Wednesday, April 13, 2011

SAYANG by Crishna Rei B. Jayco

SAYANG by Crishna Rei B. Jayco



Collin

Mike

Martin

Sa eskuwelahan kung saan nagsimula ang lahat. Isang umaga noon, madaling-madali na si Collin sa

pagpasok, ito kasi ang unang araw nila sa eskuwela. Si Collin ay 4th yr. Hayskul na, maamo ang

kanyang mukha, katamtaman ang kanyang laki at kayumanggi ang kanyang balat. Mag aalas-siete

na ng umaga ng kanyang marating ang kanilang eskuwelahan,unang araw pa lamang ay tila

makakagalitan na agad ito ng kanyang guro. Mabilis ang kanyang pagpanik, at animo’y mayroong

humahabol sa kanya. At nang matanaw na nga niya ang pintuan ng kanilang silid-aralan,

naglakas-loob siyang sumulyap at bumati. Magandang araw po! Ang lahat ay nagtinginan sa kanya.

Pinatuloy na lamang siya ng kanyang guro at nagpatuloy sa kanyang sinasabi. Isang bakanteng

upuan na lamang ang natira at agad naman iyong pinuntahan ni Collin, doon ay nakatabi niya si

Mike. Siya ay isa sa mga kaibigan ni Collin, may katangkaran ito at kayumanggi ang balat,

mapagbiro, at masayahin. “Magandang araw naman diyan! , unang araw pa lang e’ mayviolation ka

na agad” , sabay tapik sa balikat ni Collin. “E, paano kinausap pa ako ng matagal ni Sarah sa

telepono! napuyat tuloy ako” , ang sagot ni Collin. Sa harapan nila ay nakapuwesto naman sina Cris

at Theresa. “Uy Mike at Collin! , ang lakas din naman ng loob niyong magdaldalan ano? “ ang

pabirong sabi ni Cris sabay bungingisan ng tatlo. Suwerte na lang at hindi sila napansin ng kanilang

guro na noo’y nagtatalakay ng kaniyang mga patakaran.

Matapos ang sandaling iyon, dumating na ang oras ng kanilang recess , oras kung saan pagkakataon

na nilang magkamustahan at magkuwentuhan. Sa canteen tumungo ang lahat, doon ay

nagusap-usap ang barkadahan nila Collin, na nabuo na noong sila ay 2nd yr. Hayskul pa lang. Naroon

sina Marie at Donna, ang pinakakikay sa barkada, sina Arnold, Marvick, at si Mike na mga joker, sina

Cris at Jun na laging magkasabwat sa anumang kalokohan, sina Theresa, Rhea, at Cristy

na mga genius kung tawagin, at syempre sina Collin, Melanie, Sarah, at Jasmine na palaging

magkakasama. Masaya silang kumakain sa mga oras na iyon, nagkukuwentuhan, at nag-aasaran

nang bigla nilang matanaw si Martin sa di kalayuan na naglalakad papalapit sa kanila. “ O tingnan

niyo may mas pagong pa pala kumilos kaysa kay Collin” ang sabi ni Arnold. “ Hindi kaya! ngayon lang

naman ito ha!, “ang tutol ni Collin at nagpatuloy sa sinsabing.... “ si Sarah! si Sarah ang dahilan kung

bakit ako nahuli”. At sabay tawanan nang lahat, hanggang sa isang boses ang kanilang narinig. “Oo

na, ako na ang pagong”,ang sabing ganon ni Martin. Si Martin, ay ang palaging nahuhuli sa lahat,

may pagkatahimik,ngunit kung minsan ay maloko din naman, may katangkaran, mestiso, at higit sa

lahat lapitin sa mga babae. Siya ay isa sa mga madalas kasama ni Collin bukod pa kina Melanie,

Sarah, at Jasmine. Tila isa na nga si Martin sa mga bestfriends nito. Madalas silang

nagkukuwentuhan, nagkukulitan, at nagbibiruan. Malalim na rin kasi ang pinagsamahan nilang

dalawa simula pa noong sila ay nasa 1st yr. Hayskul pa lang. Kung kaya naman, hindi maiwasang

mahulog ang loob ni Collin kay Martin, at pinipilit lamang itinatago ang tunay na nararamdaman

para sa pagkakaibigan nilang dalawa.

Sila ay 3rd yr. Hayskul noon, nang minsang umiyak si Collin dahil sa isang mabigat na pangyayari.

Walang sinuman ang nakapagpatahan sa kaniya kahit ang mga kaibigan niya na sina Sarah,

Melanie at Jasmine. Tanging si Martin lang ang nakagawa non’. Nagawa niyang pagaanin ang loob ni

Collin at patahanin ito sa pag-iyak. Iyon ang unang pagkakataon na umibig si Collin kay Martin.

