. Paglabas niya nang tent ay napansin niyang maaga pa pala. Nagmadali ito at tinunton ang lugar sa panaginip niya.

“Con!” sigaw ni Divina nang matunton na niya ang lugar na nasa panaginip niya. Nakita niya ito na nakatali sa poste, katulad na katulad ng panaginip niya.

“Divina,” hindi niya nakita ang takot sa mga mata ni Con, para bang nag-aalangan ito.

Humakbang papalapit si Divina at bigla na lamang nanigas ang buong katawan niya, hindi niya ito maigalaw. Biglang lumitaw sa kawalan ang isang babaeng may itim na buhok at berdeng mata, merong nakalolokong ngiting nakapaskil sa mga labi nito, at bigla itong tumawa nang malakas.

“Sino ka!?” tanong ni Divina. “At anong pakay mo kay Con?”

“Ako?” tumawa itong muli at naglolokong yinuko ang ulo nito bilang simbolo nang ‘paggalang’, “Ako si Devon.”

“Bakit mo binihag si Con? Anong kailangan mo?”

“Ah, si Conrad ba? Halika dito aking mahal.” At nawala ang mga kadenang nakabalot sa katawan ni Con at lumapit kay Devon.

Nagulat si Divina, “Anong ibigsabihin nito Con?!!!”

Tumawa ulit nang malakas si Devon, “Nakakatuwang pagmasdan ang gulat sa mukha mo, Divina.” Ngumiti ito, “Kung hindi mo natatanong, si Con ay ang aking pinakamamahal na anak,”

Halos himatayin si Divina sa sobrang gulat, “Con?”

“Sorry Divina, ginawa ko lang kung anong tungkulin ng isang mabuting anak.”

“Tama, Con. Kaya naman natutuwa ako sayo.” Sabi ni Devon.

“Kung ganon, ako ang pakay mo? Bakit? Gusto mo bang maging reyna nang kalangitan?” naguguluhan si Divina, niloko siya ni Con.. Ang lalaking naging una niyang tunay na kaibigan, ang kababata niya at ang naging rason nang pagpunta niya dito. Lahat ng mga pinagdaanan nila ay isang kasinungalingan lamang! Lahat nang pagmamagandang loob na pinakita nito sa kanya ay pabalat-bunga lamang.

Tumawang muli si Devon, “Kalangitan ba kamo? Ha! Talagang wala kang kamalay-malay sa mga bagay-bagay ano?”

Napuno na si Divina kaya’t tinawagan niya ang hangin para tangayin ang babaeng nasa harapan niya, ngunit hindi ito sumunod. Nagulat si Divina habang si Devon naman ay tumatawa.

“Divina, mahal ko. Hindi mo pala alam na habang nasa mundo ka ng mga tao ay unti-unting nawawala ang bisa ng Life glass mo.”

“Anong life glass??” naguguluhang tanong ni Divina.

“Kailangan ko bang ipaliwanag ang lahat sa iyo?” tumawa si Devon, “Sige, mamaya sasabihin ko sayo kung ano iyon. . Bago ko tapusin ang buhay mo at maging reyna nang bagong mundo!” tumawa ito nang malakas. “Wag kang mag-alala tatawagan natin ang kaibigan mong si Faith para naman mapagbigay alam sa mga magulang mo ang sasapitin mo.”

Chapter 20 – between life and death

“Our Divina is a special angel. Noong bagong panganak siya ay naging sakitin siya. Nag-alala na nga kaming mag-asawa sa kung anong maaaring mangyari sa anak naming kapag hindi siya nagawan ng lunas.” Saad ng mahal na reyna – ang ina ni Divina, “ Isa sa mga matatalik naming kaibigan – si Eremes –ang tagapagtanggol at tagapagbantay ng life glass, ang nagmungkahi na kung gagawin si Divina na sisidlan nito ay maaring mabuhay pa ang anak namin. Pero ang kapalit naman ay papasanin naming mag-asawa ang responsibilidad hindi lamang sa buhay ng anak naming kundi pati na rin sa kaligtasan ng life glass.” Malungkot nitong pagsasalaysay.

“Ano po ba ang life glass???” inosenteng tanong ni Jerome.

