Friday, November 23, 2012

“DESTINY’S DECISION” by UrGirlNextDoorKimyin


Disclaimer: This is a short story based on a song. The characters and the plot are just an adaptation from the song's MV and/or are used as it is. Some of the song's lyrics are also used in some parts of the story.  Some of the music video scenes are also revised. No copyright infringement intended!!!
 
 
Meanwhile, the whole script/dialog is from the author's pure imagination.

With a touch of Yeng Constantino’s “Cool Off”
Fictional story written by:
UrGirlNextDoorKimyin

Copyright © UrGirlNextDoorKimyin
All rights reserved 2012.





“DESTINY’S DECISION”

Chapter 1:
Perfect Couple

Yahnie’s POV

Hey! magpapakilala muna ako sa lahat. Ang boring kaya dito sa may field, pinapanood ko lang ang mga ng.so-soccer habang nakaupo, may hinihintay kasi ako. Well, ako nga pala si Arrianne Bliss O. Francisco, 19 years old, 4th year college na sa University of *tiiiiiiiiiiit*(confidential eh ^^) taking up BS in Business Administration  at isang not so famous model kasi trip2x lang naman namin magmodelling ng magaling kong boyfriend. And yeah, I have a boyfriend, at 1 year & 6 months na kami. Kaya lang may nakita ako kanina sa locker room na masakit sa mata, ang isa sa MGA ex niya, yup MGA kasi andami nila,Cassanova kasi yun noon. hindi ko marinig ang usapan nila, saka pa niya niyakap ang bf ko, halos mapunit na ang panyo ko sa panggigil na sabunutan siya. ang landi talaga! Hindi ba siya makaget-over na matagal na silang tapos?! Argggh! But think positive kasi ako naman ang mahal nun, I know him better na hindi na siya ganun. Marami ring umaaligid-aligid sa kanyang mga fans kasi sikat siya dito. Siya lang naman kasi ang campus heartthrob at team captain ng soccer team na si—


“Guess who.” plain nyang sabi habang takip ng mga kamay nya ang mga mata ko. Amoy pa lang ng pabango nya alam ko na kung sino. Hay nakoo, lagi nalang ganito ang pakulo nya kapag hinihintay ko siya, pero aaminin kong KINIKILIG PARIN AKO >///< every time he do this to me. See, ako parin at the end of the day at wala ng iba.


“Hmmm.. Gian?” sagot ko while nagpipihil ng tawa. then pumunta na sya sa harap ko with this look =_= hahaha, nakakatawa talaga syang pagtripan.

“Who the hell is Gian? =_=”


“My guy  friend?” pfffft. pigil tawa parin ako.


“Tsk. Ipakilala mo ako sa kanya mamaya. Ginagawa nya rin ba to sayo kaya mo naisip mo na ako sya? Walang originality, kailangan siyang maturuan ng leksyon. ” inis na yan, wala naman talaga akong kakilalang Gian eh,ahaha! umupo na sya sa tabi ko then hold my hand.



“Asar ka na niyan, Rodriguez?”



“Stop calling me that beb. Don’t forget later about that Gian guy. ” sabi nya while looking at the field at kunot-noo pa.


“Pffftt-hahahaha. Di naman to mabiro, pinagtitripan lang kita noh. Ikaw kaya naiisip ko pag ganun, eh bulok na nga yung style mong yun eh. palibhasa mahal ko ang beb ko kaya kinikilig parin ako.” tawa parin ako ng tawa.


“Ikaw talaga. mahal na mahal rin naman kita Yahnniebeb eh. wag ka ngang tumawa.” nakatingin na sya sa mga mata ko ngayon.


“Paki mo? Eh sa nakakatawa yung reaction mo kanina eh. Pricele--”  di ko na natuloy ang sasabihin ko kasi..



O///O

hinalikan nya ako pero smack lang! and take note,dito pa sa may field kung saan ang daming taong makakita!


“Waaaahh! Kita niyo yun?Ang sweet talaga nila noh.” usisera 1
“Kainggit! sana ganyan din ang boyfriend ko.” usisera 2
“At ganyan ka hot at gwapo ni Liam! Kyaaaahh!”  usisera 3
“What a perfect couple. bagay na bagay talaga sila noh.” usisera 4

Yan ang mga naririnig ko sa paligid. Pinagnasahan pa ang boyfie ko. Pero, perfect couple daw oh! Sige ako na ang maswerte kasi love na love ako ni boyfie ^____^


“Ngingiti-ngiti mo jan? halikan kita ulit eh, gusto mo pa ata.” nagsmirk pa. ang hawt lang! ay lande lang.


“ASA! tara na nga! pagalitan pa tayo ng mukhang tipaklong na si Mr. D eh.” tumayo na ako pati sya kasi magkahawak-kamay parin kami, may photoshoot kami ngayon eh kaya hinintay ko siya dito after his soccer practice kanina. Sumakay na kami sa kotse nya at humarurot papuntang studio.




Chapter 2:
Think about it

At the studio…



Liam’s POV


Pinakilala na ba ako ng pinakamamahal kong si Yahnniebeb? Pero mukhang hindi pa, makakalimutin yun eh. at opo ,pati ako nakakalimutan niyang ipakilala kahit kasama na nya ako at makakasalubong namin ang mga friends nya. Iniisip ko nga kung mahal talaga ako ng babaeng yun eh, samantalang ako patay na patay sa kanya. Asar nga ako sa Gian ba yun, kahit nalaman ko ng biro lang pala nya yun. Aish! Muntik ko narin tuloy makalimutang magpakilala. I’m Liam Jake P. Rodriguez, 20 years old, 4th yr student taking up an BS in Management Accounting. We’re here now at the studio ,may photoshoot kami ngayon for the Love in the Air theme next month and yeah January 20 na. Kailangan ko nang paghandaan ang 19th monthsary namin this Feb. 14 pati Valentines surprise and gift.



“Ibang pose naman, Arrianne. How about a cold expression?” said baklang Mr. D, Photo and Tech. Director of D magazine na pinagmomodelan namin, at ginawa na nya ang pose turn na nya kasi. It’s not so famous kasi local Mag lang to ng mga damit pero okay narin para di masyadong public at kasiyahan din lang naman to. While staring at her, di ko mapigilang mapangiti ng lihim. Ang ganda talaga nya kahit ano pang expression ang gawin nya.


“Okay, nice shot goddess! Ikaw naman, Liam. Rest for a while Arrianne.” Mr.D


“Thanks Mr. D.” said Yahnnie then smiled at me at ng-sign pa ng ‘GO!’. I smiled back. How I love this girl.



Yahnnie’s POV


Pumunta na ako sa dressing room at nagbihis. Paglabas ko..


“Aaaaaaaaaaaahhhh! “ I shouted


“Chill, it’s just me Yahnnie.” said the person behind the dresses saka sya lumapit sakin.


“You scared me to death, Duke.” nakahawak pa din ako sa dibdib ko sa nerbyos. Sya lang pala. He’s our schoolmate now at isa rin sya sa mga models dito, saka ex-bf ko siya 1styear college ako. Nagbreak kami dahil nagtwo-time siya but he realized daw na mas mahal daw niya ako nung magka-kami ni Liam. marahil NOON nagpakatanga ako sa kanya but it’s too late kasi mahal na mahal ko narin si Liam ngayon at di na siya. hindi ako defensive huh, baka isipin nyong defensive ako nagsasabi lang talaga ako ng totoo.


“Haha. sorry for.startling you. here.” tas may inabot sya saking mineral water. we’re in good terms naman kaya lang ayaw sa kanya ni Liam.


“Thanks. ^_^ uhaw narin ako.” saka ko ininom.


“You’re beautiful as ever, Yahnnie. Tsk, ang swerte ng gagong yun. Sana hindi nalang kita pinakawalan.” Duke



“Too late, Duke.”  saka ko siya tinalikuran.


“Yeah right. But really, sobrang ganda mo, nagsisisi tuloy ako.”


“Psh. Baka lumaki na ulo ko nyan sa mga bola mo Duke.”


“Totoo yun. maniwala ka.” then lumapit pa sya and look into my eyes and caress my left cheek. hindi ko alam pero parang bigla akong kinabahan at bumilis ang tibok ng puso ko kaya hindi ko maigalaw ang katawan ko para itulak siya.


“S-stop it, Duke.” I stutter , umatras ako pero pader na pala saka iniwas ko nalang ang tingin sa kanya. pero iniharap parin niya ang mukha ko sa kanya and cornered me while still caressing my face.


 “Kung alam mo lang Yahnnie ku—“ hindi na natuloy ni Duke ang sasabihin nya kasi biglang bumukas ng malakas ang pinto at linuwa nito si Liambeb na nakakunot-noo. naitulak ko na si Duke automatically. halatang galit na si Liam dahil naka-close fist na ang right hand niya. Mas lalo akong kinabahan at nakita ko nalang na napaupo na sa sahig si Duke.



Liam’s POV


“You’re really sizzling hot, Liam. Let’s call that a day for now guyz.” sabi ni bakla. mukhang pinagnanasahan na naman ako ng baklang to ah. tsk iba talaga pag gwapo eh ang daming humahabol  pero malas nila para kay Yahnniebeb lang ako>:D . naalala ko tuloy yung pinag-usapan namin kanina ng isa sa mga ex ko.

flashback..


Andito ako ngayon sa Archi building at kakatapos lang ng last class ko for today. 2 pm pa lang. I went to my locker para kunin ang soccer uniform ko kasi may practice kami ngayon. pero may humarang..

“Hi handsome.” sabi ni Jean, one of my ex-gf nung freshman pa lang ako at di pa kami ni Yahnniebeb. patuloy lang ako sa pagbukas ng locker ko at kinuha ang uniform ko.


“Hey, stop ignoring me. para namang wala tayong pinagsamahan niyan, Liam.” then he encircle his arms on my neck.

“Don’t touch me. Get off your arms around me or else I’ll punch you.-__-” halatang nagulat siya. Siguro noon madadala pa ako sa pagiging naughty niya, pero nagbago na ako hindi na ako isang Cassanova. kahit gano pa siya ka-sexy, hindi parin niya malalamangan ang Yahnnie ko.


“Oh, so hindi parin pala kita maibabalik sa dati,huh? Cassanova gangster.” binitawan na niya ako. “Sayang naman, I miss your hot lips pa naman and naughty behavior. Talagang na-brainwash ka na ng bitch na yun. Makikita niya. ”


“Stop calling her stupid names kung ayaw mong magalit pa ako ng husto sayo ngayon, Jean. Leave her alone kasi kung hindi ako ang makakalaban mo.” at iniwan ko na siya dun. naiinis na talaga ako sa mga babaeng katulad niya kadesperada binababa niya ang pagkababae niya.