Kinagabihan, hindi na mapakali pa ang dalaga, hanggang sa hindi na nga ito makatulog. Umupo siya

sa isang silya na malapit sa bintana ng kanyang silid, at doon ay nakapuwesto siya na parang may

iniisip. “ Paanong napagaan ni Martin ang loob ko ng ganoon?”, ang pagtatakang tanong ng dalaga.

“bumilis ang tibok ng aking puso kanina, at noong nakita ko siyang nakangiti sa akin ay napangiti

niya rin ako, at para bang ang ngiting iyon ay nagpawala sa akin ng lungkot”. At nauutal niyang

sinabi sa sarili, “H- hindi kaya ako’y......hindi kaya ako’y umiibig na sa kanya?! . Hindi! Hindi maari

ito!”, ang tutol niya. “Si Martin ay kaibigan ko lamang at sigurado ako na ginawa niya iyon dahil ako’y

kaibigan niya rin”, ang sambit ng dalaga na para bang nalilito sa kanyang nararamdaman.

At kahit hanggang ngayon nga ay hindi pa rin iyon malimutan ni Collin at patuloy na itinatago ang

lihim na pagtingin kay Martin.

Lumipas na ang mga araw at mag-uumpisa na ang Ikalawang Grado ng kanilang klase. Araw ng

Lunes noon pagpasok ni Collin sa kanilang silid-aralan, katahimikan ang bumungad sa kanya. Ang

tanging naroon lamang kasi ay si Karla, “O nasaan na sila?”, ang tanong ni Collin. “Ah sila ba? nasa

silid-aklatan sila, ang iba naman ay hindi pa dumarating”, ang mahinahong sagot ni Karla. Si Karla

ay tahimik na tao, bago pa lamang kasi siya sa paaralan nila, siya ay maganda, mahaba ang buhok at

maputi ang kanyang balat sadyang nakakahalina ang kanyang ganda. Nabibilang lamang sa kamay

ang kinakaibigan nito, at isa na nga doon si Collin. Nang mga oras na iyon ay nagkuwentuhan ang

dalawa, marami silang pinag-usapan hanggang sa isang sikreto ang ibinahagi ni Karla kay Collin.

“May sasabihin ako sa’yo Collin at sayo ko lamang ito sasabihin ipangako mo sana sa akin na hindi

mo ito ipagsasabi, may tiwala ako sa iyo dahil kaibigan kita”. “Ano ba iyon?”pangako hindi ko ito

sasabihin sa iba”, ang mabilis na tugon ni Collin. “Alam mo kasi... sa palagay ko... ako ay... ako.... ako

ay umiibig na kay Martin!”. Nagulat si Collin sa kanyang narinig at para bang siya ay napipi.”Ggg-

ganun ba?”, ang nauutal na sabi ni Collin. “Aa-ano ba ang nagustuhan mo kay Martin?”, ang hindi

mapalagay niyang tanong. “Marami”, ang sagot ni Karla.”At wala akong makitang dahilan para hindi

ko siya magustuhan. Hayaan mo, ipagtatapat ko rin naman ito sa kanya bago pa mahuli ang lahat,

magtatapos na tayo at hindi ko na siya makikita, sana bago man lang iyon mangyari ay malaman niya

na ang tunay ko’ng pagtingin sa kanya”, ang pagpapaliwanag ni Karla. Matapos ang usapang iyon tila

wala na sa sarili pa si Collin, natahimik ito ng buong araw at agad iyon napansin ng lahat lalo na si

Martin. Ang tanging natakbo lamang sa isipan ni Collin ay ang mga sinabi sa kanya ni Karla. “Tama

siya, tamang lahat ang sinbi ni Karla, pero paano ako? paano ko sasabihin ang tunay kong

nararamdaman para kay Martin lalo pa ngayon na hindi lang pala ako ang nag-iisa na may pagtingin

sa kanya, siguro nga ay huli na ang lahat para sa akin”.

Dumadaan ang araw ng mabilis para kay Collin, hanggang sa dumating na nga ang araw na

nakapagpabago sa kaniya ng lahat.

Araw ng Biyernes , binigyan sila ng kanilang guro sa P.E ng libreng oras. Napagkatuwaan ng lahat

na gamitin ang oras na iyon para maglaro ng spin the bottle. Dito ay mabibigyan ng isang katanungan

ang taong napiling tapatan ng bote, truth o consequence lang ang kanilang pagpipilian. Masayang

nag-umpisa ang laro, puro tuksuhan,hiyawan, at asaran hanggang sa dumating ang ika-labinglimang

katanungan at natapat iyon kay Karla, siya ang napili ng bote para sagutin ang sunod na tanong.

Ang lahat ay natahimik at napatingin sa kanya, inabot ni cristy dito ang isang lalagyan na puro

ng mga papel. Agad namang bumunot si Karla, at iniabot kay Cristy ang nabunot niya.