“Jerome, ang life glass ang nagpapanatili sa buhay ng lahat ng nilalang – sa lupa man o sa langit – kung wala may mangyari dito, lahat tayo dito ay maglalahong parang bula.” Paliwanag ni Faith.

“E ano namang pakay ng kumuha kay Divina sa life glass? Kung delikado naman pala ito at sa isang iglap ay pedeng maglaho tayong lahat?”

“IYON ang hindi natin alam..” sagot ng mahal na reyna.

Agad-agad tinawagan ni Faith ang mahal na hari’t reyna nang makatanggap siya ng mensahe galling kay Devon. Sa kasamaang palad, hindi maaring makasama ang ama ni Divina dahil hindi maaring iwanan ang kalangitan ng hari nito. Ngayon ay nag-iisip sila ng kung anong maaring gawin para makuha si Divina mula sa Devon na iyon.

“Bakit hindi nagawang ipagtanggol ni Divina ang sarili niya?” tanong muli ni Jerome.

“Dahil.. isa sa mga epekto ng life glass ay ang pag-eliminate ng magic sa lupa..” sagot ng mahal na reyna.

“Alam po ba iyon ni Divina???” tanong ni Faith.

“Hindi..” malungkot na sagot ng Reyna.

“Hindi mo pa ba naiintindihan Divina?? Hindi mo ko malalabanan!!! HaHAHA!” ani Devon, “Wala kang kapangyarihan kung nasa lupa ka!” nakangisi pa nitong papanunutya.

“Intayin mo lang makapunta dito ang mga magulang ko! Demonyo ka!” sigaw ni Divina.

“Aba, sinong matatakot? Iyon naman talaga ang pakay ko! At isa pa Divina, “ pahabol ni Devon, “Devil is what I am.” Naramdaman niya ang presensya ng kapangyarihan kaya naman tumayo ito. “Aba, at andito na ata ang aking importanteng bisita.”

Naramdaman ni Divina ang kapangyarihan ng kanyang ina at ni Faith, nakahinga siya ng maluwag. Pero naramdaman niya ang presensya ng isang normal na tao.

JEROME!

Napuno ng pag-aalala si Divina, sigurado siyang kakayanin ng mama niya at ni Faith ang labanan si Devon pero ang isang taong tulad ni Jerome? Pagpapatiwakal ang tawag doon..

“Aba, mahal na reyna,” Devon made a mocked bow, “Mabuti naman po at napadaan ka sa aking tahanan.” Nakangisi pa nitong saad.

“Devon, drop the pretense. Anong gusto mo?” garapal na tanong ng reyna.

Dumeretso ng tayo si Devon, “Ang scepter ng hari.. Korona niya. At ang kapangyarihan upang paikutin ang buong mundo. Kapalit,” tumingin sa likuran si Devon at pinakita sa kanila si Divina na nasa loob ng isang malaking hawla, “Ang buhay ng pinakamamahal ninyong anak.”

“Mahal na rey—“ aangal na sana si Faith ng biglang sumagot ang reyna.

“OKAY. Kung iyon ang tanging paraan para mapabalik sakin ang anak namin.”

Bago sila umalis ay binalaan sila ni Devon, “Huwag na huwag ninyong iisiping gumawa ng plano behind my back. Ang buong lugar na ito ay hindi tinatablan ng magic. Kaya mababalewala lang kung aatakihin ninyo ako para makuha ang anak ninyo. Kailangan bago lumubog ang araw bukas ay nasaakin na ang mga hinihingi ko kundi…”

Alam na nila Jerome kung anong mangyayari ‘pag hindi sila tumupad sa usapan. Kumirot ang puso niya, pa’no kaya kung siya ang nasa posisyon ng mga magulang ni Divina? Mahalaga si Divina pero nakasalalay sa kanila ang welfare ng buong mundo. Responsibilidad o pamilya? Hindi naman sila pedeng umatake dahil walang mangyayari, baka gumulo lang lalo ang lahat pag ginawa nila yon.

“Mahal na reyna bakit kayo sumang-ayon nang basta-basta? Sobra ang hinihingi niya! Kapakanan ng buong mundo ang maaapektuhan?” sabi ni Faith.

