Friday, November 23, 2012

FOUR CORNERS OF LOVE [Part 59 to END]


 Chapter 59 - FINALE's SECOND HALF

 --

Makaka-abot pa kaya si Ces?





O hindi? 





Nailigtas kaya ng mga pulis si Evo?







Sino ang kumidnap kay Evo?







Magiging HAPPY ENDING ba ang peg ng story na ito? :D 





Tara't ALAMIN NATIN!





START OF Chapter 59 - FINALE's SECOND HALF



Itinigil ni Manong ang tricycle sa isang abandonadong lugar.


"Hija? Ano bang plano mo, bakit ka pumunta sa ganitong klaseng lugar?" 

-Manong



"Manong, okay lang ho ako. "



"O sige hija. Mauna na ako."



And there, umalis na si Manong.



Pumasok na ko sa building.



Tanaw ko na si Evo ngayon na nakagapos sa isang silya. Habang nasa 

likod niya ang mga naturang kidnapper na tila nag-iinuman. Well, what's new? Ganito naman lagi ang scene. Mala-Pinoy teleserye lang peg ng authors? yung tipong kidnap-an ang peg ng ending?? Psh. CLICHE again -______-



(A/N: CHE! Puwede sumeryoso?)

 Eh, kasi naman. ayoko pa matapos ang story namee >< mamimiss ko readers!


Well, anyways.. ayun nga. Dinig ko din ang usapan nila.



"Pare! Ano? Ba't hindi pa natin patayin iyan?" -kidnapper 1



"Atat lang pre? Eh, wala pang sinasabi si Ma'am." -kidnapper 2



"Atat na din ako. Gusto ko na makuha pera naten." -kidnapper 3



"Di lang ikaw, pre." -kidnapper 4



"HAHAHAHAHAHHAA!" nagtawanan na silang apat.



Psh.MGA GAGU! Para lang sa pera, papatay sila?? My Gosh lang! 



At si Evo pa balak nila patayin?? WAAAAAAAAG!



Naghintay na lang muna ko ng sandali hanggang sa dumating na ang chance ko. Nakatulog na kasi sila.



Pinuntahan ko na si Evo.



"Evo." ani ko habang tinatanggal ang piring sa mata niya at ang nakatali sa bibig niya.



"Ces, ano'ng ginagawa mo? Bakit ka-"



Kinintalan ko siya ng halik sa labi niya.



"Sssh. Huwag kang maingay. Baka magising sila." 



Evo's Corner



(A/N: Yes! May POV na siya!)



Si Ces. Ang pinakamamahal ko, nandito ngayon sa harapan ko.



Tinutulungan na naman ako. Siya na naman itong tumutulong sakin ngayon.



Bakit ba lagi na lang siya ang nariyan para sakin?



Ni wala nga akong bagay na nagawa para sa kanya.



Alam ko kasing hindi sapat ang pagmamahal ko kung patuloy lang siyang masasaktan nang dahil sakin.



At ngayon nga, nandito siya para iligtas ako.



Pero, hinding hindi ko na hahayaang masaktan siya.



Hinding-hindi ko siya hahayaang mapahamak.



Pangako.



Pa-takas na kami nang..



"At saan niyo balak pumunta?"



Si Caryl. Siya yung humalik sakin sa mall kanina lang.



Iniwan ko din siya sa mall kanina. 



Pinipilit kasi niyang mahalin ko siya kahit na alam naman niyang laro-laro lang ang nangyari sa amin.



"Aalis na kami." -Ces



Ces' Corner



Hindi lang ako makapaniwala na, ang babaeng kahalikan ni Evo kanina sa mall ang siyang kumidnap din kay Evo.



"Aalis na kami." nasabi ko na lang. 



At saka ko naramdaman, na hinawakan ako sa kamay ni Evo.



Napalingon ako sa kanya. 



Kasabay noon, ngumiti siya.



Ngumiti siya sa akin.



Ang pinakamamahal ko, MULING NGUMITI PARA SA'KIN.



HOW GREAT IS THAT??



FEELS LIKE HEAVEN ;)



"FCK EVO! HINDI AKO TANGA PARA MANIWALA SA PINAGSASASABI MO!"



"Nahihibang ka na. Pilit mo lang niloloko ang sarili mo. Alam mong pinaglalaruan lang kita. I even told you that."



"SHUT UP! AT KAYO? *tingin sa mga kidnapper* ANO PANG GINAGAWA NIYO? 

IGAPOS ULI ANG DALAWANG IYAN!"



Pero hindi natuloy dahil..



"MAGSITIGIL KAYO!"



Si Manong, dumating kasama ang mga pulis.



"Umalis na tayo, Ces."



Umalis na nga kami dun.



and TAKE NOTE! HOLDING-HANDS PA RIN KAMI ;)



Patuloy lang kami sa paglalakad. Di ko nga alam kung saan na kami pupunta.



At isa pa, yung kamay ko... mukhang namamawis na >3< nakakahiya!



Wala ding nagsasalita sa amin.



Wala ding dumadaang mga sasakyan. Gabing-gabi na rin kasi.