Hindi na mapalagay pa si Collin sa mga oras na iyon at hindi maalis ang kanyang tingin kay

Karla.

“O ang lahat sa akin ay makinig, ito ang katanungan na nabunot ni Karla”, nanglaki ang mga

mata ni Cristy sa nakita. Kaya naman agad niya itong binasa, “Sino ang napupusuan mo sa loob ng

ating sili-aralan? truth o consequence! “. Ang lahat ay nabigla sa katanungan na iyon at lalo pa silang

nabigla nang piliin ni Karla ang truth. Ganon na lamang ang kaba ni Collin ng marinig iyon, marahil

ay alam na niya ang susunod na mangyayari. “Aamin na siya at hindi lang kay Martin kundi

sa lahat pa! “, ang sabi ni Collin sa sarili. Tahimik ang lahat sa sandaling iyon, at hinihintay si Karla

na magsalita. Hanggang sa isang nahihiyang tinig ang kanilang narinig, “Ang napupusuan ko sa loob

ng ating silid-aralan ay..... ay si...... si Martin! “. Ang lahat ay naghiyawan ng malaman iyon lahat sila

ay masaya maliban kay Collin. Nagulat din si Martin sa kaniyang narinig at hindi niya malaman ang

gagawin. Matapos noon ay hindi na tinigilan pa ng barkada si Martin, inuudyo nila ito na ligawan si

Karla.

Dumaan ang mga araw at tinutoo ni Martin ang gusto ng barkada. Niligawan niya nga si Karla at

di rin nagtagal ay naging opisyal na mag-nobyo’t nobya ang dalawa. Naka-abot ito sa

kaalaman ni Collin at labis itong nasaktan.

Isang umaga noon nang lapitan siya ni Karla, niyakap siya nito ng mahigpit. “Bakit anong meron”

ang tanong ni Collin. “May sasabihin ako sa’yo at gusto ko ikaw ang unang makaalam, ako at si

Martin... kami na! “.Nanglaki ang mga mata niya sa sinabi ni Karla. “A... Ggg-ganon ba? o edi masaya!

masaya ako para sa inyo”, ang naiiyak na sabi ni Collin. “Bakit anong problema Collin?”, ang nag-

aalalang tanong ni Karla. “Ay naku wala ito, masaya lang talaga ako para sa inyo, o sige na

may pupuntahan pa kasi ako”, ang sabi ni Collin sabay lakad papalayo kay Karla. Tiningnan lamang

siya nito, hanggang sa hindi na niya matanaw si Collin sa kalayuan.

Araw ng Martes, pumasok si Collin na bakas ang lungkot sa kanyang mukha, parang wala siya sa

kanyang sarili at walang gana tila may dinaramdam. Lunch Break nila ng biglang nawala ito sa

paningin ng mga kaibigan. Hinanap siya nila Jasmine at Sarah kasama si Martin ngunit hindi nila ito

mahagilap. Nang mga oras na iyon pinili ni Collin ang mag-isa, tumungo siya sa lugar na malayo sa

tao, malayo sa mga kaibigan, at malayo kina Martin at Karla. Doon ay inilabas niya ang tunay na

nararamdaman. Tumulo ang kaniyang luha ng di niya napapansin hanggang sa tuluyan na siyang

umiyak. “Paano na ako ngayon? sino na ang magpapatahan sa akin, sino na ang magpapagaan ng

aking kalooban at sino na ang magpapa-ngiti sa akin? gayong ang taong nagpadama sa akin nitong

labis na kalungkutan ay siya’ring may kakayahan na ako’y patahanin,pangitiin, at pasayahin. At

tanging si martin lang iyon” , ang sabi ni Collin sa sarili habang umiiyak.

Nang biglang mayroong humawak sa kaniyang balikat at tumabi sa kanya. Napatigil si Collin at

tiningnan niya ang taong iyon. “Aaa-anong ginagawa mo dito Mike?”, ang nabiglang tanong ni Collin.

“Ikaw ang dapat tinatanong ko niyan, at bakit ka ba naiyak? “, ang sabi ni Mike. Hindi na sumagot

pa si Collin at lalo pa itong napahagulgol sa pag-iyak. Agad naman siyang niyakap ni Mike at

hinawakan sa ulo. “Tumahan ka na Collin sige na, hindi bagay sayo ang umiiyak napangit ka”, ang

pabirong sabi ni Mike. At sa nagawa niya nga na patahanin si Collin sa pag-iyak.

Matapos ang sandaling iyon, nag-patuloy pa rin si Collin sa pagpapakita sa lahat na masaya siya

kahit sa loob niya ay hindi talaga. Pinili pa rin niya ang maging malapit kay Martin at limutin kung

anuman ang nararamdaman niya para dito. Ngunit dumating din ang oras na mas pinili na lamang

niya ang lumayo dahil lalo lamang siya’ng nasasaktan sa t’wing nakikita niya si Martin na kasama si

Karla.