“Alam ko iyon, hija. Pero wala akong magagawa.. hawak niya si Divina..” was all the queen could say.

“Mahal na reyna.. may plano po sana ako kung mamarapatin ninyo.” Presinta ni Jerome. “Hindi nyo nap o kailangang isuko ang lahat.”

“Huh?” naguguluhang sagot ng reyna.”

“Magtiwala alng po kayo sa akin.”

“Mom.. I’m sorry..” sambit ni Divina habang humihikbi, “Sumunod dapat ako sa inyo. Kung hindi ko ito ginawa di sana wala kayong problema ngayon..” wika nito sa sarili.

“Divina. Wag kang umiyak-iyak diyan.” Nakangiting sambit ni Devon. “Buti nga’t andito ka sa poder ko ee. Napakabait talaga ng mama mo biruin mong pumayag siyang ibigay lahat sakin para lang makuha ka ulit? Ang mga ina nga naman.”

Chapter 21 – Ending

“Con!” pumunta naman sa kinaroroonan ang lalaki matapos tawagin ni Devon. “Bantayan mong maigi si Divina. Habang hihintayin ko sa may bulwagan ang aking mga bisita.” Tumatawa pa itong umalis.

Tumungo lamang si Divina. Hindi niya gusting makita ni Con na umiiyak siya. Hindi pwede. Lalo lang ito matutuwa sa sitwasyon niya ngayon. Hindi pa din siya makapaniwala. Pano sya nagawang lokohin ng binata? Napaniwala siya nito na totoo ang pag-big na nararamdaman nito para sa kanya pero ngayon, patibong lang pala ang lahat! Hindi niya na alam kung anong gagawin niya…

“Sorry..” mahinang sambit ni Con.

Inangat ni Divina ang ulo niya, naguluhan siya sa sinabi ni Con kaya hindi sya nakapagsalita.

“Hindi ko sinasadyang saktan ka at lokohin..”

“Pero ginawa mo pa din.” Sagot ni Divina.

Aktong magsasalita na si Con, pero natigilan ito. Siguro dahil alam niyang wala siyang maisasagot sa sinabi ni Divina. Maya-maya ay umupo ito, naawa si Divina sa itsura nito. Para syang isang lalaking nawalan ng lahat ng meron siya. “Wala akong magagawa. Siya ang ina ko. Ang isang taong meron ako.” Hopeless na sagot ni Con.

Hindi umimik si Divina.

“Divina, kung may magagawa lang ako para hindi ka na maghirap dito.. kung kayak o lang baguhin ang lahat. Gagawin ko, pero hindi na pwede. Paparusahan ako ni Devon pag pinakawalan kita.. at isa pa’y wala ding mangyayari kung magtatangka akong pakawalan ka dahil sensitive sa magic ang hawla mo. Malalaman ni Devon kung may gumagalaw niyan.”

Sa kabilang banda ay prenteng-prente na nakaupo si Devon sa may harap ng gate, iniintay ang kanyang bisita. Hindi naman nagtagal at dumating na ang kanyang bisita. Agad siyang tumayo upang batiin ang mga ito, “Masaya ako’t tumupad kayo sa usapan mahal na reyna.”

“Asan ang anak ko? Dala ko na ang scepter bakit hindi mo siya dalhin dito?” malumanay na sagot ng reyna.

“Dahil doon tayo sa loob magpapalit. Pero hindi kailangang magmadali hindi ba?” sagot naman ni Devon.

“Hindi kaya’y dapat na tayong pumasok sa loob?” mungkahi ni Faith.

“Aba, oo. Halika, pasok.” Imbita ni Devon.

“Jerome, sigurado ka na ba sa gagawin mo? Delikado iyon, buhay mo ang maaaring kapalit.” Tanong ni Faith nang makapasok na sila.

“Okay lang ako. Para kay Divina at sa kaayusan ng mundo.” Sagot naman ni Jerome.

“Kamusta naman ang mahal na hari?” tanong ni Devon.

“Hindi pa kami nagkikita, pinadala niya lamang ang kanyang scepter sa isang mensahero upang makarating sa akin.” Sagot naman ng reyna.