Saan ba kasi kami pupunta? Napapagod na rin ako.



Maya-maya, tumigil naman kami sa isang  mataas na lugar.



Kita dito ang syudad. Wow ha. Nasaan na ba talaga kami?



Ang yun, may mga bahay pa rin pala na bukas ang mga ilaw.



Ang ganda ng view sa totoo lang.



SUUUPPPERR! xD



Umupo kami sa damuhan. Hm, hindi na pala kami magkahawak kamay >3<





"Geeeezzz..." Giniginaw na ko.



"Giniginaw ka na?" -Evo







Niyakap niya ko.



Nakapatong ang ulo ko sa dibdib niya.



Rinig ko ang pintig ng puso niya.



Ang bilis. 



"Dinig mo ba? Ganyan talaga iyan kabilis tuwing kasama kita."


Matutunaw na ba ko?


Shet lang. Ngayon na lang ako kinilig uli ng ganito. At si Evo lang ang nakakagawa sakin ng ganito.


Lalo pa niyang hinigpitan ang yakap niya sakin.



Maya-maya naramdaman ko na lang na sinusuklay na ng kamay niya ang buhok ko.



"Evo, happy birthday." nasambit ko.



"Thanks."



"Evo, I love you." Yes, sinabi ko iyan. Kailangan pa ba magpakipot??? 

Well, syempre hindi na! Okay na kami, eh. Eto na ito! At sana di na matapos ito.



"Mas mahal kita." Then looked straight into my eyes.



Naramdaman ko na lang na hinahalikan na niya ko.



halik sa noo.


halik sa ilong.


halik sa magkabilang pisngi.











at halik sa labi ko.




It's not just a kiss but a sweet, deep passionate kiss. As if he missed this time. 

"I missed you so much, Ces."

"Sobrang na-miss din kita, Evo."

Sumandal na ko sa balikat niya habang pinagmamasdan namin ang magandang view.

 "Evo, I'm sorry."



"Sssh. Ako dapat ang mag-sorry. Anyways, tapos na nangyari na ang lahat. Ang mahalaga na lang ngayon, magkasama tayo. And I promise, 

hinding hindi na uli tayo magkakahiwalay. Ipinapangako mo rin, hindi ba?"



"Oo naman. Pangako, Evo. And this time, ang pangakong ito, hindi na mababali pa."



--





Umaga na.



Nakatulog pala kami ni Evo dito.



Nagising akong nakayakap siya sakin. 



Pinagmasdan ko ang mukha niya.



Ang gwapo pa rin!



Di na naman ako makapaniwalang mahal ako ng isang ito!



And hindi lang mahal, kundi MAHAL NA MAHAL!!! :D



"Baka matunaw ako."



"Kapal naman ng mukha mo o-"











Hinalikan niya ko.



Shemmmmms >////<


--
As I lean on his shoulder, we watched the sun as it rises..

:)

-

Pauwi na kami ngayon. Lakad -lakad din. Uwi-uwi din xD




Gosh. Sarap mabuhay kapag alam mong nasa tabi mo ang rason kung bakit ka nabubuhay :)





May mga sasakyan na ring dumadaan. 


Evo's CORNER

Okay na kami ni Ces.

Sobrang sarap sa feeling. Sobra-sobra.

Mahal na mahal ko talaga itong babaeng ito.

Naglalakad na din kami.

"Evo! May sasakyan na!"





Tumakbo siya.




Papunta sa kalsada.








SCREEEEEEEEEEEEEEECH-----------------------------





 "CES!!!"



Ces' Corner

May sasakyan na! Makakuwi na kami!

"Evo!! May sasakyan na!"

Tumakbo ako papunta sa kalsada.



SCREEEEEEEECH------




"CES!!!!"





The next thing I knew....







"EVO!!!"

--

END OF CHAPTER 59 - FINALE'S SECOND HALF

--



Chapter 61









A/N: Pasensya na mukhang ayaw na namin matapos ang story na ito xD hehe. joke lang! Hmm.. naisip lang din namin ito ni @iammae27 , one of our co-writers dito sa wattpad and a friend of Eunice.  



We actually had our Recollection last August 15, 2012. ( Nung dumating ang bagyong SiHae! Shemaaay. Sino mga nakapunta sa Trinoma?? Ha?? Nakita niyo ba ang gumanap na Evo/Edward?? Ha?? xD Share naman diyan!)  And there, many realizations came up into our minds. Sobrang sarap talaga sa feeling tuwing retreat :) lalo na't naramdaman mo talaga ang presence ni God during that moment. 


And one of the best things na natutunan namin sa Reco ay itong quote na ito ...



LET'S PROCEED TO THE SPECIAL CHAPTER :)


--


Chapter 60 - From "A Purpose Driven Life" ( A Special Chapter )



 The best use of life is love. The best expression of love is time. The best time to love is now."
                                                                                                      — Rick Warren (A Purpose Driven Life)


~ The First Shot ~


"THE BEST USE OF LIFE IS LOVE"


Sabi nga sa commercial ng NESCAFE (oha! may bayad ito! pinromote ko eh :P) , Para kanino ka bumabangon? or let's say... Para kanino ka nabubuhay?