Bumibilis ang takbo ng panahon, at papalapit na ang kanilang pagtatapos kaya naman ang lahat ay

sari-sari na ang nararamdaman, may halong saya at lungkot, masaya kasi ang lahat ay magtatapos

at lungkot dahil sila ay maghihiwalay na.

Si Martin ay hindi na mapalagay pa sa nararamdaman, gusto niya’ng kausapin si Collin pero

napapansin niya na mailap ito sa kanya. “Collin! tara gala tayo libre kita”, ang anyaya ni Martin.

“Gala? naku hindi ako puwede ngayon marami kasi ako’ng gagawin, pasensya ka na”, ang iwas ng

dalaga. Nakita sila ni Mike sa may hagdan. “Uy! Collin at Martin nariyan pala kayo”, ang bati ni Mike

sa dalawa. “O Mike! tara na tutulungan mo pa ako hindi ba?”, ang nagmamadaling sabi ni Collin.

“Puwede ba ako sumama sa inyo? “, ang tanong ni Martin sa dalawa. “ Naku Martin huwag na, sige na

nagmamadali na talaga kami baka gabihin pa kami sa daan”, ang sabi ni Collin. Napatingin na

lamang si Mike sa dalawa, may nararamdaman kasi siya na kakaiba.

Noon, isang imbita lang ni Martin kay Collin ay agad na itong sumasama sa kanya pero ngayon ay

madalas niyang napapansin na laging iniiwasan ni Collin si Martin. “Tara na Collin! kaunti na lang

ang oras natin”, ang sabi ni Mike. Umalis ang dalawa na nagmamadali habang si Martin ay

pinagmamasdan lamang sila papalayo sa kanya.

Natapos ang isang buwan at dumating na ang araw ng kanilang pagatatapos. Ang pakikitungo ni

Collin kay Martin ay ganoon pa rin, iwas pa rin siya dito.

“Patawarin mo ako, hindi ko ito gustong gawin sayo maintindihan mo sana ako”, ang sabi ni Collin sa

sarili habang pinagmamasdan si Martin sa malayo.

Matapos ang seremonya nagyakapan ang lahat at nagbigay ng ngiti sa bawat isa. Sa mga sandaling

iyon nakita ni Collin si Martin na nag-iisa ,lalapitan na sana niya ito nang biglang dumating si Karla.

Kaya naman hindi na siya nabigyan pa ng pagkakataon na magpaalam sa kaibigan. Natapos ang araw

na iyon na masaya at malungkot. Hanggang sa tuluyan na nga na nagkahiwalay ang mga landas nito.

“MATAPOS ANG WALONG TAON”

Tila ang barkada ay wala ng pagkakataon pa na muling magsama-sama. Ang iba ay nasa ibang lugar

na at ang iba naman ay abala sa mga trabaho nila. Kaya naman gumawa ng paraan si Cristy na

muling mabuo ang kanilang barkada at magkaroon ng reunion.

Kinuha niya lahat ng mga numero ng mga kaibigan at tinawagan ito, ang iba naman ay hinanap niya

sa internet. Napagkasunduan ng lahat na magkita-kita sa restawran ni Arnold sa araw ng Sabado.

Ang lahat ay nasasabik na, halos ang iba ay hindi na makapaghintay pa.

Ika-8 ng Abril, araw ng Sabado nagkita-kita ang lahat sa restawran ni Arnold. Halos ang lahat ay

naroon na, tulad nila Rhea, Donna, Marie, at Melanie pati na rin si Sarah. Sumunod sina Mike,

Marvick,Gary, Jun, Theresa, at Jasmine. Habang sina Cristy at Arnold naman ay abala sa kusina.

Nasa hardin ang lahat at nagkukuwentuhan sa oras na iyon, hanggang sa naisip ni Sarah si Collin at

Martin. “O sandali lang! , magpustahan muna tayo kung sino kina Martin at Collin ang mauuna”, ang

malakas na sabi ni Sarah sabay tawanan ng lahat. Nang bigla na lamang sila nakarinig ng isang

boses. “Ako! ako ang mas nauna kaysa kay Collin at inaasahan ko’ng siya ang pagong sa

pagkakataong ito tama ba? “Napatigil ang lahat ng sandali, sabay salubong ng yakap at palo kay

Martin. “Aba! himala hindi ka nahuli ngayon, bago yon’ pare! “, ang pang-asar na sabi ni Marvick kay

Martin. Nagkakasiyahan pa sila ng sandaling iyon nang biglang dumating si Collin. “Hoy! ang saya

niyo naman puwede ba akong sumali”, nakangiting sabi ni Collin. Naghiyawan ang lahat. “Si Collin! ,

sa wakas at kumpleto na ang barkada!!! “ang sabi ni Theresa. Sinalubong din ng lahat ng yakap at

kurot si Collin. “Hay nako! akala namin ay wala ka nang balak pumunta “, ang pabirong sabi ni Rhea.