-end of flashback-

 Habang inaayos ko na ang mga gamit namin ni Yahnniebeb, may narinig akong sigaw mula sa dressing room. Takte! si Yahnnie ba yun?! dali-dali akong pumunta dun to check what happened. Pero pagbukas ko ng pinto, napakuyom ako ng kamao sa nakita ko at sinuntok sa mukha ang ugok na si Duke..


“G@go ka?!” I exclaimed. nagdidilim na ang paningin ko. tangna!


“B-beb, calm down.” Yahnnie said while hugging me from the back para pigilan ako.


“Pare, wala naman akong ginagawang masama ah!” said ugly Duke-ling.


“Ha-ha. Wala?!” I said sarcastically. “Then why are you touching my GIRLFRIEND’s FACE you bastard!” at may mga dumating na na staff para tulungan siyang makatayo saka pinunasan ang dugo sa gilid ng labi niya. Kung wala lang ibang tao baka nabugbog ko na siya hanggang mamatay.


“My ghad! what happened here?” Mr. D . “Pigilan nyo nga sila.”


“L-Liam, tama na, p-please.” i came back to my senses as I hear Yahnnie cry then I hugged her tight. hindi ko kayang makita siyang umiiyak ng dahil sakin.


“I’m sorry beb, did I scare you again? Let’s go home, don’t cry.” tsaka ko sya hinila palabas at pinasakay sa sasakyan ko. Damn! napaiyak ko na naman sya. But, hell! hindi ko lang mapigilan ang sarili ko sa nakita ko kanina. hindi ko pa kayang makinig sa explanation niya while I’m still angry kaya minabuti ko nalang na manahimik muna. Pagdating naman sa condo ko, hinatak ko naman siya papuntang sala at iniwan sya doon. Kailangan ko munang magpalamig ng ulo kaya dumiretso na muna ako sa kwarto saka naligo.









Yahnnie’s POV


Nakakatakot. Natatakot parin ako sa tuwing nakikita kong ganun si Liam naaalala ko ang pagiging gangster niya noon. Na-trauma na kasi ako sa mga gangsters kasi muntik na akong magahasa nun pero tingnan mo nga naman at gangster pa ang mahal ko now, but of course nagbago na siya. Nandito na kami sa car papunta sa condo niya kung saan lagi akong tumatambay. Hindi ko parin mapigilan ang mga luha ko kaya tumingin nalang ako sa labas para hindi niya mapansin. Wala paring nagsasalita sa amin hanggang makarating sa condo. Hinila na niya ako papasok pero dumiretso lang siya sa kwarto niya at iniwan ako sa sala. Napaupo ako sa sofa. Anong sasabihin ko, mukhang galit na galit talaga siya sa nakita niya kanina. Si Duke kasi! Arrrghh! I forced to calm myself then after 30 minutes kumatok na ako sa kwarto niya.



“Pwede na ba akong pumasok?” I said pero hindi siya sumagot kaya binuksan ko nalang ang pinto. Natutulog siya? Nakahiga siya at nakatakip ang isang braso sa mga mata niya.


“Beb? So-sorry kanina.” umupo ako sa tabi niya. “I understand kung bakit mo nagawa yun. Wag ka nang magalit kay Duke kasi, kasi—“


“Kasi ano, Yahnnie?” umupo siya sa pagkakahiga at tumingin sa mga mata ko. “Hindi ba sinabi ko na sayo noon na iwasan mo na siya dahil nagseselos ako ? Alam mo namang galit ako sa taong yun. ba’t di mo parin kaya?” napayuko nalang ako sa sinabi niya.


“Because we’re friends, hindi ko naman inaasahang gagawin niya yun kanina. he cornered me.” I explained.


“Yun naman pala eh. Then dapat tinulak mo siya o baka naman nag-aalinlangan ka kasi.. may gus—“


Hindi ko na siya pinatapos dahil sinampal ko siya. Lagi nalang ganito, pinagdududahan parin niya ang feelings ko.


“Ganyan ka ba talaga kababaw mag-isip, huh Liam?” tumayo na ako. “Bakit ba ganyan lagi ang iniisip mo saamin ni Duke?  Lagi nalang selos ang pinapairal mo, ni hindi mo man lang iniintindi ang mararamdaman ko. hindi ko na nga pinapansin kapag may nakita akong kakapit-kapit sayo sa school o sa labas man eh kasi iniisip kong ako parin naman ang mahal mo sa huli at fans lang sila. pati sa mga ex mong haliparot na aaligid-aligid parin sayo kapag wala ako ay hindi ko na  ino-open-up sayong nakita ko kayo kasi alam kong hindi mo sila sineseryoso noon at ako lang mahal mo ngayon. Ano bang naging pagkukulang ko at wala ka paring tiwala sakin sa itinagal-tagal ng relasyon natin, Liam?” with that nag-uunahan nanamang tumulo ang mga luha ko saka ako nag-walk-out. Pagod na ako sa kaka-selos niya kay Duke kahit na sobrang tagal na nun. Hindi ko talaga siya maintindihan minsan kung bakit ang laki ng galit niya kay Duke. nakalabas na ako ng condo niya pero naabutan parin niya ako at nahawakan sa braso..



“Wait, Yahnniebeb. I’m so sorry. hindi na mauulit (_ _).” he said. hindi ko siya hinarap.


“I wanna go home. I need some rest. bukas nalang, I’m tired.” saka ko tinanggal ang pagkakahawak niya sa braso ko at lumakad palayo at sumakay ng taxi papunta sa condo ko.


Pagkapasok ko na sa condo, naligo ako kaagad, nagbihis, kumain at nag-isip-isip. Kailangan kong magdesisyon.



Chapter 3:
Her Reason


Liam’s POV


“I wanna go home. I need some rest. bukas nalang, I’m tired.” ang sakit para bang may iba pa siyang ibig-sabihin nun. pagkatapos niyang sabihin iyon umalis na siya. Hindi ko na siya pinigilan pa kasi alam kong mas lalo siyang magagalit sakin pag sinundan ko pa.

Ang tanga ko! P*kshyet! hindi ko man lang naisip ang mararamdam niya to think na nakikita niya minsan na lumalapit parin ang ibang mga ex ko sakin. Pero hindi ko naman sila ini-entertain kaya wala siyang dapat ikabahala. Putakteng Duke na yun, siya ang may kasalanan ng lahat! Kung bakit kasi lalapit-lapit pa siya kay Yahnnie kahit na binalaan ko na siya noong 2ndyr college simula nung natuto akong magmahal ng tunay.

flashback…


“Ano? lalaban ka pa, hah?!” sigaw ko kay Duke na nakahiga na pagkatapos ko siyang sikmuraan. Nag-one on one kami ngayon dito sa lumang warehouse ng village kasama ang mga ka-gang namin, pareho kaming leader ng magkabilang gang. Pero ngayon hindi gang war ang pinag-aawayan kundi para kay Yahnnie.


“Boss, tama na yan. baka mapatay mo pa at di kana makadiskarte sa prinsesa mo dahil nasa kulungan kana.” pabirong sabi ng tropa/ka-teammate kong si Alfred saka nagtawanan ang iba ko pang ka-gang.

“Binata na ang Boss namin! Wooooohhhh!” sigaw nung iba.


“Mga ulul! loko kayo.” nag-apiran pa sila. tinulungan naman ng mga ka-gang niya si Duke na di na makabangon. “Subukan mo lang lumapit ulit sa kanya, hindi lang yan ang aabutin mo, baka tuluyang di kana sisikatan ng araw.” saka ako tumalikod kasama ang pagtalikod ko sa pagiging Cassanova Gangster para kay Yahnnie.


“Oh, pano ba yan. panalo kami, simula ngayon hindi nyo na guguluhin ang North Village pati si Arrianne. Usapan ay usapan, nagkakaintindihan ba tayo?” rinig kong sabi ni Tristan, ang left hand ko at siyang magiging bagong leader ng North gang. pagkatapos nun ay dumiretso kami sa bar nina Tristan para mag-inuman at para sa victory party ng “lovelife” ko raw at ang pag-alis ko sa gang.


-end of flashback-

Tama, iniwan ko ang lahat para sa kanya. ginawa ko yun para protektahan lang siya sa mga pananakit emotionally ng hampaslupang Duke na yun sa pinakamamahal ko. That time kasi hindi pa tuluyang naka-move-on si Yahnnie sa g@gong yun at pinapaasa siya through being sweet kahit may iba naman siyang babae, at hindi yun pinapansin ni Yahnnie kahit malaman pa niya ang totoo. Pero ginawa ko ang lahat para mapalitan ko siya sa puso niya. Galit nag alit ako kay Duke dahil siya ang unang minahal ng lubusan ng babaeng una ko ring minahal ng tunay at seryoso. kaya ayaw kong lumalapit siya kasi natatakot akong baka iwan niya lang ako bigla at bumalik sa lalakeng yun. Anak ng kwek-kwek naman oh! INSECURE na kung insecure pero yun ang totoong nararamdaman ko. But I’m really stupid kasi hindi ko siya pinagkatiwalaang ako na ang mahal niya at wala ng iba at alam kong nasasaktan siya ngayon sa palaging asal kong yun.

“Tomorrow, I’ll clear this issue at sisiguraduhin kong magkakaayos tayo, beb.” I assure to myself.



Yahnnie’s POV

3 days na ang nakalipas mula nung nag-away kami ni Liam. Nung mga araw na yun, umuwi ako sa bahay namin para iwasang makita siya kasi alam kong pupuntahan niya ako sa condo ko. But then, pinupuntahan niya parin ako sa bahay pero pinapasabi ko sa mga katulong namin na may importante akong lakad kasama ang Mommy ko for this weekend which is true. in-off ko rin ang cp ko to cut the communications that will affect my decision. Tuesday na ngayon, at hindi ako pumasok kahapon. Hindi pa kasi ako ready na kausapin siya, but now, I think I need to talk to him na para magkaliwanagan kami. Nagpahatid na ako sa driver ko papuntang school while reading his messages sa cp ko. puro..
‘I’m sorry na beb’, ‘please forgive me’, ‘puntahan kita sa condo mo’, ‘let’s fix this’,’please’,’magkita tayo’,’I LOVE YOU, beb’ at iba pang panunuyo. Hayy, I love you too,beb. then I replied..
‘Let’s talk. 6pm at Café Latte.’

kung saan ko siya sinagot.

after ilang seconds..