Ako nga pala si Chester. Simpleng tao lang ako kung titignan mo. Tahimik lang na medyo may pagkamakulit kapag naging kaibigan mo. Matalino daw din ako sabi nila... ako kasi madalas source ng barkada pagdating sa exams lalo na sa Physics. Masasabi kong napakahalaga sa akin ng pagkakaibigan naming tropa. Sila kasi ang takbuhan ko sa tuwing may mga problema ako, kasama sa hirap at ginhawa, lungkot at saya kumbaga. Sa pamilya ko naman, masasabi kong maswerte ako dahil kumpleto kami kaya laging masaya.



LOVELIFE ba kamo? Wala ako niyan. Ni hindi pa nga ako nagkaka-syota. Wala akong alam diyan sa totoo lang... pero...nung nakilala ko siya..







puwede ko nang masabi na, ALAM KO NA ANG PAKIRAMDAM NG MA-INLOVE.


Since first year college kami classmate ko na siya. Teka, linawin ko lang.. classmate din ako ng tropa nila Ces kaya ako nasingit sa kuwentong ito. Kaya ayun, sabi ni author isasama niya daw kami dito para asteeeg. xD 


So ayun, classmate ko nga siya. Nung una isa lang siyang ordinaryong classmate. Isang babaeng madalas ko mapansing tumatawa, dumadaldal, nag-iingay, kinikilig sa mga binabasa nila nina Mae, Eunice and the rest at isang estudyanteng masipag mag-aral.


Napansin ko na lang din na habang tumatagal nawe-weirduhan na talaga ko sa sarili ko.. ang dami ko ng tanong sa sarili ko like...

Sa tuwing napapansin kong malungkot siya, "Bakit kaya siya makungkot ngayon?"..


Dumating kaya minsan ang araw na maging shoulder to lean on niya ko tuwing malungkot siya? Kumbaga, pwede siyang maging open sa akin at maging way ako para gumaan ang loob niya.

Sa tuwing nagkukuwentuhan sila nila Eunice sa wattpad, "Paano kayang ganoon na lang siya pakiligin talaga ng mga nababasa niya? Sobrang ideal ba talaga nung mga lalaki sa mga binabasa niya?"

Dumating kaya ang araw na ako naman ang makakapapakilig sa kanya dahil sa pagmamahal na naibibigay ko? Yung tipong hindi na niya pipiliin magbasa ng mga romance stories para sakin kasi alam niyang pwede akong magselos somehow?

Sa tuwing tumatawa sila ng ibang blockmates namin, "Ano kayang ikinatutuwa nila kaya siya tumatawa ng ganyan?"

Dumating kaya ang araw na ako naman ang maging dahilan kung bakit siya tumatawa? Kung bakit siya masaya?

Nung nag-open forum kami, mas nakilala ko din siya. Strict pala ang parents niya. Kumbaga, malaki expectations sa kanya kaya ganoon na lang siya talaga kung magsipag sa studies niya.

Dumating kaya ang araw na makatulong man lang ako sa mga problema niya?

Pero alam ko sa sarili ko na hanggang sa mga tanong na lang ang mga iyon. Yung mga tanong na tipong walang mga tiyak na kasagutan.. posible ding wala na talagang kasagutan.

Nagkataon na kumalat sa buong block namin na may gusto siya sakin.. Masaya ako na malaman yun, sobra. Kaya lang... eto kasi..

Tropa ko ang dati niyang boy friend. Isa na rin sa dahilan kung bakit ilang ako sa kanya. Kung bakit hanggang pagmamasid na lang ako sa kanya.

Ang boyfriend niya na sinaktan siya ng sobra. Pero ayun nga, ngayon ko lang na-realize... wala akong kwenta dati dahil wala akong nagawa para gisingin ang kaibigan ko sa pinaggagagawa niya sa kanya. Well, sapat bang rason yun pagkampi ko sa kaibigan ko dati dahil wala pa naman kasi akong nararamdamang espesyal dati sa kanya? Siguro nga sapat yun... DATI.

Pero ngayon, ngayong alam niyo na mahal ko na siya... siguro kakagalitan niyo na nga ako dahil sa ginawa ko. 

Kung kailan nalaman kong, THE BEST USE OF LIFE IS TO LOVE, dahil nung nakilala ko siya ay mas lalong nagkaroon ng kabuluhan ang buhay ko... 

... mukhang di ko naman ito kayang panindigan dahil kung paninindigan ko ang mga katagang iyon, dapat handa ko siyang piliin over them.. ang kaso...


~The Second Shot~


"THE BEST EXPRESSION OF LOVE IS TIME"


Sinabi ko sa inyo una pa lang na napakahalaga ng mga kaibigan ko sa akin. Siguro ito naman ang mga sasabihin niyo sa akin ngayon:

"Eh, G*G* ka pala eh! Mahal mo na yung babae diba? Edi go sa go! Bayaan mo na mga kaibigan mo!"