“Aba! hindi ko yata ito mapapalagpas ano! at sandali lang kung makapagsalita ka parang ako na ang

pinakahuli na dumating”, ang sagot ni Collin. Hanggang sa isang pamilyar na boses ang kanyang

narinig. “Oo, tama si Rhea akala namin ay hindi ka na nga dadating”. Lumingon si Collin at doon ay

nakita niya si Martin na nakatingin at nakangiti sa kanya at patuloy pang nagsabi......”paano ba yan,

ikaw ang pagong ngayon”, nang sabihin ni Martin iyon ay wala nang nagawa pa si Collin kundi ang

sabihing... “Oo na ako na ang pagong!” at sabay nagtawanan ang dalawa kasabay ang barkada.

“O, paano ba iyan kumpleto na ang lahat kumain na tayo at kanina pa nakahanda ang lamesa”, ang

anyaya ni Arnold. Masayang tumungo ang lahat sa hapag-kainan at doon pinangunahan ng dasal ni

Cristy ang mga pagkaing nakahanda sa lamesa. Matapos noon ay masayang kumain ang lahat,

habang nakain ay naka-isip ng ideya si Theresa para sa nalalapit na tag-init.

“Ano kaya kung magkaroon tayo ng bakasyon sa Palawan sa darating na Marso? ano sa tingin niyo?

“ang tanong ni Theresa na animo’y nanghihingi ng suhestiyon. “Oo gusto ko yan!” ang sang-ayon ni

Jasmine. “Kung sa Palawan tayo e’ marami akong alam na magandang resort diyan”, ang sabi naman

ni Gary. “Sige tara pagplanuhan na natin iyan”, ang sagot ni Marie. Hanggang ang lahat ay sumang-

ayon na rin sa ideyang ito.

“Alam ko na kung saan ang pinaka bagay na lugar para sa atin doon”, ang sabi ni Gary. “Doon sa Blue

Meds, maganda ang lugar na iyon para sa ating lahat , makakapagpahinga talaga tayo at masisiyahan

pa. Maari tayong makapag-renta ng isang Villa, ang buhangin pa doon ay kulay puti, at ang tubig

napakalinis, at higit sa lahat ay ang magandang serbisyo ng mga tao. Maari tayong maka-diskuwento

ng entrance fee, may membership card na kasi ako doon”, ang pagpapaliwanag ni Gary. “O! sige! “,

sang-ayon ng lahat .

Natapos ang gabing iyon na napakasaya, at tila ayos na rin ang namamagitan kina Martin at Collin.

Ang tag-araw ay papalapit na ng papalapit. Ang barkada ay abala na rin sa paghahanda para sa

kanilang bakasyon sa Palawan. Ika-dalawampu’t walo ng Marso sila tutungo doon, ito kasi ang

napagkasunduan nilang petsa. Lahat sila ay nasasabik na, ilang tulog na lang din kasi at tuloy na

tuloy na sila.

Araw ng Miyerkules ito na ang araw na kanilang pinakahihintay, lahat sila ay nagkita-kita sa airport.

At sa biyahe pa lamang ay hindi na sila makapaghintay pa na makita ang dagat ng Palawan. Hapon

na ng marating nila ang Blue Meds Resort. Tilian at hiyawan ang kanilang naging reaksyon sa ganda

ng lugar. Inasikaso muna nila ang Villa na kanilang rerentahan. Matapos noon ay nagmadali na

ang lahat na magpalit ng damit panglangoy.

“Ang ganda ng lugar Gary”, ang hangang-hangang sabi ni Rhea. “Sabi sa inyo e”, ang sagot ni Gary.

Masayang nagsipaglusuban ang lahat sa tubig at inari ang isla na iyon. Wala silang ibang ginawa

kundi magtampisaw,maglaro, at magsnorkling at parang nagbalik sa kanilang kabataan.

Nagsisimula na ang dilim nang maisipan nilang umahon. “Uy guys! tara kain muna tayo tapos

Videoke naman!”, ang nasasabik na anyaya ni Cris sa barkada. Hanggang sa tuluyan ng

nagkasiyahan.

Sa mga oras na iyon, napiling lumabas ni Collin at agad iyon napansin ni Mike. Sinundan niya ito,

at nakita niya nga si Collin na nasa dalampasigan, malayo ang tingin at parang may iniisip. “Collin!

anong ginagawa mo dito?”, ang tanong ni Mike. “O ikaw pala Mike, wala naman nilalasap ko lang ang

pagkakataon na ito, na nasa magandang lugar ako kasama niyo”, ang sagot ni Collin. “Ah ganoon ba?

akala ko kasi..”ang nahihiyang sabi ni Mike. “Akala mo ay ano?”, ang nagtatakang sabi ni Collin.

