Tuesday, June 8, 2010
Maling Akala by Audeza Tiosen
Lahat ng tao ay nagkakamali. Hindi natin sinasadyang makagawa ng maling bagay. Ngunit naranasan mo na bang magkamali at hindi mo pinagsisihan ang nagawa mo? At imbis na pagsisihan, ay ito pa ang nakapagpabago ng buhay mo at nakapagpasaya sayo, at higit sa lahat ay nakatagpo ka pa ng bagay na pwede mo ng ariin sayo habang-buhay at ang lahat ng ito ay dahil lang sa mali mong akala.
"Bestie! dito lan ako mlapet sa skul, sa tpat ng lage ateng pnagkkainan? mkkipagkita lan ako kay Josh! excited na nga ko e. osige text na lan kita maya uh? mua! :*" natanggap na mensahe ni Trish galing sa kaniyang matalik na kaibigan na si Eunice. Napabuntong hininga na lamang siya dahil makikipagkita na naman ito sa kasintahan niyang alam niyang playboy ngunit hindi naman yun pinapaniwalaan ni Eunice. Hindi naman niya masisi ito dahil yun lang ang nagpapasaya sa kaniyang matalik na kaibigan.
Ilang sandali pa at biglang tumawag si Eunice, sinagot niya ito ngunit wala namang nagsasalita sa kabilang linya. Maliban na lamang sa naririnig niyang ilang hikbi mula rito. Nagalala siya sa kaniyang kaibigan kaya minabuti niyang puntahan na lamang ito, isa lang ang nasa isip niya. Panigurado, naloko na naman ang bestfriend ko! nagmadali siyang umalis at pinuntahan ang kaibigan. Nang makarating na siya ay hinanap niya ito ngunit hindi niya ito makita. "Nasan ka na ba Eunice?! Baka napano na yun, kase naman e! Di pa ren nadadala hanggang ngayon" bulong ni Trish sa sarili, habang palinga-linga upang hanapin ang kaibigan. Maya maya ay may narinig siyang humihikbi, nang napagtanto niya kung nasan ito ay napalingon siya rito, at laking gulat niya ng makita niya si eunice na umiiyak at nakaupo sa bench. Dagli niyang pinuntahan ang kaibigan at pinatahan. "Hala! Anong nangyari Best?! Sino may gawa nito sayo?! Sabihin mo sakin sino? humanda sakin yun!" itinuro naman ito ni Eunice ngunit nakabaon pa rin ang mukha nito sa kaniyang kamay dahil sa di matigil niyang pag-iyak. nilingon naman ito ni Trish at ang kumuha ng atensyon niya ay isang kotse na papaalis at pagawi na sa kalsada. "So, eto nga siguro yung nagpaiyak sa Bestie ko! humanda ka saken ngayon! porket me kotse ka at mukang mayaman? sus! di ko to papalampasin!" wika ni Eunice sa kaniyang sarili at gumawi na sa kalsada upang harangin ang kotseng paparating. Napatigil naman si Eunice sa pag-iyak dahil nabahala siya kung ano ang gagawin ni Trish. Hinarang ni Trish ang kotseng pagawi na sa kalsada. Kaya naman huminto ang kotse sa tapat niya at lakas loob na pinuntahan ang nagmamaneho nito. "Hoy! ang kapal naman ng mukha mong paiyaken tong kaibigan ko?! Baket?! Ano bang ginawa niya sayong masama?! Ha?!" lumingon naman ang binatang nasa loob ng kotse. "What are you talking about? Are you crazy?" wika ng binata kay Trish. "Crazy?! wag mo nga kong maenglish english dian at baka pasabugin ko yang nguso mo!" gigil na gigil na wika ni Trish sa lalake. "Trish, Tama na! Hin-" di na naituloy ni Eunice ang sinasabe niya dahil biglang nagsalita ang kaibigan. "Anong tama na?! matapos ka niyang paiyaken?! managot siya sa ginawa niya!"