"Tengene! Baliw! Sino ba ang nandiyan para sayo nung hindi mo pa siya minamahal? Di ba mga kaibigan mo? Tapos ngayon, pipiliin mo siya over him na kaibigan mo?? Why the h*ll?"

Pero sana may magsabi ng ganito.. 

"TIME. You just need time para makapag-isip-isip kung alin talaga ang tamang gawin."

Tengene sagad! Ang hirap!

Time??

Time kamo para mag-isip?

One time, nangtrip ang tropa.. Kunwari tulog ako.. nakatambay kasi kami sa ****** na tambayan na talaga namin.

Dinig ko naman sila.

"Shane, dali lapitan mo na." mga ganung usapan tapos nagtatawanan pa sila.

Shemms. ano'ng gagawin ko ha? Lalapit na siya sakin!

Hanggang sa tumabi na nga siya sakin, at ano'ng ginawa ko??

TUMAYO.

LUMAYO.

at

UMALIS.

..

Kinabukasan, kinausap ako ng tropa.. agad-agad.

"Pare, nasaktan yun. Bakit mo naman ginawa yun?"

"Kausapin mo."

"Kailangan ko muna makapag-isip. Alam niyo naman kung bakit di ba?" -sabi ko

"Dahil sa ex niyang tropa natin? Pare, they both have moved on."

"Pero.. I think I need more time."

"Time? Pare... Kung ang iniisip mo ay time para mag-isip... Mukhang mali ka diyan dahil ang kailangan mo ay TIME PARA MAPAKITA SA KANYANG YOU'RE SORRY FOR WHAT YOU DID. AND TIME PARA MAPAKITA MO SA KANYANG MAHAL MO SIYA. REMEMBER..

.... THE BEST EXPRESSION OF LOVE IS TIME."


~The Third Shot~


THE BEST TIME TO LOVE IS NOW.


Tama ang tropa. Tama. 

Una kong ginawa, kinausap ko ang kaibigan kong ex ni Shane. And there, pumayag siya. Okay lang daw naman sa kanya and I thanked him for that.

The next thing, I talked to Shane.

Pinipilit na rin pala siya ng friend niyang si Mae na kausapin ako.

Nag-usap kami ang nagkaintindihan. I apologized and she accepted it.

The best part??

SHE GAVE ME TIME TO LET ME PROVE HER THAT I LOVE HER.

and

I asked her if I can court her.

And what's the most unexpected part?









She told me that...






"You don't have to do that na Chester, like what I've told you... I accepted your apology because I love you. I love you, Chester. Kaya ayoko nang maghintay pa o paghintayin ka pa para maging tayo kasi.. ang alam ko,









THE BEST TIME TO LOVE IS NOW. 


:)


--

Yosh! Hello Special Chapter! Sana nagustuhan niyo :)

-




The EPILOGUE is dedicated to ALL OF OUR AMAZING READERS :D



--

"Anyaree? Last Chapter na pala ng Four Corners of Love. HUHUHU!" - Bridge

"Oo nga eh, Hayyyyys. Ang bilis no? Parang kailan lang nung sinimulan isulat ito." Karl sabay yakap kay Bridge.

"So, kailangan talagang may yakap??" -Grace

"Ganon talaga Cupcake. Eh, dito din nagsimula love story nang dalawang iyan. Halika nga dito." Paul sabay halik sa pisngi ni Grace (yesss! May boyfie na si Grace!)

"Hayyysss. Kailan ko kaya masusulat yung love story ko naman? >____<" -Eunice

"Sagutin mo na kasi si Jang Geun Suk! at huwag mo na muna isipin iyan dahil you know naman what's next na isusulat mo after this diba?" -hyacinth

"Oh, Yessss. Your Love Story." -Eunice

"Yes. Love story namin ni Hyacinth my loves entitled 




MOVING CLOSER." -Hyacinth's boyfie.


Author Eunice & Ces: Basahin ang PROLOGUE ng MOVING CLOSER sa WORKS pa din namin :D


Author Eunice: YES!  ETO NA NGAAA! ETO NA TALAGA! LAST NA ITO! 


AUTHOR CES: OHMYGOSH! ETO NA NGA EUNICE!! SANA MAGUSTUHAN NILA!!!


"ETO NA PO! SANA MAGUSTUHAN NINYONG LAHAT, READERS! MAGKIKITA PA DIN NAMAN TAYO SA AUTHOR'S NOTE!"



*** EPILOGUE ***




Author's Corner






Kasama natin si Ces ngayon na mukhang bangag sa kwarto. Paano ba naman kasi, kinakabahan na siya para mamaya. Kaya ngayon, munimuni siya sa bahay...


Hanggang sa mahagip ng mata niya ang isang papel na nakatupi... na nakapatong sa study table dati ni Evo.


Si Evo...



nagsusulat ng ganito? HAHAHA! ang EPIC! LELS.


Si Evo...



aysh. naramdaman ko na lang na may luha na palang tumutulo mula sa mga mata ko.


Binuksan ko na yun mula sa pagkakatupi.


Yeah, isa siyang letter.