Liambeb<3 calling="calling" o:p="o:p">

 wow! nakadikit ba sa kamay niya ang cp niya? ambilis naman! napangiti nalang ako bigla.
“Hel—“
(Yahnniebeb, you don’t know how I’ve missed you so much)
“Yeah, me too. see you later at Café Latte, bye.” di ko na hinintay ang sagot niya then hanged up. Tumingin ako sa labas andito na pala kami, then I whispered.
‘I want both of us to be happy, Liam.’


Liam’s POV

(Yeah, me too. see you later at Café Latte, bye.) then she hanged up.
“I lo-…ve ..you.. Yahnnie.” naibulong ko nalang sa sarili ko. ba’t ganun siya makipag-usap kanina? pero okay lang basta mag-uusap na akami mamaya. ilang oras ko ring iniisip yun.

“Yow, tol!” bati ni Tristan. andito na naman ang dalawang to. wala kasing instructor may meeting daw.


“UY! ano nang balita?” Alfred sabay suntok ng mahina sa braso ko.


“Mamaya..mag-uusap kami.”


“Oh, yun naman pala eh! Anong plano natin?” Tristan


“Don’t know.=_=” ako


“Anong di mo alam? Tae! bago yata yan, ikaw yan dre? walang plano si loverboy!” Alfred


“Manahimik ka nga, nag-iisip pa ako eh.” sa totoo lang wala talagang pumapasok sa isip ko ngayon dahil sa tawag kanina.


“Ba’t ka pa mag-iisip, eh kung puntahan mo kaya sa building nila.” Alfred


“Aba! mukhang bumili ka ng utak kanina Alfred ah. Mamahalin ba yan?” Tristan saka binatukan siya ni Al. Tsk! tong dalwang to. pero napaisip ako sa sinabi niya saka tumayo.


“Oh anu na? may naisip ka na?” Tristan


“Mukhang branded talaga yang nabili mong utak Al ah.” tumakbo na ako palabas.


“Tangna mo pare! isa ka pa!” rinig kong sigaw ni Al habang tawa ng tawa si Tristan.

Yahnnie’s POV


11 am na tapos na ang last class ko ngayong araw. Andito ako sa may bleachers ngayon at mula dito nakikita ko si Liam na tumatakbo at mukhang papaunta sa building namin. Nakoo,pupuntahan ata ako ng lokong yun sa classroom ah. buti nalang at nakalabas na ako ng building kailangan ko ng umuwi at may aasikasuhin pa ako sa bahay.


Sa bahay….


“Oh hija, sabay na tayo mag-lunch huh.” aya ni Mommy na nagluluto pa.


“Okay, bihis lang po ako. Where’s Daddy?”


“May inasikaso sa company niya dun sa Makati, but on the way na daw siya at sasabay ng lunch satin.” tumango lang ako at umakyat sa kwarto. Hayy, masabi ko kaya sa kanya mamaya? Katapos ko magbihis bumaba agad ako at umupo sa dining table.


“Mom, tama po ba tong gagawin kong decision?”

“Nakakatuwa naman, matured ka na talaga mag-isip ngayon baby. hindi tulad noon na sobrang isip-bata at iyakin pa.” tatawa-tawa pang sabi ni Mommy. tsk, tinawanan lang ang problema ko. pero siya lang ang nandyan nung panahong napag-isip-isip ko ang desisyong to. To break-up with him for our own good.


“Psh. Sa tingin nyo po, magkakabalikan pa kami katapos nito?” (_ _) “Baka hindi niya ako maintindihan at magalit lang siya sakin? At hindi na niya ako tanggapin,huhuhu.” hindi ko talaga maiwasang malungkot. Sorry beb.


“Anak, kung kayo talaga ang para sa isa’t-isa, ipagtatagpo parin kayo ng tadhana balang-araw at magiging kayo parin sa huli. Don’t be too depressed, andito parin kami ng Dad mo.” at nagsmile siya kaya napanatag rin ang loob ko kahit konti. Kaya kumain nalang kami ni Mommy, maya-maya dumating na rin si Daddy. At least my family supports me all the time.


Dumating na ang kinatatakutan ko, 5:30 pm na at inaayusan ako ni Mom para sa last date namin ni Liam.

“You’re stunning, hija.”


“Thanks Mommy.”


“Be strong and smile, kay?” then she kissed my cheeks.


“Okay, Mom.” I gave her a faint smile. Lumabas na ako at nagpahatid sa driver namin saktong 6pm.



At Café Latte…

Liam’s POV

5:30 pa lang. andito na ako sa pagmamay-ari naming restau na Café Latte, isang lugar na naging parte ng relasyon namin, kung san niya ako sinagot. Hindi naman sa excited but I feel something bad will happen. I reserved this restaurant this night for us. Naghintay pa ako ng 45 minutes at sa wakas dumating narin siya. She’s gorgeous as ever at inalalayan ko siya hanggang makaupo na kami.

I ordered for our dinner hanggang sa inilapag na ang pagkain sa table ay hindi parin siya umiimik. Kahit ako kasi nahihiya ako sa naging asal ko nung Friday. Pero kakapalan ko na mukha ko kaya binasag ko na ang katahimikan.


“Beb, ok—“

“Don’t speak. We’ll eat our dinner first.” okay sabi mo eh. Kaya kumain na muna kami hindi talaga ako mapalagay eh. Nak naman ng butiki oh! Matapos kumain, bigla siyang nag-excuse. Parang weird ang kinikilos niya ngayon, siguro dahil sa kasalanan ko sa kanya. Ambobo ko talaga. Sh*t! Pero 20 minutes na ang nakalipas ay wala parin siya kaya napag-isip kong sundan siya.


Yahnnie’s POV

Habang kumakain siya, hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya. Beb, you’ll be okay here, right? Mamimiss kita Liam. Naiiyak na naman ako, pesteng luha tinatraydor ako.

“Excuse, CR lang ako sandali.” tumayo na ako agad patungong CR and lock one of its cubicle. Hindi ko na napigilan, naiyak na ako.

“M-mahal na mahal kita, Liam. S-sana maintin..dihan mo ko.” I said in between my tears.


“Anong iintindihin ko, Yahnnie. Open this damn door at once! Are you crying? What happened?!” sigaw niya. dali-dali kong pinunasan ang basing pisngi ko.


“No, I’m oka—“ bigla nalang bumukas ang pinto at niyakap niya ako.


“Yan ba ang okay sayo, Yahnnie?” niyakap pa niya ako ng mas mahigpit kaya di ko mapigilang mapahikbi and hugged him back. Hindi parin ako makapagsalita kasi ang sakit, hindi ko kayang sabihin.

“Sshhh. Tell me why are you crying, beb. If it’s because of me, I’m very sorry pagkakatiwalaan na kita ng buong-buo ngayon wag mo lang akong iwasan.” his voice, his hugs and kisses. I will iss this parang di ko kayang mawalay sa kanya eh. But I should do the right thing.


“Promise me you’ll be more understanding.” I said

“ I promise you, I’ll be more understanding. Just please don’t cry, nasasaktan akong makita kang ganyan.” lambing nya.


“Okay, thanks beb.”


“Dun tayo sa rooftop mag-usap.” at hinila na nya ako paakyat sa rooftop. Pumunta ako sa may railings at tumingala. Ba’t walang stars? Nasa may likod ko siya. Naramdaman ko nalang ang yakap niya from behind. Pumikit ako.


“Let’s—“


“Mahal na mahal kita, Yahnnie.” he said .tumulo na naman ang luha ko. I know beb, I know.


“Cool-off muna tayo, Liam.” yun lang ang lumabas sa bibig ko. alam kong nagulat siya, pati ako dahil di naman talaga dapat yun ang sasabihin ko eh.


“W-why?” he barely utter. tinanggal ko ang pagkakayakap niya at hinarap siya. halata ang gulat at lungkot sa mga mata niya.


“It’s for our own good.” I said. seing him like this breaks my heart into pieces.



Liam’s POV


“Cool-off muna tayo, Liam.” biglang gumuho ang mundo ko sa sinabi niya.


““W-why?” utal kong sabi. bakit niya sinasabi to. Ayaw na niya ba sakin? Pagod na ba siya sa pag-iintindi sakin?


“It’s for our own good.” she faked a smile.


“No it’s not. Hindi ko kaya, Yahnnie. Cool-off is near to breaking up, so please..” bigla nalang tumulo ang mga luha ko.


“Don’t cry, please. Don’t make it hard for me baka hindi ko kayaning iwan ka.” umiiyak parin siya kahit anong pigil niya. Pinunasan ko ang mga luha niya.


“I-It’s not funny, beb. Stop fooling around.” alam kong di to totoo.


“I’m not joking. It’s just that.. I need time ..space away from you. You see, nahihirapan na ako.” saka bumuhos ang ulan. F*ck! nakikisabay pa ang langit sa sakit na nararamdaman ko ngayon.


“B-akit ngayon pa Yahnnie? You said you love me, pero bakit ganito? Pagod ka na ba sa pagmamahal sakin? Sawa ka naba sa pag-iintindi sakin? Don’t worry pwede namang ako naman ang magmamahal sayo ng higit pa sa inaakala mo at iintindihin kita gaya ng pag-intindi mo sakin. Just please don’t stay away from me.” pakiusap ko sa kanya ,tuloy-tuloy parin ang mga luha ko. Ang sakit lang. Tangna!


“No! It’s not that. Mahal na mahal kita, Liam. Sobra.”


“Yun naman pala eh! Pero bakit, Yahnnie?! Kung dahil man yan sa mga babaeng lumalapit pa sakin. Hindi mo na dapat inaalala yun kasi hindi na ako ang dating Liam, binago ko na ang pagkatao ko nung dumating ka sa buhay ko.”

“Hindi, kailangan ko lang naman mag-isip-isip kung ano ang mga pagkukulang ko. Gusto kong mapag-isa.”


“Wala kang pagkukulang, tanggap ko kung mayroon man. Wag mo lang akong iwan, Yahnnie. Just please don’t leave me, hindi ko kakayin kung wala ka sa tabi ko.” 

 “You have to be strong, Liam.”

“Takte naman, Yahnnie! pano ako magiging matatag kung wala ang lakas kong mabuhay?!” napasigaw na ako dahil sa inis.


“Please, listen. wag ka nga munang magalit.”


