Friday, November 23, 2012

FOUR CORNERS OF LOVE [Part 56-58]


Chapter 56



O////O



Nasa State of Shock pa rin si Ces hanggang ngayon.



Pasensya na. Sadyang naloka ang lokaret.


*phone rings

“Hello?” sagot niya.

“CES!!! IMISSYOU!”

>??<

"Hay Nako. Edward."


Yes. you read it right. si Edward ang tumawag.

"Why?? Di mo ko miss! Aish!" 

"Tse."


Ganun lang talaga ang dalawa. Ganun na sila ka-close magmula noon.

"Kita tayo sa McDo tapat ng school niyo. Bye."


Eh? Kita daw sila sa Mcdo. Eh, wala namang sinabi kung anong oras. Psh -_____-

No choice si Ces kundi ang pumunta ngayon din sa McDo.


*MCDO



"Hi Ces!" -Edward



EDWARD's POV



Oha! May POV na ko :P



Kararating lang ni Ces ngayon. Takteng babae ito, ang ganda ng greet ko sa kanya tapos wala man lang response? Para tuloy na katawan lang niya ang kasama ko ngayon. 










Dahil mukhang nasa iba na naman ang isip niya


*PAK!

Yeah. Sinampal ko siya. pero syempre hindi malakas.. I mean, hindi masyado?? Yung sapat lang para magising siya *grins*

"HOY! ANO BA?" 

Ayan na naman siya -____- Ewan ko ba, bakit ganyan siya sakin? Pero kay Kuya, hindi siya ganyan.

"Nagtataray ka na naman sakin. Tss." 

"SINO BA NAMAN KASING HINDI MAGAGALIT SA TAONG BIGLA BIGLA KA NA LANG SASAMPALIN? HA?!!!" sabi niya sakin habang nanlalaki ang mga mata niya.

"OA? EH SINO BA NAMANG HINDI MAIINIS KUNG YUNG KASAMA MO , YUNG ISIP EH KUNG NA KANINO NA NAMAN!!!"-sagot ko.

"Sorry na." tumungo siya sandali. tapos humarap uli sakin, while wearing a BIG SMILE ^_____________________________^

"Oh? Ba't bigla nagbago itsura?" 


"OH MY GOSH! OH MY GOSH! OH MY GOSH NAMAN KASI! KYAA---"

Tinakpan ko na bibig niya dahil mag-iingay na naman iyan.

Peste. Nakakahiya talaga kasama itong taong ito.

"EDWARD." sabi niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko. I think we're now just two inches apart.

O//O

Shet. Bakit parang nag-iinit mukha ko?

"Uy? Okay ka lang?" biglang sabi niya.

"Aish.. Bubulong ko na nga lang sayo."

Lumapit ang mukha niya sa may tenga ko at bumulong.

O///O

"Si Evo, mukhang niyaya ako mag-date kanina."


PUNYEMAS! ANODAW?

Lumayo na siya.

^_____________^ -Ces

"Di ba ganda ng baon kong balita sayo?????!!!" 

^_________________^-Ces

?__________? -Ako

"Ano maganda dun?" sabi ko ng pabulong.

"HA?"

"WALA! Sabi ko congrats! Mukhang magkakabalikan na kayo ha!"

"HEHEHE! Thank you naman! At sana nga.."

Hay Ces. 

Bakit ba...


parang ayaw kong magkabalikan kayo?


----


3pm.

Kasama ko pa rin si Ces.

Ang sabi niya, 6pm siya niyaya ni Kuya.

May ilang oras pa ko.

Niyaya ko na lang siya mag-mall.

Yung kanina ko pang hinihintay na sabihin niya, hindi pa rin niya sinasabi.

Nakalimutan na ba niyang kambal ko yung si Evo na imemeet niya mamaya at birthday nito?

So unfair talaga ng life oh

"Hey, Ces. Saan mo gusto pumunta pa?"

"HMMM... Kaw na lang bahala."

Bigla kong humarap sa kanya.

"Wala ka bang sasabihin sakin?"

"Ha?"

psh -________-

Nag-iisip siya ngayon.

"Hmmm..."

1 sec

2 secs

3 secs

4 secs

5 secs


"AH!!! OO! May sasabihin pala ko sayo!"

^_________^-Ako

"Naalala mo na???"

"OO NAMAN!"

"Ano, Edward..."

"yes?"

"Ano kaya pwede iregalo kay Evo?"

BOOGSH!

BOOM!

WAPAK!

FCKSHT!

ANO DAW?

"HA???? HANGGANG NGAYON BA NAMAN SI EVO PA RIN INIISIP MO? NAKALIMUTAN MO NA BANG KAMBAL KO YUN AT IBIG SABIHIN NUN, DI LANG SIYA ANG MAY BIRTHDAY? DAHIL BIRTHDAY KO RIN! ANG LABO MO NAMAN CES, OH! AKO ITONG KASAMA MO TAPOS SI KUYA PA RIN PALA INIISIP MO. WALA NAMAN AKONG IBANG GUSTO NGAYON, ANG GUSTO KO LANG AY YUNG BATIIN MO MAN LANG DIN AKO!"














Pero syempre di ko sinabi yun. 

Nag-walk-out lang ako.

Iniwan ko siya dun. I mean, nauna na kong maglakad. 

lakad.

lakad.

lakad.

lakad.

lakad.

"EVO LOVES!"