"what?! pinaiyak? miss pakipaliwanag nga kung ano ang sinasabe ng baliw na to?" Nakatingin ito kay Eunice at ang tinutukoy nito ay si Trish. "A, e. sorry po-" hiyang hiya na humingi ng paumanhin si Eunice sa lalake. "Sorry?! Best! baket ka nagsosorry sa kaniya?! ikaw na nga yung naagrab-" biglang natahimiek si Trish dahil halos pasigaw ang mga sumunod na sinabe ni Eunice. "Pwede ba Trish! manahimek ka muna sandali? ahm, kuya sorry po talaga. Sensya po sa istorbo. " biglang hinila ni Eunice ang kaibigan sa gilid ng kalsada at mahinahong kinausap ito. Napangisi naman ang binata at pinaharurot na ang kotse. "Teka! Sandali! Adik yun uh?! tinakasan ako! kaw naman kse e. Ang tanga tanga mo!" panenermon ni Trish sa kaibigan. "Okey lang maging tanga. Wag lang gumawa ng iskandalo, nababaliw ka na?! Bakit ayaw mong makinig sakin kanina?! Hindi siya yung lalakeng nagpaiyak saken! Di ko siya kilala. Okey? Kaya nga hiyang hiya na ko sa kaniya nung huminge ako ng sorry e. Kase mali ka ng sinabihan mo!" wika ni Eunice sa kaibigan, napalunok na lamang si Trish sa narinig. "m-mali? ibig sabihin h-hndi siya yung lalakeng nagpaiyak sayo? Ano ka ba naman Eunice! Baket ngayon mo lang sinabe?! Nakakahiya dun sa tao e." batok ang sinagot ni Eunice dito. Kaya naman napakamot na lamang siya. "Baket ngayon ko lang sinabe? e kase naman di na matigil yang bunganga mo kakasalita kanina. alam mo? Nakakatawa ka kanina, ang galing mo uh? napatawa mo ko. Hahaha!" pang-aasar ni Eunice sa kaibigan. "Amp! So, natuwa ka pa uh? Nakakahiya! urgh! halika na nga! late na tayo neto sa kagagawan mo e!" asar na asar si Trish dahil nagawa pa ni Eunice na pagtawanan siya sa kabila ng pagtatanggol niya dito ngunit siya ay nagkamali ng akala.
Nakailang beses ng hikab si Trish. Wala pa rin ang kanilang professor. nawala na lang ang kaniyang antok na biglang pumasok na ang kaniyang prof. at nakita niyang may isang lalakeng nakasunod dito. "Class! gusto kong ipalam sa inyo na magkakaron kayo ng panibagong kaklase, Siya ay si Earl Angeles. Sana'y maging maayos ang pakikitungo niyo sa kaniya. Okey? Mr. Angeles maaari ka ng umupo dun sa bakanteng silya sa likuran." Laking gulat na lamang ni Trish ng mapagtanto niya kung sino ang binatang tinutukoy ng kaniyang guro. Bigla niyang naalala ang nagawang kahihiyan kanina. siya yun! di ako nagkakamali! ayt! nakakahiya. Dito pa siya sa tabi ko uupo. tsk!Hindi alam ni Trish ang gagawin. Wala siyang mukang maihaharap dito, matapos siyang maghesterikal sa harap nito. Nang papalapit na ito ay itinakip na lamang niya ng kaniyang mga palad ang kaniyang mukha. Naramdaman niyang umupo na ito sa tabi niya. Kinakabahan siya. Di niya alam kung bakit siguro ay dahil sa ginawa niya kanina. Pero naisip niya tao lang siya at nagkakamali din. Lakas loob siyang ngumiti dito at halata namang nabigla ang binata ng makita siya. "Dapat di ako pinaupo dito. tsk, baka mahawa ako sa kabaliwan ng isang to" pabulong lang iyon pero narinig pa rin ni Trish ang sinabi nito. "teka? anong sabi mo? baliw?!" maypagkainis na sambit ito ni Trish sa katabi. "Di ka lang pala baliw. bingi pa. kelangan ko pang ulitin?" urgh! nangaasar pa! humanda ka saken. bwiset.Halos gusto na niyang sumpain ang katabi, dahil isa ito sa mga taong malakas ang loob na sabihan siya ng mga ganung bagay. Pero mas pinili na lang niyang kumalma at wag ng pansinin ang mga sinabi nito.