Dear Cecilia Victoria Reyes, 

Ugh! Kailangan talaga full name?? >_______<

Una sa lahat, gusto kong malaman mo na, ang pinakamahalagang nangyari sa buhay ko ay noong una kitang makilala kahit hindi ganoon kaganda ang simula nang pagkilala natin, still.. I'm very thankful. Nagsimula sa asaran ang lahat... napunta sa pagkakaibigan.. hanggang sa muli nang tumibok ang puso ko.

Muling tumibok ito para sa iyo. Oo, tumibok na ito dati para sa ibang babae and alam mo naman kung sino yun diba? Pero ano ba. Haha. Hindi na mahalaga iyon... nagpapasalamat pa nga ako kay Bridge eh, dahil isa siya sa mga naging way kung paano tayo nahantong sa ganitong relasyon. Syempre, kasama na rin ang buong tropa.. laking pasasalamat ko sa kanila. 

Sa pagtibok ng puso kong ito para sayo... naramdaman kong gusto kitang patawanin, pasiyahin, at lalong-lalo nang... gusto kitang alagaan at mahalin habang buhay. Pinangako ko sa iyo ang lahat ng iyon, pero binigo kita. 

Sobrang binigo kita Ces, kaya I'm very very sorry. Naging makasarili ako... ni hindi ko pinanindigan ang pag-isip na may dahilan ka kung bakit mo ko iniwan. Sinabi sa'kin ni Bridge ang tungkol sa tunay na dahilan. By that time, hindi ko na alam ang kaya kong gawin sa sarili ko. All those times, naging makasarili talaga ko. All those times, kinamuhian kita. Kasabay ng pagka-alam ko noon, kinagalitan ko ang sarili ko ng sobra. Wala akong kwenta... ni hindi man lang kita naalagaan ng mga oras na iyon. Buhay mo na ang nakasalalay pero ano'ng ginawa mo, ako... ako na walang kwenta.. ako pa rin ang inisip mo. I'm sorry, Ces. 

May na-meet ako noon sa park, mag-asawa sila na matanda na rin. Umiiyak ang Lolo noon at isinisigaw niya ang pangalang Lina. Hanggang sa may lumapit sa kanya na Lola... at sinabi nitong siya si Lina, at ayun ngumiti si Lolo at niyakap siya ni Lola. 


Tumambay din muna ko sa park noon para makapag-isip-isip ng mga bagay-bagay. Hanggang sa tumabi na pala sa'kin si Lola. Ang sabi niya. hindi daw siya si Lina. Siguro nagtataka ka kung paano nangyari iyon. Tinanong ko si Lola, at nagsimula siyang magkuwento. Si Lina daw ang first love ni Lolo... pero sa kasamaang palad, namatay na ito. Pero si Lola ang napangasawa ni Lolo. At ngayong matanda na si Lolo may sakit na ito... Alzheimer's disease...



...hindi na natatandaan ni Lolo ang lahat ng nangyari sa kanila ni Lola. Iyon ang naging epekto ng sakit kay Lolo. Ang tanging natatandaan ni Lolo ay si Lina na siyang first love nito. Sobrang sakir sa part ni Lola ang lahat, syempre. Gusto kong ma-comfort si Lola pero siya pa itong nag-comfort sa akin at sinabing "Maaaring malabo na talagang mangyari na maalala pa niya uli ako. Pero... sadyang ganyan ang pagmamahal hijo, walang hanggan. Ang pagmamahal ay hindi humihingi ang anumang kondisyon. Mahalin mo ang isang tao ng buong puso... mahalin mo siya nang walang hinihinging kapalit... mahalin mo siya ng higit sa sarili mo. Kapag nalaman mo na kung paano magmahal ng tunay, magagawa mo ang mga bagay na di mo aakalaing magagawa mo nang para sa kanya... kahit pa makalimutan ka na niya... kahit pa hindi niya maibalik ang pagmamahal na ibinibigay mo... ang mahalaga, minamahal mo siya at masaya siya sa piling ng pagmamahal mo.


Nagpasalamat ako kay Lola noon... dahil noon din nalaman ko kung bakit mo nagawa ang lahat ng iyon. Nagawa mo ang lahat ng iyon dahil sa pagmamahal mo sa'kin kaya... inisip kong ako naman dapat ang magparamdam sayo ng pagmamahal ko. Hinintay kitang sabihin mo sa'kin ang tunay na nangyari para hindi kita mabigla. Pero mukhang nagkamali na naman ako... nagsayang na naman ako ng oras.


Pero wala na rin akong pinagsisisihan dahil nagawa ko naman na ang .....

Umiiyak na ko, as in. Tunay na marami nang nangyari sa amin... at ... Si Lolo, na-meet din pala ni Evo. Hulog ng langit siguro talaga samin sina Lola at Lolo. 

Natigil ako sa pagbabasa ng letter dahil bigla na kong tinawag ni Tita.

"CECILIA! MAG-AYOS KA NA! MALE-LATE KA NA PARA SA GRADUATION NINYO!!!" -Tita -______-++

Yes, you read it right. Ga-Gradweyt na kameeeeeeeeee!