Napalingon ako sa likod ko kung saan ko narinig ang boses na iyon.


Paglingon ko, nakita ko sila.


Si Kuya, hinahabol ng isang babae. Yun marahil yung sumigaw ng linyang iyon.


Nung mahabol na nung babae si Kuya, bigla na lang niya itong hinalikan.


Naghahalikan na sila sa gitna ng daan dito sa mall.


Center of attention na sila ngayon.

May iba pa ngang kumukuha ng mga litrato at kung ano pa.

Kasabay noon, nakita ko ang isang babaeng nanonood din sa kanila.

Tulala lang siya habang may mga luhang tumutulo mula sa kanyang mga mata.

Nasasaktan na naman siya.

Maraming beses ko na rin siya nakitang masaktan.

Nasasaktan na naman si Ces.

Pinuntahan ko na siya.

Nakipagsiksikan ako sa mga taong pinagkakaguluhan sila kuya ngayon.

Niyakap ko siya.

Niyakap ko si Ces.

Pero, she's not hugging me back.

She has never done that.

Kumawala ako sa yakap sandali at hinawakan siya sa wrist niya, sabay hatak sa kanya palayo sa lugar na iyon.

Tumakbo kami. 

Tinakbo ko siya.

--

5pm.


Nandito kami sa isang lugar na mukhang konti lang ang nakakaalam.

Nandito ako lagi kung may problema ako.

Maririnig ang daloy ng tubig sa ilog, may mga ibong nagsisi-awitan, masarap ang simoy ng hangin.

Tahimik. Mapayapa.

Di mo aakalaing may ganitong lugar sa Maynila.

At dito ko siya dinala.

Tulala pa rin siya. 

"Ces, ayos ka lang ba?" tanong ko.

"Oo, salamat Edward.. Salamat sa pagdala sakin sa lugar na ito. Kahit pano, parang nawala ang problema ko."

"Wala yun. Malakas ka sakin, eh."

"Sows."

Tumahimik uli.

Pinakikiramdaman lang namin ang tahimik na paligid.

"Hm, Alam mo ba Ces..."

Binasag ko na ang katahimikan.

"Hm?" reply niya.

"Minsan na rin akong nagmahal at nasaktan kaya alam ko kung ano ang nararamdaman mo ngayon."

Di na siya sumagot pero nagpatuloy na lang ako sa pakuwento.

"Si Antonette, madalas kami dito sa lugar na ito. Magkababata kami kaya lagi kaming magkasama noon pa man. Hanggang sa di ko na napigilan ang puso ko na mahulog para sa kanya. Naisip ko rin na siguro ganoon din ang nararamdaman niya para sakin. Pero, akala ko lang pala iyon."

"Bakit?" 

"Kasi, one time may shinare siyang secret sakin. May crush daw siya at di naglaon, naging sila nung crush niya. Mahal niya na din yung taong iyon. Alam mo ba, sobrang sakit nung dito." tinuro ko  ang kaliwang dibdib ko, sa may puso ko.

"Edward..." hinawakan niya ang kamay ko.

"Naging masaya sila. Pinilit ko ding maging masaya para sa kanila. Pero, di nagawa ng puso ko na kalimutan siya.. na kalimutan ang pagmamahal ko para sa kanya..." nagkukuwento ako habang bumabalik ang mga eksena ng nakaraan sa isip ko.

Sobrang sakit pa din pala.

Sobrang mahal ko pa din kasi siya.

"Nung fourth year kami, may nag-alok ng scholarship para samin na makapag-aral sa Amerika. Maswerte kaming dalawa na nabigyan. Ang saya ko nun, kasi sa wakas masosolo ko din siya dahil wala namang scholarship na natanggap yung boyfriend niya.Pero hindi pa din pala dahil  mayaman ang boyfriend niya, nakapag-aral din ito sa Amerika."

Patuloy sa pagtulo ang luha ko.

"Isang beses, nagpaalam siya sakin. May date daw sila ng 7pm ng gabi. Nagalit ako nun dahil bakit kailangang gabi pa sila mag-date. Hindi ba't delikado nga yun. Pero, hindi siya nakinig sakin."

Humagulgol na ko.

Niyakap na niya ko.

"Naaksidente sila nung gabing iyon. Namatay yung lalaki.... pati na rin siya..."

"Edward... sorry di ko alam.. sorry..."

Kumawala ako sa yakap pero magkaharap kami ngayon habang hawak ko siya sa magkabilang braso niya.

"Lahat na ginawa ko. Bakit hanggang ngayon, di mo pa rin ako magawang mahalin....










Antonette?" 

--




CHAPTER 57 


CES' CORNER


Nagpatuloy lang sa pagkukuwento si Edward. Hanggang sa, niyakap ko na din siya.


Ang sabi din kasi nila, one way of easing the pain na nararamdaman ng isang taong malapit sayo, is by giving them a comforting hug.


Umiiyak na siya.


Ramdam kong sobrang mahalaga ung taong iyon sa kanya.


Parang si Evo lang para sakin.


Pero, di ko dapat isipin ang sarili ko ngayon. Dahil kailangan ako ni Edward ngayon.


Kumawala siya sa yakap pero magkaharap kami ngayon habang hawak niya ko sa magkabilang braso ko.


"Lahat na ginawa ko. Bakit hanggang ngayon, di mo pa rin ako magawang mahalin....



 Antonette?" 



O___O



Oh-kay? Ano'ng ibig niyang sabihin dun?