“Ah.. nakakalungkot naman at wala kaming tsansang magkita muli.” Nakangiting sagot ni Devon.

“Bakit mo pa ba pinapatagal ha? Simulan na natin ang negosasyon!” pikon na si Faith. Bakit ba nagbubukas pa ng mapag-uusapan si Devon?

“O sya sige. Dahil naman sobrang atat ang kaibigan mo Divina,” lumingon si Devon dito, “Sisimulan na nating ang negosasyon. Mahal na reyna akin na ang scepter.” Inilahad nito ang kamay niya.

“Ang anak ko muna.” Humigpit ang pagkakahawak niya sa scepter.

“Hindi maaari iyon. Syempre ayoko naman na maalaska. Para walang away sabay na lang.” at inutusan ni Devon si Con na pakawalan si Divina pag hawak na niya ang scepter.

Ngunit ng makukuha na ni Devon ang scepter naramdaman niyang hindi ito ang tunay, “Aba! Hindi ko alam na mandaraya na pala ngayon ang reyna!” kasabay naman niyon ang pagtakbo ni Jerome papunta kay Divina.

“Jerome!” sigaw ni Divina. Tumakbo si Jerome papunta dito pero ang hindi niya alam ay biglang nagbago ang itsura ng lugar. Namalayan na lamang niya ang sarili na nasa isang tulay papunta kay Divina. Napatingin siya sa ilalim.

NAPAKATARIK niyon.

Naramdaman niya na parang lalabas ang kinain niya kanina.

“Kaya mo yan Jerome!” sigaw ni Faith sa likod niya. Nang lumingon siya dito’y nakita niyang nilalabanan nito at ng reyna si Devon kaya naman nagkaroon siya ng lakas ng loob na ipagpatuloy ang pagtawid sa tulay.

“Huwag Jerome! Delikado!” sabi ni Divina.

Pero hindi ito nagpapigil. Maya-maya ay naramdaman niyang hindi nakilos si Con.

“Marahil ito na lang ang magagawa ko para sa’yo Divina.” At naintindihan niya ang pabor na ginawa ni Con para sa kanya.

“Jerome, ang lugar na ito’y may kakayahang malaman ang mga takot mo at gawin itong laban sa’yo. Kailangan mo lang matawid ang pagsubok na iyan. Ikaw na lang ang makakapagligtas kay Divina.” Sabi ni Con dito.

Tumango na lamang si Jerome at nagpatuloy sa pagtawid.

Nang makapunta na siya doon ay nagsalita si Divina, “Jerome, andito ka ba para iligtas ako? For real?” nakita niya ang mga luhang nagbabantang tumulo mula sa mga mata nito.

Nagawa pa niyang magbiro, “Ay hindi. Napadaan lang ako.” Aktong aalis na ito nang pigilan siya ni Divina.

“Jerome naman. Nagagawa pang magbiro eh!”

Napangiti siya, “Tinatanong pa ba kasi iyon.” Dali-dali niyiang binuksan ang pintuan at niyakap si Divina nang makalabas siya. “Mahal kita.”

“Mahal din kita.”sagot ni Divina. Tumango naman ito ng pasasalamat kay Con.

Sa kasamaang palad ay napalingon si Devon, “Con! Traydor ka!!!” kinuha nito ang isang kutsilyo na nakasukbit sa belt nito at nilagyan ng isang spell bago ihagis.

Pinupuntirya niya si Divina! Naisip ni Jerome. “Wag!” sambit nito habang sinasalag ang sariling katawan upang proteksyunan ang minamahal.

“Jerome!” tawag ni Divina nang mamalayan ang lalaking nakahandusay sa sahig, may isang kutsilyong nakatasak sa dibdib. “Jerome! Bakit!” umiiyak na ito.

“Huwag kang umiyak.” Hinaplos ni Jerome ang pisngi nito. “Ginawa ko ito lahat para sayo. Mabuhay ka ha. Alagaan mong sarili mo – “

“Hindi! Wag kang magsalita ng ganyan! Hindi ka mamamatay! Jerome!” sigaw ni Divina.