--

6pm @ UST

Nagkaceremony chuchu na and stuff. ang boring actually... hahaha. Marami ring bisita ang UST, suchal!  And hey! May award ako!! HAHAHA! Syempre, secret na lang din yun kung ano ;) 

After ng receiving of rewards... biglang umingay.

"KYAAAAAAAH! AYAN NA SILA!!" -mga talanders. Psh -_______-

"NICE ONE !! YIHAAA!" -Eunice

"YESSSH! HAHAHAHA!" -HYA

"ANG BONGGA CES NOH!" -Sahchi

Eh??


The band started to play.

And the vocalist with his guitar started..

NP: She's The One - Robbie Williams 

I was her she was me 
We were one we were free 
And if there's somebody calling me on 
She's the one 
If there's somebody calling me on 
She's the one 

Naghihiyawan na ang mga tao. 


We were young we were wrong 
We were fine all along 
If there's somebody calling me on 
She's the one 

Weh? Ako na ba talaga? Hahaha.


When you get to where you want to go 
And you know the things you want to know 
You're smiling 
When you said what you want to say 
And you know the way you want to play, yeah 
You'll be so high you'll be flying 

shemms. Sorry ha. Pero feel ko, ako pinatatamaan ng kumakanta eh :">>

Though the sea will be strong 
I know we'll carry on 
'cause if there's somebody calling me on 
She's the one 
If there's somebody calling me on 
She's the one 

Parang kilala ko din ang boses na iyon. Pero imposibleng nandito siya..


When you get to where you want to go 
And you know the things you want to know 
You're smiling 
When you said what you want to say 
And you know the way you want to say it 
You'll be so high you'll be flying 

Napakaimposible talagang nandito siya..


I was her she was me 
We were one we were free 
If there's somebody calling me on 
She's the one 
If there's somebody calling me on 
She's the one 

Hindi siya iyan *hikbi* yeah, umiiyak na ko.


If there's somebody calling me on 
She's the one 
Yeah she's the one 
If there's somebody calling me on 
She's the one 
She's the one 
If there's somebody calling me on 
She's the one 
She's the one ..

Sobrang miss na miss ko na kasi siya.


If there's somebody calling me on 
She's the one 

She's the one






"I WOULD LIKE TO INVITE MS. CECILIA VICTORIA REYES TO COME HERE ON STAGE."



ha? tapos... nabigla na lang ako, nasa stage na ko. 

Siya..

Nasa harapan ko siya ngayon...

Totoo ba ito?

--

Author's Corner:

Kumanta na sila. Yea, they sang together on the stage.

(Thank God I Found You with 98 Degrees - Mariah Carey)

EVO:

I would give up everything
Before I’d separate myself from you
After so much suffering
I finally found the unvernished truth
I was all by myself for the longest time
So cold inside
And the hurt from the heart it would not subside
I felt like dying
Until you saved my life



EVO:


Thank God I found you
I was lost without you
My every wish and every dream
Somehow became reality
When you brought the sunlight
Completed my whole life
I’m overwhelmed with gratitude
Cause baby I’m so thankful
I found you



CES: 


I would give you everything
There’s nothing in this world I wouldn’t do
To ensure your happiness
I’ll cherish every part of you
Because without you beside me I can’t survive
I don’t wanna try
If you’re keeping me warm each and every night
I’ll be all right
Cause I need you in my life



TWO OF THEM:


Thank God I found you (I’m begging you)
I was lost without you (so lost without you)
My every wish and every dream (every dream, every dream)
Somehow became reality
When you brought the sunlight (brought the sunlight)
Completed my whole life
I’m overwhelmed with gratitude
Cause baby I’m so thankful
I found you
See I was so desolate
Before you came to me
Looking back I guess it shows
that we were destined to shine
After the rain to appreciate
And care for what we have
And I’d go through it all over again
To be able to feel this way

--

Continuation of the Letter:

Pero wala na rin akong pinagsisisihan dahil nagawa ko naman na ang .....

.... pangako ko sa sarili ko na simula nang araw na iyon, hinding-hindi na kita hahayaang mapahamak pa kaya naman, ang buhay ko naman ang ibinuwis ko para sayo.

... at ang pangako natin sa isa't isa na hinding-hindi na muli tayo'ng maghihiwalay kaya lumaban ako.

--


My baby I’m so thankful I found you.


--


PROCEED SANA TAYO SA EXTRA PART + AUTHOR's NOTE --->>>> 



--




EXTRA PART


"My baby, I'm so thankful I found you..." -Evo & Ces


After nilang kumanta, hinawakan ni Evo ang kamay ni Ces...

"Ces, I love you. Sorry ha, kung natagalan ako kasi OJT na namin. You know,  Soon-to-be Architects *smirks.*"

Hinampas naman ni Ces si Evo. "Yabang!!!"

Evo cupped her cheeks. "Ces, listen to me. I love you. Una sa lahat.. gusto kong malaman mo na, ang pinakama---" natigil sa pagsasalita si Evo.

"na ang pinakamahalagang bagay sa buhay mo, ay noong makilala mo ako. Kahit hindi ganoon kaganda nag simula ng pagkakakilala natin.. still... You're Very Thankful.."