"T-teka, Edward. Hindi ako si Antonette."


Hindi siya sumagot at nakatingin lang siya sakin.


"I'm sorry. Masyado ko na yata kasi siyang na-miss. At, nakikita ko siya sayo dahil sa isang dahilan."


Dahilan? >.> 


"Ano'ng dahilan?" 


"Ces, alam kong nagpunta ka ng Taiwan."


"Paano mo naman nalaman?"


"Dahil ang tumulong sayo ay si...













Antonette."



Si Antonette? Si Antonette na mahal niya? Siya ang tumulong sakin? Ibig sabihin..



"Ibig sabihin, siya ang nagdonate ng liver sa'kin?"


"Oo. Siya nga."


"I'm sorry Edward. Pero alam mo, kung nabubuhay pa sana siya, gusto ko siyang pasalamatan. Ah! Yung parents na lang niya.. nasan sila? Baka pwde ko silang puntahan at pasalamatan?"


Tinignan niya uli ako. 


tapos...


bigla niyang pinatong ang kamay niya sa ulo ko, at ginulo ang buhok ko.


>____>


"Di mo na kailangan gawin iyan. For sure, masaya naman siya at ikaw ang napag-donate-an niya ng liver niya."


"Pero.."


"aba. Wala ng pero pero! ^___^"


Ngumiti na siya.



Sa wakas :)



"Ngumiti ka na rin." 



"Oh? Baka in-love ka na sakin niyan??"



"Baliw. Syempre kilala mo naman kung sino mahal ko diba."



"Oo. malas ko talaga no? Ngayon, hindi pa rin pwede. Tuwing nagmamahal ako, lagi na lang akong bigo."



Binatukan ko siya.



"LELS! Drama mo ha!"



Pero di siya tumawa. 



Humarap siya sakin, hinawakan ang kamay ko, at tinignan ako mula sa mga mata ko.





"Mahal kita, Ces." 



"huh?"



Binitiwan na niya ko.



"Ay, arte. Kailangan paulit-ulit?"



Ayan na naman siya. Sa totoo lang, ibang iba siya kay Evo. Siya kasi, kahit may problema, nagagawa pa rin niya ngumiti at magbiro.



Napakamot naman siya sa batok niya.



"HAY! Ano ba naman ito! Ibig sabihin, rejected na naman ako!! Sa gwapo kong ito, lagi na lang ako nirereject ng mga mahal ko. Di ba pwedeng maging automatic na kapag mahal ko ang isang tao, mahal na din niya ko? Bakit ba ganitooooo! >______>"



"Ano ka ba. Makakahanap ka din ng taong magmamahal sayo. Believe me. Kailangan lang talaga ng right time for everything."



"Salamat, Ces.Pero if ever na magbago isip mo, andito lang ako ha?" 



"Eh?"



"Wala! HAHAHA!" tapos tumawa na siya ng tumawa ng parang walang bukas.


"Ces, kailan mo balak sabihin kay Kuya kung bakit mo sya nagawang iwan?"


"Ah..eh.."


"Ces, alam na ni Kuya ang tungkol doon. Hinihintay ka lang niya na sabihin sa kanya iyon. Napatawad ka na rin niya, matagal na. Kaya Ces, sabihin mo na. Niyaya ka niya ngayon diba?"


O___O


Alam na niya??


Wait.


T-teka?


Ano'ng oras na ba?


"6 pm na." -Edward


"Weh??"


"Oo nga. ^__^" 



*sighs*



"Puntahan mo na siya. Sabihin mo na. Mahal ka pa rin naman nun, eh. Trust me :)" 







"Salamat, Edward." 




Pupuntahan ko na siya. 

--

HALUUUU.


MATATAPOS NA BA SA NEXT CHAPTER?


WHATCHA THINK GUYS? xD




CHAPTER 58 




THE FINALE's FIRST HALF





--


"Salamat, Edward." 


Pupuntahan ko na siya.





Pero .. O___________O








Bigla ba naman bumuhos ang malakas na ulan!


PUNYEMAAA*!


Bakit ba ang hilig hilig umulan dito sa istoryang ito ?? -_______-++


"Ces, malakas ang ulan. Kung patilain mo muna kaya?" -Edward


No choice. Sumilong na muna kami ni Edward sa kubo. Yeah, right may kubo po dito.



"Diba, sa park ka niyaya ni Kuya? Paano iyan baka nabasa na yung mga hinanda niya." -Edward


Oo nga noh O___O


"E di hindi na din naman pala matutuloy ang date niyo." 


HUWAG NAMAN PO!!! :((((


"Tapos, hindi mo na masasabi kay Kuya yung sasabihin mo sa kanya. Alam mo, umaasa pa naman siya na matutuloy ang date niyo ngayon." tumingin siya sa relo niya. "At tignan mo oh 6:30 pm na din pala. Mahihintay ka pa kaya niya dun? Pero sa tingin ko hindi na. Kasi nabale wala din effort niya sa paghahanda dahil nasira din ang lahat at ang masaklap pa, hindi ka sumulpot. Mawawalan na iyon ng pag-asa na magkabalikan kayo. Malulungkot yun, magiging Cassanova na naman."


Teka, nang-aasar ba ito?


"Nang-aasar ka ba? +__________+++


Pero tinuloy lang niya ang dada niya.


