Wednesday, April 13, 2011

Rosas-Ang Simbolo ng Pag-ibig by Shaina Marie B. Romero

Rosas-Ang Simbolo ng Pag-ibig by Shaina Marie B. Romero


Rosan

Prinsipe Paolo

Si Rosan ay isang pangit na dalaga na nakatira sa tabi malapit sa batis. Wala na siyang mga kasama sa buhay dahil ang kanyang mga magulang ay pumanaw na. ( Ayon sa sabi sabi kaya daw pangit ang dalaga dahil sinumpa ito ni Nana Stella dahil sa kasalanan ng mga magulang nito.) Mahilig si Rosan kumanta habang nananahi ng mga damit, ito lamang ang kanyang madalas gawin kapag tapos na ang kanyang mga gawaing bahay. Isang araw pauwi na patungong palasyo sila Prinsipe Paolo kasama ang ilan sa kanyang mga tauhan. Nahuli ang Prinsipe Paolo sa paglalakbay. Napatigil ito dahil may narinig siyang isang magandang boses na nang gagaling malapit sa batis. Sinundan niya ang magandang tinig. Ngunit bago pa niya ito matunton ay hinahanap na siya ng kanyang mga tauhan at sinabi “ Prinsipe paolo kanina pa naming kayo hinahanap san po ba kayo nagpunta? Tanong ng kanyang tauhan. “ Hindi ko alam?(Pagsagot ni Prinsipe Paolo na hindi alam ang nangyayari.) Sabi nalang ng tauhan “Tara na prinsipe at tayo’y mahuhuli na. at sila’y nagpatuloy na sa paglalakbay patungo na sa palasyo ng hari. Nang makarating na ng palasyo ay masayang nakita ang hari at ang prinsipe. “ Kay tagal na narin nating hindi nagkita anak sabi ng hari.” “ Oo nga ama napatagal kasi ang aking paglalakbat sa iba’t ibang lugar” sagot naman ng prinsipe. Mayamaya’y nagpahanda ma ang hari para sa kanilang pag sasalo-salo ng anak. Habang sila ay kumakain ay naikwento ng prinsipe sa hari ang mga nangyare sakanya sa kagubatan. ”Alam mo po ng ako’y nasa kagubatan patungo dito sa palasyo, ay may narinig akong isang magandang boses ng dalaga, ang kanyang mga tinig ay walang kaparehas! Sobra itong ganda. At ang prinsipe ay huminge ng pabor sa ama na magpahanda ng isang malaking pagsasalo-salo at imbitahan ang lahat ng mga dalaga sa lugar. At ang hari naman ay pumayag at inutusan na niya ang lahat ng kanyang mga tauhan na magpakalat na ng mga umbitasyon patungkol sa paligsahan sa pagkanta sa lahat ng mga kababaihan. Malalim na ang gabi at ang prinsipe ay hindi makatulog, naiisip niya kung sino ang nagmamay-ari ng magandang boses na iyon. Hindi na siya makapaghintay para sa malaking pagsasalo-salo na magaganap bukas. Dumating na ang pinakahihintay na araw ni Prinsipe Paolo. Maraming mga dalaga ang nagpunta, may mga magagarang suot at halos lahat ay magaganda at ang paligsahan sa pagkanta ay nagumpisa na. Kumanta na ang ibang mga dalaga ang prinsipe ay parang nawawalan na ng pag-asa mahanap ang dalagang iyon. At nang matapos na ang gabi ay walang mahiwagang tinig na yon. At ang pagbabasakali ay may pinatunguhan. Habang naglalakad ay narinig niya ulet ang mahiwang tinig. Sinundan niya ang tinig, hanggang marating na niya ang batis, doon ay nakita niya ang isang babaeng may mahabang buhok at ito ay kumakanta ng isang magandang kanta. Pinuntahan niya ang babae sa may batis, at ng marating na niya ang batis ay nilapitan na niya ang babae nang nakita na niya ang babae ay hindi man lang siya natakot sa itsura ng babae kahit na sobang panget niya, ngunit ang dalaga ay natakot kaya ito ay tumakbo papalayo, at sinubukan itong habulin ng prinsipe ngunit hindi na niya ito nahabol. At ang prinsipe ay umuwi na ng may ngiti sa labi at sinabi sa hari ang nangyari. At sa kagubatan ay muli silang nagkita, ang dalaga ay hindi na muli natakot sa prinsipe. At nagkasama na silang dalawa at sila ay nagtungo na sa palasyo para ipakilala na si Rosan sa kanyang ama. At sinabi na ni Prinsipe Paolo na magpapakasal sila ni Rosan ngunit ang hari ay tumutol sa kanilang pagpapakasal. Pinalayas ng hari si Rosan. Walang nagawa at umalis ng umiiyak si Rosan at Walang magawa din ang prinsipe dahil hawak hawak siya ng mga tauhan ng hari. SInabihan ng hari na wag ng makalabas-labas ng palasyo si Prinsipe Paolo. Siya ay naghanap ng paraan para makalabas ng palasyo at puntahan si Rosan sa may kagubatan. Nang malalim na ang gabi ay patakas na umalis ng palasyo si prinsipe paolo at pinuntahan na si rosan. At naisip nila na ipaglaban nila ang kanilang pagmamahal ilang beses man sila paghiwalayin ng hari ay gumagawa parin sila ng paraan para magkita. At ang hari ay wala ng magawa pinaglaban nila ang kanilang pagmamahalan. Sila ay nagpakasal at sila ay tumira na sa palasyo kasama ang kanilang mga naging anak, at ang sumpa kay Rosan ay nawala na at siya’y naging maganda na at sila’y nagsama na nag maligaya.

No comments:

Post a Comment