Nang makita ni Con ang kapighatian ni DIvina at ang dugong walang tigil na umaagos mula kay Jerome ay napuno ito ng poot sa ina. Tumakbo siya at siya na mismong kumitil sa buhay ng sariling ina. Nagulat sina Faith sa nakita at sinabi lamang nito, “hindi ko na matiis ang kalabisan niya.. Ito na talaga sigurong naraapat sa kanya.”

Pero hindi iyon nakita ni Divina. Nakatuon lamang kay Jerome ang kanyang buong atensyon. Maya-maya ay hinawakan nitong mahigpit ang kamay ni Jerome at nagliwanag silang dalawa. Ang huli na lamang na narinig ni Jerome ay ang sigaw ni Faith na “Wag!!!!”

Nagmulat ng mata si Jerome. Napakadilim, nasa ibabaw niya ang mga bituin. Lumingon siya at nakita niya ang sariling nasa bubong ng bahay nila. Nakatulog pala siya. Panaginip lang ba ang lahat ng iyon? Kinapa niya ang sarili, ang naaalala niya’y meron siyang tama sa tapat ng puso. WALA. Bumigat ang pakiramdam niya

Maya-maya ay nakita niya ang meteor shower. Napakaganda nito. Ngunit wala iyong nagawa para pasayahin siya. Kung hindi siya nagkakamali’y dapat ay mahuhulog ang space ship ni Divina kasama ng mga meteor shower..

Nag-intay siya pero wala. Bumaba na lamang siya ng bahay at nakita ang isang napakaduming lugar.

Divina.

Kung andito si Divina ay sana malinis ang lugar na iyon. Naaalala pa niya ito na paikot-ikot sa bahay niya. Linis dito at linis doon. Pero totoo nga ba si Divina? Hindi ba’t panaginip lang siya?

Naninibago siya, bakit parang totoo ang mga nangyaring iyon sa panaginip niya? Nababaliw na ba siya at hindi niya malaman ang kaibahan ng katotohanan sa panaginip? Pumasok na lamang siya sa kwarto at nahiga sa kama. Hindi siya makatulog. Kaya naman inubos niya ang oras sa paglilinis ng bahay.

Kinabukasan ay wala pa ding nagbago. Mabigat pa din ang pakiramdam niya. Tulala siya at lumilipag ang isip sa malayo. Walang ni isang nakakaalala kay Divina.

“Tol, sino bang Divina yon? Babae mo no?” tanong ni Richard ng mabanggit ni Jerome dito si Divina.

“Hindi ah.”

Hay nako.. ano ba naman tong utak ko! Naguguluhan na talaga! Sambit niya sa sarili habang naglalakad sa gilid ng iskwelahan. Umupo siya sa ilalim ng puno na paborito niya noong pagpahingahan. “Divina, ano ba. Panaginip ka lang di ba? Bakit hindi kita maalis sa isip ko?” tinuktok niya ang utak sa pagbabakasakaling maalis na ito sa isip niya.

Maya-maya ay may narinig siyang kung ano sa itaas ng puno. Konting oras pa ay may sumigaw na babae, “AAAAAHHHH!!!!”

Namalayan na lamang niya ang sarili na nadaganan ng babae. “Miss! Okay ka lang?”

Tumayo ito at inayos ang bestida, “Ah oo. Pasensya ka na. nagpapahinga kasi ako sa sanga ng puno ng biglang nawala ang balance ko.”

Pamilyar ang boses nito kay Jerome. Nang mag-angat ng mukha ang dalaga ay napanganga siya.

SI DIVINA!

Siyang-siya. Mula pa man sa mukha, kilos at salita. Natulala siya.

“Hoy? Tititigan mo lang ba ako maghapon?” narinig niyang sabi nito. Pagtingin niya muli dito’y nakita niyang nakalahad ang mga kamay nito at niyakap niya iyon.

“Divina? Paanhong –“

“May mga bagay na hindi maipapaliwanag kahit ng siyensya..” may ngiti sa pagkakasabi nito.

At niyakap na lamang niya ito ng mahigpit. Sobrang saya niya. Napuno ang puso niyang hungkag kagabi lamang. At doon nakuntento na siya. “Mahal kita.”

“Mahal din kita..”

Kayo na lamang ang bahalang humusga kung panaginip nga iyon o hindi.. :D

THE END!