"And there, di na kayo magkakatuluyan sa ending ng kwentong ito. HAHAHA! Ang saya naman! Tapos dahil dun, TAYO pala ang magkakatuluyan. Ma-iinlove ka pala sa akin! WOOH!" -siya habang nagkukuwento siya. Ang energetic pa nga eh.


"So, nang-aasar ka talaga??"


"Di naman. Nag-pe-predict lang ng mga posibleng mangyari." *smirks*


(A/N: Kung ikaw na lang kaya author?)


"HUY! AUTHOR! Namiss ng readers ang pagsulpot-sulpot mo!"


(A/N: WIND BLOWS~)


Tapos biglang kumidlat O_____O










ang tendency, bigla akong napayakap kay Edward.



"I'm sorry." at kakawala na sana ko sa yakap pero, siya naman ang yumakap sakin.



"E-edward? Ano bang ginagawa mo?"


"Paano kung magbago ang isip ko? Ayaw na pala kitang ipaubaya sa Kuya ko." 


Pilit akong kumawala sa yakap niya.


"Edward, akala ko ba nagkakaliwanagan na tayo?"


"I'm sorry."


Tumahimik na lang din kami after nun. Then, maya-maya ay tumila na ang ulan. 


"Mauna na ko."


"Sige. Wish you both, happiness. Sana andun pa nga si Kuya."


Tumakbo na ko..


Pero..


Niyakap ko muna siya ulit.


"Happy Birthday, Edward. Thank you sa lahat. Mahahanap mo rin ang happiness mo."


Kumawala ako sa yakap, then I gave him a smile :)


then he smiled back. :)


Alam ko, Edward.. Mahahanap mo rin ang taong mamahalin ka rin tulad ng pagmamahal mo sa kanya.


Ngayon, si Evo naman iisipin ko.


Nandito na ko ngayon sa park. 



Wala na siya.



Gulo-gulo na rin ang mga hinanda niya.


May table dun na may mga pagkaing parang sinadyang guluhin.


Yung mga plato, nasa lapag na din.



Yung mga silya, nakataob.


Imposible yatang ulan ang may gawa nito.


*phone rings


"Hello, Edward?"


"Ces, nandito na ko kina Eunice." 

Eh? Tapos? Eh, ano naman?

"Oh? Edward. Kailangan ko pala ang tulong mo. Si E-evo kasi ano--"


"Ces, makinig ka."


"TEH! Si Eunice ito!" -Eunice mukhang inagaw ang phone ni Edward.


"Ang Kuya ko ...Kuya ..si Kuya.. Baka kung ano nang nangyari sa kanya.." -Si Grace na rinig ko sa kabilang linya.


"Grace, hindi naman siguro. Okay lang yun si Kuya." -Edward


"Akin na nga iyan, Eunice!" Sahchi na mukhang inagaw ang phone kay Eunice.


"Teh, kalma ka lang ha. May sasabihin kami sayo."-Sahchi


"Ano?Ano bang nangyayari? Alam niyo ba ang nangyari kay Evo?"


"Si Evo . . . . . " -Sahchi


"Ano ka ba Sahchi, Sabihin mo na! Ako na nga!"- Hya -___-

"Hello Ces, si Hya ito. Si Evo, nakidnap."-Hya


SI EVO, NAKIDNAP.

SI EVO, NAKIDNAP.

SI EVO, NAKIDNAP.

SI EVO, NAKIDNAP.

SI EVO, NAKIDNAP.

SI EVO, NAKIDNAP.

OA na?

HUWAAT??


"Ano??? Paano?? Ano?? Paano niyo nasabi??" -ako nagpapanic na! Kasi naman!!


"May tumawag kay Edward. ANG SABI NASA MGA KAMAY DAW NILA SI EVO. BABAE NGA YUN TUMAWAG EH, ANG SABI PAPATAYIN NA DAW NIYA SI EVO DAHIL SA AYAW DAW SIYA MAHALIN NI EVO KAHIT ANONG GAWIN NIYA. MAS MABUTI NA DAW MAMATAY SI EVO KESA MAGMAHAL NG IBA BUKOD SA KANYA."

"HA?" 

Sinabi ni Hyacinth yung address na sinabi. 

"Pupuntahan ko na."

"Pero, Ces. Teka! Tumawag na kami ng mga pulis. Wag ka na pumun---"

Binaba ko na ang phone.


Kailangan ko na puntahan si EVO!


Patuloy lang ako sa pagtakbo papunta sa naturang lugar.


Bakit parang ang layo ng sakayan??


Bakit walang mga jeep? O tricycle man lang?? TAXI kaya?? Nako.


--

Nagsimula ang lahat nung inakala kong nanalo ako ng bahay mula sa isang raffle sa internet..


Isang dazzling creature ang nakita ko. Shucks, man! ang GWAPO! teka, teka .. paano ko ba ieexplain? Ah, basta gwapo siya, kahit nakasuot lang siya ng simpleng t-shirt at pants. Yung t-shirt nya, fit pa sa kanya, kitang kita tuloy yung masculine body niya. Ang tangkad din nya ah, halos mangalay na leeg ko kakatingin sa kanya. Mapunta tayo sa gwapo niyang mukha, ang mga mata niya parang nang-aakit at lalo naman yung labi niya, parang sinasabing, "Mahal kita, Ces." hep hep! OA mo na naman, Ces -________- 

"Ate?Ate?" wika nung dazzling creature.