"Grabe no? ang pogi talaga ni Earl. Naku!" wika ni Lala. Isa sa kanilang mga kaklase. "Pogi nga. Nakakabwiset naman!" sagot ni Trish sa kasama. "Baket naman? Muka namang mabaet e." Napabuntong-hininga siya bago niya sinagot ang tanong nito. "Basta! Nakakairita siya. Nakakaasar. Nakakasuklam! Bwiset sa buhay. Kala mo kung sino. Hmp!" kitang-kita sa mga mata ni Trish ang pagkainis sa lalaki. Ngunit, napangiti lang ang kaniyang kasama sa kaniyang mga sinabi. "O? Baket ngingiti-ngiti ka dian? Me nakakatawa ba sa sinabe ko? Hay. Kung alam mo lang. Nakakainis talaga siya!" Mas lalong napangiti si Lala sa mga sinabi ni Trish. "Alam mo kase. The more you hate, The more you love. Hahaha," Napakunot naman ang noo ni Trish sa sinabi ng kaibigan. "Yay! Hindi yun totoo no! Pano naman ako maiinlove dun e nakakaasar kaya pag-uugali niya. Hay naku! Halika na nga at baka hinihintay na tayo ni Eunice dun." Pag-aaya niya sa kasama at binalewala na lang niya ang sinabi nito sa kaniya.
Ilang araw ng lumipas at mas lalo niyang kinasusuklaman ang katabi. Minsan nga nagkalaban sila sa isang debate at hindi niya hinayaang matalo siya nito. Lagi silang nagkakalaban sa lahat ng bagay. Minsan pa nga ay inaasar na sila ng kanilang mga kaklase pero binabalewala lang niya ang mga ito. Hanggang sa maipatner siya dito para sa isang project na kailangan nilang gawin ng ilang araw. Noong mga unang araw ay hindi pa rin palagay ang loob niya dito. Ngunit ng magkasama na sila ng sumunod pang mga araw at napagtanto niyang mabait din pala ito at nakakatuwang kasama. At di niya inaasahang mahulog ang loob niya dito. Mabilis ang mga pangyayari, nang nakaraan lang ay inis na inis siya dito ngunit habang tumatagal na magkasama sila ay mas nakikilala niya pa ito ng lubusan at mas lalong nahuhulog ang loob niya dito.
"O, nandito na yun reque-" Hindi na naituloy ni Earl ang pagsasalita dahil pagkabukas niya ng pinto ay nakita niyang nakatulog na si Trish sa lamesa. Siguro ay sa pagod dahil sa tinatapos nilang project. Dahan-dahan na lamang niyang inilapag ang kaniyang dalang pagkain sa mesa. At umupo sa tabi nito. Nakangiti siya habang tinititigan ang natutulog na dalaga. "Kung alam mo lang kung ano nagpapasaya sakin ngayon.." malumanay na ibinulong ni Earl sa kaniyang sarili habang hinahawi ang buhok nitong nagtatakip sa kaniyang mata. Inilapit niya ang kaniyang sarili at tinangka niyang hagkan ito sa noo nang hindi niya sinasadyang masagi ang basong nasa kaniyang tabi, nabasag ito at yun ang dahilan ng pagkagising ni Trish. Nabigla naman si Earl at hindi na alam ang gagawin. Napansin kaya ni Trish ang sobrang pagkakalapit niya dito? Naalarma na lang siya nang nagsalita ang dalaga. "Nakatulog pala ko. Ay anong nangyari?" Ang tinutukoy nito ay ang nabasag na baso sa lapag. "A, e. Nasagi ko lang. Am. Sige, gusto mo magpahinga ka na muna sa kama tapos aayusin ko na to." Ngiti lamang ang isinagot ni Trish dito at humarap na sa laptop upang ipagpatuloy ang ginagawa. Agad namang nilinis ni Earl ang lapag at napabuntung hininga na lamang pagkalabas ng pinto. Napalingon dito si Trish at ipinagpatuloy nang muli ang ginagawa.