“Akala ko kasi.....aa...akala ko may problema ka kaya ayun! baka kasi kailangan mo ng tulong”, ang

sabi ni Mike. “Problema? Tulong?”, ang tanong naman ni Collin. “Kasi nga diba, yung tulad nung dati

naalala mo pa ba? yung umiyak ka”, ang sabi ni Mike. “Ah ayun ba? oo nga natatandaan ko pa,

salamat nga pala sa ginawa mo”. “Ay naku! wala yon, ahhmm.... Collin meron sana

ako’ng gusto sabihin e”, ang nahihiyang sabi ni Mike na noo’y hindi makatingin ng tuwid kay Collin.

“Ano ba iyon?“, ang tanong ng dalaga”. “Gusto ko lang malaman mo na.... na mas gumanda ka ngayon

at nakaka....nakakatuwa lang at ikaw pa rin ang Collin na nakilala ko”, ang nauutal na sabi ni Mike.

“Naku! ikaw talaga Mike kahit kailan ka talaga. Lagi mo na lang ako niloloko”, ang natatawang sabi

ni Collin. “hindi kita niloloko totoo ang sinasabi ko, tulad ng kanina habang pinagmamasdan mo ang

magagandang tanawin sa Palawan nakatingin ako sa’yo, at napagtanto ko na mas maganda ka pa sa

mga tanawin na nakikita mo”, ang sabi ni Mike. “Seryoso ka ba diyan sa mga sinasabi mo?”, ang

tanong ni Collin.

“Mukha ba akong nagpapatawa? seryoso ako sa sinsabi ko at sa palagay ko sa

pagkakataong ito ay mas lalo pa kitang minahal!”, ang naibulaslas ni Mike. “Aa... ano ulit yung sinabi

mo? ang gulat na sabi ni Collin. “Oo, tama ang narinig mo na mahal kita! kahit hanggang ngayon at sa

tingin ko ito na ang tamang pagkakataon na malaman mo ito. Kahit noon pa man Collin ikaw na ang

gusto ko, kaya nga nung nakita kita na malungkot hindi ko na maiwasan pa ang di mag-alala,

sinundan kita kahit saan ka magpunta hanggang sa nakita nga kita sa parke na nag-iisa, walang

kasama at naiyak. Nadurog ang puso ko nang makita kita na malungkot kaya hindi ko na napigilan

pa, nilapitan kita at pinilit kang patahanin sa abot ng aking makakaya kasi nga mahal kita! ang pag-

amin ni Mike kay Collin. Hindi makapaniwala ang dalaga sa kanyang narinig halos hindi na ito

makapagsalita pa kahit ang huminga ay parang hindi na niya magawa.

“H-hindi ko sinasabing mahalin mo ako sa mga sinabi at ginawa ko pero gusto ko lang malaman mo na

may isang tao na puwede mong puntahan para saluhin lahat ng luha at mga problema mo, at handa

kang mahalin kung sa oras na pakiramdam mong walang nagmamahal sa iyo”, ang dugtong pa ni

Mike.

Habang sa mga oras naman na iyon ay natatanaw sila ni Martin na nag-uusap, napaisip ito saka

pumasok.

Kinabukasan, habang kumakain ang lahat nagyaya sina Sarah na mamasyal sa isla. Ang iba ay

sumama ngunit ang iba ay mas piniling mamahinga. Sa mga oras na iyon, napansin ni Jasmine na

wala pa si Mike. Nag-alala si Collin kaya pinuntahan niya agad ito sa taas, doon ay nakita niya nga

ito na nag-iisa. Nilapitan niya at ang sabi, “Bakit hindi ka pa bumababa? lumalamig na iyong pagkain

mo sige ka”papayat ka niyan tulad nang isang bangkay!”.Nagulat si Mike sa kaniya at hindi

makapaniwala na kinakausap siya nito.

“Ikaw pala Collin! ginulat mo naman ako, ang buong akala ko ay hindi mo na ako papansinin matapos

lahat ng nalaman mo kagabi”, ang nalulungkot na sabi ni Mike.“Puwede ba naman iyon? , huwag kang

mag-alala hindi iyon ang magiging dahilan ng pag-iwas ko sayo, ano ka ba naman”, ang sabi ni Collin

sabay hampas sa balikat ni Mike.

“Pasensiya ka na talaga kagabi, alam ko mahirap sayo tanggapin ang lahat ng sinabi ko pero

nagpapasalamat ako kasi walang nabago sa ating dalawa, salamat talaga Collin”, ang sabi ni Mike.

“Naku wala iyon, tara na kumain ka na at mamamasyal daw sa isla! sasama ka ba?”, ang tanong ni

Collin. “Sige! sama ako diyan”, ang mabilis na tugon ni Mike.

Si Martin, sa mga sandaling iyon ay nasa kabilang silid at narinig lahat ang pinag-usapan ng dalawa.

At napaisip kung ano ang nangyari, hanggang sa naalala niya nga na nakita niya si Mike at Collin na

nag-uusap kagabi. Naisip niya na marahil ang pinag-uusapan ng dalawa ay yung nangyari kagabi.

“ Ano kaya ang pag-uusap na iyon? “, ang tanong ni Martin sa sarili.

Abala na ang lahat sa paghahanda para sa kanilang pamamasyal, ang tanging sumama lang ay sina

Jasmine, Melanie, at Collin pati na rin sina Marie, Cris, Jun, Mike, at si Martin. Nilibot nila ang isla,

doon ay nakakita sila ng mga puno ng mangga na hitik sa bunga at iba’t ibang klase ng mga halaman

at bulaklak. Pumitas si Mike ng bulaklak at agad ibinigay kay Collin, nakita iyon ni Martin at

nagulat ito sa ginawa ni Mike. Napansin niya na masyado na itong malapit kay Collin kaya naman

ang kunot sa mukha ni Martin ay di na mawala. Habang nililibot nila ang lugar hindi na maalis pa sa

paningin ni Martin ang dalawa kaya naman nag-isip siya ng paraan kung paano niya ito

mapaghihiwalay.

“O! makinig muna kayo sa akin, ano kaya kung mamitas tayo ng mangga para na rin may pasalubong

tayo sa mga naiwan sa villa”, ang mungkahi ni Martin. At sumang-ayon naman ang lahat dito.

“Yung grupo nila Mike ay doon sa kabilang bahagi at kami naman dito”, ang sabi ni Martin.

Nang makita niya si Collin ay agad niya itong pinasama sa kanya, “Collin! kailangan mo ako’ng

tulungan sa pamimitas ng mangga, marunong ka diba pumili ng hinog na? ang tanong ni Martin.

“Sige sasamahan kita”, ang mabilis na tugon nito kay Martin. Pinagmasdan lamang sila ni Mike.

Matapos noon, ay nag-umpisa na silang mamitas ng mangga, hanggang sa marami na nga silang

nakuha. Naisipan muna nila na magpahinga nang biglang sumigaw si Martin, “may ahas!” natakot si

Collin kaya naman napayakap ito kay Martin.”Ano ka ba naman, loko lang!”,saka pinagtawanan ang

dalaga. Pinagpapalo ni Collin si Martin sa sobrang inis, “loko-loko ka talaga asar!”. Hanggang sa

nagpatuloy na sila sa pamimitas ng mangga. Sa sobrang pagod, napasandal si Martin sa isang puno.

“Martin! anu yan?!”, ang tanong ni Collin. “Ang alin? ang sabi ni Martin.

“Iyang nasa ulo mo parang gagamba ata”, ang sagot ni Collin. “Gagamba!”, nagtatalon sa takot si

Martin. “Hahahahahahaha!!!! wala ka naman pala e’parang gagamba lang”, ang patuloy na

panunukso ni Collin. Hinabol siya ni Martin at nakita nga iyon ni Mike, tinawag niya ang mga ito.

“Martin!! Collin!! marami na ba kayong nakuha? tara na umuwi na tayo at hapon na”, ang anyaya ni

Mike sa dalawa.

Alas-singko na ng makauwi ang lahat sa villa, doon ay kinuwento ni Collin sa laha ang tungkol kay

Martin at sa gagamba. Tawang-tawa ang mga ito sa sinabi ni Collin, halos sumakit na ang tiyan ng

iba. Habang si Martin ay namumula na sa hiya.

Dumaan na nga ang masasayang araw ng barkada sa isla ng Palawan at kailangan na nila ang

bumalik sa Maynila. Malungkot silang umalis dala ang masasayang ala-ala nila sa lugar na iyon.

Sa Maynila nagpatuloy ang lahat kung saan lalo pang naging malapit si Mike kay Collin, at

pinapatunayan ang kaniyang sarili para dito. Habang si Martin naman ay di na mapalagay pa sa

kaniyang mga nalalaman at nakikita, hanggang sa isang pangyayari ang naganap.

Araw ng Biyernes nang sadyaing dalawin ni Martin si Collin sa bahay nila, may binilin kasi si

Jasmine dito na ibigay kay Collin. Kaya naman agad niyang pinuntahan ito sa kanila.

“Tao po! Tao po!”, ang sabi ni Martin. Dinungaw siya ni Collin sa bintana at saka lumabas. “Ikaw pala

Martin, halika tuloy ka”, ang mahinahong sabi ni Collin. “Siya nga pala kaya ako pumunta dito kasi si

Jasmine may binilin sa akin na ibigay ko daw ito sa’yo”, ang sabi ni Martin. “Ay! oo nga pala may

sinabi pala siya sa akin na may ibibigay daw siya, naku salamat naabala ka pa tuloy”, ang

sabi ni Collin. “Naku wala iyon parang yan lang e”, ang sabi Martin na nasa posisyong may gusto pang

sabihin. “Meron pa bang ibinilin sa iyo si Jasmine? ang tanong ni Collin. “Ahmm... sa totoo lang

wala na pero ako, mayroon sanang gustong sabihin sa iyo”, ang lakas loob na sabi ni Martin. “Ano

yun?”, tanong ni Collin.” Gusto ko sana humingi ng tawad sayo”. Hindi

maunawaan ni Collin ang sinabing iyon ni Martin. “Ano? hindi kita maintindihan bakit ka humihingi

ng tawad? para saan? “, ang tanong niya.”Wag na tayong maglokohan pa, alam ko na nasaktan kita ng

sobra at hindi ako manhid gaya ng iniisip mo para hindi ko iyon maramdaman, napansin ko ang

paglayo mo sa akin noon at ang lungkot na nababakas ko sa mga mata mo alam ko na ako lahat ang

dahilan nun”, ang sabi ni Martin. Tumulo na lamang ang luha ni Collin sa kaniyang mga narinig.

“Collin, gusto ko lang malaman mo na hindi ko minahal si Karla, ginawa ko lamang ang bagay na iyon

dahil may dahilan ako”, ang sabi ni Mike habang hawak ang mga kamay ni Collin. “Dahilan?”, ang

tanong ng dalaga. “Oo, ayoko lang kasi masira ang magandang pagkakaibigan nating dalawa kaya

pinilit kong mahalin ang iba kesa ang mahalinn ka, mahal kasi kita Collin mahal na mahal”, ang

naiiyak na sabi ni Martin kay Collin. “

“Bakit....bakit ngayon mo lang sinabi ang lahat ng ito sa akin? bakit! bakit! alam mo ba kung anong

sakit ang pinagdaanan ko? halos mamatay na ako sa sobrang sakit na dinulot mo! tapos ano? ngayon

lalapit ka at sasabihin mo sa akin na mahal mo ako na minahal mo ako! Kung noon mo pa sana sinabi

ang mga ito e di sana noon pa tayo masaya, e di sana hindi nasayang ang lahat para sa ating dalawa”,

ang sabi ni Collin.

Napatigil ang dalawa sa pag-uusap ng mapansin nila si Mike na nakatingin sa kanila.

“Collin, pumasok na ako, nakita ko kasi yung pintuan na nakabukas pasensya ka na at hindi man

lang ako kumatok, sige na ipagpatuloy niyo na ang pinag-uusapan niyo mukhang naistorbo ko kayo”,

ang naiiyak na sabi ni Mike atsaka tumakbo papalabas. Susundan na siya ni Collin nang biglang

hinawakan ni Martin ang kaniyang kamay at pinigilan. “Bitawan mo ako, hayaan mo na ako gaya ng

pagpaparaya ko sa’yo ibigay mo naman sana ngayon sa akin ang kaligayahan na gusto ko”, ang sabi ni

Collin saka nagpumglas at tuluyan na nga niyang sinundan si Mike. Nagulat si Martin sa sinabi ni

Collin at wala na nga itong nagawa pa para pigilan ito. “Tama siya, dapat ko na nga siyang hayaan,

dapat ko na nga siguro ibigay ang kaligayahan na gusto niya”, ang umiiyak na sabi ni Martin.

Habang si Collin patuloy na hinahanap si Mike sa mga sandaling iyon, hanggang sa dinala siya ng

kanyang mga paa sa lugar kung nasaan si Mike. Nakita niya itong nakaupo, malungkot, at malayo

ang tingin nilapitan niya ito. Hinawakan niya ito sa balikat at tinabihan, tumingin sa kaniya si Mike

at bigla na lamang ito lumuha, niyakap siya ni Collin at hinawakan sa ulo sabay sabing..”tumahan ka

na, patawarin mo sana ako kung hindi ko nasabi agad ang lahat sa iyo pero pakinggan mo sana ang

sasabihin ko, sinundan kita kasi mas pinili kita. Pinili kita, kasi pinatunayan mo na hindi mo ako

sasaktan at pinakita mo sa akin kung gaano kasaya ang magmahal, oo Mike mahal din kita!”.Biglang

napatigil si Mike at napalitan ng ngiti ang malungkot na mukha nito. “Totoo ba ito? tama ba lahat ng

narinig ko?”, ang masayang sabi ni Mike. Tiningnan niya si Collin at saka nilapat ang mga labi nito sa

kaniya.

At sa may di kalayuan ay natatanaw sila ni Martin. Pinagmamasdan silang dalawa at ang sabi...

”sana ako ang yakap niya at hindi siya, sana ako na lang ulit ang mahal niya at hindi siya, at sana

hindi ako ang dapat magparaya kundi siya....... Sayang...Sayang...Sayang”.

*WAKAS*

No comments:

Post a Comment