"Eh?? ATE???!!!" Ano daw? tinawag akong ate? Okay, wala na. Di na kita mahal, Dazzling creature x(

At dahil dun, nagising na ko sa ilusyon ko.

"OO, ate. Ano pong ginagawa niyo sa bahay ko?"

"bahay MO?"

"Oho, bahay KO ho ito." So kailangan i-emphasize yung word na KO?

"Hehe. sorry, pero AKIN itong bahay na ito." tama AKIN , gantihan lang dre 

"ANO? Ano hong sinasabi ninyo?"

"Eto oh!" pinakita ko yung hawak hawak kong susi. Teka, oo nga no! Bakit susi at address lang binigay sa akin? Wala man lang kontrata or something? 

"Eto din oh!" may pinakita siyang susi din. 

"At paano mo naman nasabing bahay mo nga ito? Eh... susi lang naman yang hawak mo." patuloy pa niya.

"Bakit? Susi lang din naman hawak mo, ah!" HAHA. akala mo ha?? 

"Teka, ganito na lang. i-try natin yung susi natin parehas.. kung kanino yung tama, e di sa kanya talaga yung bahay." Ang talino mo talaga CES! :))))

"Di naman yata tama yun dahil akin naman ho talaga ito. Hm, pero sige pagbibigyan kita, tutal susi ko naman din ang makakapagbuaks ng kandado na 'yan.

Sinubukan ko na yung susi ko. OK! pasok! at saka nabuksan ko na yung gate :))

"Oy! teka teka! paano mo nagawang buksan yan? Teka, baka naman isang expert na myembro ng akyat-bahay ka lang? At isa pa, di pa nga natin nasusubukan itong susi ko."

Sinubukan naman niya yung susi niya, matapos ibalik sa pagkaka-lock yung kandado.

Bumukas din 

"Oh, paano ba yan ate? Bumukas din." aniya at saka nag-evil smile.

"Okay. I'll explain. Napanalunan ko itong bahay na ito mula sa isang agency na nakita ko sa internet. Okay na?"

"and so?"

"That simply means, na akin talaga ito."

"May evidence ka ba?"

"Wala nga, eh." sabi ko sabay pout. >3< Takte, Ces.. nagpacute ka pa! teka. tatalab kaya?

Bigla naman siyang may hinalungkat na kung ano sa bag. hm.. ano naman kaya iyon?

"Oh! kita mo ito?" Pnakita niya ang isang kontrata na nagpapatunay na kaniya yung bahay na iyon.

--

EVO! Nasaan ka na?? :(( Please Lord, sana po walang masamang mangyari kay Evo. At bakit... bakit ganito?? 

Patuloy pa rin ako sa pagtakbo.

---


Tumira kami sa iisang bahay. Sa bahay na iyon.

Kung saan nagsimula ang lahat ng masasayang alaala.

HOUSE RULES BY GWAPONG EVO.

Sus. Ang hangin talaga! Teka, so Evo pala name niya? Hmm..
Pinagpatuloy ko ang pagbabasa.
Si CES ang maglilinis ng bahay araw-araw. 
Si CES ang magluluto ng agahan, tanghalian at hapunan. 
Si CES ang mamimili ng mga pagkain. 
Si CES ay hindi puwedeng ma-in-like kay gwapong Evo at lalong lalo nang hindi puwede ma-in-love dito. 
Si CES ay susunod sa lahat ng nakakasaad sa papel na ito.
“Hoy. Tapos mo na bang basahin?”

“Oho. Asungot. Pero hindi ako papayag dito!” Aba aba! Hindi naman ako ganun Katanga na susunod na lang basta sa kanya.

“Hoy, ano’ng tawag mo sakin? ASUNGOT? Pasalamat ka, CES ang pangalan mong nilagay ko diyan. Hindi MANGKUKULAM o BETTY LA FEA!”

“ANO??”

“Pirmahan mo na yan, dami pang dada eh.”

“Hindi ko ito pipirmahan, i-eedit ko pa saglit.”

HOUSE RULES BY CES
Hati sina Ces at Evo sa paglilinis ng bahay. Salitan kumbaga. 
Si Ces ang magluluto ng agahan, tanghalian at hapunan tuwing MWF at Sunday, Tuesday at Thursday naman si Evo. Tuwing sabado naman ay dapat magtulungan na lang sila. 
Si Ces at Evo ay magkatulong  sa pamimili ng mga pagkain. 
Ang isa’t isa ay hindi puwedeng ma-in-like at lalong lalo nang hindi puwede ma-in-love sa isa’t isa. 
Si CES at EVO ay susunod sa lahat ng nakasaad sa papel na ito
NOTE: Ang Sumuway sa mga nakasaad dito ay aalis na sa bahay.

"Yan! Para fair! Di mo naman ako katulong nuh!" 

At dahil don, pinirmahan nya na. Mwahahaha! x)

---

Sa wakas, May BUS!

Pinara ko na ito.

---

Lumipas ang maraming ilang araw, ilang linggo,  asaran lang kami ng asaran. Aish..


"Waaaw.. Ambango.. Nice, nagluto si mokong Evo! " TAPSILOG dre! Mapeborit!! Kukuha na sana ako pero..

"Hoy! Anong tawag mo saken??!"

"Uhmm.. Mokong Evo! Hahaha!"

Bigla siyang tumayo at lumapit sakin. Lumapit ng lumapit. Ako naman e npapaatras na. Badtrip! Ano bang problema neto? And boom, nacorner niya ko.

"Ano ulit sabi mo?"