“Panong hindi, eh pinapagulo mo lang ang sitwasyon. mahal naman natin ang isa’t-isa. bakit pa kailangang humantong sa ganito? pwede naman nating pag-usapan to ng maayos eh. Magkakasakitan lang tayo nito.”


“Hindi ko naman gustong may masaktan eh.”

“Pero sa ginagawa mo, sinasaksak mo ng milyong beses ang puso ko. Dahil na naman ba yan kay Duke? Hindi ko na papatulan pa ang kumag na yun kung yun ang gusto mo.”

“Ayan ka na naman eh!”


“Eh ano nga?! may iba kana bang gusto? ayaw mo naba sakin?”


“Kasasabi ko lang na sobrang mahal kita eh. Tigas ng ulo! Ikaw lang nga diba. walang iba?” asar na niyang sabi.

“So ano nga?!” she cupped my face. pumikit ako at pinakiramdaman ang haplos ng kamay niya sa mukha ko. kahit ang lamig, mainit parin ang mga kamay niya.


“Hindi naman ako mawawala ng tuluyan eh. You promise me you’ll be more understanding. Gusto ko lang hanapin ang sarili ko. Uulitin ko, I just need some time, space..kalayaan. konting panahon lang naman ang hihingin ko eh. para pagbalik ko at mahal parin natin ang isa’t-isa, buong-buo ko nang maibibigay sayo lahat ng tiwala pati buhay ko ng walang pinagsisishan.” pagmulat ko nakangiti lang siya.


“Pero paano ako? ayokong maiwan mag-isa. pano kung ma-realize mong di mo pala ako mahal. mas mabuting nandito ka para hindi ka mag-isip ng iba pa.” hinawakan ko ang mga kamay niya sa pisngi ko.


“You need to find yourself as well. Just go with the flow, wag mong pigilin ang damdamin mo sa pagkawala ko. Wag mong ikulong ang sarili mo sakin, kung di man tayo destined for each other, malungkot yun pero pilitin nating maging masaya para sa isa’t-isa. It’s either masaktan or mas magiging masaya pa tayo. Pero kung tayo talaga para sa isa’t-isa, yun na ang pinakamasayang mangyayari sa buhay ko and destiny will find its way for us.” and with that, she kissed me. is this goodbye? ang lungkot ng halik pero parang gusto kong huminto ang oras para hindi na siya umalis.

“I’ll try.” yun lang ang nasabi ko after our lips parted.


“I know we can overcome this. Para rin sating dalawa to. Just be strong, wag kang malungkot. Alagaan mo ang sarili mo palagi. I love you, Liam.” saka siya tumakbo paalis. Kaya ko ba talagang wala ka, Yahnnie.


“Aaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhhh!” isinigaw ko sa kawalan ang sakit na nararamdaman ng puso ko. Sana mawala na to, sana tayo para sa isa’t-isa, tutuparin ko ang pangako natin sa isa’t-isa nung 1st anniversary natin na wala na tayong mamahalin pang iba kundi ang isa’t-isa. Sana ikaw rin. Sana tuparin mo rin hanggang sa muli nating pagtatagpo.


Yahnnie’s POV


Rinig ko ang pagsigaw niya habang pababa ako ng hagdan. Ang sakit rin mang-iwan noh, lalo pa at mahal na mahal mo ang taong yun. Hindi lang ang maiiwan ang masasaktan. Kayanin natin to Liam, sana matupad natin ang pangako natin sa isa’t-isa.

Chapter 4:
Moving on is useless


“Fix yourself, baby. We’ll be going after an hour.” grabeh ang bigat ng mata ko. buti nalang at hindi masyadong malaki ang eyebags ko kakaiyak kanina. hay, naiiyak na naman ako eh, maliligo na nga ako at baka mahuli pa kami sa flight. After kong mag-ayos, pumunta agad kami sa airport. Yung about sa school ko, binigay na ang diploma ko after taking several exams at pina-graduate na ako earlier than my batch kasi dean’s lister naman ako. naalala ko nalang ang usapan namin ni Dad nun..

flashback…

“Is that really what you want?” Dad asked again. we’re here at his office. discussing some important matters. Is that really what I want? partly Yes. my heart is torn into pieces just thinking about it.


“Yes, Daddy.” I said.


“You can think about it a little longer, baby.”


“No. Dad. That’s final.” I confirmed.


“You should talk about it with Liam, you know. What if he won’t allow you to break-up with him just because of that and he’ll make some ways to work things out. Knowing Liam, he’s very clever.” di naman halatang botong-boto talaga si Dad sa kanya eh noh. palibhasa di niya alam na nag-away kami ni Liam, at baka ipagtulakan pa niya akong itapon sa London.

“I know he’ll understand my decision. I’ll also make some excuses. It’s for our own good anyway. Alam kong kaya namin to.” I’ve decided this not because galit ako sa kanya. I think about it a hundred times so paninindigan ko na.


“Kung yan talaga ang gusto mo, sige, I’ll call Ethan to prepare what you need in England. Sana hindi mo to pagsisihan, Yahnnie.”


“Okay, Dad. Thanks, I’ll be going now. Take care.” saka ko siya kiniss sa cheek niya at nagpaalam ulit.

-end of flashback-



Airport….


Tinawag na ang flight to London at papasok na kami ng airplane. Lumingon muna ako sa paligid na para bang may gustong makita ang mga mata ko. (_ _) ba’t ba ako aasa eh, ako nga ang nang-iwan diba? Shunga lang,  Yahnnie?

“I’ll miss you, Liambeb. Sana may babalikan pa ako.” I just whispered at pumasok na sa plane kasunod ng parents ko. Sana maging masaya tayo sa kung ano mang kahahantungan nito.



Liam’s POV


Ilang araw naba mula nung iniwan na ako ni Yahnnie? 5 days? pero andito parin ako sa condo ko nagmumukmok at naglalasing. ilang araw pa nga di ko na kaya pano pag weeks?months? o ang masaklap years? parang gusto ko ng mamatay pag nangyari yun. kahit sino na nga ang pumupunta dito para lang i-check kung buhay paba ako. Oo kase, naglaslas ako nung isang araw. parang di ko kase kayang mabuhay kung wala siya.

“Pare! Tama na yan kakalabas mo lang kahapon galing ospital ah, diba sabi ni Yahnnie wag ka raw malungkot sa pag-alis niya? Dapat magsaya ka at hanapin ang sarili mo! Tsaka cool-off lang yun.” said Al sabay agaw ng bote ng alak sakin .tsk. oo alam nila kasi andun naman sila nagtago malapit sa tangke ng tubig eh at nagpakabasa rin para lang nila ang usapan namin.

“ Sa tingin mo, magugustuhan ni Yahnnie ang ginagawa mo ngayon?” Tristan


“Putek! Alis nga kayo, lalong nasisira araw ko pag nakikita kayo eh.”


“Lahat naman sira para sayo eh. Pati mga gamit dito puro sira na, parang dinaanan lang ng bagyo tong condo mo ah!” Tristan sabay pulot ng mga kalat. Basag kasi ang mga dapat mabasag dito at kalat ang mga gamit dahil napagbuntunan ko ng galit pag naiisip ko ang lame reason niya sa pag-alis.


“Wag nga kayo, gusto ko mapag-isa kaya wag niyo kong pakialaman.”


“Ikaw bahala pero kung gusto mong makalimutan ang problema mo, balik ka lang sa bar—ARAY!” Al habang nakahawak sa batok,binatukan siya ni Tristan.


“Ambobo mo talaga, tinuturan mo pang maging g@gong tulad mo eh!” Tristan. “sige tol, una na kami. wag kang gagawa ng horror dito ah.”

“=_=” ako. saka sila umalis.  Naiisip ko na naman ang nangyare sa rooftop. Ganun nalang ba yun? napaka-lame talaga ng rason niya. hanggang ngayon di ko parin maintindihan kung anong gusto niyang mangyare sa relasyon namin. Cool-off? haha sinong niloko niya eh mas malala pa nga siguro to sa break-up eh. Iniwan niya lang ako sa ere at umalis ng ganun-ganun nalang. nasasakal ba siya sakin at kailangan niya ng kalayaan? siguro nga, kase napakahigpit ko. at siya naman masyadong maluwag sa relasyon namin. siguro tama lang to. pero maghihintay parin ako.





Months later…


“Wooooooooooooohhhh! mga tol! graduate na tayo! Woooohoooooooh! Kailangan nating magpa-party mamayang gabi!” sisigaw-sigaw pa ni Al. tama April na at graduate na kami. magda-dalwang buwan narin mula nung wala SIYA.


“Tama. Biruin mo yun at pinasa ka ni Maam Terror kahit luma na yang utak mo.” biro ni Tristan


“Yabang netong lokong to. yang isa nga jan, pinasa kahit absent ng absent. ako pa kayang perfect attendance!” Al


“Ako bang pinariringgan mo? gusto mo sapakan nalang eh -__-“ sagot ko


“Chill pare, wag mo nang patulan ang utak-ipis na yan.” inakbayan ako ni Tristan. “magcelebrate tayo mamaya sa bar namin.”


“Oi, biro lang. sama niyo ko jan. dapat may mga chikabaes ah!” habol ni Al.



Sa bar…

Tristan’s POV

Oh gulat ba kayo? 1st time to eh, pinilit ko si Ms. Kimyin na gawan ako. at eto nga gumana ang charms ko sa kanya. >:D  back to the story..
Oo nagpupunta na nga si Liam dito para lang maglasing kapag naaalala niya si Yahnnie. alam kong nasasaktan parin siya.. andito kami sa table ng North gang at soccer team na nagkakatuwaan ng biglang nagtanong si Jack sa kanya out of the blue.


“Tol, kamusta na pala ang prinsesa mo?  tagal ko nang di nakikita yun ah, buti at pinayagan kang pumunta dito.” Jack. napaiwas ng tingin si Liam at linagok ang isang basong tequila. taga-ibang school si Jack kaya di niya alam.


“Wrong question ka pare.” Al


“Bakit? Ano bang nangyare? naghiwalay ba sila?” tanong ulit ni Jack.

“Putek! ang ingay mo tol! “ sabay subo ng marami ni Al kay Jack ng pulutan.


“O-o-oy! tubig!” binigyan siya ng beer ni Al at ininom rin niya ito. “AH! pakshet ka pare, ansama mong g@go ka.” tumawa lang ang barkada except Liam na nakatingin sa mga nagsasayaw.