Hindi pa bumabalik si Earl matapos nitong lumabas. Inakala na lang ni Trish na bussy ito at may ibang ginagawa. Natapos na niya ang mga dapat tapusin para sa kanilang proyekto. Naiclose na niya ang IE at nakita ang nakadisplay na desktop sa laptop nito. Isang picture, Si Earl at may kasama siyang babae. Pamilyar ang magandang muka nito ngunit hindi niya alam kung san niya ito nakita. Bigla na lamang siya nalungkot. Naisip niyang ito ay ang girlfriend ni Earl. Nawalan siya ng pag-asa para dito. Napabuntong-hininga na lamang siya at naisipang umuwi na dahil tapos na rin naman siya sa mga gawain at ang iba ay si Earl na ang gagawa. Tinungo niya ang pinto at bumaba ng hagdan hinanap ng kaniyang mga mata si Earl at nakita naman niya ito sa kusina may kausap sa cellphone. Napahinto siya bigla ng di sadyang marinig ang usapan nito. "Hm, pag pumunta ko dyan magdadala ako ng chocolates para sayo. I cant wait to see you.. Miss you so much. Love you baby." Nakangiting pinindot ang cellphone. Hudyat na ito ng pagtatapos na usapan. Nung una ay di nakapagsalita si Trish. Nang napansin na lamang ni Earl na nandito na pala ito, Ay agad na nagpaalam si Trish at nagmamadaling umalis. Nagalala bigla si Earl kung bakit ganun ang ikinilos ni Trish, nagbalak siyang habulin ito ngunit inisip niyang gabi na rin at kailangan ng umuwi ng dalaga.
Nagmamadaling umalis si Trish. Siguro ay dahil sa ayaw niyang ipakita dito na nasaktan siya sa kaniyang mga narinig. Tama nga ang hinila niya na may girlfriend ito. At ang kausap nito kanina ay ang babaeng nasa kaniyang wallpaper sa laptop nito. Nasaktan siya ng malaman at makompirmado ito. Di na niya kailangang magtanong sa binata dahil sapat na ang nakita niya at ang mga narinig. Naisip niyang iwasan na lang si Earl para naman mabawasan ang sakit na nadarama niya at para makalimutan na din ang nararamdaman niya para dito. Yun lang ang tanging solusyon na maaari niyang gawin. Tutal tapos na rin naman ang ginawa nilang proyekto at wala ng dahilan para lumapit pa siya dito. Tuluyan ng nawala ang pag-asa niya at nalulungkot din sa binabalak niyang gawin. Ngunit kung ipagpapatuloy pa niya ang paglapit dito ay mas lalo siyang masasaktan. Kaya kinumbinsi niya ang sarili na ito ang nakakabuti para sa kaniya, at para na rin kay Earl. Biglang umihip ang malakas na hangin. Napatingin siya sa mga ulap at nakitang walang mga bituin, nababalutan ng makakapal na ulap. Nagbabadyang umulan. Mukang dadamayan pa siya sa nadarama niyang sakit.