"Ah.. Eh.. M-mokong E-evo.." baket, yun naman sinabi ko kanina ah? Di naman ako sinungaling nuh.

At dahil dun, nilapit pa niya lalo yung mukha niya sa mukha ko. Ghaad!

"A-ANO BA! Ilayo mo nga yang pagmumukha mo sakin! Nakakasuka!" eek, we're 2inches apart!

"Don't you dare calling me "mokong Evo" kundi palalayasin kita dto. Got that?"

"O-oo na! Ilayo mo na nga yang mukha mo!" halos pumikit na ko kasi ang lapit na talga ng mukha nya. Wew.

---

Nilagpasan ako ng Bus -_____-

Ganoon ba ko kaliit at mukhang di ako napansin ?? Psh -______-

---

Di ko alam kung kailan o paano nagsimula ang lahat..

Ang alam ko lang din, sa tuwing kasama ko siya, MASAYA AKO.

HAHAHAHAHA! Grabe, laughtrip to the max! HAHAHAHAHAHAHA!

Tumigil ako sa kakatawa nung nag-iba yung mukha nya. Hala, monster!! Mainis nga. HAHAHA!

"So, Primitivo Benitez III pala huh. May pa-Evo-Evo ka pang nalalaman! HAHAHAHAHAHAHAHAHA!!" grabe, ampanget ng pangalan nya! Haha! Nakakaturn-off! XDD

"Oh, eto na ung lisensya mo, PRIMIT-EVOWW. HAHAHAHAHAHAHA!!!"

"San ba tayo pupunta, PRIMIT-EVOWW? HAHAHAHA!!"

Well, namumula lang naman sa inis ang mukha nya. HAHAHA! Pero nung tumingin sya sa may bandang tummy ko, e humagalpak naman sya ng tawa.

O__o

Okay? Baliw lang Primit-evoww?




OH.MY.GOD

Sh*t Ces! Yung ID mo! 

Sakto, nakaharap pa sa kanya. Watda.
"HAHAHAHAHAHAHA! Ampanget din pala ng pangalan mo eh. CECILIA VICTORIA REYEZ?? HAHAHAHAHAHA!"

Sh*t. Oo na, may second name ako which is Victoria. Sila tita, Eunice at Hya lang ang nakakaalam. And.. Evo. Ugh!!

"HAHAHAHAHAHA! Toyang pala dapat itawag ko sayo. HAHAHA!"

This time, ako naman ang nanggalaiti.

"PWEDE BA PRIMIT-EVOWW MAGDRIVE KA NA NGA LANG DIYAN!!!" 


"OH SURE, TOYANG. >:)"

UGhh!!! Badtrip kang ID ka!!!
----

May natanaw akong terminal ng jeep.
Tatakbuhin ko ulit.

---

Hanggang sa malaman namin ang tunay na dahilan kung bakit kami nakatira sa iisang bahay.

“Okay, to begin with, we would like to tell you na, you two are going to get married pag nakatapos na kayo ng college.” –Daddy ni Evo.
“WHAT?!” duet kami ni Evo. -_____________-
Teka, ano daw?? Fixed Marriage ba itey? Eh, sa mga story sa wattpad ko lang ito nababasa, ah! Tsaka sa mga ano.. Korean Drama o kaya Taiwanese drama o kaya Jdorama. Pero.. pero.. bakit nangyayari ito sa’min?
“DAD, MOM, TITO! What’s the meaning of this?” galit na si Evo O_O parang monster talaga siya magalit.

---

Hingal na hingal ako ng makarating sa terminal ng tricycle.

"Okay ka lang ba hija?"

"Manong, pasakay. Sa (%*^%(&) po."

---

Hanggang sa maramdaman ko na lang na nandiyan din siya sa tuwing na-do-down ako.

“Hm, Nung bata ako, madalas ako tugtugan ng tatay ko ng kung ano-anong kanta habang kumakanta rin siya para maicomfort ako tuwing umiiyak ako o may problema ko.” 
Napalingon siya sa may study table ko. 
“Nag-gi-gitara ka?” tanong niya.
“Ah, oo. Tinuruan ako ng tatay ko. Iyan din yung ginagamit niya tuwing tumutugtog siya. Actually, sa kanya iyan.”
Bigla na lang niya kinuha yung gitara.
He started strumming the guitar.
Lift your head, baby, don't be scared
Of the things that could go wrong along the way
You'll get by with a smile
You can't win at everything but you can try.

---

Biglang tumigil yung tricycle.

"Ineng, nasiraan tayo."

"PO??"

ANAK NG!

---

Hanggang sa nagbago ako, Well.. aaminin ko.. Para din siguro sa kanya :)

"Bridgette, si Evo ata yun oh?" tinuro ko kung nasan si Evo. Agad namang nilapitan ito ni Bridge.

"Hay nako Evo. Andito ka lang pala! Di ka man lang nagrereply! At sino siya?" tinuro ni Bridgette yung babaeng kasama ni Evo. Haha, bigla na lang syang napabitaw dun sa kamay nung girl.

"..." uhh?

"EVO?"

"..." O.o may dumi ba sa mukha ko?

"HOY EVOOOO!!!"

"Aw, anu ba Bridge?!" bigla naman siyang natauhan. Ano bang problema neto?!

"Anung "ano ba"?! E ikaw nga di makausap diyan! I said, sino sya?" tinuro ni Bridgette yung babaeng kasama nya.