O___O?? Ganun ang itsura ni Evo.

"Baby, tell me... You wrote a letter then you're planning na sabihin ang lahat ng laman nun sakin ngayon?"-Ces

"N-nabasa mo?"-Evo

"Ay, hinde! hinde! Nahulaan ko lang!"-Ces

Pero bigla na lang din sumeryoso ang itsura ni Evo. He cleard his throat and.. 








he kneeled in front of Ces.


"Cecilia Victoria Reyes... I love you forever and always. I promise na aalagaan at mamahalin kita habang nabubuhay ako.. so please.. .. "


lub.dub.lub.dub.lub.dub.


Eto na ba ang pinakahihintay ni Ces??






"Ces, WILL YOU MARRY ME?" -Evo

Tears started to stung from her eyes.. Tears of joy ba :D And pano niya sinagot ang tanong ng kasintahan?


She helped him stand up.. and she kissed him


That's her way of answering him with her yes.




---


AUTHOR'S NOTE

AUTHOR PRINCES saying...

Sa mga readers ng FCOL! Hi ako si Princes :) Co-author ni Eunice. Superrrr thank you sa lahaaaaaaat ng sumubaybay ng love story namin ng boy friend ko xD hahaha! ^^ actually story talaga namin ito pero hindi naman lahat ay true to life :) Sorry kung matagal kami mag-update :( to tell you the truth, ag unfair kong author xD si Eunice na kasi yung tumapos eh. Siya na nagsulat then idea ko na lang ang contribution ko. Busy kasi dahil working student ako. Palakpakan natin si Eunice kasi kahit anong busy niya, natapos niya :) soooo... ayun. Thank you talaga sa lahat ng nagbasa :) until next story!!  Watch out :) 

AUTHOR EUNICE saying...

Gurabee si Author Ces... hahaha. actually okay naman sa'kin naiintindihan ko siya though minsan na rin ako nagtampo pero wala na yun dahil sobrang naiintindihan ko naman siya. Siya nga pala halos ang nagpakilig sa story na ito :D Expert iyan eh! Hahaha. ako lang naman itong si hopeless romantic author. Lels. Asahan niyo nang marami akong sasabihin ha? 

In behalf of my co-author Ces...

nasimulan na din naman ni Ces. Haha. 

MARAMING SCENES ang nakapaloob sa story na ito na nangyari sa totoong buhay. Oh btw, let me start with ano.. sabihin sa inyo na.. LAHAT ng characters dito ay totoo :) I mean, totoo silang tao. Si Bridge, Karl, Grace, Sahchi, Eunice (ako!), Ces (Princes!), Hyacinth, Caryl, Isiah, Erick, Edward, Ian, The Professors, CPE23(13) haha. Special mention ha? :P sina Mae, Erika, Em, Cath, Pam, Charm, Alex, Charina, Claudine!! :D 

So let's start? Totoo ang mga nangyari na ito:
* Sa McDo thingy, totoong nagwo-work si Ces dun :P Totoo din si Sir Neil niya na naging crush niya *o* kasi gwapo daw talaga! HAHAHA!
* Chapter 34
Tumingin ako sa kaliwa ko, ayun si Shane na may hawak na libro. Kunwari lang iyan na nagbabasa ng lecture namin ngayon pero ang totoo, props lang niya yung libro dahil pangtago lang iyon sa pocketbook na binabasa niya ngayon. Naku! Si Shane talaga. Hahahaha. Bakas naman sa mukha niya na kinikilig siya sa binabasa niya. Si Eunice naman kasi! Nagdala na naman ng pocketbook at ipinahiram sa block mates namin katulad nina Cath Alexia, Justine Mae, Em at si Shane nga. Adik talaga : ))
Sa harapan ko naman naka-upo sina Erika at Alex. At alam niyong ginagawa? Ayun, nagd-drawing na naman ng kung ano-ano. Naku, ito talagang dalawang ito sobrang nagkakasundo at isa sa mga pinagkakasunduan nila ay ang pag-d-drawing.
Hay. Ito namang katabi kong si Eunice, hawak-hawak ang phone niya na nakatago sa ilalim ng mesa. At ayun, nagbabasa ng wattpad.
Pinaglalaruan na naman ni Hya yung buhok niya at nakisali si Sahchi. T-teka! May hawak na gunting si Sahchi! At akmang…. WAAHAHAHAHAH! Ginupit ni Sahchi yung buhok ni Hya! Ang adik!
“WAAAAAAAAAAH!” sigaw ni Hya kaya nakuha niya ang atensyon ng buong klase.
“S-sorry po Ma’am Nicole!” sabi niya at buti mabilis niyang naitago ang buhok niyang ginupit ni Sahchi.
Nagyaya naman ang girls ng block namin na kumain sa labas ng school dahil nagsasawa na kami sa lasa ng mga pagkain sa cafeteria kaya ayun sama-sama ang girls ng block namin ngayon.
Inorder nina Eunice at Erika ay pork sisig na naman. Tapos sina Pycan, Charm at Alex naman, lechong kawali. Si Cath Alexia Spicy squid fried rice naman. Si Charina at Em naman, tapsilog. Si Justine Mae at Claudine naman, Tuna sisig. Kami naman nina Sahchi at Hya ay chicken sisig. And the rest follows ^__^ Aba, masyado na kong observant, eh! :D
“WAAAH! Ang anghang!” napatingin kaming lahat kay Cath Alexia, kasi naman may nakain daw siyang sili. Pero ayun, on the rescue si Kuya na binigyan agad siya ng Mountain Dew.Hay.. Catherine Alexia Domenique talaga. Haba ng pangalan niya nu? Hahahaha.
“HAHAHAHAHA!” ayan na. Si Alex na iyan at kapag tumawa iyan wala nang tigil iyan. Tapos, nagtawanan na kaming lahat.