Ilang araw ang lumipas at pinanindigan na nga ni Trish ang kaniyang naisipang desisyon. Ang umiwas kay Earl. At dahil nga close sila ng binata ay di nakaligtas ito kay Earl napansin niya ito nung matapos ang insidente sa kaniyang bahay. Inisip niya na may problema lang si Trish at kailangang makapagisip-isip, ngunit ng mapansin niyang sa kaniya lamang ito umiiwas ay minabuti niyang kausapin ito. Ngunit lagi naman siyang bussy ng mga nakaraang araw. Kaya naman ipinangako niya sa sarili na hindi lilipas ang araw na ito na hindi sila nagkakaayos ng dalaga.
Nang magbell na ay hudyat na ito ng kanilang uwian. Nagmamadaling inayos ni Trish ang mga gamit ng sa gayon ay hindi siya maabutan ni Earl. Ngunit bigla siyang napahinto sa ginagawa ng biglang may humawak sa kaniyang mga braso. Si Earl. Seryosong nakatitig sa kaniya, may pagtatanong sa mga mata nito. "Sorry, pero kailangan ko ng umalis." Mas lalong hinigpitan ni Earl ang pagkakahawak niya dito. "Gusto kitang makausap kahit sandali lang." Desperadong malaman ang mga kasagutan. Alam na ni Trish kung ano ang paguusapan nilang dalawa. Ang pag-iwas niya dito. At hindi niya alam kung anong sagot ang hahagilapin niya, dahil kung sasabihin man niya ang totoo ay malalaman na rin nito ang tunay niyang nararamdam para sa binata. "Bakit ka ba umiiwas sakin? Ano bang problema?" Silang dalawa na lang ang nasa room. At ngayon nakatitig sa kaniya si Earl naghihintay ng kaniyang kasagutan. "Di mo magugustuhan ang isasagot ko. Kaya mas mabuti nang wag mo ng alamin. " Nagtangka siyang umalis ngunit pinigilan siyang muli ni Earl. "Gusto kong malaman ngayon." Napalunok na lamang si Trish dahil muka talagang seryoso ito at wala naman na siyang magagawa kundi sabihin ang totoo. Bahala na. Yun na lang tumatakbo sa isip niya ngayon. Tatanggapin niya kung ano man ang maging consenquence sa gagawin niya dahil siya rin naman ang may gawa nun. "B-bat di mo sinabing may girlfriend ka na pala?" Kulang na lang ay manginig siya sa sinabi. Kinakabahan kung ano ang maaaring isagot ng binata. Bigla namang napakunot ang noo ni Earl sa narinig. "Girlfriend?" sagot na may tonong pagtatanong. "Oo. Girlfriend! dba?! Yung nasa wallpaper mo sa laptop. Tapos yung kausap mo pa sa cp mo. Girlfriend mo yun dba?!" Napahinto si Earl at napaisip. Bigla na lamang natawa. Napakunot naman ang noo ni Trish sa naging reaksyon ng binata. May nakakatawa ba sa sinabi niya? At nakuha pa ni Earl na tumawa na kanina lamang ay seryosong-seryoso. "Girlfriend?" Nakangisi pa rin. "Girlfriend ko yung babaeng kasama ko sa may wallpaper? o c'mon Trish! Kung iniisip mo na girlfriend ko yun nagkakamali ka. Sister ko yun, di mo ba napansin yung mga pictures namen sa sala? Kaya yun ang napili ko kase sobrang miss ko na si ate. Nasa ibang bansa siya. At yung sinasabi mong kausap ko sa phone?" Huminto ngunit nakangiti pa rin habang nagpapaliwanag. Ngayon, unti-unti ng naliliwanagan si Trish. Kaya pala pamilyar ang muka nito ay dahil nakita na rin niya ito sa ibang pictures. Nanatili siyang nakatitig kay Earl habang nakikinig dito. "Anak niya yun. Si Princess. Baby ang tawag namin sa kaniya. Hm. Naipaliwanag ko na ba ng