"Ah, sya. Ah.. Ano. K-kaibigan ko.." sabi nya ng nakatitig pa din skn. Ano bang meron sa mukha ko!?!

"KAIBIGAN?! E niyaya mo nga akong magdate! I hate you! Diyan ka na nga!!" hala? Nagalit na yung babae. Tsk. Umalis tuloy.

"Eh? Evo? May ka-date ka?" parang wala syang naririnig ah. Tsk.

"Uh.. Hi, I'm Evo. You are?" hala?? Malakas na tama nito. xDD

"HAHAHA! Evo, you're such a cassanova! HAHAHA! She's none other than Ces! HAHAHA!"

"CES??!

"HAHAHAHAHAHAHA! Imposible, e mangkukulam yun e! Wala nang igaganda yun! Saka pano magiging dyosa yun?? HAHAHAHAHA! Last joke mo na yan Bridge! HAHAHAHAHA!"

ANG YABAAANG!!! x((

"HOY mayabang na lalaking Primitivo ang pangalan! Napakayabang mo! Kasing panget ng pangalan mo yang ugali mo!" 


At naramdaman ko na lang na, madalas na din akong napapangiti dahil sa mga ginagawa niya.


"ARAY!!!"

"E bakit ba kasi nandto ka?!"

"Eh.. G-gusto ko lang sana humingi ng sorry.. About kanina." grabe, totoo talaga ang hmala. O_O

"Ano??"

"Sabi ko sorry na!"

"Eh ikaw pa galet?!" aba, ayus 'tu ah.

"Tsk. E kasi e.. Ano.. Sorry na. Hindi lang talaga ako makapaniwala na ikaw yan. Sorry sa mga harsh words na nasabi ko.. Saka.."

"Saka ano?"




He look at me straight in the eyes and said



"A-ang ganda mo."

Tapos tumakbo na sya pababa.



LOADING...


But after a moment, I just found myself smiling. :")
 --
Di ko alam kung nasaan na kami ni Manong -____- 

"Manong? Asan na po ba tayo?"

"Naku hija, medyo malayo pa tayo. Pero.. sandali..maayos ko pa naman itong makina."

--

Hanggang sa maamin ko na sa sarili kong MAHAL KO SIYA :)



*blink blink*

*pikit*

*blink blink*

O_______________O

O_______________O

M-m-magkadikit na yung noo namin.. At I don't know what happened pero magkayakap kami.

OH MY GOD. >o<

Shocks. He moved a little closer that our noses happened to bump. 

OH MY GOD. >O

"WAAAAAAAA---"

"Ang ingay naman." - Evo


"---hmmm!!!" O_____________________O

H-he sealed my lips with h-his..

O_______________O

What's surprising is..

Hindi nya inaalis yung lips nya for about a minute! Geez.. Ang lambot.. 

WAAAAAAAAAAAAA!ANG FIRST KISS KOOOOO!!! >O<

Ghaaaad. What happened. Hindi ako makagalaw!! 


Finally, nagising na sya at humiwalay na sa mukha ko. 

O_______________O I'm still shocked.

 ~

WAAAAAAAAAAAAAA!!
Mamamatay na ko sa kilig!! >////<

Tapos kinantahan nya pa ko ng God gave me you ni Bryan White . Kyaaaaaaaaaaa!!

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you

I closed my eyes. Ganda talaga ng boses niya. Parang yung lyrics na lang naririnig ko ng paulit-ulit ..  nakakaadik! :")
Sana hindi lang basta kanta iyon, sana totoong para sakin yung message na iyon na galing sa kanya.

Nung natapos na yung kanta..

"I love you baby ko.."

My heart beats like a drum roll when I heard him said those words.

"Mahal na mahal din kita baby ko.."

At naramdaman kong hinigpitan nya yung yakap nya sakin. :")

The next thing I knew is I fell asleep on his shoulder, hugging him.



---

Ang tagal ni Manong ayusin yung tricycle niya -______-


Si EVO!! Sana ligtas siya! :((


Napaluhod na lang ako at napatungo.



 ---


“Ma—“ Natigil ako sa pagsasalita dahil bigla na lang niya kong hinalikan. Hindi lang basta halik kundi isang malalim na halik.
Sinabayan ko na lang yung paghalik niya sakin. Hindi naman ako marunong humalik,eh :<
“Mahal kita, Ces.”
“Mahal din kita.”
Nakakainis isipin na dahil lang sa isang halik niya sakin, mawawala lahat ng sakit. Mapapatawad ko na siya agad. Pero ganito, eh. Mahal ko nga siya.
 ---

Di ko namalayan, may mga tumutulo na palang luha mula sa mga mata ko.

---


"Baby ko, ilan gusto mong anak?"

*cough cough cough*

GRABE? ANAK AGAD?!


"Oh, okay ka lang baby?? Tubig oh."

"Evo naman? Anak ka jan? Di pa nga kta asawa nuh. Excited lang?" sabi ko nung nahimasmasan na ko. Grabe, di ako nakahinga dun ah. Wew.

Tumawa sya.

"Anung nakakatawa??"