*Chapter 43
#include
Using namespace std;

int main()
{
Cout <<”WELCOME TO CHAPTER 42!!”;
System(“Pause”)
Return 0;
}
--
RELATE OR NOT?

HAHAHA!

Sarry naman! Dahil may hang-over pako sa CompProg kanina. And yeah, every Saturday siya and you know what? It’s not madali cause its so mahirap. -____-++

*Chapter 44
“HAPPY BITHDAY ERIKA !!!” sabay-sabay naming sabi.

Hehe. Oo, birthday niya. And yeah, 18 na siya. Pero hindi na siya mag-de-debut party, di din daw niya feel hehe tsaka nag-trip to Singapore naman sila nung bakasyon.

“Ano ba yan, nakakahiya naman.” Tapos umupo na siya sa pwesto niya and there,

“HAPPY BIRTHDAY ERIKA! BIRTHDAY NI ERIKA! ITAPON SA POOL! HAHAHAHAHA ! “ Si Alex iyan. Haha. Swimming class na din kasi namin mamaya.

Sabay nagtawanan na naman ang lahat. Hahahahah !

  Art Application nga pala ang subject namin ngayon, para nga kaming high school dahil pinagdala pa talaga kami ng materials.

Busy ang lahat sa pagdo-drawing. Ang theme ng drawing namin ngayon ay anything na resemblance ng sarili mo.
* AND SO ON!

HAHAHA! oo nangyari ang mga iyan :) Di ko na masabi yung iba kasi medyo praybeyt xD 

Punta tayo sa sense ng story namin.. Para sakin kasi di lang ako nagsusulat para sa pampakilig or what. Lately ko lang din ito narealize, na nagsusulat din ako para makapag-relieve ng stress.. grabe! effective :D and.. gusto kong magsulat ng story na genre din ang slice of life. I mean, yung may sense na pwde i-apply sa totoong buhay :D Tulad na lang ng I Regret na isinulat ko na nahalo namin sa story na ito. Bale diba yung sakit ni Ces din ang parang naging center ng story? Conflict kumabaga :) Gusto ko lang kasi na may matutunan din ang readers about sa story ni Lolo at ni Lina pati na din ni Lola. kaya sa epilogue, isinama ko na din sila :D na hoping may maka-realize na reader nung pino-point out ko sana :D hahaha. tulad ng sinabi ni Lola sa epilogue tungkol sa meaning ng true love :) Isa pa, may twist din ng friendship :) In real life, we're real friends talaga - Ces, Eunice, Hya, Sahchi, Grace etc. ... and ganiyan talaga kaming magkakaibigan :) tapos.. may chapters din dito na nakafocus sa friendship tulad nung... naisip ni Ces na hindi lang dapat si Evo ang pinatutuunan niya lagi ng pansin.. hahaha. dahil nariyan din ang mga kaibigan niya. At yung ginawa nila Hya, Sahchi at Eunice sa isang chapter din na, ginusto na nilang huwag na sabihin kay Ces ang mga sarili nilang problema dahil marami nang pinag-dadaanan si Ces kaya ayaw na nilang mag-alala pa sa kanila ang kaibigan nila na somehow ganoon din kami sa totoong buhay :D AT ANG PINAKAIMPORTANTE SA LAHAT :D YUNG LOVE IS SACRIFICE na sana matutunan ng mga readers din :D dahil sa mga nagawa nila Evo at Ces dahil sa pagmamahal nila sa isa't isa :)

And why we enjoyed this STORY? It's because nagagawa naming maging "kami" na hindi namin nagagawa sa totoong buhay :D Well, sa pagsusulat kasi.. nagagawa namin ang gusto namin gawin.. nangyayari din ang mga gusto namin mangyari.

This is OUR WORLD. WRITING IS OUR PASSION.

And we THANK YOU GUYS for entering into our WORLD :D

Di niyo alam kung gaano kalaki ang amount ng happiness na ibinibigay niyo sa bawat votes, comments, add sa RL's niyo :">> Sobrang thank you!

And di pa huli sa iba! Di ito mawawala! Mababasa niyo pa din. Hahaha. Soft Copies and Compilation will be given din :)

THANK YOU AGAIN!

LOVE. LOVE . LOVE!

MUWAH MUWAH TSUP TSUP!!



FIN.

J


No comments:

Post a Comment