“Tama na yan, lat’s have a toast again para sa lahat. Ano nang plano niyo sa mga buhay niyo ngayon?” pag-iiba ko ng topic.  At nagsagutan naman ang iba at nagtawanan. Maya-maya..


“Sayawan na! paramihan ng chikababes ah!” sigaw ni Al.


“You still love her, right?” hindi siya sumagot sa tanong ko pero halatang nagulat siya.


“Kailangan mo rin magdesisyon para sa sarili mo. gaya nga ng sabi niya, wag mong ikulong ang sarili mo sa kanya. knowing her, alam kong may malalim siyang dahilan kaya niya to ginawa.”


“Hindi ganun kadali yun gawin, Tristan. Moving on is useless. ” umalis na ako katapos niyang sabihin iyon. Ilang sexyng babae na ang lumalapit sa kanya ay tinatanggihan parin niya. Hindi na nga siya ang Cassanova Gangster.





Chapter 5:
The Comeback


After another 2 months…


Liam’s POV


Ang bilis ng panahon. It’s already June. at hindi parin SIYA bumabalik. naibabalik ko na ang sarili ko mula sa pagmumukmok at paglalasing. Tutok kasi ako ngayon sa trabaho sa company namin. Ako na ang pina-manage ni Dad last month lang.

“You’re doing great, Son. Kahit bago ka pa lang, ang dami mo ng nagawang improvements dito sa kumpanya. I’m so proud of you.” saad ni Dad. ako na kasi ang CEO dito.


“Thanks, Dad.”  umalis na ako at pumasok sa elevator. pagkalabas ko sa groundfloor laging tulala ang mga mukha ng employees ko. tsk, di parin talaga lalaos ang mukha ko.


“Ang gwapo talaga ni sir,kyaaaaaaahhh!” E1
“Bye sir, ingat po kayo.”E2
“Ang bata pa niya, pero magaling na sa trabaho.”E3
“Oo nga, pati kaya sa kama magaling siya? Swerte ng gf, ang hot!” E4
Napalingon ako sa huling empleyadong nagsalita -_-. pati ang iba, napalingon sa kanya.


“Hehe, sorry sir. Joke lang po yun. ^_^V.” E4 .saka ako nagpatuloy ng lakad.


“Ikaw kasi, ang green mo mag-isip. tsaka may nagmamay-ari na kay sir. di na kailangan ng gf.” rinig kong sabi ng kasama niya. Sa totoo lang ,hindi naman dahil dun sa magaling ako sa kama na totoo naman >:D kaya napalingon ako eh. kundi dahil sa nakarinig ako ng GF. naalala ko na naman siya. hindi ko parin makakalimutan ang buong pagkatao niya. halos gabi-gabi ko siyang naiisip at kahit na kasama ko ang fiancée ko, siya parin ang iniisip ko. pagdating ko sa carpark naghihintay na siya. Si Felize Marie T. Santiago, siya ang fiancée ko, kasabay ng pagiging CEO ko ang pagkakatali sa kanya kasi business partner ng Dad niya ang Dad ko.. mabait siya, maganda, mayaman at matalino. wala ka ng mahihiling pa sa kanya, marahil napalapit na siya sakin pero..

HINDI KO SIYA KAYANG MAHALIN. hanggang kaibigan lang talaga ang kaya kung ipangtrato sa kanya.

“Kanina ka pa?” tanong ko.


“Not really. Let’s go.” saka siya pumasok sa car ko.


“Di mo bad ala ang car mo?” ako


“Hindi eh. tara, shopping.” Felize


“Eh panu ka nakapunta dito kung wala kang dalang kotse?-_-“ nagsisinungaling nanaman siya kaya natutuwa ako dito minsan eh.

“Ah..eh..naglakad?”


“Tsk. hindi ka papasa sa pagsisisnungaling Felize. ang tamad mo kaya maglakad kahit malapit lang.” nagpout lang siya at nagcross-arms. naalala ko nanaman siya. lagi naman eh.


“Tulala ka? naalala mo nanaman siya noh?”


“mind reader kaba?=_=” ako


“sus! selos na ako niyan. tara na nga, kainis to.” saka ko pinaandar ang sasakyan. hindi siya katulad ng iba na pinagsisikan ang sarili nila sakin, marunong siyang lumugar kahit may gusto pa raw siya sakin.

“McDo tayo,kain muna, gutom na ako.” ako


“Ang sabihin mo dadaanan mo lang ang condo ng pinakamamahal mo kaya ka nagugutum-gutuman.” talino talag ng isang to. madadaanan kase namin ang condo ni Yahnnie kapad pupunta kami sa McDo galing rito. bago ako umuwi sa condo ko, lagi akong umaasang bumukas ang ilaw sa bintana ng unit ni Yahnnie kaya lagi akong dumadaan dito at nagbabakasakaling bumalik na siya.


“Tumahimik ka nga jan, di kita ililibre eh.” saka pa siya tumahimik. pagkadaan namin, wala paring tao. hanggang kalian ba Yahnnie? hindi mo naman papaabutin ng taon diba?


“Lagi ka nalang umaasa sa taong hindi naman nagpaparamdam sayo.” bulong ni Felize pero rinig ko. Tama, dakilang hopeless na nga siguro ako. kaya napag-isipan kong kung di parin siya babalik hanggang sa anniversary namin sa July 14, hindi na ako aasa pa at magmo-move-on na ng tuluyan.

Yahnnie’s POV


Miss me? Waaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhh! me too, me too. And I miss him the most. Ako parin kaya ang mahal niya hanggang ngayon? hayyy, gusto ko nang bumalik dun. kaya lang, kailangan ko pang tapusin ang mga kailangan tapusin dito sa company namin ni Ethan eh, my partner in business. Kung tinatanong nyo kung may nagbago sakin, hmm.. siguro physically lang kasi nagpa-highlights ako ng blonde eh. Well, naging masaya parin naman ako dito but I really feel incomplete dahil wala siya. Siguro nga’y kailangan ko ng bumalik sa Pinas para malaman kung ano ang ang desisyon ng tadhana para sa amin. Next month, I’ll make sure we will meet again Liambeb.


“Don’t just sit there. Work this out.” sabay hagis niya ng folder sa table ko. Ang senoritong si Master Ethan ay nag-uutos na naman.


“Eh kung ikaw kaya ang tumapos nito?! palibhasa ang tamad mo , binabaliktad mo pa ako. Ikaw nga jan ang sitting pretty lang eh.” pinandilatan ko siya at nagmotion pa akong susuntukin siya.


“Hahaha. you’re face is very funny, Yahnnie. At magka-rhyme pa, FUNNY-Yahnnie.” at tumawa siya ng tumawa hanggang maubusan ng hininga.


JOKE. pinagtitripan nanaman niya ako. but I know, it’s his way of making me forget temporarily about my past pain back there in Pinas. And I appreciate it, but it doesn’t erase the fact that I still love him.

“Babalik na ako next month sa Pinas.” I said casually. tumigil na siya kakataw.


“Are you sure about that? Kaya mo naba talaga siyang harapin?” Ethan


“Yeah. I’ll accept what will be our destiny’s decision. It’ll be a make or break for us.”


“Kaw bahala. Pero sasama ako.”


“What?!”


“Sasama ako.” ulit nya


“NO WAY!”


“Bakit ba? eh sa gusto kong bugbugin yun pag sinaktan ka nun eh.”


“Wag na, di ka mananalo dun. tsaka ako kaya ang nang-iwan sa kanya. kaya hindi ko siya masisisi kung anuman ang maging desisyon niya.”


“We’ll see.”




Felize’s POV

Weeeeeeh July nah. Hi! I’m Felize Marie T. Santiago, fiancée of Mr. Liam Jake Rodriguez. wag niyo po akong aawayin ah, hindi ko naman siya aagawin kay Arrianne eh. At wala akong balak, dahil alam kong mas masasaktan lang ako at matatalo. Nakikita ko sa mga mata ni Liam ang wagas na pag-ibig niya kay Arrianne kaya wala akong panama dun. Kaya pinipigilan ko ang sarili kong lubusang mahulog sa kanya at mananatiling karamay niya sa tuwing kailangan niya ng kaibigan. In fact, ipina-cancel na namin ang kasalan na magaganap next month kase naghihintay parin siya, may bumalik man o wala. Alam ko namang ayaw niya rin akong masaktan kaya I forced my parents nalang at naintindihan naman nila yun. I’m here at his condo, playing PSP.


“Tama na nga yan at kumain kana dun.” at kinuha niya sakin ang PSP.


“No, give me that!” ako


“Kumain ka muna. tsaka mukhang masisira mo na to sa lakas mong pumindot oh.=_=”

“Psh. Fine.” kumain na ako. Kung bakit ako nandito? Well, binabantayan ko lang naman siya para hindi siya pumunta sa bar at magpakalasing. Utos ng Daddy niya eh, di pwedeng sumuway baka ano pang gawin nito pag mag-isa lang. tsaka okay lang sakin andami kayang pagkain rito. at may sarili pa akong kwarto. oh diba libre ^___^ kaya lang kwarto daw to ni Arrianne noon kapag nagpupunta yun dito (_ _)




Pero seriously, naabutan ko kasi siya noon dito na lasing at umiiyak. Nakita ko dun ang basag na picture frame, photo of the two of them na nakaakbay si Liam sa babae at naka V-sign naman yung girl. Ang saya nila tingnan, nakakainggit, siguro siya si Arrianne, sobrang ganda niya walang-wala ako. Pero di ko mapigilang maawa sa kanya nun. Parang ang sakit-sakit ng dinulot ni Arrianne sa kaniya dahil nagkaganun siya. Unang beses ko nung makita siyang umiyak at wala akong magawa kundi tignan lang siya at damayan. At dahil dun, napalapit na ako sa kanya at dun ko nalaman ang lahat ng hinanakit niya. Ang masasabi ko lang, mahal na mahal talaga niya si Arrianne higit pa sa sarili niya. wala na siyang itinira eh, mukhang pati puso’t kaluluwa niya dala rin ni Arrianne kung nasan man siya ngayon.



Yahnnie’s POV


Malapit na. Magkikita na rin tayo sa wakas, Liam. Sana may babalikan pa ako.
Bukas na ang flight ko pabalik ng Pinas.

“Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhh!” sigaw ko habang takip ng unan ang mukha ko. Excited na ako. I’m sure gumwapo ng husto si Liam. Di na ako makapaghintay na makita siya.


Kinabukasan…

“Grabe. Natulog ka ba kagabi huh Yahnnie? Malaki pa ata ang bagahe ng mga mata mo kesa sa mga maleta mong dala mo ngayon ah.” asar ni Ethan.


“Tse! tumahimik ka nga jan at magdrive nalang! ” eh sa di ako makatulog kagabi eh. huhu >.< papunta na kaming airport ngayon ni Ethan, next week pa daw makakasunod sila Mom and Dad eh. Pagdating namin dun hanggang pagsakay sa plane, hindi parin ako mapakali. 2nd anniversary na sana namin sa susunod na araw. Kaya ko na ba talaga siyang harapin? Pano kung ..


“Wag kang mag-isip ng kung ano-ano. Matulog ka nalang.” say ni Ethan habang nakapikit. sh*t mind reader siya, tsk2x. kaya pinilit ko nalang din matulog.


Chapter 6:
Encountering the..rival or friend?


“Gising, andito na tayo sa bahay.” alog niya sakin. kanina pa kasi ako tulog ng tulog, si Ethan kase, nakaramdam na tuloy ako ng jetlag. Kinusot ko ang mga mata ko, pagkababa ko..


“WAaaaaaaahhhhhhhh! andito na nga tayo! aba medyo nagbago ang garden ah!” sigaw ko at pumitas ng isang bulaklak at nilagay sa tenga ko. “ Hi manang, I miss you!” niyakap ko si Manang. close kami nito eh parang mama ko narin to.


“Aba,aba. Lalong gumanda ang aming prinsesa ah, anung bago?” Manang


“Nakuu manang, kayo talaga. wala pong nagbago, ganun parin po ako?” ako


“Mabuti naman, hija. Oh andito pala si Sir Ethan. “


“Magandang araw po, Manang.” Ethan


“Oh siya, pasok na kayo sa loob at ipaghahanda ko kayo ng makakain ng makapagpahinga kayo kaagad pagkatapos. Tulungan mo sa mga bagahe si Sir Ethan, Daryo.” Manang


“Maraming salamat po.” saka kami pumasok, kumain, nagkwentuhan at nagpahinga na.


Pagkagising ko, 5pm na. Napasarap yata tulog ko ah. Bumangon na ako at nag-ayos. Itinali ko pataas ang buhok ko at nag-shades. Naka-denim shorts at off-shoulder na yellow blouse. Pupuntahan ko ang condo ko. Pagkababa ko..


“San ka pupunta?” epal Ethan.


“Sa condo ko. di pwedeng sumama ang mga pangit.” asar ko sakanya. siguradong sasama to eh.


“Tsk. ihahatid na kita.” ui may driver ako. okay yun. pumayag na akong maging driver siya, saying naman sa gas kung car ko ang gagamitin ko eh, taas na kaya presyo ng gasoline ngayon ^_^V


“Hintayin mo nalang ako dito.” I said tapos pumasok na sa loob ng unit ko.


“Aba, wala paring pinagbago ah.” nasabi ko sa sarili. Malinis parin, binilin ko kasing palinisan to every week sa maintenance dito. Andito rin ang mga alaala namin ni Liam sa isa’t-isa. Bukas. Anniversary na namin, ano kayang pwedeng iregalo? Makabili nga. Lumabas na ako.


“Tara, mall. dali.” utos ko

“Kung maka-utos ka parang driver mo lang ako ah. ” reklamo niya.


“Oh? hindi bah?” ako >:))


“Duga mo.”



Sa mall…

pagkarating namin sa mall, pumunta ako sa mga stall ng damit. Ano kayang magugustuhan niya. Well, lahat ata babagay sa kanya eh. kaya lang baka lumaki na katawan nun at di pa magkasya sa kanya.


“Ano sa tingin mo magandang iregalo sa lalake huh Ethan?” tanong ko.


“Wag mo kong tanungin kung di rin lang ako ang pagbibigyan mo.”


“ammp. sunget!” binelatan ko ko sya saka lumakad palayo ng mabilis. walang kwentang kasama talag yung si Ethan, kaasar. naglibot-libot pa ako and at last nakabili rin.. hanggang sa..


Felize’s POV


7 pm na. Pupunta kami ngayon sa mall, kase may importante raw siyang bibilhin. but as usual, dumaan muna kami sa condo ni Arrianne at patay parin ang mga ilaw. pagtingin ko sa kanya, nakita ko ang lungkot sa mga mata niya. Bukas na kase ang 2nd anniversary nila at di parin bumabalik ang babaeng hinihintay niya.


“Kung wala parin siya bukas, ititigil ko na ang paghihintay.” bigla niyang sabi while driving,


“Why? Sumusuko ka na ba?”


“Sabi niya bago siya umalis, mahal daw niya ako. Yun lang ang mga salitang pinanghahawakan ko sa paghihintay sa kanya. Pero bukas.. kung wala parin siya. ibig-sabihin nun, hindi na niya ako mahal dahil kinalimutan na niya ang pinaka-importanteng petsa sa relasyon namin. Then that means hindi na ako mahalaga para sa kanya, at wala na akong hihintayin pa.” bakas ang lungkot sa pagkakasabi niya nun. alam kong ayaw pa niyang sumuko pero masyado na siyang nasaktan. hindi na ako sumagot pa hanggang sa makarating kami sa mall.

Ikot kami ng ikot sa buong mall, pero wala parin siyang mapili.


“Pagod na ako. Dito muna ako magpapahinga sa may bench hah, balikan mo nalang ako dito mamaya pag nakabili kana. “ di ako sanay maglakad ng matagal eh. madali ako mapagod.


“Sige, wag kang aalis dito hangga’t di ako nakakabalik. tumawag ka kung may emergency, kay?” Liam


“Kay.” at lumakad na siya palayo. nagkapaltos yung paa ko, huhuh


“Here.”


“Band-aid?” pagtingin ko.. ay di ko kilala. pero natulala ako, grabeh, sobrang ganda nya, she’s like a goddess na pinadala rito sa lupa.


“I’ll do it for you.” said the goddess.


“No! I mean, ako nalang. nakakahiya naman sayo.”


“I insist.” at ang bait pa, pinadala nga siguro to para tulungan ako >.< nilagay na niya ito sa paltos ng paa ko.

“Thank you, goddess.” halatang nagulat siya saka tumawa ng mahina.


“Goddess? My name’s not goddess. It’s Yah- I mean Bliss. what’s yours?” she said. ay di pala niya gets.


“I mean, you look like a real goddess. Nice name, I’m Felize. nice to meet you. You really look familiar.” I said then she chuckled. ghad! ang sarap pakinggan ng tawa niya. at nakipagshakehands pa siya. Kamay mayaman, ang lambot ah o baka nag Joy with Vitamin E lang?! haha tawa kayo, joke yun. Pero parang nakita ko na talaga siya dati eh, siguro magkamukha lang pero parang talaga eh.


“Really? Nice to meet you too, Felize. So why are you alone here?”


“may kasama ako. may binili pa kase siya.”


“Oh.. you’re boyfriend?”


“NO!” napasigaw ako bigla kaya nagtinginan ang iba samin.


“I see.” bulong niya pero rinig ko.


“He’s my fiancé..” mukhang nagulat siya. siguro di niya inakalang may fiancé na ako. ang bata ko kaya tingnan, ang liit.


“O-oh.. really? great. I’m happy for you.” then she smiled. but I’m not happy coz he’s not happy with me.

“Thanks.” yun lang nasabi ko.


“Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Tara na.” sabi nung blonde guy na kararating lang. ang gwapo naman niya, crush ko na siya agad >///< kaya lang baka boyfriend ni Bliss.

“Sige una na ko, Felize. Bye.” tumango lang ako with smile and she waved goodbye na then left. Maya-maya, dumating na si Liam.


“Kanina pa kita hinihintay, ba’t ang tagal mo?” ako


“Andami kasing tao sa jewelry shop. tara uwi na tayo.” walang gana niyang sagot. at ayun, umuwi na nga kami. Habang nasa car kami naikwento ko sa kanya yung new friend ko kanina..


Liam’s POV

Nakabili rin ako ng ireregalo ko sa kanya. Singsing, hindi ko na kase patatagalin pa kung bumalik man siya. itatali ko na siya sa puso ko habambuhay ng di na niya ako iwan ulit. Habang nagda-drive kami pauwi, bigla nalang nagsalita si Felize.

“Alam mo, may nakilala ako kanina. Sobrang ganda niya, para siyang totoong goddess na bumaba dito sa lupa. Sobrang sarap pakinggan ng tawa niya.” said Felize na tuwang-tuwa pa.


“Talaga. inggit ka na niyan?” ako


“Walang kwenta ka talaga kausap. tsaka ang bait pa niya, siya nga naglagay ng band-aid dito sa paltos ko eh.”


“Di ka man lang nahiya at ibang tao pa ang pinagawa mo nun para sayo.” ako


“Nahiya ako noh syempre. pero nagpumilit siya kaya ayun. nung mag-shake-hands kami ang lambot ng kamay niya, halatang anak-mayaman.”


“Ba’t ikaw anak mayaman pero ang gaspang ng kamay.” biro ko


“Hoy! hindi kaya! batukan kita jan eh! >_<” asar na sabi niya. “wag ka nga magulo nagsasalita pa ako eh, sabat ka ng sabat.”


“Sabi mo wala akong kwentang kausap.” kaya ako sumasabat. baka mabored siya, ang ingay pa naman niya pag bored. kumakanta bigla, sakit sa tenga. tsk.


“Eh wala paring kwenta ang sabat mo eh. wag ka nga.”


“What’s her name?” bigla ko nalang naitanong. ewan curious lang?


“Ano nga ba yun? Blush? Blitz? uhmmm.. AH! naalala ko na. Bliss! tama Bliss nga yun! ganda nu— waaaaaaaahhhhhhhh!“ bigla ko kaseng natapakan yung break. dahil sa narinig ko.


“Ano ba! papatayin mo ba ako?!” reklamo niya


“Wag ka ngang sumigaw jan. Tsk.”


“eh ba’t ka kase humihinto bigla?”


“wala, may naalala lang.” siguro magkapangalan lang. her second given name. hindi naman yun nagpapakilala gamit yung name niyang yun kasi ang hirap daw i-pronounce kahit madali lang naman talaga. pagdating namin, dumiretso na ako sa kama at nahiga. tinignan ko lang ang nabili kong singsing. Sana bumalik kana kahit bukas lang.


Chapter 7:
Sad Anniversary?




Yahnnie’s POV

Siya ba talaga yun?


flashback…


Pagkalabas ko mula sa stall ng pinagbilhan ko ng regalo para kay Liam. hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
Si..
Si..
Si..
Liambeb!! Siya nga! walang pinagbago kundi ang lalong pag-gwapo niya. gusto ko siyang lapitan, hawakan, yakapin at halikan. kaya lang may kasama siyang..babae. Sino yun? kailangang kong malaman. Umalis na siya at iniwan ang babae sa may bench, sa tingin ko napaltos ang paa kaya binigyan ko ng band-aid. ang cute niya, parang anghel. nag-usap lang kami at biruin niyo yun napagkamalan niya akong si goddess? natawa ako dun, kasi I look like one naman daw tapos I look familiar din daw, sikat na ba ako ^_^. kaya nagpakilala kami sa isa’t-isa,Felize ang pangalan niya, hanggang sa..



“Nice to meet you too, Felize. So why are you alone here?” nakangiti kong tanong.


“may kasama ako. may binili pa kase siya.” siya


“Oh.. you’re boyfriend?” curious lang kung anong relasyon niya kay Liam, malay niyo.


“NO!” napasigaw siya. Yes! buti nalang.


“I see.” bulong ko. napangiti ako ng lihim.


“He’s my fiancé..” O_O Halos di ako makahinga sa narinig ko. Oh no. my ghad! totoo ba to? nangingilid na ang luha ko buti nalang nag-shades ako.

“O-oh.. really? great. I’m happy for you.” I stutter then I faint a smile. gusto ko ng umalis dito.

“Thanks.” Felize said.


“Andito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap. Tara na.” galing ng timing mo Ethan. may silbi ka rin pala paminsan-minsan.


“Sige una na ko, Felize. Bye.” tumango lang siya with smile and I waved goodbye na then left. Can’t believe this. Sinabi ko kay Ethan lahat ng nalaman ko while crying habang pauwi. Gusto nga nyang balikan at bugbugin daw si Liam, pero pinigilan ko na. ayokong manggulo pa. I know he’s happy now, hindi naman siguro siya makikipag-engage kung di niya mahal diba? pero ba’t ako hindi pa nakamove-on? bakit ang dali para sa kanya? siguro nga’y andun si Felize nung mga panahong kailangan ako ni Liam.


Andito na ako sa kwarto ..umiiyak parin. Siguro nga’y mali ang pagbalik ko dito sa Pinas. Ikakasal na pala siya. hindi na ako ang mahal nya. hindi niya ako nakayang hintayin. Pero gaya nga ng sabi ko noon sa rooftop, dapat maging masaya kami para sa isa’t-isa sa kahahantungan ng desisyong to. Isang mabuting babae naman siguro si Felize at mamahalin din ito ng katulad ng pagmamahal ko para kay Liam. Kung ito ang gusto ng tadhana, wala na akong magagawa. pero shet! ang sakit lang! Sana pwedeng irewind ang nakaraan at di nalang ako nagdecide na makipag-cool-off sa kanya. edi sana ako ang pakakasalan niya ngayon. dapat pala naging ready ako kung sakaling wala na akong babalikan. pwedeng magmura ulit? pakinsh*t! ba’t ganito pa ang nangyare. di ko namalayang nakatulog na pala ako habang umiiyak.



Kinabukasan…


“Hija, may delivery ka. kain ka narin muna.” Manang knocked at my door. Ang sakit ng mata ko kakaiyak kagabe. pagtingin ko sa clock, 10 am na pala. ayoko munang lumabas, di pa ako ready.


“Mamaya na po ako,kanino po galing?” tanong ko habang nakapikit pa, di ko maimulat eh.


“Ah..from Soft Pillows ang nakalagy dito.” napamulat ako ng mata.


“Pakitapon niyo nalang po yan. salamat.” wala na kasing silbi yun eh. And yep, anniversary gift ko sana kay Liam yun ngayon, this day lang naideliver kasi pina-customize ko pa siya. Unan siya na soccerball ang design then may nakaprint na ‘Yahnnie and Liam Forever’. Oh diba ang keso lang, kaya lang wala ng FOREVER.. hindi ko na pwedeng ibigay yun sa kanya. baka mag-away lang sila ni Felize pag nakita yun. Hangad ko na lang na maging happy sila forever at di niya sasaktan at iiwan si Liam gaya ng ginawa ko noon. Kahit masakit kailangan ko ng magmove-on. Bukas na bukas din ay babalik na ako ng London para ipagpatuloy nalang ang nasimulan kong business dun.



Ethan’s POV


Rinig ko sa may sala ang usapan nila Manang at Yahnnie. Di naman kase to kalakihan ang bahay nila, pero elegant parin ang dating. nagkukulong nanaman siya sa kwarto niya.


“Pakitapon niyo nalang po yan. salamat.”Yahnnie saka bumaba si Manang

“Ako nalang po ang magtatapon nito, tapusin niyo nalang ho ang ginagawa nyo.” saka ko kinuha ang delivery.


“O sya, sige. salamat at magluluto pa ako.” said Manang. di ko naman talaga to itatapon, alam kong ito yung regalong binili niya kagabi sa mall. kahit gusto ko ng sunugin to, di pwede kase may gagawin pa ako. Itatago ko muna to. Ang totoo, pinaimbestigahan ko ang background ng g@gong Liam na yun pati yung fiancée daw niya na si Felize. Marami nga akong nalaman pero di pa sapat yun, I’m still waiting for the information na nakalap ng mga connections namin rito ang about sa marriage nila. Hindi naman sa may plano ako pero nakikita kong masyadong masakit para kay Yahnnie ang nangyayare ngayon kaya gusto ko lang siyang tulungan dahil isa siya sa mahahalagang tao sa buhay ko.



Liam’s POV


Andito kami ngayon nina Al,Tristan at Felize sa may rooftop ng Café Latte at naghahanda para sa anniversary surprise para kay Yahnnie. Kahit walang bakas ng pagbalik niya, umaasa parin ako na darating siya. Tanga na kung tanga, pero mahal ko lang talaga ang babaeng nang-iwan saakin noon. Hihintayin kita hanggang sa matapos ang araw na to Yahnnnie.


“Okay na ang fireworks tol! 12 midnight ang set.” sigaw ni Al sa baba.


“Music are also prepared.” Tristan


“The table is set and foods are ready to be served, just give us a signal mamaya.” Felize. tango lang ako ng tango sa kanila.


“Maraming salamat sa inyo.” ako


“Wala yun, basta ba yung 1 month na gastos ng gasoline ng sasakyan ko wag mong kalimutan eh.” Al while laughing.


“Yung akin 1 month stock ng grocery ah.” Tristan


“My 1 month shopping spree don’t forget!” Felize.


“Tsk =_= sigurado akong di kayo tutulong kung walang suhol. napaka duga niyo.” ako


“Walang anuman tol, basta ikaw.” tinapik pa ni Tristan ang balikat ko.

“Umalis na nga kayo, pineperahan niyo pa ako, kaya niyo naman gumastos para sa mga luho niyo. Mamaya ah.” Napailing nalang ako . mga kaibigan ko ba talaga ang mga to.


“Mas masarap gamitin kung kung galing sa kaibigan pare. HAHAHAHAHA! Di ko sasayangin ang isang buwang to, HAHAHAHAHA!” Al at bumaba na kasama si Tristan.



“Goodluck nalang, Liam.” said Felize. “May pasabog pa kami mamaya.HAHAHA! Enjoy!” saka siya tumakbo pababa. Mga lokong yun. 4pm na pala. At wala parin siya. Pano kung hindi na.. Aish! stop being pessimistic Liam. Umupo nalang ako at sumandal sa may tangke. Please Yahnnie, dumating kana dahil kung hindi, mawawalan na ng saysay ang buhay ko.











Chapter 8:
Destiny’s decision


Yahnnie’s POV


Nagpabook na ako kanina ng flight pabalik sa London para bukas. Di ko lubos maisip na hindi na siya magiging akin. Hayyy.. wala man lang maayos na closure sa relasyon namin. Pero wag na, mas mabuting di ko na siya makausap bago umalis at baka sumbatan pa niya ako sa pang-iiwan kop sa kanya dagdag pasakit lang kung magkaganun. Sana talaga hindi ko nalang napagdesisyonan yun, tama ang sabi niya. Cool off is near to break-up nga. Oh tadhana, bakit mo ako pinagkaitan sa kaligayahan ko. naging mabuti naman akong tao ah. Kung kalian na-realize kong, ikaw lang ang gusto kong makasama habambuhay. Nasa huli nga naman ang pagsisisi. Ba’t ba hindi pa ako makatulog! ayoko na mag-isip pa at umiyak ng umiyak dito.

“Yahnnie! Open the door! Yahnnie importante to!” sigaw ni Ethan habang pinupukpok ng napakalakas ang pintuan ng kwarto ko .


“My ghad Ethan! Kung makasigaw ka naman jan, WAGAS! May bukas pa naman diba, alas-onse na oh at nambubulabog ka pa. Gano ba ka-importante yan at mukhang may plano kang wasakin yang pinto ko?!”


“This is more important than your life, Yahnnie.” kalmado na niyang sagot. and WHAAAT?!



“You’re crazy.” I said then nagtalukbong ng kumot. Wala namang mas important kesa sa buhay ko, kundi ang makasama si—


“It’s about Liam. You’re not interested then? Sige, hindi ko sasabihin sayong mahal ka pa ng prinsipe mo.” Napaupo ako sa sinabi niya. Say what?! tama ba yung pagkakarinig ko? dali-dali kong binuksan ang pinto.


“Anong sabi mo? Linawin mo nga o baka naman pinagtitripan mo nanaman ako!” tinaasan ko siya ng kilay saka niya inihampas sa mukha ko ang isang folder. Ansama talaga nitong kumag na to.


“Basahin mo yan ng maliwanagan ka.” saka siya umalis. Binasa ko ang mga dapat basahin at saka tumakbo papalabas ng bahay.



*Beep beep* (busina ng kotse yan)


“Sakay na, ihahatid na kita.” Ethan said.


“Pero nasan siya ngayon?” ako


“Alam ko kung nasan, Café Latte.” Sige ikaw na ang may alam. pero hindi matatawaran ang nararamdaman ko ngayon.


“Thanks Ethan, I owe you big time. Maraming salamat talaga.” and with that pinaharurot na niya ang sasakyan papunta sa Café Latte. bahala na kung naka sleeveless at pajamas lang ako basta magkita lang kami. Yeah tama, statements yun at picures na nagpapatunay na hinihintay parin ako ni Liam hanggang ngayon. Pati ang document ng pagpapacancel ng marriage nina Felize ng dahil raw sa last gf niya which is capital ME. Parating na ako beb, magiging masaya narin tayo.


“Andito na tayo. Wag ka ngang umiyak jan, baka maturn-off pa sayo si Liam. Here.” Ethan saka kinuha sa likod ang isang.. unan. my gift for him.


“Eh sa masaya ako eh. Thank you talaga Ethan, you’re the best cousin ever!” saka ko siya niyakap. Nag-smile lang siya at nagmadali na akong umakyat papuntang rooftop.. andito na ako sa tapat ng pintuan ng rooftop. Huminga ako ng malalim tsaka binuksan.


O_O

napatakip ako ng bibig sa nakita ko saka napahagulhol at nabitawan ang dala kong unan. tumakbo ako papunta sa kanya at niyakap siya.


“Liam! anong nangyare sayo?! ba’t mo ginawa to?!” nakahiga siya sa sahig at maraming dugo sa kamay niya at may kutsilyo sa tabi at nakaukit sa may pulso niya ang pangalan ko. Nag-suicide ba siya? Kaya pinunit ko ang tela sa malapit na table at itinali ito sa mga sugat niya to stop the bleeding.

“Beb, gising!” nagpanic ako kaya inalog-alog ko siya.”Wag mo kong iwan, Liam please. Andito na ako, please wake-up!” tuloy-tuloy parin ako sa pag-iyak at pagtapik sa mukha kanya. Ayaw ba talaga ng tadhana na maging masaya ako?

“B-bakit ganito pa, kung kalian andito na ako saka mo rin ako iiwan.” halos hindi na ako makahinga sa tindi ng iyak ko. “Please naman Liam oh, wag ka namang ganyan. Babawi pa ako sa pang-iiwan ko sayo noon. tatawag ako ng ambulance kaya magpakatatag ka please.” nanginginig ang kamay kong kinuha ang cp ko para tumawag, nang biglang may humawak sa braso ko.

“Y-Yahnnie. i-ikaw ba yan? *cough cough*” biglang nabuhayan ang loob ko. pero naiiyak parin ako.


“Oo Liam ako to, wag ka munang magsalita. tatawag ako ng ambula—“ hindi ko natuloy kasi bigla nalang niya akong hinila at hinalikan. how I long and miss his kisses.


“Buti naman at nakarating ka. akala ko, hindi mo na ako babalikan. akala ko hindi na ako ang mahal mo. Mahal na mahal parin kita, Yahnnie. Happy 2nd Anniversary.” said Liam while wiping my tears at binigyan niya ako ng ngiti niyang nakakatunaw ng puso. I smiled back and hugged him tighter.


“I miss you. Mahal na mahal rin kita, Liam. hindi nagbago yun, Happy 2nd Anniversary din. Ang saya ko kase magkakasama na ulit tayo.” I paused. “teka, ba’t ka ba kasi naglaslas, dalhin muna kita sa ospital baka—“ he put his finger on my lips para patahimikin ako.


“Tsk. padalos-dalos ka parin talaga.” saka pinitik ang noo ko at umupo narin. “nakatulog lang ako sa paghihintay napagod kase ako, ang tagal mo kase. kita mo namang hindi nasugatan ang pulso ko diba? inukitan ko lang ang kamay ko ng pangalan mo kase pagmamay-ari naman talaga ako ng taong to.” ang sweet parin niya talaga. >///< I own him daw eh.


“Kahit na, di mo parin dapat sinugatan ang sarili mo. 7 letters kaya yan, mahapdi yan.” ako. pinisil na naman niya ang pisngi ko. at itinayo ako. pumunta kami sa may railings at tumingin sa mga stars.

“It’s nothing compared to the pain I feel nung wala ka sa tabi ko.” Liam. napatingin ako sa kanya, nakatingala parin siya at hawak parin ang kamay ko.


“I’m sorry kung iniwan kita noon ng ganun lang ang dahilan. Gusto ko lang masigurado na ikaw na ba talaga ang inilaan para sakin. And I’m very dahil ikaw nga ang laan ni God para sakin.” I said then smiled when he looked at me.


“I’ve already forgiven you noon pa. Kung alam mo lang kung gaano ako kasaya ngayong bumalik kana sakin, Yahnnie. Can I hug you again?” tumango lang ako saka hinapit niya ang bewang ko to hug me then I encircle my arms around his neck. I miss his hug.


“Alam mo ba kung anong kagaguhan ang ginawa ko nung wala ka?” tahimik lang akong nakikinig sa kanya while resting my head on his chest and he buried his face on my neck. “Nagmukmok ako, naglasing at nagwala sa condo ko. Pero ni minsan di ko inisip gumamit ng ibang babae para lang mawala ang sakit na naramdaman ko sa pag-alis mo. ” napangiti ako ng lihim, mapagkakatiwalaan eh.


“Eh pano si Felize? pano kayo nagkakilala?” ako curious lang.


“So you knew about her? Business partners ang mga daddy namin kaya ipinagkasundo kami. She’s admirable at madali lang mahalin, napamahal nga siya sakin pero.. hindi gaya ng pagmamahal ko para sayo. Hanggang kaibigan lang at kapatid ang turing ko sa kanya.” siya


“Akala ko talaga, pinagpalit mo na ako. Nakita ko kasi kayo sa mall then nilapitan ko siya nung umalis ka, kaya ayun nagkakilala kami.” ako


“At Bliss pa talaga ang ginamit mong pangalan ah. Ayaw mo pang malaman kong bumalik kana. Alam mo bang lagi kong dinadaan ang condo mo to check kung bumalik kana.” siya


“Pfft. Napakadesperado ng beb ko ah.” natuwa naman ako dun


“Syempre, di mo lang alam gano kita kamahal.” siya


“Ganun din naman ako, ang dami kong napatunayan sa sarili ko at isa na dun ang kagustuhan kong makasama ka ulit.” ako. hindi na siya sumagot. we stayed on that position hanggang siya na ang kumalas at tumingin sa relo niya.


“Before anything else, may ibibigay muna ako sayo.” then he smiled again


“Di ba pwedeng kumain muna?” asar ko, mukhang atat siya eh. haha

“Hindi pwede =_=, eto muna bago matapos ang lahat.”


“Psh. sunget parin, eh gutom ako eh.” saka ako nagpout at pinisil niya pa ang pisngi ko.


“Ang taba na nga ng mukha mo, pagkain parin ang iniisip mo. Pwede naman ako nalang ang kainin mo kung nagugutom ka eh .” nag smirk pa siya.


“Manyak ka parin talaga!” then tumawa siya. I miss his laughs. tumingin ulit siya sa relo niya, ano bang meron? hawak-hawak parin niya ang kamay ko nagsmile siya ng napakalapad..

tapos..

tapos..

lumuhod siya sa harap ko. >///< OMG!

tapos..

tapos..

may inilabas siyang maliit na box mula sa bulsa niya! the he opened it and VOILA! SINGSING! pwede na akong himatayin, my ghad! sa TV ko lang napapanuod ang ‘Will you marry me scene!’ totoo na to! ewan pero bigla nalang ulit akon naiyak, but this time hindi na dahil sa sakit at lungkot kundi dahil sa tuwa at ligaya.

“Arrianne Bliss O. Francisco, spend your lifetime with me.” wow, hindi tanong yung kanya. much more of a command pero I find it nakakalig parin. Unexpected eh, kakabalik ko pa nga lang.


“You never fail to amaze me. And yeah, I will Liam Jake P. Rodriguez, I will.” I said with a smile. then sinuot na niya sa ring finger ko ang singsing. tapos tumayo na siya at binuhat pa ako, mukhang wala lang sugat ang kamay niya eh. saktong may pumutok na nagagandahang fireworks sa langit at may music pa. Ang ganda.


“Woooooooooooooooooohhhhhhhhhhhh! This is one of the happiest day of my life. Asawa ko na ang Yahnniebeb ko! Ang saya!” sigaw pa niya, nakakatuwa talaga siya.


“Ibaba mo nga ako. Oo na, at alam kong mas magiging masaya pa tayo, beb.” hinahampas ko ang balikat niya habang tawa ng tawa.


“You don’t know how happy I am, Yahnniebeb.” binaba na niya ako at dinikit ang noo ko sa noo niya while looking lovingly at each other’s eyes.


“Ako rin. I thank God that we’re destined for each other, Liam.” and with that he pulled me closer to him then claimed my lips. I miss his kiss. It’s warm, full of love and passionate. How I love this man.

then biglang may mga nahuhulog na rose petals mula sa taas. nahinto ang kiss kasi may mga sumigaw mula sa taas na naka-helicopter pa, napa-face palm si Liam at isinubsob nalang ang mukha niya sa leeg ko.


“Wrong timing, mga pasaway talaga.” he whispered na rinig ko naman. natawa nalang ako.


“Congrats, pare!” Tristan


“Pinapaubaya na namin ang pinakamamahal naming Boss sayo, Yahnnie! Best wishes!” Al


“Hi Bliss! Ikaw nga yung sa picture sa kwarto ni Liam. Masaya ako para sa inyo.” kaway-kaway pa ni Felize kaya kumaway narin ako at ngumiti.


“Thank you sa inyo sa pag-aalaga nito para sakin nung wala ako!” ako


“Parang aso lang ah.” tawang sabi ni Liam.

“Eh alam ko namang pabaya ka talaga sa sarili mo, sakitin pa. Buti nga’t andito sila para bantayan ka.”ako


“Hoy Yahnnie. Uwi na raw sabi ni Tito. Nasa bahay na sila!” sigaw ni..


“Ethan?! ba’t ka ba nandyan?!” sigaw ko. eh nasama siya kina Felize eh, close na agad sila? napatingin rin si Liam.


“Who the hell is he=_=?” Liam. ayan nanaman siya.


“Bf ko sa London?” asar ko, sarap talaga pagtripan .he glared at me.


“Joke! Hahaha! pinsan ko yan si Ethan. eto naman di na mabir—” ako
he shut me up through his lips. Sana ganito kami lagi kasaya. I know new beginning na naman to sa next stage ng relasyon namin. Marami pa kaming pagdadaanan but for now..

I’m happy to spend my lifetime with him.

~~End~~

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author’s Note:

Thank you sa lahat ng bumasa ng short story na to hanggang sa kadulu-duluhan. ^_^ Hope you enjoyed reading it!