"Wala. Hahaha. Ang cute cute mo kasi baby eh." and there, he gave me a kiss for the nth time. >///<

Miss na miss ko na siya :(


“Ms. Cecilia Victoria Reyes, I dedicate this song to you.” hjkdslkdshd. Alam na tuloy ng buong school ang totoong pangalan ko. Lagot ka sakin mamaya, EVO! 
“Nice one EVO!” –Eunice
“Eh? Ano ibig mo sabihin, Eunice?”-Ako
“Teh, mamaya na lang namin e-explain sayo, ah?“-Sahchi
“Naku, kiligers na naman itey!“ –Hya
Then Evo started strumming his guitar together with his band. 

God gave me you to show me what's real
There's more to life than just how I feel
And all that I'm worth is right before my eyes
And all that I live for though I didn't know why
Now I do, 'cause God gave me you


“Ces, I love you. I love you. Alam mo bang matagal na kitang hinihintay. Matagal ko nang hinihintay ang babaeng muling magpapatibok ng puso ko. Nagsimula tayo sa pag-aasaran kaya di ko din akalain na mamahalin pala kita. Pero wala kong pinagsisihan sa lahat ng nangyari. Ang totoo niyan, nagpapasalamat ako sa mga nangyari lalo na sa mga magulang ko, kay Tito at Tita. Sila kasi ang naging daan kung pano tayo nagkakilala. Masyado ka bang natouched? Nangingilid na mga luha sa mata mo, oh.”

---

"WAAAH! EVO KO!!"

"Hija? Okay ka lang ba? Malapit na itong matapos." -Manong

---

“Kapag mahal mo ang isang tao, hindi mo naman talaga kailangan ng dahilan. Bigla bigla na lang tumitibok ang puso nang walang paalam. Ang tanging puwedeng maging dahilan lang ay mahal mo siya dahil siya ay siya.”

“Naks, ang lalim nun Evo, ah. Pero tama ka, hindi ko rin alam kung bakit ba kita mahal. Eh, lagi mo lang naman nga ako inaasar, lagi mo ko nilalait, lagi mo ko inaaway pero ang sabi ng puso ko, mahal kita.”

Kumawala siya sa yakap at ngayon, magkaharap na kami. Hinawakan niya ko sa magkabilang pisngi at lumapat na ang mga labi niya sa labi ko. Tumagal lamang iyon ng 5 seconds pero damng-dama ko sa mga oras na iyon ang init ng pagmamahal sakin ni Evo.

And for the second time, I insisted to kiss him again pero sandali lang dahil biglang nag-ring yung phone ni Evo.

 ---

Patuloy lang sa pagtulo ang luha ko.

---

"Miss, if you wait much longer, mas lalala pa ang lagay mo. The paralysis of the body will just become more serious. Kapag hindi natin na-control ang patuloy na pagdami ng copper and the damage to your liver,  Liver transplant will be needed."

Liver transplant? Eh sino naman magdodonate sakin? Wala naman akong ibang kamag-anak na kundi si Tita lang din. Wala... Wala....

"You need to undergo treatment. Kaya kailangan mong magpa-confine."

--

Tama. Marami na kaming napag-daanan. 

"MANONG! ANO NA?"

"Oh, eto na hija. Okay na. Sakay na sa loob."

--

“Ces, mahal na mahal talaga kita.”

“Mahal na mahal din kita, Evo.”

“Huwag na huwag mo ko iiwan ah? Di ko kakayanin yun.”

“Same here.” 

-

--

Di ako nakatupad sa pangakong iyon. :(

Si Evo, sana okay siya ngayon.

Parating na ko Evo.

--

“Ce-.” 
“Ako muna magsasalita, please? Evo, I love you talaga. Sana lagi mong tatandaan iyan.” Napansin kong may lungkot sa mga mata niya. “Kahit ano’ng mangyari sa hinaharap sana pakatandaan mo lang na mahal kita. Mahal na mahal kita.” A tear fell from her eyes. “Ano ba ito, napapaiyak na tuloy ako sa sobrang saya. Oo, tama dahil ito sa saya alam mo ba iyon? Sayang dinudulot mo sakin tuwing kasama kita. Tuwing magkasama tayo, ang saya saya ko talaga. Iniisip ko nga, sana forever na lang tayong ganito. Kaya lang, sabi nga nila Forever is just a word. Nakakainis sino ba kasi nag-imbento ng forever? E, ang daming naloloko dahil sa salitang iyon.”
“Ces, believe me. We could believe in the word, forever. Basta, magkasama tayo.”
“O sige, sabi mo eh. Pero hindi na naman mahalaga kung totoo man iyong salitang iyon o hindi. Ang mahalaga, dumating ka sa buhay ko at hanggang ngayon kasama kita. Mahal na mahal kita.” I said it while looking into his eyes.
“Mahal na mahal din ki-“
I kissed him.



--
CHRISTMAS EVE

Then, bigla na lang akong nakaramdam ng yakap mula sa likod ko.

O///O

N-niyakap niya ko??

“Mahal din kita, Ces. Mahal na mahal.” Then iniharap iniharap niya ko sa kanya.
“Pwde ba kahit ngayong gabi lang. I want us to pretend na parang walang nangyari. I just also want to make our first Christmas eve together special for the two of us.”

After that moment, he now reached for my lips.

He’s now kissing me as if he missed it for a long time.

I am kissing him back.

“I love you , Evo.” I said between our kisses.

 ----






Mahal na mahal kita, Evo.

Mahal na mahal na mahal na mahal.

Parating na ko.

Please, antayin mo ko.

Sasabihin ko na sayo lahat-lahat.

Promise, magiging maayos na din tayo. 

--.
[continuation at next parts]

No comments:

Post a Comment