maayos ang lahat?" Nakatulala lang si Trish. Nagsisimulang mamula ang mga pisngi. Nagkamali na naman siya. Hindi niya alam ang isasagot. Napangiti si Earl. "Baket?! ngingiti-ngiti ka dyan?! Akala mo nakakatuwa? Hmp! Matapos mo kong pahirapan." bulong na lamang ang mga huling sinabi ni Trish. Mas lalong lumuwag ang mga ngiti ni Earl. "Hm. Bakit ka nagkakaganyan? Inlove ka sakin no! Haay. I knew it from the start. Nung sinigawan mo ko at sinisi mo ko sa lahat.. Hanggang ngayon." Hindi alam ni Trish kung ano ang dapat na gagawin sa harap ng binata ngayong alam na nito ang nararamdaman niya para rito. "Inlove?! Hmp! Akala mo madali yung ginawa kong pag-iwas sayo! Hm.. Pero siguro dapat na kong masanay dahil alam ko pagtapos ng usapan na to iiwasan mo na rin ako dahil sa nalaman mo. Kaya, sorry kung naabala kita. Hayaan mo di na kita uli pagiisipan ng kung ano-ano. Di na ko magkakama-" Hindi na naituloy ang sinasabi niya dahil naramdaman na lamang niya ang mainit na katawan nito dahil sa biglaan nitong pagkayakap sa kaniya. Napahinto naman siya. At naramdaman na lamang niya ang hininga nito mlapit sa kaniyang tainga. "Sshh. Dont worry. I feel the same way too." Malumanay at kalmadong isinambit ni Earl ito sa dalaga. Di naman makapaniwala si Trish sa narinig. Nakatulala lang siya. Di alam ang sasabihin. At kung may sasabihin man siya ay siguradong hindi niya kayang bigkasin ito dahil kahit buka lamang ng bibig ay di niya magawa. Lumuwag ang pagkakayakap sa kaniya ni Earl at hinaplos ang kaniyang namumulang mga pisngi. Hanggang sa unti-unting palapit ang mga labi nito sa kaniyang labi. Napapikit siya, handa ng salubungin ang mga labi nito. Hinagkan siya nito. At may ibinulong sa kaniya. "i love you.. Nung una pa lang tayo nagkita. Alam ko ng may kakaiba akong naramdaman sayo. Kahit ilang beses mo kong sigawan. Ang cute mo kapag asar-talo ka sakin. Mas lalo akong naiinlove sayo.." Nakatitig sa kaniya si Earl. Sincere ang pagkakasabi niya dito. Napangiti siya. Gusto niya ang ganung pakiramdam at kung pwede lang ay ayaw niya itong matapos. "I love you then." Yun na lamang ang tanging nasabi niya. "Then?" Naghihintay pa na may idudugtong pa si Trish sa sinabi niya. "Then.. Pakidala na ang gamit ko. At umuwi na tayo! Halika na. Tayo na lang ata nandito." kumalas si Trish sa pagkakayakap sa kaniya ni Earl at kinuha na ang mga gamit at binigay kay Earl. Sinadya niyang ibinigay ang lahat dito at patakbong tumakbo ng room. "Hoy! Teka. Boyfriend mo ako at hindi alalay!" wika ni Earl sa kaniya, dala dala pa rin ang mga gamit. "Boyfriend? Di pa kita sinasagot no! Habulin mo muna ko. Haha!" Isang pilyong ngiti ang pinakita ni Trish dito. Sa pagkakataong ito masaya siya. May mga natutuhan siyang ilang bagay dito. Wag muna magpapaniwala hanggat hindi pa nakukumpirmado kung totoo nga ba ito. Siguraduhing tama ang napiling estranghero na sisigawan dahil lamang inakala na ito ang nagpaiyak sa kaibigan. At higit sa lahat hindi siya nagsisi na nangyari ang lahat ng ito dahil hindi nila malalaman ang tunay nilang nararamdaman kung hindi dahil sa MALING AKALA.
THE END.
(:
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment